Tuesday, May 14, 2013

I am not strong as i look

Deep breathe! Inhale and exhale! Woooootttt! Pppooooootttt!!! Pampam-parampam!!!

I am trying to comfort myself, hahaha syet, paking tape!

Nanahimik ako sa twitter, sa blog at kahit sa fb dahil may pinagdadaanan akong nakakaloka lang. it happened after nong interview at deliberation ko with my practicum. I think, during and on-going na interview na yan nagbreak down ako. 

I thought kaya ko, oo I know matapang ako, physically yes but emotionally I’m so weak. lol wala sa hitsura at aura ng isang tao ang pagiging matapang niya dahil people who have the most disguise sa sarili is yong nagtapang-tapangan, strong at palaging tumatawa.

I just can’t believe that nagbreak down ako sa araw ng interview na  yon, hindi ko mapigilan umiyak (Im so artista that moment hahaha) pero seriously, pigil na pigil nong una ang iyak kasi nakakahiya sa panel, may kalidad at op kors, they’re also my professors.

I cried because I don’t want to lose this chance and hope na I can make it ng march 2014. I was given an option na summer 2014 ako ggraduate kasi according sa policy ng school hindi pwedi magload ng subjects dahil practicum days ko na, nangyari yan dahil sa mga religious studies na naiwan at ibang minors ko na hindi nacredit dahil sa descriptive title. Hindi ko kayang tanggapin yon kasi feeling ko that moment, I am going to lose what I hope. I told them na, I can’t promise what I can give if they are going to push that option dahil ayoko ng dumaan ulet sa pinagdadaanan ko non, minsan na rin kasi akong nadepressed ng almost a year, nagbreak down ako sa buhay, I wasted it ng ilang taon din dahil hindi ko kinaya ang expectations ng mga magulang ko, hindi ako naka-live sa mga expectations nila and I lost my way (don’t worry hindi ako tumira ng drugs! Hahaha)

I learn to dream again para sa sarili ko nong nag-aral ako ulet dahil alam kong ito ang gusto ng nanay ko, ito ang iniwan niya bago sya namatay. Minsan na ring tinapon ko ang pangarap ko dahil like I said, hindi ko kinaya ang expectations nila, hindi ako nakabangon ng ilang taon hanggang umabot sa turning point na kailangan kong labanan ang lahat ng takot ko sa buhay. that moment I was talking to my professors, ang tanging alam kong nasabi ko was “don’t make me lose this chance and hope to believe and continue the dream that I learned to live it now” sabay ang bonggang iyak na effortless tumulo yong luha ko pati sipon ko, sirang sira ang eye liner, make up at feeling ko para akong batang umiiyak sa sobrang gutom hahahaha

Currently, hindi ko pa alam kung kaya ko na bumalik sa school para sa enrolment na yan, hahaha kasi I am weighing things out, ang nasa utak ko lang ngayon is, patuloy ng patuloy lang, taking all the risk, if kailangan ng short cuts then I will do that, by pass sa usual enrolment process then gagawin na, medyo desperate na ako talaga. Hahaha kebs na ako! Medyo natatawa ako na hindi ko pa natatanggap na nagbreak down ako sa araw ng interview! Hahaha syet.

Pasensya na at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, in time, magiingay ulet ako at darating na rin sa point na gusto niyo akong palayasin sa mga blog niyo. Hahaha charreettt lang!! basta I know everything may rason, isep-isep positive nalang  para magaan ang buhay. kaya kung ano man ang inyong mga pinagdadaanan din, it will help if you see it positively. kaya yan! we will just laugh nalang after we surpass those trials. 




23 comments:

  1. hala, cheer up Lala, okay lang yan kesa di mo nailalabas!
    magiging maayos din yan in god's name!

    ReplyDelete
  2. Dont give up lalah. Life is like that. Up and down, but when you are down, tayo ka uli. Let God hands hold you up. Trust and obey. Take care.

    ReplyDelete
  3. ouch hehe... kaya yan teh lalabels! walang susuko ^_^
    miss ko na nga ang pag iingay mo sa blog at sa twitter.

    ReplyDelete
  4. Kaya yan! Kapit lang!

    May magandang rason si Lord bakit nangyari yan. :)

    ReplyDelete
  5. May pinagdaraanan ka din pala yet you found to reach out to me sa FB nung ako naman ang nagbebreakdown. Thanks nga pala, at sorry di ko nasagutan yung questionnaire, ang dami na din kasing nangyari sa life ko na di ko maintindihan haha...

    About your post, kung ano man yan, lakasan mo lang ang loob mo. Alam kong mas madaling sabihin yan kesa gawin pero sabi mo nga, stay positive lang tayo lagi. In time, things will look up for you. Ganun naman ang buhay talaga, minsan down tayo, pero we can find comfort in knowing na darating ang time na makakaahon din tayo.

    ReplyDelete
  6. ah kaya pala nanahimik ka.. ok lang yan sis.. isipin mo na lang everything happens for a reason.. kung ano man yun im sure it will be for your good.. kaya wag ka na ma-sad kaya mo yan.. kaw pa! go lang ng go.. parang globe lang hehe.. miss you teh lalabels ;)

    ReplyDelete
  7. musta na... ako din minsan na lang din mag online...


    kaya mo yan... wag susuko.... mahirap man malalampasan mo din yan...

    ingat lagi... ^^

    ReplyDelete
  8. go lang lala kaya mo yan Pray lang. God has plan why things happened. smile matatapos mo din at matutupad ang pangarap ng nanay mo sau

    ReplyDelete
  9. teh, chill.... bawasan ang kape... alisin ang takot... gusto ko, humihinga ka pa pagdating ko jan sa CDO!

