Monday, February 4, 2013

Reality 12: Masaya ang PBO

Dumating na nga si amang hari at ang anak ng hari sa republika ng pilipinas, yong saya ko hindi maitatago, naging maingay ako sa twitter dahil gusto kong abangan ang kanilang pagtouch down sa pilipinas. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam na ito galing naman sa mga kaibigan sa blogspero, huli kong naramdaman ang excitement noong isang taon pa mula naman iyon sa taong minamahal ko. Rawwrr.

What you see is what you get in me, mula nong nabago ang buhay ko naging totoo ako sa sarili ko, naging open sa ano ang meron ako at wala man. Hindi maitago ang sayang iyon na dumating na sila dahil nasa isip ko finally makikita ko na sila ng personal hindi yong nasa likod ng isang blog or computer lang sila, mapipisil ko na, mabiro ng totoo, mabigyan ng squeeze hug bawat blogger na Makita ko sa meet up kaso hindi ko rin maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil just earlier naconfirm ko na hindi na pala ako makakapunta sa manila ngayon February 15, 2013 sa meet up ng mga pboers. Ang last hope ko kasing eroplano na airphil, tumaas na rin ang pamasahe, hindi na kinaya ng aking bulsa dulot sa midterm exams ngayong week na ito at wala akong mahugot na pera sa ngayon dahilan na rin sa dami ng babayarin.

Lagpas langit ang kagustohan kong pumunta para Makita ko sila isa’t isa at gumawa ng memories na pwedi kong balikan kahit saan man ako mapunta sa buhay ko. Naiiyak ako na hindi ko rin maexplain ang pakiramdam na ito dahil nabigo naman ako sa aking expectation, lagi ko pa naman sinasabing kapag iniisip ko na makakapunta ako at maabot ko yan, nangyayari dahil sa law of attraction na yan pero ngayon sinusubukan ako ng panahon at pagkakataon. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan ng mga bloggers na sa wakas magkikitakita na sila after ilang buwan na nakikipagkulitan sa mga comment sa blog at sa twitter.

Oo bothered talaga ako ngayon dahil nalungkot ako hindi ko naman maitatago ang pakiramdam na iyan, ayokong magpretend sa emotion ko ngayon, ayoko rin magpretend na meron ako na wala naman dyan. Parang hanggang pangarap lang na makasama ko ang mga bloggers at pboers sa araw ng kanilang meet up sa February 15. Una ko sanang pagkakataon na makasama ang mga taong nagbigay saya sa akin for the past months na sobrang down ako sa buhay ko, yong mga kakulitan ko na hindi matapos tapos hanggang hindi napapagod kakadaldal. Natagpuan ko ang isang kaligayan sa pagbblog na nakita ko na may mga tao pa lang totoo kahit nasa social network site kayo nagkakakilala kaysa nasa harap mo araw-araw, dito ko naramdaman na bawat problema ay may solution may mga tao na nagpapangiti sayo despite of what you’ve been going through personally sa buhay mo.

Hanggang dito nalang muna, malungkot man ako ngayon pero makakarecover din ako. Sana maging masaya at makabulohan ang mga meet ups ninyo aking mga kaibigan sa blogspero.

hangsarap mag hiatus lol pasok nako sa banga! =(

30 comments:

  1. feb 15 ba ung meet up?...wow! id be in manila on that day...hehehe parang gusto ko makipag meet up ah...hehehe


    xx!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe para sayo talaga ang meet up na yan. =)

      Delete
    2. Lala andaya, ang hirap maging sub admin dito dahil ma approval! hahaha!

      Delete
    3. hahaha masaya kasi ako pag nagapprove kaysa yong diretso na mapost dahil hindi ko man lang maramdaman ang pagbasa ng comment hahahaha

      Delete
  2. wag kang mag alala madami pa naman ang next time at pag dumating ang next time na yan wag na pakawalan.. :)

    speaking of BPOers... gusto ko makatulong... paano ko nga sila ma cocontact?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dont forget to like our PBO page and follow twitter account.

      http://www.twitter.com/iheartPBO
      http://www.facebook.com/PinoyBloggersOutreach

      Delete
    2. Salamat... ala akong maibibigay na bagay to sell but I want to pledge...

