Showing posts with label School. Show all posts
Showing posts with label School. Show all posts

Tuesday, May 14, 2013

I am not strong as i look

Deep breathe! Inhale and exhale! Woooootttt! Pppooooootttt!!! Pampam-parampam!!!

I am trying to comfort myself, hahaha syet, paking tape!

Nanahimik ako sa twitter, sa blog at kahit sa fb dahil may pinagdadaanan akong nakakaloka lang. it happened after nong interview at deliberation ko with my practicum. I think, during and on-going na interview na yan nagbreak down ako. 

I thought kaya ko, oo I know matapang ako, physically yes but emotionally I’m so weak. lol wala sa hitsura at aura ng isang tao ang pagiging matapang niya dahil people who have the most disguise sa sarili is yong nagtapang-tapangan, strong at palaging tumatawa.

I just can’t believe that nagbreak down ako sa araw ng interview na  yon, hindi ko mapigilan umiyak (Im so artista that moment hahaha) pero seriously, pigil na pigil nong una ang iyak kasi nakakahiya sa panel, may kalidad at op kors, they’re also my professors.

I cried because I don’t want to lose this chance and hope na I can make it ng march 2014. I was given an option na summer 2014 ako ggraduate kasi according sa policy ng school hindi pwedi magload ng subjects dahil practicum days ko na, nangyari yan dahil sa mga religious studies na naiwan at ibang minors ko na hindi nacredit dahil sa descriptive title. Hindi ko kayang tanggapin yon kasi feeling ko that moment, I am going to lose what I hope. I told them na, I can’t promise what I can give if they are going to push that option dahil ayoko ng dumaan ulet sa pinagdadaanan ko non, minsan na rin kasi akong nadepressed ng almost a year, nagbreak down ako sa buhay, I wasted it ng ilang taon din dahil hindi ko kinaya ang expectations ng mga magulang ko, hindi ako naka-live sa mga expectations nila and I lost my way (don’t worry hindi ako tumira ng drugs! Hahaha)

I learn to dream again para sa sarili ko nong nag-aral ako ulet dahil alam kong ito ang gusto ng nanay ko, ito ang iniwan niya bago sya namatay. Minsan na ring tinapon ko ang pangarap ko dahil like I said, hindi ko kinaya ang expectations nila, hindi ako nakabangon ng ilang taon hanggang umabot sa turning point na kailangan kong labanan ang lahat ng takot ko sa buhay. that moment I was talking to my professors, ang tanging alam kong nasabi ko was “don’t make me lose this chance and hope to believe and continue the dream that I learned to live it now” sabay ang bonggang iyak na effortless tumulo yong luha ko pati sipon ko, sirang sira ang eye liner, make up at feeling ko para akong batang umiiyak sa sobrang gutom hahahaha

Currently, hindi ko pa alam kung kaya ko na bumalik sa school para sa enrolment na yan, hahaha kasi I am weighing things out, ang nasa utak ko lang ngayon is, patuloy ng patuloy lang, taking all the risk, if kailangan ng short cuts then I will do that, by pass sa usual enrolment process then gagawin na, medyo desperate na ako talaga. Hahaha kebs na ako! Medyo natatawa ako na hindi ko pa natatanggap na nagbreak down ako sa araw ng interview! Hahaha syet.

Pasensya na at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, in time, magiingay ulet ako at darating na rin sa point na gusto niyo akong palayasin sa mga blog niyo. Hahaha charreettt lang!! basta I know everything may rason, isep-isep positive nalang  para magaan ang buhay. kaya kung ano man ang inyong mga pinagdadaanan din, it will help if you see it positively. kaya yan! we will just laugh nalang after we surpass those trials. 




Saturday, April 6, 2013

Tele Total Recall

Daaaag! Dadaaag! Bang! Baaammm! Booom!! Woooott!!!

Telelaladance!! Tan-tan-tadaan hooo haaa hoooo aahhh aaahhh (unggoy lang? lol)

I’m just happy knowing that, nasa 70 percent na ang chance kong makapagpracticum this june! SANA! Lord please help na talaga. Hihihihi

Ang saya pala kapag nag-second course ka kasi to me, nadadagdagan ang nalalaman ko, i met new friends and nagbabago din ang perspective ko sa life. May nakikita akong ibang opportunity sa paligid din. Oo naman minsan naging shonga ako sa buhay ko, yong nagstop ang mga pangarap ko minsan at kung ano-ano pang ka ek-ekan but ito na, as in ito na talaga ang gusto ko! woot! I am really working hard to have good record on this course in preparation of my dream to be part of an international organization lalo na sa United Nation. charing! 