    ReplyDelete
  10. Go lang ng go lalabels! Kayang yan...tiwala lang. :)

    ReplyDelete
  11. Lala!!! *cat hugs*

    I know nag usap na tayo sa FB regarding this issue, pero uulitin ko ulit dito na kaya mo yan! ikaw pa bang palaban ang hindi kakayanin ang mga pagsubok na yan? I believe the fighter in you. Nasan na ang nakilala kong Lala na laging palaban at sumasabak sa gera? Test of faith sa iyo yan ni Lord, kapit lang sa kanya at huwag bibitiw! :D

    Ay eto, pakinggan mo na lang ang song titled "Darating" by BBS, Ney, Dello and Kleggy. Sobgrang ganda ng message ng song na yan. pramis. Bagay na bagay sa pinagdadaanan mo ngayon yang song. Very inspiring at uplifting ng spirit.

    http://www.songlust.com/download/aHNjQ084MVFtbDQ=.html

    or meron din nyan sa youtube :)

    *hugs ng marami sa biik*

    ---
    kung ma double post man tong comment ko, paki delete na ung isa. nag loko kasi tong connection ko habang pinopost toh. tenks!

    ReplyDelete
  12. ako din may pinagdadaanan ngayon..pero parang kaartehan ko lang un... hehehehe hope everything will be well soon for you Lalah.. I mean everything happens for a reason.. kung ano man ang nasa path mo today..for sure it is fate. (:

    ReplyDelete
  13. Go push lang Lalah! May reasons bakit di nangyayari ang mga bagay as we planned and hope. Di man natin alam ngayon, pag swinerte tayo, eventually malalaman din natin ang dahilan. Basta anytime you want to vent out or talk, andito lang naman kami. Kung order of cuteness ang gusto mong pag pili ng kaka usapin, syempre unahin mo ako ha. char!

    Hugs sissy! Mwahs!

    ReplyDelete
  14. Grabe Ate Lala, ganyan din nangyari sakin, as in. Naging summer graduate din ako because of religious education. At first nalungkot ako, not for myself but para sa Mama ko kasi siya yung sobrang masasaktan. Pero buti na lang understanding si Mama. Kaya mo yan ate. Kakatapos lang ng summer ko so offcially graduate na din ako. Never give up! Smile :)

    ReplyDelete
  15. Hi ms. Lala! Long time no comment. Ano pa nga ba masasabi ko? Sa mga usaping pagaaral eh wala ako masasabi talaga kasi isnumpa ko na lahat ang mga paaralan at wala pa ako tinapos kahit highschool. Pero ito lang ang puede kong iwanan sayo na lagi ko din sinasabi sa mga bloggers na estudyante- MABUTI NA ANG MAHIRAPAN SA PAG-AARAL KAYSA SA MAGHIRAP DAHIL WALANG PINAG-ARALAN

    Maliban na lang na artista ka at pumasok sa pulitika, puede pa iyon. The thing is, artistahin ka lang, hindi ka pa artista.

    But i do hpope na maampasan mo ang anumang challenge na yan. Don't think of it as a hindrance but a challenge. Keep this in mind- your ability to face and solve a problem of a certain magnitude will determine your capacity to produce wealth and money in your life.

    Kaya sige laban lang. It's okay to cry. We're human. It's normal to get tired, we're finite beings. Butit's unacceptable to behave like a hopeless soul for God has destined us to be conquerors.

    When the going gets tough, the tough gets going. Tell your big poblem that you have a bigger God.





    ReplyDelete
  16. La, kung anu man ang iyong pinagdadaanan.. itawa mo na lang po.. but not in a sense na mukha ka ng engut.. laugh but never take life less serious.. kaya mo yan.. time will come..

    ReplyDelete
  17. Sus! Yakang-yaka mo yan! Sige lang agawan mo ng trono ang dating "Crying Lady" - it's about time na palitan mo n sya sa trono lolz!

    Matapang ka kasi kaya mong aminin ang mga breakdown na ganyan. Maraming dumadanas ng ganyan hindi lang sila kasing-tapang mo na sabihin sa iba which is good kasi helpful yan.

    I'll be one of your prayer warriors na ma-reach mo ang dream mo. Easy lang dear tatakbo pa tayo dyan sa CDO he he :P

    Sensya na rin now lang nakadalaw dito. Nawala rin ako sa limelight. Napagod akong pumirma ng autograph kaya nag hiatus muna ako sa pagka-celebrity chos feelingera cum echosera ako lolz ;)

    ReplyDelete
  18. Atleast nakaka tawa ka pa lalabells....:) keep on moving and keep on believing. I believe that delays has reasons, and that every disgrace and even failure is a blessing. We might not be able to know the reason, but you will someday....:) pa enroll ka na bata ka...hehehe Good luck!



    xx!

    ReplyDelete
  19. bumisita lang sa iyo at kinukumusta ka..

    ReplyDelete
  20. "There's a rainbow after the rain. A reason in each proble we overcame" :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...