Showing posts with label Thank you. Show all posts
Showing posts with label Thank you. Show all posts

Sunday, January 20, 2013

Reality 8: Ang painting ni Jessica at interpretasyon

Ang dami kong namiss sa life ko!

It was Tuesday dumating ang pinadala na painting ni Jessica, (hongsweet ni jessica) Wednesday ko na nadala dahil sa lagnat kong yon, hindi ako nakapagwork. Tambay higa pahinga sa bahay para hindi mag-50/50 ang buhay. I am grateful that despite sa busy kong life, I still have friends I know pag-uwi ko na dyan lang sila behind the monitor lol cover lang? hindi ko pa man nakitang personal ang mga taong mahilig tumambay sa social network sites, parang ang tagal ko na rin silang kilala, paano nababasa ang kanilang kwento sa kanilang sariling blogsite, oh diba, always part tayo sa buhay ng isang tao kapag nagbasa tayo sa kanilang buhay. Echos!

Dahil labadami labango ako kaniinang umaga, ngayon lang ako makapag-update at ma-ipost itong painting na pinadala ni Jessica. Super touch ako dahil pinaghirapan niya gumawa nito kahit sa mga pinagdadaanan niya sa buhay and as I have promised I’ll give my personal interpretation sa drawing niya. This is just only based sa common theory at experience ko in regards to social psych rin, (nababasa at na-aapply slight)

Madalas sinasabi ng iba na theory lang ang pag-interpret ng mga bagay2x lalo na kapag sa guhit at sa painting pero lalabas ba ang theory kung wala silang pinagkukunan nito? Depende siguro. Sa isang institution ng mga bata, pag-guhit ang madalas na ginagawang activity sa kanila para maintindihan sila especially yong mga bata na hindi nagsasalita, nagddrawing, nagkukulay at base sa output nila, doon babasahin kung ano ang gusto nilang ipahiwatig.

Totoo yon kasi may isang bata nga na ayaw magsalita, laging tulala pero kapag binigyan mo ito ng papel, Crayola at lapis nagreresponse siya at alam niyo ano ang ginuhit ng bata? Isang bata at may isang malaking lalaki na may balbas, malapit lang ang isang bata at ang lalaki at doon nalaman ano ang nangyari sa kanya dahil may nakalagay na maliit lang na line doon banda sa ari ng lalaki, meaning ginalaw ang batang ito. Nag-in depth investigation at doon nga naconfirm na may nangyari ngang hindi Maganda.
Ito naman kay Jessica na painting, a combination of yellow, red, black and orange, napaka intense ng energy niya, madami siyang iniisip siguro sa mga panahon na ginawa niya itong painting, minsan kasi hindi natin napapansin pero subconscious natin ang nagtutulak gawin ang isang bagay. Ang kapal ng pagkapinta ni Jessica sa black at red orange,  parang ang init ng dating sa akin, may gusto siyang gawin or kunin pero hindi niya ito alam papano, saan magsisimula at paano magsisimula, gustong mapag-isa malayo sa madaming tao, ang isang tree, ito ay pwedi nating maging comfort kapag tayo ay nalulungkot, ang hangin na binibigay ng puno ay parang nakakarelax ito, nakakaalis ng stress at nakakatulong ito linawin ang ating isip especially kapag may mga decision tayo sa buhay ng kailangan natin panindigan, kaso ang tree ni Jessica ay maitim, isa lang ang nasa isip ko, naghahanap siya ng matatakbuhan.

Black- gustong mapag isa, sa isang kwarto kapag kulay itim lumiliit ito, kahit gano kalaki ang kwarto. May pagkamysteryosa itong Jessica hahaha she is conservative, sophisticated and she wants to find comfort. Melancholic ang kanyang approach sa painting.

Yellow – makulay ang buhay ni Jessica, yellow represents happiness, positive outlook sa buhay, nagbibigay siya ng liwanag sa ibang tao, nagiging strength siya sa iba kagaya yan ng isang sun nagbibigay liwanag sa atin. Definitely, creative si Jessica, gusto ng challenge na Gawain, and this yellow represents more of the brain rather than a heart.

Red – hyper si Jessica hahaha, confident definitely, strong at may pinaglalaban talaga puno ng pagmamahal ang batang ito at gustong magbigay ng pagmamahal sa ibang tao lalo na doon sa walang wala. 

