Friday, January 27, 2012

kailangan ko ng headset!!



Owlord Jesus mary! Maaga ako sa office kanina than the usual (lagi kasi ako late eh!! Hahaha) maganda ang panahon, medyo maulan (ohh sendong pls wag ka ng bumalik!) kaso when I got into the office umulan ng mga bunganga naman!! At ikwento ko anong nangyari, ipagdasal ko na masummarize ko lahat. Hahaha

Putak ng putak ang isa kong kasama dahil sa overtime (may overtime dahil sa sendong lels!!) dahil ayaw  niyang magbawas ng kahit konti para ibigay sa nagttrabaho ng mga payroll namin, at madaming reasons na binigay niya, noted naman talaga siyang may hokos pokos dito sa opisina pero kebs ang lahat ng tao dito dahil kami nalang ang nahihiya para sa kanya. Siya ang laging naghahabol sa pera, minsan na niya akong niloko, ilang beses nangungutang pero hindi marunong magbayad kaya ngayon NO WAY akong magpautang sa kanya kahit bente pinagdadamot ko talaga!! Hahaha

Alam kong madaming kababalaghan nangyayari dito sa office namin mula nong siya ang may hawak ng mga stocks sa opisina, no say nalang ako kasi ako ang pinakabata dito at ayokong irisk ang aking values baka diko mapigilan mawala ako sa sarili ko at magfeeling feelingan na tama ako!! Shet!!
  
So back sa topic, galit na galit sya, ingay2x niya, paulit-ulit walang katapusan ang sinasabi so ako nagtimpi ako, ng nakalabas siya, sumigaw lang ako to release my stress at natawa ang boss ko so sabi ko  "I NEED A HEADSET!! ang ingay eh!!," na-istress ako sa kanya!! Punyetas niya!! Dahil madami siyang ginagawang kalokohan takot syang balikan nito, minumulto na siya, mukha na siyang lola na nasa 40s pa naman sana ang age niya (manlait na ako talaga, galit ako eh!! Hahaha) yan ang sinasabi ng matatanda na kahit anong sikap gawin mo kung sa masama naman galing ang pera, hindi ka rin aasenso which is happening to her 6 years ago na ganon at ganon pa rin hindi siya umuusad, tumanda nalang ako ng slight dito sa office, ganon pa rin sya!! hahaha

Araw2x na lang kasi ginawa ni lord na sobrang ingay niya, laging galit na wala namang dahilan kaya bumili ako ng headset para through my action, maipahiwatig ko sa kanya na I am not interested sa kanyang pagbubunganga!! Wala akong pakialam sa overtime (maliit kasi ang ot ko dahil siya lang naghokos pokos na maglagay, sa kanya ang malaki, kapal ng mukha!!) sa kanila baka mas need niya ng lalaki niya!! Oo kahit lola ang mukha niya kumikiringking pa rin siya sa iba!!! Futa!! Hahaha siya na!! siya na ang may bonggang buhay!!

Ako ang taong di nakikialam, kaya kong di makipagusap dito sa opisina basta nakaonline lang ako tahimik na ang buhay ko, as I’ve said the same sa mga previous post ko, simply lang ang buhay ko, tahimik ako at di ako madaldal, di ako nakikichismis as much as possible sa mga kaopisina ko, pag may narinig ako hindi ko na ito sinasabi sa iba para hindi mapagsimulan ng gulo, at contento na ako sa buhay ko.

Happy ako to have my new headset para lang masabi ko dito sa opisina na ang ingay niyo!!! Hahaha I ate sundae na rin sa Jollibee to relieve my stress and its working!! Kalahati pa lang ng araw ko yan ha!!! Hahaha 

kayo ang pinagpala (bitter bitteran)


Super inggit na ako sa inyo that you are enjoying commenting on your reply button using the new feature ng blogspot. Still my problem previous na hindi ko mapindot ang reply button yon pa rin ang problema ko. Napipindot niyo pero ako hindi gumagana, sinumpa na ako ng google chrome at Mozilla firefox – parang nagusap sila na walang laglagan!

I already changed my background, back to the basic na nga ako, walang arte, walang arteng color, ganon pa rin. Many helped me what to do pero still the same, I followed the right settings para gumana pero wala pa rin. Shet!! Hahaha I don’t know what to do. Pahirap sa layp!! Super inggit na ako kasi automatic na nakakapagreply kayo pero ako hindi! Hindi at never ng mangyari!! Hahaha owww mah lord!!

ngayon nagbitter bitteran na ako sa mga pangyayari!! hahaha echos!! 


Thursday, January 26, 2012

churbabels eklavuh



Hindi ko pa magawang gumala ng gumala sa mga blog ninyo pero once na makabawi ako asahang magkakalat na naman ako. Approaching na kasi ang midterm at patayan na sa mga requirements at may agency visit pa kami sa mga institution ng mga mentally ill at sa mga drug rehabilitation. Echos!! Student na student lang ako ngayon!! I will take my leave sa January 31 kasi yan ang araw ng visit2x namin. Gustohin ko mang magkwento at magbiro about sa kanila pero dahil ang sabi sa amin ang isang tao may worth at dignity kaya rerespetohin ko muna yan sa pagkakataong ito!! Hahaha

Hindi ko pa rin mapigilan ang pagbasa ng mga updates sa mga blog niyo kasi parang ito na ang nagbibigay lakas sa akin ngayon para magblog pa ng magblog at kayo ang naging inspirasyon ko kung bakit araw2x ginugusto kong magupdate as much as possible!! CHARS!! Hahaha natutuwa ako kapag nagbebeep ang aking  yahoo messenger na may mail na dumating galing sa blogspot na nagsasabing may nagcomment sa post ko. Echos!!

Natutuwa ako sa mga top commenters ko na kahit hindi mahaba angsinasabi basta lang makapagcomment at Makita lang na chumichikmakz siya sa kahit saang blog, ayos pa rin kasi dahil dyan mas lalo kitang nakilala at natutuwa ako lalo for reading more about your updates!! Chee!! Hahaha

Ito panalo na naman ako dahil sa inyo, salamat sa mga nagcomment ng walang sawang nakikiemphatize sa blog ko. Lol ito nageffort ako!! haha

Kuya Rencee (Making a difference at Soltero)
Jay (Jay Rulez)
Talinggaw (I am Talinggaw)
Eoz (BlogEoz)
Kiks (kiks 2.0)

as of 8:52 am - di pa ako tapos, madami pa to. i need to go muna kasi may appointment ako for interview ngayon sa medical social services ng NMMC kaya later tapusin ko muna. magpakabayani muna ako! hahaha maya2x.