      Delete
  3. marami pang next time lala ;-) at unahin mo yang class mo at exams mo. lage kang nagti tweeter. hahaha. maingay ka nga siguro sa personal. ako rin, pero ang hirap magtagalog. nawawala kaingayan ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nalulungkot pa rin ako as in. kung anong ingay ko sa twitter ganon din ako kaingay sa personal haha what u see is what u get nga hehehe sana nga may next time pa. =(

      Delete
    2. Galing. Nahihirapan mag tagalog. Mag english nalang kayo... :)

      Delete
    3. hahaha iba kasi ang daldal na tuloy2x na tagalog sa english o kaya bisaya ahaha bisaya yan si piox din!! lol

      Delete
  4. ok lng yan.... pupuntahan naman kita jan so sagot ko kwento at ipapakilala ko sayo lahat ang mga bloggers na pareho nating nakakakulitan online.

    basta focus ka lang jan sa studies mo...

    ReplyDelete
    Replies
    1. haiz nakoh teh iba pa rin ang pakiramdam na nagsasayahan kaung lahat ngayon tapos luluwas ako hahaha haiz talaga bahala na si lord sa akin this week lol

      Delete
  5. ay pwedeng sumama ke senyor? kelan ba sya magbabakasyon sa cdo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti pa sumama ka nalang kay senyor para matuwa naman ako kahit papano naiinis ako talaga sobra hahaha

      Delete
  6. ako din di ko malaman kung makaksama ako ee

    anyways pati pala si pareng jay ee umuwi na
    nice dalawa sa haligi ng bloggin haha
    haligi talga?

    looking forward to see them at ikaw din lala

    ReplyDelete
    Replies
    1. silang dalawa ang umuwi talaga kaya wag na palampasin ang pagkakataong ito mecoy puntahan mo na sila haha

      yeah looking forward to see u all guys kaso hirap pa sa ngayon haiz.

      Delete
  7. Wow. ramdam na ramdam ko ang frustration. AKO DIN minsan ko na ring naramdaman yan. Hahaha! biro mo andito lang ako sa Luzon, pero pag nagyaya sila hindi ako makapunta. Wala kasi akong pera, buhay tambay lang ako. Hahaha! Buti sila ang lalapit lang nila sa isat isa at may mga trabaho sila, may source of income. :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. makakapunta ka pa rin this feb 15 kasi malapit ka lang ndi naman ganon kalayo kagaya ko na kailangan sasakay pa ng eroplano at mamasahe ng ganon kamahal hahaha late na rin kasi ako nagconfirm kaya ganon nagmahal na ang ticket. nafrustrate talaga ako pao haha

      Delete
    2. Wala rin akong pera, ka cute-tan lang meron ako. Hay.

      Delete
    3. hahaha pare-pareho pala kami nila Pao at Anthony. Dota na lang wahahaha! GG nah!!!

      Delete
  8. sad naman ako post mo :) may next time pa nmn at sa next time na yan dapat magpainum kaw :)

    ReplyDelete
  9. sayang naman at hindi ka makakapunta ate lala.. gusto ko sanang pumunta sa feb 15 pero hindi naman ako myembro ng PBO, pusa lang hehe.. anyways, susuporta nalang at susubukang maka-tulong.. ^_^

    ReplyDelete
  10. Wag ka na mag-disappoint. Maraming next time at marami pang pagkakataon para maka-EB mo ang mga kakulitan mo dito.

    At na-guilty naman ako ng konti dahil iniinggit kita kagabi. LOL! Peace ha! :)

    Good morning! :)

    ReplyDelete
  11. Hooooiiiiii di ako masungit noh? ahahahaha good luck and hope to meet you soon :)

    ReplyDelete
  12. Marami pa naman kita-kita sabi nga nila. Habang may hininga eh magkita kita pa rin tayo :D

    ReplyDelete
  13. awww :( dibale ate baka sa susunod na pagkakataon mas bongga pa... ako nga ito kahit hindi masyado nakikipag ingayan sa mga bloggers, gusto ko kayu ma-meet :)

    ReplyDelete
  14. Sana ang una kong Mindanao trip is sa CDO la..
    I understand how you feel..kaya pla kahit malayo Butuan talagang pupunta ka dun ..

    ReplyDelete
  15. Kala ko pa naman go na go ka na sa 15 hahaha...

    May 1 week ka pa to change your mind! Alalahanin ang saya at bonding na mangyayari sa 15! PBOers? San ka pa, kaya punta na! hahaha

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...