Sunday, January 20, 2013

Reality 8: Ang painting ni Jessica at interpretasyon

Ang dami kong namiss sa life ko!

It was Tuesday dumating ang pinadala na painting ni Jessica, (hongsweet ni jessica) Wednesday ko na nadala dahil sa lagnat kong yon, hindi ako nakapagwork. Tambay higa pahinga sa bahay para hindi mag-50/50 ang buhay. I am grateful that despite sa busy kong life, I still have friends I know pag-uwi ko na dyan lang sila behind the monitor lol cover lang? hindi ko pa man nakitang personal ang mga taong mahilig tumambay sa social network sites, parang ang tagal ko na rin silang kilala, paano nababasa ang kanilang kwento sa kanilang sariling blogsite, oh diba, always part tayo sa buhay ng isang tao kapag nagbasa tayo sa kanilang buhay. Echos!

Dahil labadami labango ako kaniinang umaga, ngayon lang ako makapag-update at ma-ipost itong painting na pinadala ni Jessica. Super touch ako dahil pinaghirapan niya gumawa nito kahit sa mga pinagdadaanan niya sa buhay and as I have promised I’ll give my personal interpretation sa drawing niya. This is just only based sa common theory at experience ko in regards to social psych rin, (nababasa at na-aapply slight)

Madalas sinasabi ng iba na theory lang ang pag-interpret ng mga bagay2x lalo na kapag sa guhit at sa painting pero lalabas ba ang theory kung wala silang pinagkukunan nito? Depende siguro. Sa isang institution ng mga bata, pag-guhit ang madalas na ginagawang activity sa kanila para maintindihan sila especially yong mga bata na hindi nagsasalita, nagddrawing, nagkukulay at base sa output nila, doon babasahin kung ano ang gusto nilang ipahiwatig.

Totoo yon kasi may isang bata nga na ayaw magsalita, laging tulala pero kapag binigyan mo ito ng papel, Crayola at lapis nagreresponse siya at alam niyo ano ang ginuhit ng bata? Isang bata at may isang malaking lalaki na may balbas, malapit lang ang isang bata at ang lalaki at doon nalaman ano ang nangyari sa kanya dahil may nakalagay na maliit lang na line doon banda sa ari ng lalaki, meaning ginalaw ang batang ito. Nag-in depth investigation at doon nga naconfirm na may nangyari ngang hindi Maganda.
Ito naman kay Jessica na painting, a combination of yellow, red, black and orange, napaka intense ng energy niya, madami siyang iniisip siguro sa mga panahon na ginawa niya itong painting, minsan kasi hindi natin napapansin pero subconscious natin ang nagtutulak gawin ang isang bagay. Ang kapal ng pagkapinta ni Jessica sa black at red orange,  parang ang init ng dating sa akin, may gusto siyang gawin or kunin pero hindi niya ito alam papano, saan magsisimula at paano magsisimula, gustong mapag-isa malayo sa madaming tao, ang isang tree, ito ay pwedi nating maging comfort kapag tayo ay nalulungkot, ang hangin na binibigay ng puno ay parang nakakarelax ito, nakakaalis ng stress at nakakatulong ito linawin ang ating isip especially kapag may mga decision tayo sa buhay ng kailangan natin panindigan, kaso ang tree ni Jessica ay maitim, isa lang ang nasa isip ko, naghahanap siya ng matatakbuhan.

Black- gustong mapag isa, sa isang kwarto kapag kulay itim lumiliit ito, kahit gano kalaki ang kwarto. May pagkamysteryosa itong Jessica hahaha she is conservative, sophisticated and she wants to find comfort. Melancholic ang kanyang approach sa painting.

Yellow – makulay ang buhay ni Jessica, yellow represents happiness, positive outlook sa buhay, nagbibigay siya ng liwanag sa ibang tao, nagiging strength siya sa iba kagaya yan ng isang sun nagbibigay liwanag sa atin. Definitely, creative si Jessica, gusto ng challenge na Gawain, and this yellow represents more of the brain rather than a heart.

Red – hyper si Jessica hahaha, confident definitely, strong at may pinaglalaban talaga puno ng pagmamahal ang batang ito at gustong magbigay ng pagmamahal sa ibang tao lalo na doon sa walang wala. 

To combine them all, super intense talaga ang painting, high ang energy level, ang lalim, may pinaghuhugotan, may pinagdadaanan, may gustong sabihin at kumukulo na ito sa kanyang isipan hindi na mahintay na ipahiwatig. lol hehehe 
Ang subconscious pala natin ang pinakamadaling example na kaya kong ibigay ay itong mga lalaking nambubugbog ng asawa, oo diba nageexist pa yan sila, kung tatanonin sila kung ang tatay ba nila ay binubugbog ang kanilang nanay, 7 out 10, oo ang sagot. Kahit hindi nila gusto gawin ang bagay na yan pero yan ang kinalakihan nila, lalabas at lalabas talaga yan. Nasa likod ng isip nila at nakikita nila yon habang sila ay lumalaki na normal lang ang pangbubogbog kaya ito ay ginagawa nila din sa kanilang mga asawa. Kung ang babae na nambubogbog ng lalaki, well baka may dahilan yan kung bakit!! Hahahaha jowk! Hehe