PART 2 - starting time 8:44am January 27, 2012


hindi ko natapos kagabi ang blog kasi dumaldal lang ako and hindi ako tinamaan ng sipag din. so ito ngayon pilitin kong taposin kasi mag-aral pa ako maya2x at gagawa pa ako ng certificate para sa January 31 na agency visit namin.


so to continue my effort para magthank you sa mga naunang nagcomment ito na sila chan-daran-dan...


jhengpot (Heaven Knows)
Maricel (CareerMomOnline)
Myke (Show me your look today and The pinoy wanderer)
Menchie Anne (Smoochy Blue)
Sendo (Senderero)
Lili (Thinking out Loud)
Shenanigans (This is who i am)
haze (Moon Lore)
T.R.Aurelius (Theo's Casanova)
Lizzie (Pink and Convergence Zone)
Irish (d' explorer)
Virgo (The adventures of a virgo guy)
Nikka (Econnoisseur fashion)


natapos ng 9:49 am, hahaha halos 1 hour ang second batch, dumaldal pa kasi ako, i am informing everyone for plugging. salamat sa inyong mga comment at magkikita kita pa rin tayo dahil hindi pa natatapos ang kwento ko dito, marami pang darating! 

Wednesday, January 25, 2012

Kinarer ang pasasalamat at nag-plug na rin ako!!


Thanks to SEY for helping me solve my problem sa reply2x button ko na yan!! Hahaha at sa wakas na solve niya na hindi gumagana sa chrome but sa Mozilla firefox lang pala pwedi. Though hindi ko pa nasubokan gumamit ng Mozilla dahil kailangan ito ng confirmation sa usb plug-in number ko kasi yon ang nilagay kong number para sa any confirmation. Nasa opisina kasi ako ngayon at hindi ko nadala ang plug-in kaya mayang gabi ko nalang tingnan. Malamang tama na sa Mozilla firefox lang gumagana ang reply2x button na yan. Hahaha lately  naging pahirap sa akin ang bagong reply button dahil sa pagigin inggitera ko ayan tuloy!! Hahaha

I made this post to thank again sa pagbigay ng effort sa concern ko about sa bagong feature ng blogspot, special mention to of course si SEY (14th street), Kuya Rencee (Making a difference at Soltero), Virgo (The adventures of a virgo guy), Jhengpot (Heaven Knows), Michael (Thepinoy wanderer), si Mayen (clicks and cuts) na kaparehas kami ng mundo na gingalawan, si kikomaxx (kaeplan ni kiko), si haze, at si Ile (A hint ofsunlight), si leah (I am super leah), at kinarir ko ang mag plug!! hahaha sa iba pang hindi ko na nagawang malagay pa dahil ngayon minamadali ako ng mga assignments ko nakatambak!! Haha shet no!! busy ng buhay ko!! Punyets!!

Salamat sa mga dumalaw sa aking bahay, pagkatapos ng mga assignment ko asahang gagala na naman ako sa inyong mga blog at makikigulo na naman ako, na-aadict na akong chumikzmaks sa blogsphere parang drugs ko na ata to dahil hindi complete ang araw ko kapag di ako nakikialam sa mga buhay2x niyo hahaha!! Ito ang tinawag ng instructor ko na emphaty meaning alam ko at nakikialam ako sa buhay niyo!! Hahaha ang sympathy naman daw ay nakikiramay ka pero hindi ka nakikialam. Lels!! May natutunan pala din ako!! Hahaha

Kailangan ko na talaga gawin ang assignment ko or tutunganga nalang ako mayang 4pm sa clase ko. I need to take interview also sa mga social workers who worked in the field for almost 20 years kung nagagamit pa ba nila ang mga principles na tinuro sa kanila, sa totoo lang the way I see it here sa opis, isang malaking HINDI na!! hahaha

Sa susunod ulit kasi busy busyhan muna ako ngayon, magpapaka-emplyado at estudyante muna ako. Lels!! Salamat ulit to all bloggers na dumaan at nakiki-emphatize sa blog ko!! Hehehehe 

Monday, January 23, 2012

napunta na sa valentines day, ang aga!


Malapit na akong ma-badtrip sa aking settings sa blog. Ang ibang bloggers enjoy na enjoy na nila ang pagpipindot ng reply sa comment nila samantalang ako hindi ko mapindot, ayaw magload. I already asked kuya renceeabout it, si sey, si virgo si jhengpot at talagang nadadamay ko sila sa pagkabognot ko dahil ginawa ko naman ang sabi ni blogspot sa settings upang gumana ang reply2x na yan pero ayaw talaga, hindi ko alam ano pa ba ang dapat gawin para matikman ko naman ang sa kasiyahan sa pagreply sa mga comment niyo.

Naghahanap pa rin ako ng solution hanggang ngayon. Sana merong makatulong sa akin.

Sa ibang usapan, maagang valentines dito sa blog ko, may ek2x petals ng nahuhulog. Natuwa lang ako kaya nilagay ko yan galing sa blogmation.com. usapang valentines naman, maswerte ang mga tao na hindi sasali sa firing squad ngayong darating na February 14. Sa walang mga date, pwede naman natin icelebrate ang valentines day na kasama ang pamilya at mga piling kaibigan. Hindi naman siguro ibig sabihin that because it is Valentine ’s Day we are oblige to have a date just to tell the world na IN tayo sa araw na yan. (bias ako!! Kebs na dyan!! Hahaha) sa ngayon, I still have no plans for that day, Tuesday yan so definitely may klase ako!! Busy ang buhay ko kasi may trabaho din ako!! Hahaha

Ibang tao magsasaya sa araw na yan kasi malamang may mga bandila na baba!! at asahan ang September babies para sa pre-mature labor at November para sa mga normal delivery naman!! Sa araw na yan, ang egg cell at sperm cell ay may parteh2x!! Go!! yes nalang!!!