Sa sobrang pinilit kong abotin ang unang pangarap ko noon na makapagdesign ng bahay or building, hindi talaga para sakin, at the end of it pala, sumunod rin ako pala sa yapak ng nanay ko. di bale, na-enjoy ko naman ang buhay ko ngayon bilang nagwowork at nag-aaral at the same time. Now I am getting my prize na, malapit na ako magpracticum. Wooot! Heeyyeeyy!! Telelaladance ulit! Tan-tan-tan dadaaan tadaahh! Bamm! Baaanng! sabay Mecoy face dance. yaaa-daba-daba-doooo wooottt.

Tele total recall ako sa buhay bilang studyante ulit. mas mabait na ako nito. char lang! 

Syets antabah ko lang dito! (parang pumayat naman ako minsan diba? hahaha)
My 1st major class in social work - Communication & Documentation
ang walang kamatayang pag-gawa ng project proposal
yong teacher ko was only 24 years old i think this time.
ECCD - Early Childhood Care and Development Major Class
Pano i-handle ang lahat ng klase ng bata
A day with the kids who lived in the streets
Naglaro, nagkwentohan at nagpakain din kami
A chance to interact with these children and know their stories behind


Major Class - Social Work Filipino Personality
Explain and discuss since birth to present ang peg
Inaalam anong values meron ka, anong pamilya meron ka at
ano ang mga pinagdadaanan mo sa buhay bago mo narating ang present
KAILANGAN gawin to para makilala at maintindihan ang sarili bago
sumabak pakinggan ang ibang tao sa kanilang mga problema. rrrooottss. lol

Major Class - Project/Program development
Tan-enah ubos ang english at tuyong tuyo ang utak ko nito
walang kamatayan pag-gawa ng mga proposal din at seminars etc

May library works din kami madalas.
pero effective kaya ito kung titingnan mo yong kasunod na picture? lol
Woooott!! ano ito? hahaha
Sapul na sapul eh!
Major Exam at huling huli sa camera nakikipagdaldalan sa answer!! hahaha
Unang sabak ko sa Intramurals
Nakikisawsaw lang ako para may uniform echos! hahaha
Kailangan talaga naming maglakad for the community work
Dahil sa sobrang healthy ko, kailangan ko magbuwis ng buhay dito! lol  
Unang pagkakataon makipag-usap sa Barangay Captain to do our first community work
ito ang tinatawag na courtesy call



At ito na ang unang community work with the kids
sa isang poorest of the poor na area ng cdo
Hindi lang kami pang-bata pati na rin sa mga matatanda
sa mga buntis, sa mga walang trabaho, sa mga kabataan at etc.
form womb to tomb ang pinasukan ko hahahaha


Multi-tasking din ako chos!
pinagsabay ang work at pag-aaral
PABLO time ito, nagdedeliver ng bigas sa mga muncipality
sinabay ko ang aking mga classmates to conduct interview about sa law ng mga Solo Parents
CDO Street Tutorial Advocay
Na-feature na rin kami sa newspaper because of this
ako yong nasa gitna mukhang titser ng lahat lol

Dahil naging officer din ang inyong lola
I have the chance to travel and attended meetings & conventions
Taken at Davao City

Feeling aktib-aktiban sa mga meeting sa school hahaha


Pagdating sa mga activity, ito talaga ang lagi kong role
Mula ata sa simula hanggang ngayon
Sinusulit nila ang kaalaman ko sa computer charoots!
masaklap lang kasi LIBRE!! anak ng pating!! hahaha
kala naman ang seryos ko sa taas ng pic nato
pinipilit ko ring mag-jump shot bwahahahaha
hindi nga lang ako talaga nakakatalon
yong gravity ng earth kasi times 2 sa normal kaya ilang inches lang ang kinakaya lol

pagkakataon na mapuntahan ang sendong relocation site
napadaan kami dito actually
galing kami ng BJMP - sa mga prisoners
House of Hope - sa mga mentally challenge
Cocoon - sa mga nagpaparehab dahil sa drugs


Hindi madali ang trabaho kapag alam mong ang dami nilang nangangailangan
Ang sarap when you are making a difference to other's life
At ito talaga ang nangyari sa Sendong time
Seryos-seryosan mode lang ang peg
ang tahimik ko dito ano? hahaha 

At mawawala ba ang kainan sa skol? at mawawala ba ako sa eksena? HINDI! hahaha
taken before going to DSWD below



And hoping kaming lahat ay papasa for the social work practicum 2013-2014
off to the mother agency - DSWD



at ang pagbisita sa isang Mother Agency - DSWD

LAKAS KO LANG MAKASERYOS SA BUHAY KO SA TAAS... 
PWES!!! 

ito? saan ako nito? hahaha nakikipaglaro din ako, 
nakiki-ingay, nakiki-gulo. ganyan!!! hahahahaha  
Sa Kwarto nakikipagharotan, nakikigulo ang nangyari ako ang naisahan!! hahaha
Taken at Davao City
Attended the social work convention

ALL IN ALL in an ORDINARY DAY AT SCHOOL
ito ako! hahahaha
Hindi ko na e-explain kasi alam na! hahaha
at marami pang iba... feeling ko hindi na kasya dito lahat-lahat hahaha hindi ko na mabilang sa aking mga kamay pati paa ko ang mga pictures na nasa folders ko pati magandang lessons na nakuha ko bawat activity na nagawa namin, the course itself totally change my views in life. i care more, i even love more. the best na natutunan ko was to listen more sa mga taong may problema without any judgment and doubt sa kanilang pinagdadaanan. i became a better person from all that i experienced sa buhay bilang isang social worker student. 