To combine them all, super intense talaga ang painting, high ang energy level, ang lalim, may pinaghuhugotan, may pinagdadaanan, may gustong sabihin at kumukulo na ito sa kanyang isipan hindi na mahintay na ipahiwatig. lol hehehe 
Ang subconscious pala natin ang pinakamadaling example na kaya kong ibigay ay itong mga lalaking nambubugbog ng asawa, oo diba nageexist pa yan sila, kung tatanonin sila kung ang tatay ba nila ay binubugbog ang kanilang nanay, 7 out 10, oo ang sagot. Kahit hindi nila gusto gawin ang bagay na yan pero yan ang kinalakihan nila, lalabas at lalabas talaga yan. Nasa likod ng isip nila at nakikita nila yon habang sila ay lumalaki na normal lang ang pangbubogbog kaya ito ay ginagawa nila din sa kanilang mga asawa. Kung ang babae na nambubogbog ng lalaki, well baka may dahilan yan kung bakit!! Hahahaha jowk! Hehe

Maraming thank you kay jessica for sending this painting with message sa likod, ipapaframe ko ito. hehehe ito ang unang painting nareceived ko sa isang kaibigan na natagpuan sa social network sites hehehehe ito ay gawin kong inspirasyon para mas lalo ko pang pangarapin ang maging doctor sa pagtulong intindihin ang sarili (para naman as if naintindihan ko ang aking sarili! bwahahaha). char!! echos!! at patuloy pa rin ang aking supporta sa passion mo at walang duda na naniniwala ako sa iyong kakayahan na malayo ang mararating mo jes!!! thanks ng marami ulit. muah! 


Syah, ito na muna ngayon kasi maglilinis ulit na ako. Lol





 

Sunday, January 6, 2013

Pasasalamat: Birthday Molo Special

Gusto ko pang matulog ng matagal! (sabi ng utak ko yan) sarap ng tulog ko kanina at biglang sumigaw ang tatay ko “LArrraaaahhh!!” nagulat ako! At grrrr… nakahiga pa rin ako haha umulit pa kaya sabi ko “bakit?!” akala ko babatiin niya ako, ang sabi “andyan na yong labandera, saan na mga damit mo!” lol ganda ng gising ko teh! nabitin ako sa tulog lol

Like I said magluluto ako ng molo ni rix, hep! Hep! Yahoo! Yehey! Kung kalian ko naman bday, saka pa ako sinipag maglinis haha kaya umalis ako ng bahay mga 1pm na para bumili ng ingredients sa molo na yan at iba pang lutoin. Hindi ko na dinamihan ang handa kasi tatlo lang kami, wala akong inexpect na bisita naman kasi alam ng lahat yong nanay ko lang ang mahilig sa handaan at sa mga lutong pang-party, since wala na si mader ang nasa isip lang nila baka nagdinner kami sa labas.

Pero mas natuwa ako sa birthday ko today dahil sa inyong lahat, dahil sa inyong mga greetings, lalo akong tumataba lol este ang puso ko. I’m happy seeing the comment box ko na ang dami, kahit flood pa  yan natutuwa ako, habolan na yan sa top commentators ha! Hahaha maganda ang ibibigay kong award, magagamit pa. hehe

Sa lahat ng bumati, maraming salamat talaga, ang saya ko sa birthday ko dahil sa inyo.

Segway slight…

Wag magtaka rin sa mga kaibigan ko sa fb ko kung ang dami kong pangalan lol

Ang LALA talaga ay nickname ko yan pero hindi ko na ginamit nong nag-hs na ako. Relatives lang ang tumatawag sa akin ng lala but dahil gusto ko ng for a change, ito ang ginamit ko sa blogspero dahil at home ako dito. Lol

Nagulat ako dahil for how many years akong buhay dito sa earth natin, paiba-iba na pala ang pangalan ko at hindi ko na namalayan yon, sa pagdadalaga ko pinangalanan akong “BOINKY, BOINKS” dahil nga mataba ako sa paningin nila ( sa paningin ko naman, normal lang ako! Lol)

Ng magtrabaho nako, ayon na! wala na akong choice but kailangan gamitin na ang totoong pangalan! Ganyan!