At saka nalang natin pag-usapan ang plano ko that day pag one week nalang kasi sa ngayon, super Malabo pa!! lels!!

Sunday, January 22, 2012

pangyayaring asahan natin minsan


Ngayon lang ako mabubuhay ulit sa blogsphere. Dahil sa pagod ko kahapon, galing klase at nagpizza parteh kami, sinulit ko ang buong araw makapagpahinga total bukas wala naman pasok dahil holiday. Gumigising lang ako para kumain at tulog ulit. Baboy!! Hahaha ano naman talagang bumawi ako ng tulog at pahinga kasi matagalan na naman magkaron ng long weekend, sabay madami pang gagawing assignments ngayon. Bukas sisimulan ko ng isa-isahin ang naiwan na trabaho para hindi ako magmamadali sa Tuesday.

Malapit na rin ang midterms and I need to prepare more this time para hindi ma-disappoint pag dating ng result sa exam. haha it’s already a great opportunity na sa akin to go to school again kasi may experience na ako at applicable lahat, vice versa kung baga kasi after school I could apply it right away sa trabaho what I have learned. though honestly now, I have confusion already, madaming nagbago, madami akong nakitang mali at inisa-isa ko para I could cope uo the with situations, I know I need to seek professional help para maintindihan ko rin ang mga nangyayari sa akin. Hindi naman ako mentally ill or may problema sa pagiisip only that there will be a time sa buhay natin na nagugulohan tayo at normal lang yon.

I always have this positive view in life now compared noon, I know I can handle what bothers sa utak ko, sa mga situation na nangyayari, nagugulohan ako kasi the way I worked noon is too far different now, if I feel the contentment sa work ko noon in handling the clients who have problems in life, ngayon atrasado na ako kasi sa dami ng nalearn ko sa school I am afraid to be the same person noon which in school taught me what are the proper ways of dealing or handling clients.

And moments like this, ito ang surely I miss with my mom because wala akong mapagtanongan kung bakit at she could never guide me what to do, sariling sikap na ako ngayon, pilitin intindihan ang mga bagay na minsan wala ka rin namang sagot sa mga tanong mo, minsan kailangan mo rin magpretend na kaya mo para hindi ka malunod sabay sa mga problema at mga pagdududa at the last na nalearn ko sa buhay, kailangan mong isipin na lahat kaya mo kahit sa simula pa lang may takot ka ng gawin ang mga bagay na minsan hindi mo maisip na kaya mong gawin!! 

try kumain ng ganito kalaki na pizza



Feeling ko isang buwan na akong nawala dito sa blogsphere dahil naging busy busyhan ang lola niyo!! Namiss ko rin ang chumismaks sa mga blog niyo kaya babawi ako bukas pagkagising ko. Sa ngayon ibabahagi ko muna ang pizza parteh na sinabi ko sa nauna kong post.

bertdey keyk


buo pa ang pizza haha
Dahil it’s a pizza parteh, so here is the biggest pizza we had tonight!! Plus a free 12 inches pizza free that cost us 1,360 php only, mura na compared to other places. We ordered THE GODFATHER (30 inches big) from big flat pizza and enjoyed the videoke while eating. For now, may amnesia ako sa DIET!! Hahaha this is good for 12 to 15 person’s pero hindi pa rin naming naubos kasi almost 50 slices, kahit mga barako yang kasama ko hindi pa rin naming kinayang ubosin!! We decided to have a pizza party as me and my best friend birthday treat to our social work classmates. Kahit late na ang celebration, we had fun still!!

malakas malusog matibay
ang pinagsamahan namin
all these years. 
ito ang ginawa naming birthday keyk!! lels!! it's more fun in the philippines talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mong inasahan!! itong katabi kong kasing malusog ko rin we've been friends since high school days pa lang, mga almost 15 years na rin yong friendship namin and i am happy kasi nahila ko siyang mag-aral din ng korsong hindi namin maintindihan!! hahaha kebs!! enjoy life eka nga!! ilang birthdays na rin kami nagsalo kasi january 1 siya and ako is january 6 naman. all those years since naging kaibigan kami we both know and we will never forget each other's birthday.

Amnesia mode!! walang
diet muna haha
madami pang kwento behind this pizza parteh. bukas ikukwento ko naman ang nangyari after namin kumain at naisipang maglipstick ng sobrang pula, kami at ang mga kasama naming pinagdududahan na naming mga bekey. more pictures to come. 


Friday, January 20, 2012

kakayanin ang beer free this year


20 days to be exact na free beer ako!! Yeaaayy!! Alam ko na ang nasa isip niyo na isa akong lasiggera!! Hahaha hindi no! what I mean is once a week may leisure time kami after Saturday class kasi isipin naman 9am to 7pm ang clase ko straight! Kahit super stress na ako in a week, wala pa rin pinagbago malusog na malusog pa rin ako! Hahaha I’m working 5 days a week at may clase din ako sa social work ng 5:30 araw2x at whole day sa Saturday so I think kailangan ko ring mag-unwind and I deserve to relax or else goodbye mundo nako! LEL!


Ang pinagiisipan ko ng malalim ngayon ay ang pagpapayat ko! Haha natatawa ako kasi all those years gustohin ko mang pumayat hindi natutuloy dahil ang daming reasons sa mundo! Haha ngayon, ikarer ko na talaga since sinabi ko sa panata ko na kailangan beer free na ako para walang carbo masyado sa katawan at nagtitiis nalang ako ngayon sa pineapple juice! Letseh!! Hahaha kay hirap magpasexy lalo na kapag sinasalubong ka rin ng mga parteh at kung anong churvaluh na involve and pagkain at inuman. Basta ang alam ko totohanin ko ng beer free this year nako!!!


Masaya ang inuman!! Mamimiss ko ang pagiging gaga ko na pagnalasing, nawawala sa sarili, nagiging mother amazona, matapang at makapal na ang mukha, surely im going to miss na mapapagusapan ka dahil gumawa ka ng kalokohan dahil nalasing ka! Pag boypren mo naman ang kasama mo sa paglalasing, ibang usapan na yan!! Hahaha cheh!!