Bagong yugto na ng buhay ko this june 2013, i will definitely practice my profession in an institution who caters the program and services of a rape victim. 

Hello and welcome practicum life!!! 



Friday, April 5, 2013

Tele help anong totoo

Hala paano ba ito, ano ba talaga ang totoo? Patulong po ako. Hehe

Nagkagulo kami ngayon sa skwelahan dahil sa practicum na yan. Tan-enah lang! nasa listahan ako ng 50-50 futaaaahh! Hahaha oo pangalawang course ko na ito pero sumabit ako sa religious studies na subject lang at dalawang minors na magkaiba ang descriptive title sa previous course ko.

Hindi pweding hindi ako makapagpracticum, sinasabi ko talaga! Hahaha magkakagulo na kung magkakagulo. Charots.

Na-alala ko nong una kong pasok sa korsong social work na yan, agad-agad may gulo na inayos dahil nagkaron ng gatongan ng situation at dahil para sa kanilang lahat ako ang “ate” nila kaya sumbong ang peg nila na inaapi daw sila sa department. Pwes ako naman, at ang tingin ko sa situationg nanyari that time, nasa lugar kami kaya sugod talaga ako doon sa stage at kinausap yong president ng school bakit pinatayan ng AVP ang social work tapos ang ibang kors tuloy pa rin kahit lagpas nan g 5 minutes na usapan.

Ang nangyari? Punta ng DSA for disciplinary action. Bwahaha itong Dean namin dati naman naniniwala na may mali nga sa student government policy sa activity campaign that time kaya siya ang unang sumugod sa DSA at may text brigade talagang nangyari, labas lahat ang mga social work students at boom walang magawa yong head kundi pakinggan kami at harapin at magexplain sa loophole na nangyari sa campaign activity.

Ngayon? Pwes. Ano ba ang tama? Haha ang nasa isip ko, susugod na ako kay sister president para i-allow kaming magpracticum kahit may natirang subjects pa, ayaw kasi nong bagong dean sa social work kasi daw kesyo nasa manual, it’s the rules, it’s the policy etc ect kung anong ek-ek pa.  eh yong old dean namin, she allowed it as long as it won't affect the hours needed (500 hours per sem) at dapat icomply ang number of hours. 9 units nalang yong eenrol namin this 1st sem, that’s only research and field practicum. Kasi kapag kay sister president na, wala ng magawa yong dean namin I think. Nagiisip na ako ng masama now, hahaha gagamitin ang manipulation skills nito. Paker talaga. I won’t do that. Promise. lol

So pwedi naman magload diba kapag graduating kana? Tama ba? Yong cut off ng grades namin eh 2.25, kapag nagkaron ka ng 2.5 sa mga major subjects mo, babalikan mo talaga yan. Ang alam ko sa old course ko, architecture kahit 32 units basta graduating ka pweding pwedi yon. Eh bakit nagkakaganito ngayon? Naman! Nasa list pa ako talaga na 50-50 pero iniisip ko na I will attract na makakapagpracticum nako talaga this june dahil kundi pasasabogin ko na talaga ang school. Jowk. Pero hindi, kasi I can’t wait anymore. Hindi ko lang alam anong diskarte ang gagawin ko sa situation ko. paken syets.

Basta she (our sw dean) won’t allow those na may natirang subjects pa. gusto niya clear ang lahat na 9 units lang talaga. Ano ba ang masabi ng ched nito? Ano ba ang rules? Hindi na kasi ako updated sa new rules ng ched on this. Kasi as far as I know, sasabihin ng ched niyan na sa school na kami makikipagayos. Ano ba talaga ang totoo? Hehehe salamat.


 

Wednesday, January 9, 2013

Papaya you!

Gaano kato-too na ang papaya ay nakakawala ng libog? Kaya ba ang mga madre at pari sa kanilang bakuran ay maraming tanim na papaya? Para maiwasan ang libog at temptasyon? Lol ang panget ng intro ko, hahaha naisip ko lang itanong yan kasi bumili ako ng papaya kanina pauwi, timing kasi  na ang main road ng city, trapik dahil may prosesyon ng nazareno, kaya dumaan ako sa isang daan kung saan papuntang palengke at nagagandahan ako sa mga papaya, kaya bumili ako! Inggitera lang!