Gusto ko rin magthank you sa kanila, sobrang lakas ng tibok ng aking puso sa inyong ginawa, lalong sumaya ang aking birthday... 


nasurprise ako sa ginawa ni tonio, he message me sa twitter at fb, late ko ng nabasa kasi nag-gegems pa ako! lol ito pala iyon.. at ito na nga ang ginawa niya, may pa-blink2x pa yan hindi ko lang alam paano yan gawin dito kasi noob na noob lang ako haha salamat sayo TONIO the HE-MAN. lol ang sweet mo talaga kahit palihim hehehe 


at hindi ko rin inasahan ito kay mecoy, alam ko sweet itong si mecoy sa mga comments niya sa blog, sa daldal niya hindi ko akalain magkaron pa siyang ng oras gawin ito. o dibah! ang pugi lang niya! kung ako kasing edad niya, payat, sexy at malandi, rerapin ko na talaga to si mecoy!! hahaha jowk!! natuwa lang talaga ako ng bongga, sa ngiti niya at halah ang ma-sel oh! lol pero salamat mecoy!! bawal na akong tawaging ate ha! hahahaha 


bago ang aking birthday, ito ang kinagulat kong pinadala ni JonDmur, eksayted siya kaya nauna ng nagpaputok, naunang magpaputok ng wine! o diba ang bonggang ni penguin! seryoso lang sa akala niyo pero ang sweet niyan, hindi lang sa babae pati na rin sa mga lalaki. aminin! hahaha jowk!! pero salamat JON! 


JonDmur PART 2: mas ikinagulat ko naman ito!! nawindang ako ng slight! hindi halatang eksayted si jon sa bday ko! hahaha pero tawang tawa ako dito dahil ubod ng init naman ang picture na nasa likod ng mukha kong bilog! (hindi na yan bilog in 3 months! haha) nagpakipot pa si john, hinubaran nalang sana niya itong lalaki to, para magkaalaman nah! hahaha sayang! pwedi na sanang ikaw yan! lol pero gaya ng sabi ko, ayaw ko ng lalaking may ma-sel kasi hindi na lalaki yon! hahaha jowk!! ok na ako sa chubby! lol 


hindi ko rin ito inasahan galing kay mami joy dahil bilang bagohan dito sa blogsphero at ang dami ng friends ni mami joy, hindi niya ako nakalimutan gawan ng card, natuwa pa ako sa language na ginamit niya, may natutunan na ako! hehe dagdag sa kaalaman. maraming salamat dito mami joy, pinataba mo ang aking puso. 


last but not the least naman itong aking kaibigang si senyor! ginawang kontrobersyal ang aking bday dahil alam ng lahat hindi na ako katorse! hahaha sa mukha kong yan mag-dedebut pa ako! debut sa isip! haha pero natawa at natuwa ako dahil sinabi niya sa akin na nag-alarm pa siya para batiin ako! hahaha ganyan, kumusta naman yon!? kailangan talagang sabihin para makonsensya ako! hahaha pero salamat senyor, napasaya mo ako sa aking bday!! muah!! see u sa march! hehe 

dagdag ko pa ito kay senyor iskwater, diniin na naman niyang 12 hours niyang ginawa para makonsensya ulit ako! hahaha thank you ng marami teh at naipost mo ba sa blog mo, tuwang tuwa ako sa nagawa mong tula, saktong sakto sa akin! hahaha sobrang na-tats talaga ako! 



(sa nakalig-taan ko, please raise your hand lang para maidagdag ko, ang gulo kasi ng mga files ko sa laptop ngayon pasenya na hehehe)

at sa lahat ng bumati sa akin sa comment box, maraming salamat, kapag ako ay nagka-oras, gagawa ako ng AVP ng inyong mga greetings! 

dahil kay rix, ako ay na-inspired magluto ng molo sa aking bday, salamat at napaka-inpluwensyal mo! kapag magtutulak ka ng druga malamang bibili ako sayo! hahaha jowk!! 

salamat din kay archie na talagang idinikdik niya sa akin na siya ang pinakaunang bumati sa lahat dahil 4 hours ahead sila sa oras ng pilipinas! natameme naman ako doon dahil oo nga, bday ko na sa NC nong binati niya ako ng happy birthday. ang sweet talaga ang kamahalan namin! 

at si pao na hindi niya nakakalimutang pakainin ang alagang baboy ko sa blog, salamat hahaha tuwang tuwa ka talaga doon. dahil kay pao kaya ako nag-alaga ng baboy. lol 

at si sis arline, 12:13 niya akong binati sa twitter, salamat kapatid. mamaya siya naman ang aking babatiin dahil magkasunod kami ng bday pala hehehe 

so ito na talaga ang molo...para matapos na itong post ko na to, feeling ko ang haba na! hahaha 