Ngayon I am excited sa pizza party naming this weekend, im sure patayan ng drinks ang show but no! no! no! na talaga ako sa inuman muna!! Hahaha manonood nalang ako sa malasing at kukuha ng pictures sa sino mang magmukhang mickey mouse!!

Para malaman ng lahat baka akala niyo eh super lasinggera na ako at hardcore na sa inuman it’s NO!! epal2x lang ang ginagawa ko!! Hehehe ilang rounds ng tagay lang nawawala na ako sa sarili ko, ang tinatago kong pagiging malandi ko  na hindi naman bagay sa akin! LOL!! Hahahaha

Thursday, January 19, 2012

Hindi forever tanga ang isang tao


Para akong tanga while listening to my deviance class kasi sa totoo lang hindi naman natin malalaman na deviant na tayo if mismong word na yan hindi nag-eexists sa daily life natin. Shet! Haha yon ang stand ko lagi to myself that since now ko lang nalaman ang term ng deviant or deviance (meaning nito eh beyond norms, beyond normal na action sa isang tao) nakikita ko na ang pagiging deviant ko! Potah! Hahaha this is where I learned to accept my whole being (may genun talaga) kasi sa totoo lang in denial kasi ako sa lahat ng nararamdaman ko kahit sobrang hurt na aki!! Kebs pa rin!! Pero  malambot pa ako sa mammon pag di na keri!! Haha

Ito na ang kwento ko at ikarir kong ichismis ang buhay ko sa inyo. Sinabi ko sa last post ko na dumaan ako sa isang depression na hindi ko alam depression na pala yon! Hahaha shet talaga!! Kahapon sa klase ko yon ang pinagusapan at pinag-aralan, ako keep quiet lang kasi tinatamaan ako sa pinagsasabi ng teacher ko about sa depression, kebs lang muna ako, gusto kong tumawa man sa sarili ko kasi wala akong kamalay malay na ang pinagdaanan ko eh sobrang depression na pala yon noon. Good thing because I learned it, I just laughed about it now and I accepted it.

I got depressed kasi I stopped schooling noon for 1 semester and I feel like nadisappoint ko ang parents ko. Hindi naman ako nalulong sa druga no, hindi rin naman sa love life pero yong hiya sa sarili, sa ibang tao at sa pamilya. Wala lang akong gana magaral noon kasi madaming problema na dumating, hindi ko kinaya paano ko harapin, mahina ang loob ko at wala akong laban kahit gusto ko mang lumaban parang helpless na helpless ako. Normal lang nagagalit ang magulang pero sa mga pagkakataong yon hindi ko alam bakit ganon ang naging reaction ko, sa sobrang hiya ko nagkulong ako sa kwarto.

At ito ang naging routine ko sa araw2x na yon.

Sa umaga late akong gumising, I am waiting for my parents to leave for office and my sister to go to school. buong umaga nasa kwarto lang ako, sa hapon nasa garahe lang ako at nagiisip at nakatingin sa langit, wala akong kausap, hindi ako nakikipagusap sa kahit sino, wala akong outlet. Feeling ko wala na akong kinabukasan at wala na akong silbi. Pagdating ng 5pm pasok na naman ako ulit sa kwarto kasi parating na sila galing work, hindi ako kakain buong gabi, kinaumagahan na ako kakain pag wala na naman sila. Yong kwarto ko ayoko ng ilaw, gusto ko madilim lang.

Ngayon ko lang narealize na na-depressed na pala ako noon kasi halos 2 months yon na ganon ang naging buhay ko, wala akong kausap at wala akong mapuntahan, hindi pa uso ang blogging noon kaya hindi ko naisip iladlad ang sarili ko dito. Lels. Natatawa ako ngayon nalang kasi nalagpasan ko ang stage na yon at nagawa kong ibangon ulit ang sarili ko kahit until now alam kong may sayad pa rin ang utak ko paminsan minsan, keri nalang!!

Salamat sa social work na kors dahil sayo naging tao na ako!! Hahaha nakakapagfunction na ako ng mabuti sa ibang tao at para sa sarili ko!! Haha debaterya!!


Wednesday, January 18, 2012

Kung kaya lang basahin ng tao ang lahat ng libro


I decided to change my new header. From emote2x churbabels to something I can relate to. Books? Ngee! Honestly I don’t read books, yong mga nobelang wala akong maintindihan, hindi ako love ng libro at hindi ko rin love ang libro!! Fair enough!! Hahaha even if I don’t read books, I am attracted to books, I do not know why, every time I search for a wallpaper for my desktop I always look into books, modern or an old one.

If I am going to assess myself (naging psychiatrist na ako ngayon! Haha) siguro books because there are a lot of stories behind my personality, like I have been telling lately that I am not a talky type of person noon, I seldom throw jokes or maybe I am not a humorous person pero a lot of people didn’t know that my mind so wide grin! Lels!! OO! At hindi bagay sa akin ang magjoke sa totoo lang!! hahaha kasi I always look so serious and matured whenever I talked pero magkasubokan nalang tayo! Hahaha hinahamon ko na sarili ko ngayon!! Hahaha

I chose that old books on the shelf kasi parang isang magnet talaga ang picture na yan sakin, maybe because behind that book there’s a lot of things to learn kagaya rin ng buhay ko, I have been into a lot of trials sa buhay ko, feeling ko nga ngayon ko lang nakita ang sarili ko, ngayon ko lang nabuksan ang libro ng buhay ko through this blog. Dumaan na nga ako sa depression na ngayon ko lang din naintindihan through my social work class, ichichika ko nalang sa inyo sa susunod kong entry what really happened sa depression kong iyon!! Hahaha mga chismoso at chismosa na kayo niyan!! LELS!!


Sa next na entry ko na ang chismis!! Kahit malapit na ako sa calendar kaya ko pa rin ang mambitin sa kahit anong pakiramdam pa man yan!! hahaha

Tuesday, January 17, 2012

If you just want to know what's my secret


I just remembered when I started to face my life after the death of my mother, I am trying to search my own soul, myself and I have been so bothered with a lot of things, there’s a lot in my mind but I couldn’t find a way to express it. I am known to a few close friend of mine that I am not a talky type person, I seldom talk about my emotions and feelings, I am afraid of giving comments because I don’t to hurt other people as much as possible.
I believed in the power of mind, kasi when I told myself that I need to break the silence, I need to express what I feel, what’s inside my heart and what I am thinking, it happened in just one click. Its TRUE that if you want it, you will have it. In the case I had, it was a week that I am emotionally unstable. After work and class I couldn’t help but cry or i always feel that anger in my heart. Since hindi ko na kaya, I decided to consult a social worker in our department to seek a professional help.