Kaya ito na kinakain ko na habang latag ang aking gagawin para sa documentation and photo docu sa upcoming event na leadership training seminar ng mga leaders sa iba’t ibang school ng buong Mindanao that offers the course social work.





Ang dami ko pang gagawin, kanina pa ako kating kati na magblog hop pero hindi ko magawa ng bongga kasi tambak ang mga requirements. (pero sadyang hindi ko mapigilan, il give myself hour to do that lel) Sabagay parang mas madaling paandarin ang utak ko kapag malapit na ang deadline pero ayoko ng ganon sa totoo lang kasi hindi ko makikita ano man ang mali doon, pero dahil nagpakasawa ako sa bakasyon, ito ang napapala ko, cramming! Pero nakagawa pa ako ng blogpost! Hahaha


Balik sa papaya, kung totoo ngang nakakawala ng gana yon, abah hindi ako affected dyan ngayon! Hahaha keber lang! sabagay ang daldal ko at ang tapang ko sa mga kabulastogan na usapan pero parang minsan ang hirap gawin in reality! Lol saka ko nalang ikwento ang papaya na yan kapag maprove ko na nakakawalang gana nga yan! Hihihi

P.S.

Namatay ako sa inggit sa mga pictures ng PBOers sa kanilang outreach program at may utang pa akong pastel, hindi pa ako nakapagpadala dahil na rin sa sched ko na bawat minuto ay nangangalabit sakin! Isang araw this week or next week sana ako naman ang magkaron ng chance to knock out my sched to live a little.

Basta nandito lang ako, kapag may time nakakabasa naman ako ng inyong blog hindi lang nakakapagcomment ng kasing haba ng isang post. Lol


Saturday, December 29, 2012

Ano ang reality mo sa buhay ngayon...


Ang isshare ko now – reality check sa buhay. Iba kasi nagtapos ang araw ko kahapon sa office and naconnect sa usapan namin ng sissy ko when we went out last night. i know that we have our own fields sa buhay, kanya-kanyang profession, gusto at hilig. Pero tanong ko, isa lang, haha what do you know about the profession na social worker? As in registered social worker? I just laughed when people answered na taga bigay ng bigas, relief kapag may disaster! Ganon lang yon? Hahaha may bagong trend naman ngayon, kapag sinabi social worker konek right away sa 4ps teh! Hahaha hindi ha! It’s beyond that sa totoo lang hehehe "from womb to tomb" sabi ng iba kasi lahat ng social problems, yon ang hinaharap namin! lels! kinarer! I cannot read mind and thoughts but I can assess bakit ang isang tao naging problema sa society natin, bakit may mga bata nasa institution, mga taong palaboy, addict etc... Saka na yang lecture na yan haha let’s go back. I  just wanted to share this para maiba naman, hindi emo ang ikukwento ko, hindi rin joke! Haha lels!

In the office we deal with a lot of social problems, everyday different situations, people and stories. Maawa ka minsan, maiinis ka. So kailangan malaking unawa para maintindihan sila pero teh! Minsan talaga dahil tao lang tayo, nagagalit ka rin and hindi mo maiiwasan ang situation na yan, walang santo sa mundo, if meron man pakilala mo sakin! Hahaha

About to end na kahapon, around 3:30 pm, may babae dumating, yong kasama ko talked to her, chika galore, humihingi ng pambayad sa hospital kasi nanganak! Ok naintindihan ang aspeto na iyan, PERO siya na yong nanganak, siya pa ang naghahanap ng pambayad ng hospital. Siya ha na kakapanganak pa lang, yong kasama kong kumausap sa kanya, nakikita ko na ang mukha na ALAM ko na! alam ko ng naiinis na siya.

Umalis ang babae… after 30 minutes bumalik.

May problema si ateh ulit! Wala silang pagkain. At take note, siya ulit ang pumasok sa opisina na kakapanganak pa, yong anak niya nasa hospital, naka-incubator pa. imagine? Siya na kakapanganak siya pa ang humingi ulit ng pagkain, siya ang magbibitbit ng bigas na ibibigay ng opisina. Ang tanong SAAN ANG ASAWA niya?! My officemate keep on asking saan ayaw niya magsalita, AT!!! Hindi lang pala unang anak yon teh! Wag ng itanong sakin kasi alam kong mas kukulo ang dugo niyo! Hahaha everyday ganyan ang mga situations na-eencounter namin, and slight pa lang yan, minsan may mga mentally challenge na nagdadala ng bomba-bombahan daw iyon at pasasabogin ang opisina namin, kuh teh! Nakakalukah! Kaya nakakastress talaga sa opes!

Si kapated naman ay isang nars!

