Showing posts with label Judgment. Show all posts
Showing posts with label Judgment. Show all posts

Tuesday, January 17, 2012

Behind resurgence blog


I have been blogging kung ano2x lately but I forgot to tell something kung ano nga ba ang ibig sabihin  ng resurgence, this means revival. Revival kasi  I could say now na I am ready to open everything what’s on my mind without any  hesitation or limitation, before I always have this apprehension of sharing my life because I am afraid to be judged or hindi ko lang talaga type magkwento ng kung ano2x sa buhay ko. Ngayon dahil mas naging makapal ang mukha ko kaya ikarir ko nato!! Lol


Resurgence kasi ito na ang bago kong buhay, I could say now that I have a new life in blogging, I have tried a lot of times noon magblog pero dahil feeling ko wala akong makwento kaya hindi natutuloy ang karir ko sa blog plus the fact that I am conscious with what I am going to tell the world but now wala ng conscious2x na yan, kung baga bahala na si superman sa akin ngayon!!
 
I have changed a lot I know, I always tell that to my closest friends that the person you knew in me before is not the person anymore now. Mas naging open minded ako when I started to study social work, it has a great influence in my life dahil ito ako ngayon nagsusulat, nagbblog, may lakas ng loob magsabi kung ano ang nangyayari sa buhay ko whereas noon as much as possible I want it everything in private, ngayon LADLARAN nato!! Hahaha open arms and open legs na kung baga!! Hahaha yes hello!! Go!! 

Wednesday, January 11, 2012

Kung ikarir ko na kaya ang pagiging denial queen


I have my own self-worth this time after a long silence about my life. I am a good or a great pretender in showing my true feelings, I am not a showy type of a person, I talk less either. Whenever I am sad, angry I just keep it to  myself until it will reach to it’s highest point na hindi ko na kaya at maburst out ko, sobra pa sa bomba talaga which I find it hindi maganda dahil malalim ang pinaghuhugotan ko. This is me and I am happy now that I am trying to rebuild myself in a manner that I am learning to correct my own mistakes in the past and I learned to be open with my feelings, happy man or malungkot but there are just instances na hindi pa rin nawawala sa akin yong pagiging denial queen ko lalo na pag-naiiyak na ako. Mind you kahit matigas ang mukha ko pusong mammon ako kahit hindi man bagay sa akin ang umiyak! lol

Self-worth because I manage to accept certain things in my life like ano ang ugali ko at saan galing yong ugali at pano ko ihahandle yong ugali ko. There are sensitive issues in my life that I considered, una na yong about sa panghuhusga ng ibang tao sa akin dahil yon ang nakikita lang nila without even asking me kung ano nga ba talaga. Slowly i am trying to understand that minsan we need to be open para Makita natin kung ano ba talaga ang gusto natin sa buhay at ano or san tayo mag-aadjust para wala tayong maapakan na ibang tao.

I am happy now that I gave myself a challenge also na dito sa pagbablog, maging open ako to whatever feelings that I have, may transparency in all the things na gagawin ko sa buhay ko and to share my thoughts, views, ideas without any hesitations and limitations. Chos!! Hehehe maniwala man kayo o hindi, seryos ako sa mga pinagsasabi ko!! Haha (ewan ko nalang kung maniwala pa kayo kung tumatawa ako sa ending!! Haha)

Tuesday, January 10, 2012

Ang tao kung makapaghusga nga naman


Ang tao nga naman talaga ay tao lang! kung ano ang nakikita, yon na kagad ang nakatatak sa isip. Hindi ko personality ang magpretend dahil yon ang gusto ng ibang tao or majority reasons eh dahil kailangan dahil isang image ng babae ako. It is been an issue sa ibang tao kung ano ako, they will always have that judgment na “tomboy” or a “bisexual’ and the like, whatever it is, IT’S NOT!! I am straight yon ang alam ko sa pagkatao ko!!

Almost all of the people who will look at me will directly judge me kung ano ako at sino ako (putah dibah!!) dahil sa kilos ko na boyish then hinuhusgaan ka na kagad!! I grew up with my dad because my mom was so busy sa career niya, my childhood was with my dad, kung ano ang laro ng panlalaki yon din ang nilalaro ko syempre alangan naman maglalaro ng barbie yong tatay ko diba? Definitely, marbles, kite, sipa bola and yong laro ng mga batang lalaki yon ang nagagawa ko noon.

Ngayon na super grown up na ako, I am labeled and judged na “tomboy” dahil lang sa kilos ko. It is not my fault naman siguro na ganito ako gumalaw, magsalita na parang lagi akong galit (LOL). Ang masasabi ko lang wala naman akong any relationship ever with the same sex, at hindi rin naman ako nagkakagusto sa same sex so how can that be? Diba?! hindi ko rin naman masabi na confused ako kasi alam ko naman ano ang gusto ko (hmmm...) at ano/saan ako maging masaya (LOL)


I have been into relationships pero hindi lang talaga nagwowork dahil mas dominant ako at ayoko kasi sa lalaki na ako pa ang magtuturo kung ano ang dapat gawin at I don’t want that he is learning from me but gusto ko I am learning something from him. Kaya malamang walang tumagal!! (hahaha)

Mas kilala ko ang sarili ko higit kanino pa man and this is the time I am confident enough to bring up issues like this kasi isa lang ang masabi ko “handa na akong isiwalat ang buhay ko dito!!”  (hahaha may ganong balak talaga!!) I just really don’t understand people, madami akong kilala nga nagdadamit sobrang sexy pero kasama nila sa bahay eh isang “bisexual” tapos ako na nagdadamit lang ng t-shirt, pants at sneakers napagkakamalan ng tomboy!! Ano ba namang buhay to diba!! Ang tao nga naman!!!

Hindi naman porket 2012 na ngayon eh magdamit ako ayon sa gusto ng ibang tao para lang hindi ako mahusgahan!! I don’t think I need to please everybody, medyo tumanda na ako ng konti ata sa pagtatanggol sa sarili ko sa ibang tao dahil lang sa kilos ko kaya this time gaya ng dati, keber!!! Mamatay nalang sa inggit kung ako ay may future pang makapag-asawa!! (hahaha)

Medyo hindi ako sa women’s department, hindi rin naman sa men’s siguro pwede na sa akin ang unisex department kung meron man!! Dahil katawan babae ako pero ang mga damit ko ay simply lang, tshirt, pants at sneakers!! Basta ang alam ko straight ako kahit ano pang sabihin ng ibang tao, nagkataon lang talaga na yong kilos ko eh mas macho pa sa ibang nagmamacho-machohan!! (hahaha)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...