I talked to our program coordinator who is a social worker licensed. I was crying and crying, I am not satisfied sa ano man ang iniyak ko, she just let me cry everything, she gave me a room to let out all my anger, hatred and my hidden feelings that moment. Parang isang doctor lang din sya na binigyan ako ng resita, yong resita na hindi gamot but a resita na dapat kong panoorin baka sakali daw magbago ang perspective ko sa buhay.

I downloaded what she told me, I tried to watch it but sa simula pa lang nabored ako eh so I ignore it. Kebs lang ako!! In denial pa rin ako in everything to what I feel, I am starting to understand what is really going on sa sarili ko pero andon pa rin yong galit ko sa pagkawala ng mom ko dahil she died na puro pasakit ng mundo ang binigay sa kanya, okay lang kasi yong walang ibang taong involved pero dahil there are people caused her too much pain, yon ang mahirap tanggapin.

One Sunday we had a personal encounter activity sa social work class namin. We were given a chance to speak one by one our strength, weaknesses and threat sa dreams at buhay namin. So I speak for myself. I thought that’s the end. The following day I come to visit her for just a small talk, kala ko she forgot kung ano2x ang mga pinagsasabi ko pero alam pa rin niya and sobrang natinag ako to what she just told me that moment “tapos na yon!! Leave it behind, tapos na ang sa mama mo, siya yon at ikaw ang ngayon, gawin mo ang para sayo hindi para sa mama mo!!” yong halong may galit pa talaga. Wala akong masabi, parang nahiya ako na hindi ko maexplain ang feeling ko that moment. At dahil dun, yong resita na sabi ko na binigay niya, I tried to watch it, this time pinagtyagaan ko, then i have learned kung ano talaga ang gusto niya mangyari sa buhay ko and ito ako ngayon I can say I am better, I have moved on and accept those things na noon parang ang hirap2x at ang feeling ko everyday was I am always hurt. I also learned her secret in life through the resita she gave me it’s “the secret.”

You might want to watch it, baka makatulong din sa inyo. Ngayon, I am learning also to accept the law of attraction in our life. Life is a little better now kahit lagi pa rin akong confused sa mga ilang bagay!! Punyeteks!! hahaha

Age is not unlimited like globe telecom


There is a mixed emotion that I myself don’t even understand what the hell is going on with me and my current emotions. I feel so empty. I think that’s the right word. I tried to search and find myself. I keep on pretending that I am okay, na kaya ko ang lahat even my heart bleeds. i have my friends with me na nakakasabay kong tumawa pero after ng tawa biglang wala na naman, I feel empty pa rin.

Maybe dumating na sa point ng life ko that i am ready to re-open my heart again, ready ako pero I am not even sure enough kung kaya ko ba. I know I have my dreams now, I am working with my dreams and even that I found that fulfillment parang may kulang pa rin. I am trying to search what I really want now, I keep on reading, talking  pero there’s still kulang in between.
 


I believed that we don’t need to search for the person we want to love for, it will just come on the time the least we expect to an unexpected place. How long I will have to wait for him. Parang ang bilis ng panahon ngayon, sa dami ng ginagawa natin sa buhay araw2x mas lalong mabilis ang oras lumiit din ang mundo. I felt that hindi na tayo aabot sa 70thbirthday natin para makapagblog ng makapagblog, unlimited nato pero ang buhay natin hindi naman kasing unlimited ng globe or smart. Lol
 
Midlife sickness or crisis ata tong naramdaman ko ngayon!! Hahaha punyetahs!!! hahaha

Behind resurgence blog


I have been blogging kung ano2x lately but I forgot to tell something kung ano nga ba ang ibig sabihin  ng resurgence, this means revival. Revival kasi  I could say now na I am ready to open everything what’s on my mind without any  hesitation or limitation, before I always have this apprehension of sharing my life because I am afraid to be judged or hindi ko lang talaga type magkwento ng kung ano2x sa buhay ko. Ngayon dahil mas naging makapal ang mukha ko kaya ikarir ko nato!! Lol


Resurgence kasi ito na ang bago kong buhay, I could say now that I have a new life in blogging, I have tried a lot of times noon magblog pero dahil feeling ko wala akong makwento kaya hindi natutuloy ang karir ko sa blog plus the fact that I am conscious with what I am going to tell the world but now wala ng conscious2x na yan, kung baga bahala na si superman sa akin ngayon!!
 
I have changed a lot I know, I always tell that to my closest friends that the person you knew in me before is not the person anymore now. Mas naging open minded ako when I started to study social work, it has a great influence in my life dahil ito ako ngayon nagsusulat, nagbblog, may lakas ng loob magsabi kung ano ang nangyayari sa buhay ko whereas noon as much as possible I want it everything in private, ngayon LADLARAN nato!! Hahaha open arms and open legs na kung baga!! Hahaha yes hello!! Go!! 

Tatlong araw na nawala ako


It has been a long weekend for me, I took the 9 hours class last Saturday and my brain starts to deplete. It’s good that after class I joined my friends to unwind and went home by 1 in the morning I think. The whole Sunday, TULOG ako!! Hahaha yesterday was draining the same. I took my two major exam and the fuck!!! Dugong dugo yong utak ko!!

Bago ako nagtake ng exam kumain pa ako sa chowking at guess what nag-halo2x ulit ako, ng matapos ang exam ko punyets! Sa sobrang pagod ng utak ko nawala ang kinain kong worth 150php hahaha and I went to Jollibee to order one chicken burger with extra large fries and large pineapple, at kinarir kong kainin magisa yon!! Hahaha nawawala ang diet ko puteks!! Hahaha

I went home na sobrang pagod na pagod pa rin ako so I decided to sleep early. Today, I feel so fresh parang bagong bago na naman ang araw ko  ngayon. Mahirap talaga abotin ang isang pangarap ano pero once it’s already there, I know it’s all worth the wait din naman! 