Na-assign sa isang government hospital. Unang field, sa ob ward (different gov’t hospital) ngayon nasa suite room naman (another gov’t hospital) sa OB ward, sabi niya, laging no stock ang nakalagay sa mga resita ng pasyente niya so kailangan bilhin sa labas. Matagal daw bumabalik ang nauutusan bumili ng gamot, hindi lang minsan, madalas yan. Maya ko na kwento kong bakit, bitin slight muna teh! ngayon sa suite room naman, hindi daw sila naglalagay ng NS dahil iba ang policy.  Dahil nasa suite room sila, walang rason hindi sila makakabili ng gamot. (Check!) yong sa ob ward naman, matagal bumabalik kasi walang pambili, kailangan pang hanapin, at utangin sa mga kapitbahay nila o kamag-anak para mabili ang gamot kahit mefenamic lang yan, oo mefenamic pain reliever that cost na wala pang ten pesos pero walang pambili. Reality like this must see the government pero ewan ko ba! Nasa gobyerno ako at nakikita ko anong systema nila, wala ako sa position to raise that issue. The government turn deaf about it, as always! Our political system ay isang malaking factor na nakakahinder ng development sa community. (ma-shoot to kill na ako nito! Haha tama nayan!)

Sabi ni kapated, kapag sa ward nagkamali ang isang nars, wala ng tanong ang mga pasyente, pero kapag yong mga pasyente nasa suite room at nagkamali ang nars, nagrereklamo. Those patients or clients as common we used, sa opisina yan pumupunta kapag wala ng pambayad, we can assess them, we can link them to other line agency na pwedi tumulong sa kanila. Minsan ‘tong si kapatid, dahil sa awa ng mga patients niya sa ob ward dati, marunong ng gumawa ng love letter para sakin stating na “ate, please help kasi kawawa naman!” ganyan ang feeling at ugali namin kasi pinalaki at pinakain kami ng isang social worker licensed, yong nanay ko! Oo, yong mommy ko ay isang social worker kaya alam namin bakit may taong mayaman at mahirap, iba-iba ang ugali, pananaw sa buhay, gusto sa buhay, saan galing ang mga problema nila etc.. Pero ang lahat-lahat ay isang choice, a choice to be made na yan ang gusto mo maging sa sarili mo. amen! Hahaha






Monday, November 19, 2012

That feeling you will never forget

Maniwala or hindi! Ang professor ko ay isang classmate ng nanay ko since 1st year college until 4th year sila! Tan-ena! bohahaha they are really good friends sabi nitong professor ko. Yeah, before he became my professor, I heard a lot already about him from my late mother. Almost 35 years since college day’s nila! Woo! Lahat ng sabi ng nanay ko, sinabi din ng professor ko, nyay! Sa harap pa ng buong klase! They don’t have any past, I know kasi I can read between the lines naman, so wala, wala naman akong narinig either.

I just couldn’t believe that all the things my mom did noon, inaani ko ang kabutihan niya today. This professor keeps telling everybody in the class that, yong nanay ko ang inu-utangan nila kapag wala silang pera kasi my mom is very lucky that time dahil yong tatay niya (lolo ko) eh president ng del monte Philippines before that’s why may kaya sila at ang nanay ko yata daw ang walang problema sa pera. I remember mom told me before that this professor I have now he will just eat “kamote” kasi wala pang pera na pinadala galing sa probinsya. Ngayon? Successful na siya sa profession niya, he managed almost 300 people I think in his department sa dswd. Would you believe that? At its always in my mind what my mom told me that this professor, nangongopya pa dati sa case studies nila just to submit requirements. It’s so funny kasi today everybody respects him, kinakatakotan at dekalidad na tao na si sir! Hahaha but si sir, he admitted to the class that when he was in college, yong mommy ko ang kinokopyahan nila! Tan-enas nuh!!

What happened to them way back in college, it happened the same with me today. It just so happened that I already have a job while studying again, that’s why yong mga classmates ko rin kapag gipit sila minsan, they would ask sa akin if I have spare. Anak talaga ako ng mommy ko! Hahaha I walked the same path she did!

This professor can’t stop saying good things to my mom kasi I know he is very grateful dahil sa oras ng kagipitan my mom was there for them to rescue and stayed with them sa hirap at ginhawa. I always feel that gratefulness and I am proud of what mom did to them. Tama ang sabi ni mommy that bilog ang mundo, dahil hindi all the time nasa baba ang isang tao, dahil nasa baba man siya ngayon, bukas nasa taas naman siya! ganon daw talaga ang buhay! and i stand to believe on that matter!

Pressure is in me now! Activated! Nganga ako nito!! I need to double time pa kasi kahit mom is not with us anymore, ayoko pa ring mapahiya ang mommy ko! Hahaha mataas ang expectation ng lahat tan-ena ang word na expectation! Nyay! Lels! Hahaha He is old now, almost 65 years old and about to retire that’s why he took the opportunity to teach in order to pass what he learned, no one follow his footstep kasi his daughter took the other road of success. When I told this professor, “I took up social work because I want to continue the legacy mom left us” and the only thing he said “dapat lang may susunod sa pamilya niyo!” (may slight tampo pa ang boses ni sir address to his daughters! Lels!) and if it’s possible to run fast to reach that goal, ginawa ko na! lels!


