Showing posts with label Telelalatalak. Show all posts
Showing posts with label Telelalatalak. Show all posts

Monday, July 28, 2014

Makikigulo sa SONA

Una sa lahat gusto kong makigulo sa SONA ni Pnoy! Chos! Hahaha (sway to the left and to the right sabay kaway kaway talon at biglaanngg splleetts)

Lahat ng tao may pagkukulang, walang perpekto, siguro naman sa lahat ng taong “nakakaintindi” ginawa naman ni Pnoy ang best niya para sa Pilipinas. Bawat presidente natin sa Pilipinas, isa lang masabi ko PAKSHET sa lahat ng raliyista na yan na wala na sa lugar, lahat may comment, lahat may reklamo, lahat mali ang nakikita nila sa presidente, PWES! One this then there is, be the president of the Philippines! Parang sila nalang lagi tama! Eh di magpresidente kayo yon lang yon! hahahaha

Sa trabaho ko sa field noon at ngayon, isa lang ang realization ko, yes oo aaminin ko yang madaming mali sa gobyerno, totoo may mga corrupt sa gobyerno talaga lalo na kapag nasa position ka pero hindi nagpapabaya ang gobyerno sa mga programa para sa mga mahihirap! Totoo yan. Ang mahirap?! Yong mga mahihirap sinisisi ang president dahil sa kahirapan, naman! Ito ang katotohanan diyan, MENTALIDAD!!! Oo MENTALITY ng mga taong yan! Nasa isip nila na mahirap sila kaya hanggang don nalang sila. HINDI! HINDI! Hahaha kasi lahat may paraan kapag gusto, lahat may magagawa kapag determinado!

Hindi ko naman masabi na maka-Pnoy ako, pero ang gulo gulo ng maynila sa mga rally na yan, sunog dito, sunog doon, hindi kayo yayaman dyan! hahaha yon lang talaga! hindi! hahaha chos! 

Wwwwoooootttt.. paaakk!! Hahaha

Anyways, siguro ito na ang right time para makabalik nako sa mundo ng pagbblog, charots! Oo kasi naitawid ko na ang pangarap ko. ito na ang simula sa pagbuo ng bagong mga pangarap. Naman! Achos lang! hahahaha di nga, above all, sobrang nagpapasalamat ako sa diyos sa lahat-lahat na nangyari sa buhay ko for the past 3 years. Naabot ko na, I got my license finally! Yoohoo!! I am now already a REGISTERED SOCIAL WORKER! YES! Hahaha  Ito ang masabi kong God made it all happen the least I expect it, it was indeed orchestrated.

Sa next post ko na ikukwento about pano ko narating ang lahat ng ito sa buhay ko. charoowwss! Hahaha
Wala lang, nakikigulo lang naman ako talaga sa SONA, sumingit lang bigla ang personal na buhay! hahaha
Hayyymisshyoo all!!


Monday, September 30, 2013

Telebunot emosyon

Dahil masakit pa rin ang ipin ko until now, tumigil ako sa ginagawa kong paper works. Isipin nalang walang effect ang dolfenal na yan sa ngipin ko pero ang coated peanut perfect na perfect na gamot sa ipin ko pansamantala. Naubosan ako ng coated peanut kaya sumakit na naman yong ngipin ko. I told mah self na kailangan ko nga talagang kumain ng walang tigil para hindi na sasakit yong ngipin ko hahahaha

Well dahil masakit ang ngipin ko, feel kong mag-emote. Charots lang! I hope this post hindi ko mapagusapan ang work slash practicum hahaha

Don’t worry hindi naman ako titigil sa pagbablog. Kapag gagawin ko yon baka makalimutan nako ng mga fans ko. rooooottts carrooottss hahahaha 

Seriously ha, on the other side of me, I feel so free. Parang carefree napkin lang ata yon ha. Bwahahaha I felt free knowing that in time, everything is back to normal. I found myself once again (parang nasiraan ako ng bait sa statement ko na ito ha hahahaha) yes, it feels like na-refresh ako, na-reconnect and as well as I learned to live my life everyday as if it’s my last day. I cried once, twice and even over again but because of those pains in the past, I used that to be strong enough to endure all the pains that will come along my way.  Ang sarap magconnect sa nature kasi fresh na fresh ang feeling lang. lol

I think my heart for the last couple of months is completely ready for another try BUT! The problem is ang dumating, hindi ko gusto. I just discovered that bago ako pumunta ng Bukidnon. iba kasi kami ng paniniwala sa buhay. Kahit anong pilit or try, ayaw talaga eh. I know somehow I have hurt him in a way na kahit siya he knows I don’t like him. basta I know darating at darating din yong fair ang lahat, gusto ko siya at gusto niya ako. Charrooottss!! Hahahaha ay basta ayan kasi natuloyan na akong mag-emote hahaha

Basta I am just thankful that I have a new life. Maybe mas konti nalang ang time now para magemote, hahaha dapat laging masaya dahil hindi natin alam kung hanggang kalian lang tayo dito sa mundo. 