Friday, January 13, 2012

Friday the 13th confusion


Today is the first Friday the 13th of the year. People come to believe that pag Friday the 13th may masamang mangyayari. Sa awa ni lord ngayon araw nato wala naman, safe naman akong nakauwi ng bahay except for the fact siguro with my exam results ng prelim, parang isang malaking question mark yong nakuha kong score, super tricky yong questions at na-over analyze ko yong questions kaya naging mali tuloy. ECHOS noh?! I defended myself pa talaga eh simply lang naman yon talagang hindi umabot utak ko sa utak ng teacher ko!! Punyets!! Masyadong bright child lang talaga si MAM!! Or sadyang wala talagang laman utak ko while taking the exam!! yon!! No excuses!! Hahaha

I didn’t do anything after class kundi bili ng pagkain dito at doon. Kung ano2x lang maisipan kong bilhin, meron akong biniling popcorn na may peanut sa goldilocks, kumain ako ng halo2x sa chowking, sumegway pa akong bumili ng bread and sandwich spread para sa agahan ko bukas kasi 9 am to 7 pm yong klase ko kaya kailangan ko ng madaming malamon kundi ako ang lalamonin ng utak ko!! Hahaha

Parang kailangan ko ata munang matulog ng maaga ngayon kasi gigising pa ako ng maaga bukas para mag-aral!! (seryoso nato!! Haha) kailangan kong ikarir ang gusto kong future kaya sasagarin ko na!! pagkatapos ng klase malamang tambay ako sa mga blog niyo at makikigulo!! Hehehe gustohin ko mang mag-ikot ngayon kaso malamig ang panahon at masarap ng itulog. Nakakatakot din minsan ang lamig ng ulan kasi baka maulit na naman ang sendong. Spell the word TRAUMA!! At dahil sa sendong na yan, mas lalong madaming trabaho ngayon sa pag-aaral at sa buhay trabaho ko!!

At nawala na ako sa topic kong Friday the 13th hahaha kahit ako nagugulohan kung ano ba ang post kong to!! Hahaha lagi nalang akong confused sa lahat ng bagay ngayon!! Punyetiks!! hehehe

Itulog ko muna ang taba ko!! Bukas magbuburn ako ng fats ulit!!! Hahaha

i understand yet i'm confused



If I wasn’t able to take up the course of social work now, probably hindi ganito kabangag ang utak ko ngayon!! I have been so confused in my career and life now after studying the theories. Nauna kasi ang field practice ko bago ko nalaman ang theories, meaning nakapagtrabaho ako sa social welfare office before I decided to take up social work course. But one of the biggest reason why I took up the course because I wanted to follow my mom’s legacy and on the other side as I have mentioned in the previous post I had, there are personal and professional issues I wanted to finish.

If I was too assertive noon sa work ko, ngayon parang I got bored already. Kung noon kaya ko makipagusap sa tao kahit higit sampu sa isang araw and puro problema ang pinaguusapan niyo ngayon parang ewan hindi ko alam I am really confused yon talaga ang nafefeel ko!! I took a break already, walang trabaho and walang school lessons kasi nagkasakit ako pero when I got back to the world I used to have, ganon at ganon pa rin ang feeling ko. (kailangan ko na atang magpacounseling nito lol)

Knowing the deeper thought of social work, I have realized that it is not just a matter of helping people but a better understanding in every situation that we have in our life. Hindi naman ako pagod sa work ko, ito ang passion ko at I know ito ang gusto ko pero there’s something behind this, hindi ko lang siguro na-eexpress kung ano or hindi ko lang talaga alam kung ano nga ba talaga, noon I found my contentment in life ngayon hindi ko na nararamdaman yon, even satisfaction in work, wala na rin ako, I felt like I already grew up and I still want more of what I am doing now.

Isumpa ko na kaya ang social work na course ano?! Hahaha punyets talaga!! Lumubo utak ko ng malaman ko ang mga katotohanan sa paligid natin!! I understand yet I am confused, pano ko ijujustify yan? =(

Wednesday, January 11, 2012

Kung ikarir ko na kaya ang pagiging denial queen


I have my own self-worth this time after a long silence about my life. I am a good or a great pretender in showing my true feelings, I am not a showy type of a person, I talk less either. Whenever I am sad, angry I just keep it to  myself until it will reach to it’s highest point na hindi ko na kaya at maburst out ko, sobra pa sa bomba talaga which I find it hindi maganda dahil malalim ang pinaghuhugotan ko. This is me and I am happy now that I am trying to rebuild myself in a manner that I am learning to correct my own mistakes in the past and I learned to be open with my feelings, happy man or malungkot but there are just instances na hindi pa rin nawawala sa akin yong pagiging denial queen ko lalo na pag-naiiyak na ako. Mind you kahit matigas ang mukha ko pusong mammon ako kahit hindi man bagay sa akin ang umiyak! lol

Self-worth because I manage to accept certain things in my life like ano ang ugali ko at saan galing yong ugali at pano ko ihahandle yong ugali ko. There are sensitive issues in my life that I considered, una na yong about sa panghuhusga ng ibang tao sa akin dahil yon ang nakikita lang nila without even asking me kung ano nga ba talaga. Slowly i am trying to understand that minsan we need to be open para Makita natin kung ano ba talaga ang gusto natin sa buhay at ano or san tayo mag-aadjust para wala tayong maapakan na ibang tao.

I am happy now that I gave myself a challenge also na dito sa pagbablog, maging open ako to whatever feelings that I have, may transparency in all the things na gagawin ko sa buhay ko and to share my thoughts, views, ideas without any hesitations and limitations. Chos!! Hehehe maniwala man kayo o hindi, seryos ako sa mga pinagsasabi ko!! Haha (ewan ko nalang kung maniwala pa kayo kung tumatawa ako sa ending!! Haha)

Tuesday, January 10, 2012

Ang tao kung makapaghusga nga naman


Ang tao nga naman talaga ay tao lang! kung ano ang nakikita, yon na kagad ang nakatatak sa isip. Hindi ko personality ang magpretend dahil yon ang gusto ng ibang tao or majority reasons eh dahil kailangan dahil isang image ng babae ako. It is been an issue sa ibang tao kung ano ako, they will always have that judgment na “tomboy” or a “bisexual’ and the like, whatever it is, IT’S NOT!! I am straight yon ang alam ko sa pagkatao ko!!