Maraming thank you kay jessica for sending this painting with message sa likod, ipapaframe ko ito. hehehe ito ang unang painting nareceived ko sa isang kaibigan na natagpuan sa social network sites hehehehe ito ay gawin kong inspirasyon para mas lalo ko pang pangarapin ang maging doctor sa pagtulong intindihin ang sarili (para naman as if naintindihan ko ang aking sarili! bwahahaha). char!! echos!! at patuloy pa rin ang aking supporta sa passion mo at walang duda na naniniwala ako sa iyong kakayahan na malayo ang mararating mo jes!!! thanks ng marami ulit. muah! 


Syah, ito na muna ngayon kasi maglilinis ulit na ako. Lol





 

26 comments:

  1. hehe! wow, hindi ko ata keri ang mga interpretation ate, hihihi! joke.

    thank you sa interpretation, hikhik.. mejo parang ako ng slight, hihihi!

    hyper talaga ate sa red? hihi.

    Welcome much ate. thank ulit sa pag-inspire sa akin at sa pagtiwala sa aking love- painting. hihi :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. super agree! malayo talaga ang mararating ni Jessica :D

      just follow your dreams lang Jessica, mahal na mahal ka namin!

      *virtual hugs*

      Delete
    2. Ang galing mo talaga Jessica! Gusto ko din yung penmanship mo. Cute! :)

      Hey Lala. Natuwa naman ako sa interpretation mo. Parang puro hatred or something. HAHAHAH! Pang psych ang dating :))

      Delete
  2. wow naman nakatanggap ka din ng art work
    haha kahiya naman di ganto ka bongga ung post ko about dun sa binigay nya sakin
    haha di ko din inisipan ng interpretation
    basta alam ko maganda siya
    haha
    naalala ko nee ko pa i frame un haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehe. ok lang kahit wala naman special something.. hihi :) basta ang importante, may naishare me, kahit kunti.

      Delete
  3. Galing talaga ni Ms. Jessica. Thumbs up. Sweet pa. May future sya at malayo ang mararating. Naniniwala ako sa kakayahan nya :)

    ReplyDelete
  4. Malapit na rin akong maging top Commentator. yey!

    ReplyDelete
    Replies
    1. paanu ba maging top commentator, (inaambisyon ko din ) hehehe

      Delete
    2. naku kailangan mahabol ko kayo...gusto ko rin maging TOP... commentator...

      Delete
  5. Masarap talaga tumitig sa mga paintings kasi iba-iba ang interpretasyon ng bawat isang tumititig.

    ReplyDelete
  6. Magpapadala din ako ng painting para iinterpret mo for me..lol..paiting ni Da vinci! lol..kung di ba naman maging busy ka for a month lala

    ReplyDelete
  7. nice interpretation ate lala.. at hanganda ng gawa ni jessica! ^_^

    ReplyDelete
  8. Galing maginterpret ni lala:) anyway, nice artwork again jessica:)

    ReplyDelete
  9. ang lalim ng interpretation mo Lala. agree ako dun sa meaning ng mga kulay na ginamit ni Jessica sa painting nya. ang galing, nararamdaman ko din na tugma sa kanyang personality yan hehe.

    ReplyDelete
  10. Hwaw! may pagkapsychologist ka pala. Ang galing mo at ni Jess!

    Pwedeng magpainterpret? Haha

    ReplyDelete
  11. Ang lalim ng pinaghugutan ng interpretation mo Lala. :))

    Dahil emotions ang ginamit mo sa pag interpret, at dahil hindi ako magaling jan, sa technical interpretation tayo:

    Yellow kasi "Sun" or Sunlight

    Red naman ang ibinlend sa yellow para makagawa ng orange. Orange means sunset.

    Black ang trees, simply because it's silhouette. ;) To show that the subjects are visually against the light sa viewer.

    Hindi ko alam kung bakit dalawang puno? Hmmm.

    At eto hula lang talaga

    Why 2 trees? The right one was added to buy some space. HAHAHAH wala ko maisip e. ^_^

    Kumusta pala ang pagggym mo? Anne Hathaway na ba? :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. an dami mong hanash jan pao...kiss na lang kita!

      Delete
  12. magpadrawing din ako! inggitero talaga ako e. lol

    may theory pang nalalaman to. kainis! dyuk! LOL

    ReplyDelete
  13. kahanga hanga naman ang painting...haaaay...sarap magpaka emo noh?

    ReplyDelete
  14. ang sweet ni jessica, lala. at ang galing mong mag analyze ha. me roomate ako noon nong college in iligan city. tapos binigyan nya lang ako ng papel. she told me to draw on that piece of paper. ako naman na no idea bakit ako mag do draw NGANGA MODE. bt she insisted, so i did. goodness, in-analyze pala nya yung drawing ko. feeling ko sumanib yung attitude nya sau.

    ReplyDelete
  15. Ang lucky mo naman may obra ka ni Jessica, inggit much hehehe.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...