Sunday, November 11, 2012

Libro over YOU

Libro? There are a lot of people na sobrang galing when it comes to memorizing the books, lessons, theories, principles, etc. pero pagdating sa real na buhay? Bagsak! Books are only our basis, foundation of learning, but experience is the best teacher of all. I am not intelligent but I know i can do something beyond what I read in books and what my teachers taught me in school. Minsan it's in our values also on how we treat other people, how we learn in life. my course? This represents reality, true to life stories and real sentiments of the people..

I hate reading books but I have to dahil mataas ang expectation ng ibang tao sa akin, yes, I don’t have to live up with that expectations but para na rin sa sarili ko, ayokong mapahiya! I am older, mga teenager yong mga classmates ko, I am working in the government in an agency where this course will put me. They are really expecting that alam ko kahit I know for myself na hindi lahat ng bagay ay alam ko at kaya ko.

here’s one to ponder…

a boy came home from school, he got an excellent award in English from his teacher, he told his daddy about it. This boy had a Spanish yaya named maria, the boy told his yaya na may ganitong award ka ba? And the yaya noded. The boy asked his yaya again, do you know how to speak English well? Again his yaya, noded. The boy went back to his daddy and sabi niya, I am good, I am the best and why is it maria doesn’t know how to speak in English? she is old, she must know it.

His dad went to the library with the boy…

The father grabbed a book in his shelf, he opened it and ask the boy, do you know how to read this? The boy answered, NO! sabi ng daddy niya, you know how to speak in English, maria doesn’t, but maria knows to speak in Spanish very well and you don’t. The boy was silent…

This means that hindi lahat ng bagay ay alam natin, we have our own strength but we also have our weaknesses. We may be good at some things but not for all the things. Yan ang totoo sa buhay, it’s not because you are good in science, magaling ka na gumawa ng drugs! Lels! Hahaha that boy realized it and kapag may achievement yong boy, he always remembered maria dahil hindi lahat ng bagay ay magaling tayo!



 

Thursday, November 8, 2012

This sharpens your brain!

With my allergy attack na naging super OA na, nakapag-absent ako sa work! Pffftt! While at home, I take the chance to finish watching the “suits” I so love both of them, Harvey and mike! Can’t stop, it’s addictive. I should finish the complete season 2 if weren’t for my classmates who texted me that we have a class by 4pm to 5:30 instead of 5:30-8:30. Caught in the middle! I only have 30 minutes to prepare myself, it’s 3:00 and I know I will be late.

after ritual and preparation... umalis na ako ng bahay.

Malas pa! I was waiting for a taxi pero wala! None pass infront of me!! Can you actually believe that in a city!? Ohh shaaxx!! It leaves me no choice but to ride a jeepney, in the middle of the city, there goes the traffic jam! When I realized I can’t get through with it, I stop, bumaba ako! I look for a motorcycle and shits again, no one is available to take me to school, it’s not their route, so I decided again to look for taxi, it took me 3 minutes waiting, oh thank I thought God wouldn’t answer my prayer!

I arrived 4:25 pm at the gate and I know I am sooo late with that, it’s the first day of class, my major! Shit I thought! Hahaha i ran into the lobby, up to the third floor, hiningal pa ako! When Im about to reach the classroom door, here’s the checker! (super inday as we call her, because she does a lot of things, she’s good, before you say it, she handed it to you!) for the faculty attendance, and boom! “you are super late!” I just couldn’t say something kasi hiningal pa ako! I got in, and guess what? Hindi pa nagsisimula yong clase! Nagtaxi pa ako! Hahaha Nagbayad ng 70 pesos para hindi ako malate! Sayang! Inisip ko nalang na kinain ko yong 70 pesos at hindi na ako nagdinner sa school para tipid na rin! Hahaha

Si Harvey at mike lang ang pwedi kong i-blame sa nangyari! I got hooked with episodes 1-8. I finished the 9 and 10 when I got home. Episode 9 broke me! I cried I felt it! It’s all done now, going to miss them until January of 2013. You must see it! It sharpens your brain! It did to me! Hahaha



Sunday, October 7, 2012

Home without a mother


Life without a mother at home on Sunday is too empty I must say but I am enjoying every single chance that I have with my sissy and father. When mom died a year ago, things had been change and it’s never been easy. As an elder daughter, I have to stand, be firmed and remain strong for the family. I am not married as well as my sissy. We took care of my father who is just 54 years old, young to be a widower.