Almost all of the people who will look at me will directly judge me kung ano ako at sino ako (putah dibah!!) dahil sa kilos ko na boyish then hinuhusgaan ka na kagad!! I grew up with my dad because my mom was so busy sa career niya, my childhood was with my dad, kung ano ang laro ng panlalaki yon din ang nilalaro ko syempre alangan naman maglalaro ng barbie yong tatay ko diba? Definitely, marbles, kite, sipa bola and yong laro ng mga batang lalaki yon ang nagagawa ko noon.

Ngayon na super grown up na ako, I am labeled and judged na “tomboy” dahil lang sa kilos ko. It is not my fault naman siguro na ganito ako gumalaw, magsalita na parang lagi akong galit (LOL). Ang masasabi ko lang wala naman akong any relationship ever with the same sex, at hindi rin naman ako nagkakagusto sa same sex so how can that be? Diba?! hindi ko rin naman masabi na confused ako kasi alam ko naman ano ang gusto ko (hmmm...) at ano/saan ako maging masaya (LOL)


I have been into relationships pero hindi lang talaga nagwowork dahil mas dominant ako at ayoko kasi sa lalaki na ako pa ang magtuturo kung ano ang dapat gawin at I don’t want that he is learning from me but gusto ko I am learning something from him. Kaya malamang walang tumagal!! (hahaha)

Mas kilala ko ang sarili ko higit kanino pa man and this is the time I am confident enough to bring up issues like this kasi isa lang ang masabi ko “handa na akong isiwalat ang buhay ko dito!!”  (hahaha may ganong balak talaga!!) I just really don’t understand people, madami akong kilala nga nagdadamit sobrang sexy pero kasama nila sa bahay eh isang “bisexual” tapos ako na nagdadamit lang ng t-shirt, pants at sneakers napagkakamalan ng tomboy!! Ano ba namang buhay to diba!! Ang tao nga naman!!!

Hindi naman porket 2012 na ngayon eh magdamit ako ayon sa gusto ng ibang tao para lang hindi ako mahusgahan!! I don’t think I need to please everybody, medyo tumanda na ako ng konti ata sa pagtatanggol sa sarili ko sa ibang tao dahil lang sa kilos ko kaya this time gaya ng dati, keber!!! Mamatay nalang sa inggit kung ako ay may future pang makapag-asawa!! (hahaha)

Medyo hindi ako sa women’s department, hindi rin naman sa men’s siguro pwede na sa akin ang unisex department kung meron man!! Dahil katawan babae ako pero ang mga damit ko ay simply lang, tshirt, pants at sneakers!! Basta ang alam ko straight ako kahit ano pang sabihin ng ibang tao, nagkataon lang talaga na yong kilos ko eh mas macho pa sa ibang nagmamacho-machohan!! (hahaha)

The very first morning of SENDONG


7:00 am – I woke up and prepare myself to go to school for a party for the children of Cala-cala, macasandig (totally wash out area) and Singapore, balulang. My mind was already set that we will have a party that Saturday morning.

I wasn’t able to sleep well that night because walang kuryente.

Around 8:00 am – I am on my way to school, as I pass along the Capistrano st. I have seen people walking na puro putik, ang iba naman nakaupo sa corner ng daan, magkasama ang buong pamilya. A part of the street going down (isla delta) makikita mo yong putik na hanggang tuhod, so I said to myself that moment na normal lang yon since lagi ko naman naririnig na nagkakaron ng baha in the area.

Pagkadating ko sa school mga 8:30 na ata yon, nakiramdam ako at lahat ng tao wala kang Makita na nakasmile, lahat parang nagpapanic. So I went to our department at ayon doon ko nalaman na may masamang nangyari sa city.

Mga 1 am pala non – I received a text from a classmate ang sabi niya “grabeh yong baha sa bridge” dahil hindi ako comfortable that night kasi nga walang kuryente, I just ignore his text.

Busy lahat ng tao sa school, syempre yong party definitely wala na dahil nga na-wash out yong area, ang party sana naming that morning eh yong mga bata na nakatira sa cala-cala. Dahil nasa social work program ako (I am studying social work currently) nagging busy kami with the immediate needs of the victims.

Mga 10:00 in the morning na siguro yon when I and my friends/classmates decided to look for a food kasi wala pa kaming kain (nag-expect kasi kami sa party), lahat tindahan around the school premises WALANG RICE, even Jollibee at that time near our school SARADO. Ikot kami ng ikot, nagtanong kami sa mga tindahan bakit naubosan ng rice, sabi nila most of the people ONLY BUY RICE at that time. I felt the scarcity of food and water din that morning at lahat ng tindahan laging may nakapila, unusual yong ganon sa ordinary days lang.

Mafefeel mo talaga yong gutom ng mga tao, uhaw sa tubig at yong grief nila over to their loved ones na nawala at missing pa yong iba. Yong oras parang ang bilis-bilis at that time, lahat naghahanap saan na yong mga kapamilya nila, kamag-anak, sa piling daan may Makita kang patay na tinakpan lang ng kumot nag-aantay ng kamag-anak para kunin. It was the worst, sad morning I felt in my whole life.
i don't own this pic. i just got this from google.

I don’t know how to react, how I can help the victims, how can I comfort them either. In the afternoon, ng magbukas na ang Jollibee, we hurried and charged our cellphones for communication. Kahit Jollibee naubusan din ng pagkain, basta ang natandaan ko lang na natira sa kanila that time is yong spaghetti at kahit water ubos na ren.

Late in the afternoon, almost mag-gabi na we went to west city central to delivered food for the victims (yong luto na talaga ready to eat na) and after sumama kami sa cosmopolitan funeral homes kasi yong kasama namin (isang madre) may dinalaw sa funeral home at doon nakita ko ang mga pamilya na naka-abang dahil nawawala yong kamag-anak nila at nagbabakasakali na Makita man lang nila yong bangkay.