Ito na nga ang molo… sinimulan ko na.


ito na nga! tadeeenn!! hindi ko makita ang pangalang PANCIT MOLO sa grocery kaya iba nalang ang binili ko, sotanghon! lol nganga na nganga lang ako! hehehe may apoy sa likod, dyan ang dirty kitchen namin, dyan ako nagluto dahil mas mabilis at masarap kasi kahoy ang ginagamit at mas TIPID na rin! hahaha 


hindi ko maintindihan ang hitsura! haha pero wala naman sa hitsura yan, nasa lasa yan! kaya lang hindi niyo naman ito matitikman, sa susunod mag-imbento tayo ng online tasting para masaya ang lahat! 


iseserve na, ayan na! masarap siya dahil madaming pepper at onion leaves! yon ang nakakadagdag ng lasa plus syempre the chicken broth! yon ang supporting artista sa pancit molo na yan! 




ito patapos na ang aking birthday, salamat sa inyong lahat, nasa isip at puso ko kayo kahit magkalayo man tayo! echos!! sa dami ng sinabi ko, ang ending pancit molo special! hahahaha 

at ang chika ko pala, ayon may bumati sa aking fb ng hindi ko inaasahan, kala ko may maramdaman ako, pero wala na! yohoo to me! ye!! i'm free!! lol 



 

Wednesday, January 25, 2012

Kinarer ang pasasalamat at nag-plug na rin ako!!


Thanks to SEY for helping me solve my problem sa reply2x button ko na yan!! Hahaha at sa wakas na solve niya na hindi gumagana sa chrome but sa Mozilla firefox lang pala pwedi. Though hindi ko pa nasubokan gumamit ng Mozilla dahil kailangan ito ng confirmation sa usb plug-in number ko kasi yon ang nilagay kong number para sa any confirmation. Nasa opisina kasi ako ngayon at hindi ko nadala ang plug-in kaya mayang gabi ko nalang tingnan. Malamang tama na sa Mozilla firefox lang gumagana ang reply2x button na yan. Hahaha lately  naging pahirap sa akin ang bagong reply button dahil sa pagigin inggitera ko ayan tuloy!! Hahaha

I made this post to thank again sa pagbigay ng effort sa concern ko about sa bagong feature ng blogspot, special mention to of course si SEY (14th street), Kuya Rencee (Making a difference at Soltero), Virgo (The adventures of a virgo guy), Jhengpot (Heaven Knows), Michael (Thepinoy wanderer), si Mayen (clicks and cuts) na kaparehas kami ng mundo na gingalawan, si kikomaxx (kaeplan ni kiko), si haze, at si Ile (A hint ofsunlight), si leah (I am super leah), at kinarir ko ang mag plug!! hahaha sa iba pang hindi ko na nagawang malagay pa dahil ngayon minamadali ako ng mga assignments ko nakatambak!! Haha shet no!! busy ng buhay ko!! Punyets!!

Salamat sa mga dumalaw sa aking bahay, pagkatapos ng mga assignment ko asahang gagala na naman ako sa inyong mga blog at makikigulo na naman ako, na-aadict na akong chumikzmaks sa blogsphere parang drugs ko na ata to dahil hindi complete ang araw ko kapag di ako nakikialam sa mga buhay2x niyo hahaha!! Ito ang tinawag ng instructor ko na emphaty meaning alam ko at nakikialam ako sa buhay niyo!! Hahaha ang sympathy naman daw ay nakikiramay ka pero hindi ka nakikialam. Lels!! May natutunan pala din ako!! Hahaha

Kailangan ko na talaga gawin ang assignment ko or tutunganga nalang ako mayang 4pm sa clase ko. I need to take interview also sa mga social workers who worked in the field for almost 20 years kung nagagamit pa ba nila ang mga principles na tinuro sa kanila, sa totoo lang the way I see it here sa opis, isang malaking HINDI na!! hahaha

Sa susunod ulit kasi busy busyhan muna ako ngayon, magpapaka-emplyado at estudyante muna ako. Lels!! Salamat ulit to all bloggers na dumaan at nakiki-emphatize sa blog ko!! Hehehehe 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...