When mom died, it’s the turning point of my life. I saw myself became stronger than I was, I remained calm in every situation that comes in, and I stand in every way. Partly I am now making decisions too and I am seeing my worth in that matter. There are a lot of things we need to balance actually in our life, we have to maintain smooth relationship to our family, friends and co-workers in order to function very well. I can say that I am working on that slowly everyday.

Time is too consuming to me now, I have a great life I can say, I learned to balance everything I want to happen in my life, my work, my school, my family and friends, I can still go to the gym to cut some fats and I see some improvement on that. Discipline is the keyword.

I can say that I have grown up so fast after mom died and i ponder that a lot. I am not my mother but as she always told me before that “you can never be like me but you can be more than me and you can do more than what I have done” and everything she said is becoming my reality now. Mother’s knows best that’s my conclusion and realization. One day when I myself turn into be a mother also, probably 80 percent of me I will get it from my mother, after all my mother brought me up to this world and nurtured me and became the person whom she want me to be. 

Constructive Self-improvement


Whooaa!!! I need a shock absorber now!! as in now na!! and I just thought of blogging it rather than telling it to somebody. There’s no issue actually, it’s just a matter of misunderstanding and definitely there is just perception barrier between two parties. Anyway, that’s over now.

What I am amazed now is that, I never taught that I have changed in time, I definitely learned to control my temper, anger in some situations that arises unexpectedly. Well life has taught me a lot now, it helped me to weigh things out and personally, I learned to accept criticism for a personal self-improvement.

It’s has been a heavy day knowing that there were issues that has been brought up that I for myself don’t have any idea that it was an issue already. You know what I mean? There were just maybe gestures, reactions that other people may perceive it wrongly. No hard feelings. People come to respond from their action that has been shown or the words that has been spoken, sometimes it always differ with the approach we’ve shown to other people. One should just be resilient in accepting things the way they are or ought to be.

It’s just a mixed of emotion, I am not confused now, I am not even angry or mad, maybe what I have understand with my feelings presently is I am just wondering what really went wrong but the good thing then is, there’s a clear closure on some issues. Thanks to the people who are open minded and willing to accept constructive criticism for self-improvement. 

Sunday, January 22, 2012

try kumain ng ganito kalaki na pizza



Feeling ko isang buwan na akong nawala dito sa blogsphere dahil naging busy busyhan ang lola niyo!! Namiss ko rin ang chumismaks sa mga blog niyo kaya babawi ako bukas pagkagising ko. Sa ngayon ibabahagi ko muna ang pizza parteh na sinabi ko sa nauna kong post.

bertdey keyk


buo pa ang pizza haha
Dahil it’s a pizza parteh, so here is the biggest pizza we had tonight!! Plus a free 12 inches pizza free that cost us 1,360 php only, mura na compared to other places. We ordered THE GODFATHER (30 inches big) from big flat pizza and enjoyed the videoke while eating. For now, may amnesia ako sa DIET!! Hahaha this is good for 12 to 15 person’s pero hindi pa rin naming naubos kasi almost 50 slices, kahit mga barako yang kasama ko hindi pa rin naming kinayang ubosin!! We decided to have a pizza party as me and my best friend birthday treat to our social work classmates. Kahit late na ang celebration, we had fun still!!

malakas malusog matibay
ang pinagsamahan namin
all these years. 
ito ang ginawa naming birthday keyk!! lels!! it's more fun in the philippines talaga pag kasama mo ang mga kaibigan mong inasahan!! itong katabi kong kasing malusog ko rin we've been friends since high school days pa lang, mga almost 15 years na rin yong friendship namin and i am happy kasi nahila ko siyang mag-aral din ng korsong hindi namin maintindihan!! hahaha kebs!! enjoy life eka nga!! ilang birthdays na rin kami nagsalo kasi january 1 siya and ako is january 6 naman. all those years since naging kaibigan kami we both know and we will never forget each other's birthday.

Amnesia mode!! walang
diet muna haha
madami pang kwento behind this pizza parteh. bukas ikukwento ko naman ang nangyari after namin kumain at naisipang maglipstick ng sobrang pula, kami at ang mga kasama naming pinagdududahan na naming mga bekey. more pictures to come. 


Friday, January 20, 2012

kakayanin ang beer free this year


20 days to be exact na free beer ako!! Yeaaayy!! Alam ko na ang nasa isip niyo na isa akong lasiggera!! Hahaha hindi no! what I mean is once a week may leisure time kami after Saturday class kasi isipin naman 9am to 7pm ang clase ko straight! Kahit super stress na ako in a week, wala pa rin pinagbago malusog na malusog pa rin ako! Hahaha I’m working 5 days a week at may clase din ako sa social work ng 5:30 araw2x at whole day sa Saturday so I think kailangan ko ring mag-unwind and I deserve to relax or else goodbye mundo nako! LEL!