It was a long day for me. Actually in between madami pa akong hindi naikwento, isusunod ko nalang. The whole night, hindi ako nakatulog. Sa totoo lang, I was really bothered kahit sino naman siguro. Wala man akong kamag-anak na nagging victim sa sendong pero as a citizen, I couldn’t imagine how they survived that catastrophe. Paulit-ulit nasa utak ko “what if sa akin or sa amin nangyari yon” ano kaya ang gagawin ko, mabubuhay pa kaya ako? (sad)

Maitim + white balak = Gray na balak


I was supposed to write an entry last night but since sobrang BADTRIP ako kahapon kaya I slept early nalang. I have been thinking to burst it out what I felt yesterday but I chose not to nalang because I might say words that is not appropriate at mas lalong maging masama ang tingin ng ibang tao sa akin. KEBS ko nalang!!!

This time I have come to many realizations in life that sometimes you just have to go on to your own battle alone, decide without asking other’s opinion and kill them silently!!! Hahaha I’ve come to think that the battle and competition in life is always there beside us, we just tend to ignore it because we uphold our values and traditions yet there are just some people doesn’t care what we feel. So ngayon, ito lang ang masasabi ko, HUMANDA kayo!!! I have been so reliant to other people NOON pero ngayon I am starting to live and believe on my own capacity to do and choose decisions as long as I have God with me. Everything will be fine I know.

Life must go on, I know my anger will last for a day or couple of days. Depende. (rarrr..lol) one thing I can assure myself now, I will not give myself fully to the people whom the same may mga maitim na balak sa akin!! Kahit anong maputing balak pa ang nasa akin kung maitim naman sa kanila, maging gray yon so meaning black still prevails!! LOL dahil maging gray ang balak ko sure ako hindi naman ganon kabrutal ang mangyayari!! hahaha

bahala na basta ang alam ko I will do it my way!!! Come and see it!!! 

Monday, January 9, 2012

Utak kutsilyo


As I have promised myself na maging mabait na ako for this year, so one of the things I wanted to fulfill is that ma-complete ko na ang 12 months this year sa pagbablog. Hindi ako masipag, totoo yan! Hahaha pero magpapakasipag ako sa taon nato para na rin sa kinabukasan ko (kung meron man akong kinabukasan sa pagblog!! Hahaha)

I thought last year masipag na ako noon kasi naipagpatuloy ko ang pagblog, ang daming thoughts at ideas nasa utak ko yong utak ko lang ayaw gumana!! Hahaha kahit anong kain pa ng mga brain enhancer na yan, wa epek pa rin!! (futah!) kinakalawang na utak ko ata kaya for now gagawin kong malaking knife ang brain ko kasi the more you sharpen things mas gagana nga naman ito! Sige go!

I am totally confused kung ano nga ba ang blog ko about kasi ang dami kong gusto mangyari sa blog ko kaso kahit ako gulong-gulo din. Kebs nalang! Blog ko naman to kaya walang makikialam sa mga pinagsasabi ko dito!! Hahaha sa mga naunang blog ko, uber drama ang dating dahil na rin yon sa mga emotions kong uber na hindi ko macontrol at I still also have a lot of issues in the past na nabuksan ngayon that’s why buhos ang emosyon ko na parang hindi naman ako at hindi ko personality ang maging ganon pero dahil ako ay isang tao lamang kaya tanggapin niyo nalang din ako sa ayaw at gusto niyo!! Hahaha

Wala ng ka-sense2x ang sulat ko pero pag sharp na sharp na ang utak ko aarangkada ako ulet at maibahagi ko ang buhay ko na sana’y may matutunan ang bawat tao sa kanyang paglalakbay sa buhay na kasama ako. LOL go!!

Sunday, January 8, 2012

Ang PANATA kong hindi joke



Dahil 2012 na magiging inggitera muna ako ngayon. All of the people on web talks about their new year’s resolution, and ako? Naks! The last time I remembered na gumawa ako ng new year resolution ko was nong elementary and high school ako, kasi ni-rerequire ng mga teacher yon! So I don’t have a choice but magimbento ng resolution para dagdag sa points!! Hahaha

Dahil tumanda na ako ng konti at nagkaisip, seseryosohin ko  na ang mga PANATA ko sa buhay ko this 2012. (hikhikhik) I challenge myself to follow religiously my personal PANATA so I can live longer (LOL) and to have a healthy living as well. So ito na ang mga yon.

PANATA #1: 
Strictly no more beers or any alcoholic drinks – back to pineapple, mango juice.
PANATA #2: 
No more softdrinks – back to water again
PANATA #3: 
No more pork – back to veggy again
PANATA #4: 
No more junk foods - just healthy snacks will do (subway)
PANATA #5: 
No more spicy foods – para hindi magkaron ng stomach cramps/spasms all over again
PANATA #6: 
No more oily foods like adobo, prito and the like – I will only eat food that contain vegetables
PANATA #7: 
No more coffee – I will surely miss drinking coffee every morning at work
PANATA #8
Eat less sweet foods - to prevent diabetes nato!!! hehehe
PANATA #9: 
WAG NA MAGING LATE sa work!! Hahaha GOODLUCK to me if I can do this!!
For now, this is all I can think to challenge myself. I don’t want to die early because I still have a lot of dreams wish to be achieved!!! Dahil tumatanda na tayo ng konti kaya magpapakabait na ako at maging disiplinado na!!! LOL


SUWS!! wag kayong maniwala sa akin, isang SIMPLENG DIET lang ang ibig sabihin ng PANATA ko!! hahaha 

Saturday, January 7, 2012

Another blog chapter begins


It’s been almost three months since the last time I updated my blog. There are actually a lot of thoughts that runs through my mind along those months of being silent here, only that I just couldn’t force myself to blog on it, I just need a little inspiration to do that, aside from being busy from work and school, there are also personal issues that I need to attend it first before anything else. I missed blogging.

As I have promised myself for this 2012, I will make it sure that this time I will complete the 12 months of the year with full of updates in my life – personal or not. This is also a thing that I need to do in order for me to reflect on the lessons I’ve learned along my journey in life.

I supposed to write an update about my birthday yesterday but as I have said, I need an inspiration to push me to blog the important events of my life. I have been sick for almost 9 days so partly I am losing my willingness to do things I wanted to do. Now I am getting better and I can finally manage to think, smile and eat well.

So, another blog chapter begins!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...