Dumating na nga si amang hari at ang anak ng hari sa republika ng pilipinas, yong saya ko hindi maitatago, naging maingay ako sa twitter dahil gusto kong abangan ang kanilang pagtouch down sa pilipinas. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam na ito galing naman sa mga kaibigan sa blogspero, huli kong naramdaman ang excitement noong isang taon pa mula naman iyon sa taong minamahal ko. Rawwrr.
What you see is what you get in me, mula nong nabago ang buhay ko naging totoo ako sa sarili ko, naging open sa ano ang meron ako at wala man. Hindi maitago ang sayang iyon na dumating na sila dahil nasa isip ko finally makikita ko na sila ng personal hindi yong nasa likod ng isang blog or computer lang sila, mapipisil ko na, mabiro ng totoo, mabigyan ng squeeze hug bawat blogger na Makita ko sa meet up kaso hindi ko rin maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil just earlier naconfirm ko na hindi na pala ako makakapunta sa manila ngayon February 15, 2013 sa meet up ng mga pboers. Ang last hope ko kasing eroplano na airphil, tumaas na rin ang pamasahe, hindi na kinaya ng aking bulsa dulot sa midterm exams ngayong week na ito at wala akong mahugot na pera sa ngayon dahilan na rin sa dami ng babayarin.
Lagpas langit ang kagustohan kong pumunta para Makita ko sila isa’t isa at gumawa ng memories na pwedi kong balikan kahit saan man ako mapunta sa buhay ko. Naiiyak ako na hindi ko rin maexplain ang pakiramdam na ito dahil nabigo naman ako sa aking expectation, lagi ko pa naman sinasabing kapag iniisip ko na makakapunta ako at maabot ko yan, nangyayari dahil sa law of attraction na yan pero ngayon sinusubukan ako ng panahon at pagkakataon. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan ng mga bloggers na sa wakas magkikitakita na sila after ilang buwan na nakikipagkulitan sa mga comment sa blog at sa twitter.
Oo bothered talaga ako ngayon dahil nalungkot ako hindi ko naman maitatago ang pakiramdam na iyan, ayokong magpretend sa emotion ko ngayon, ayoko rin magpretend na meron ako na wala naman dyan. Parang hanggang pangarap lang na makasama ko ang mga bloggers at pboers sa araw ng kanilang meet up sa February 15. Una ko sanang pagkakataon na makasama ang mga taong nagbigay saya sa akin for the past months na sobrang down ako sa buhay ko, yong mga kakulitan ko na hindi matapos tapos hanggang hindi napapagod kakadaldal. Natagpuan ko ang isang kaligayan sa pagbblog na nakita ko na may mga tao pa lang totoo kahit nasa social network site kayo nagkakakilala kaysa nasa harap mo araw-araw, dito ko naramdaman na bawat problema ay may solution may mga tao na nagpapangiti sayo despite of what you’ve been going through personally sa buhay mo.
Hanggang dito nalang muna, malungkot man ako ngayon pero makakarecover din ako. Sana maging masaya at makabulohan ang mga meet ups ninyo aking mga kaibigan sa blogspero.
hangsarap mag hiatus lol pasok nako sa banga! =(