Ang pinagiisipan ko ng malalim ngayon ay ang pagpapayat ko! Haha natatawa ako kasi all those years gustohin ko mang pumayat hindi natutuloy dahil ang daming reasons sa mundo! Haha ngayon, ikarer ko na talaga since sinabi ko sa panata ko na kailangan beer free na ako para walang carbo masyado sa katawan at nagtitiis nalang ako ngayon sa pineapple juice! Letseh!! Hahaha kay hirap magpasexy lalo na kapag sinasalubong ka rin ng mga parteh at kung anong churvaluh na involve and pagkain at inuman. Basta ang alam ko totohanin ko ng beer free this year nako!!!


Masaya ang inuman!! Mamimiss ko ang pagiging gaga ko na pagnalasing, nawawala sa sarili, nagiging mother amazona, matapang at makapal na ang mukha, surely im going to miss na mapapagusapan ka dahil gumawa ka ng kalokohan dahil nalasing ka! Pag boypren mo naman ang kasama mo sa paglalasing, ibang usapan na yan!! Hahaha cheh!!

Ngayon I am excited sa pizza party naming this weekend, im sure patayan ng drinks ang show but no! no! no! na talaga ako sa inuman muna!! Hahaha manonood nalang ako sa malasing at kukuha ng pictures sa sino mang magmukhang mickey mouse!!

Para malaman ng lahat baka akala niyo eh super lasinggera na ako at hardcore na sa inuman it’s NO!! epal2x lang ang ginagawa ko!! Hehehe ilang rounds ng tagay lang nawawala na ako sa sarili ko, ang tinatago kong pagiging malandi ko  na hindi naman bagay sa akin! LOL!! Hahahaha

Tuesday, January 17, 2012

Tatlong araw na nawala ako


It has been a long weekend for me, I took the 9 hours class last Saturday and my brain starts to deplete. It’s good that after class I joined my friends to unwind and went home by 1 in the morning I think. The whole Sunday, TULOG ako!! Hahaha yesterday was draining the same. I took my two major exam and the fuck!!! Dugong dugo yong utak ko!!

Bago ako nagtake ng exam kumain pa ako sa chowking at guess what nag-halo2x ulit ako, ng matapos ang exam ko punyets! Sa sobrang pagod ng utak ko nawala ang kinain kong worth 150php hahaha and I went to Jollibee to order one chicken burger with extra large fries and large pineapple, at kinarir kong kainin magisa yon!! Hahaha nawawala ang diet ko puteks!! Hahaha

I went home na sobrang pagod na pagod pa rin ako so I decided to sleep early. Today, I feel so fresh parang bagong bago na naman ang araw ko  ngayon. Mahirap talaga abotin ang isang pangarap ano pero once it’s already there, I know it’s all worth the wait din naman! 

Friday, January 13, 2012

Friday the 13th confusion


Today is the first Friday the 13th of the year. People come to believe that pag Friday the 13th may masamang mangyayari. Sa awa ni lord ngayon araw nato wala naman, safe naman akong nakauwi ng bahay except for the fact siguro with my exam results ng prelim, parang isang malaking question mark yong nakuha kong score, super tricky yong questions at na-over analyze ko yong questions kaya naging mali tuloy. ECHOS noh?! I defended myself pa talaga eh simply lang naman yon talagang hindi umabot utak ko sa utak ng teacher ko!! Punyets!! Masyadong bright child lang talaga si MAM!! Or sadyang wala talagang laman utak ko while taking the exam!! yon!! No excuses!! Hahaha

I didn’t do anything after class kundi bili ng pagkain dito at doon. Kung ano2x lang maisipan kong bilhin, meron akong biniling popcorn na may peanut sa goldilocks, kumain ako ng halo2x sa chowking, sumegway pa akong bumili ng bread and sandwich spread para sa agahan ko bukas kasi 9 am to 7 pm yong klase ko kaya kailangan ko ng madaming malamon kundi ako ang lalamonin ng utak ko!! Hahaha

Parang kailangan ko ata munang matulog ng maaga ngayon kasi gigising pa ako ng maaga bukas para mag-aral!! (seryoso nato!! Haha) kailangan kong ikarir ang gusto kong future kaya sasagarin ko na!! pagkatapos ng klase malamang tambay ako sa mga blog niyo at makikigulo!! Hehehe gustohin ko mang mag-ikot ngayon kaso malamig ang panahon at masarap ng itulog. Nakakatakot din minsan ang lamig ng ulan kasi baka maulit na naman ang sendong. Spell the word TRAUMA!! At dahil sa sendong na yan, mas lalong madaming trabaho ngayon sa pag-aaral at sa buhay trabaho ko!!

At nawala na ako sa topic kong Friday the 13th hahaha kahit ako nagugulohan kung ano ba ang post kong to!! Hahaha lagi nalang akong confused sa lahat ng bagay ngayon!! Punyetiks!! hehehe

Itulog ko muna ang taba ko!! Bukas magbuburn ako ng fats ulit!!! Hahaha

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...