Kahit anong daldal ko pa dito, still masakit pa rin ang ngipin ko hahaha (in short, I made this an excuse now to eat again hahaha)


Tuesday, May 14, 2013

I am not strong as i look

Deep breathe! Inhale and exhale! Woooootttt! Pppooooootttt!!! Pampam-parampam!!!

I am trying to comfort myself, hahaha syet, paking tape!

Nanahimik ako sa twitter, sa blog at kahit sa fb dahil may pinagdadaanan akong nakakaloka lang. it happened after nong interview at deliberation ko with my practicum. I think, during and on-going na interview na yan nagbreak down ako. 

I thought kaya ko, oo I know matapang ako, physically yes but emotionally I’m so weak. lol wala sa hitsura at aura ng isang tao ang pagiging matapang niya dahil people who have the most disguise sa sarili is yong nagtapang-tapangan, strong at palaging tumatawa.

I just can’t believe that nagbreak down ako sa araw ng interview na  yon, hindi ko mapigilan umiyak (Im so artista that moment hahaha) pero seriously, pigil na pigil nong una ang iyak kasi nakakahiya sa panel, may kalidad at op kors, they’re also my professors.

I cried because I don’t want to lose this chance and hope na I can make it ng march 2014. I was given an option na summer 2014 ako ggraduate kasi according sa policy ng school hindi pwedi magload ng subjects dahil practicum days ko na, nangyari yan dahil sa mga religious studies na naiwan at ibang minors ko na hindi nacredit dahil sa descriptive title. Hindi ko kayang tanggapin yon kasi feeling ko that moment, I am going to lose what I hope. I told them na, I can’t promise what I can give if they are going to push that option dahil ayoko ng dumaan ulet sa pinagdadaanan ko non, minsan na rin kasi akong nadepressed ng almost a year, nagbreak down ako sa buhay, I wasted it ng ilang taon din dahil hindi ko kinaya ang expectations ng mga magulang ko, hindi ako naka-live sa mga expectations nila and I lost my way (don’t worry hindi ako tumira ng drugs! Hahaha)

I learn to dream again para sa sarili ko nong nag-aral ako ulet dahil alam kong ito ang gusto ng nanay ko, ito ang iniwan niya bago sya namatay. Minsan na ring tinapon ko ang pangarap ko dahil like I said, hindi ko kinaya ang expectations nila, hindi ako nakabangon ng ilang taon hanggang umabot sa turning point na kailangan kong labanan ang lahat ng takot ko sa buhay. that moment I was talking to my professors, ang tanging alam kong nasabi ko was “don’t make me lose this chance and hope to believe and continue the dream that I learned to live it now” sabay ang bonggang iyak na effortless tumulo yong luha ko pati sipon ko, sirang sira ang eye liner, make up at feeling ko para akong batang umiiyak sa sobrang gutom hahahaha

Currently, hindi ko pa alam kung kaya ko na bumalik sa school para sa enrolment na yan, hahaha kasi I am weighing things out, ang nasa utak ko lang ngayon is, patuloy ng patuloy lang, taking all the risk, if kailangan ng short cuts then I will do that, by pass sa usual enrolment process then gagawin na, medyo desperate na ako talaga. Hahaha kebs na ako! Medyo natatawa ako na hindi ko pa natatanggap na nagbreak down ako sa araw ng interview! Hahaha syet.

Pasensya na at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, in time, magiingay ulet ako at darating na rin sa point na gusto niyo akong palayasin sa mga blog niyo. Hahaha charreettt lang!! basta I know everything may rason, isep-isep positive nalang  para magaan ang buhay. kaya kung ano man ang inyong mga pinagdadaanan din, it will help if you see it positively. kaya yan! we will just laugh nalang after we surpass those trials. 




Monday, April 1, 2013

Tele-Talatak-Contest-Winners

Bam baam baaamm boooomm!! Shake it to the right!! Shake it to the left!! I am getting so sexy and I know it!! Ohhh lalala sabay splleeett with hands up in the air!! Telelalalala baaamm booom!! Ohh!! Bang!!

Tunog ng kampana sabay-sabay buong pilipinas

Heto na… heto na.. heto na…

DOO-BIDOO-BI-DOO, BIDOO-BIDOO

(drums) bam!! Baam!! Bang!!

Dahil tapos na ang 1st quarter natin, I am going to announce sino ang nanalo sa Mr. & Ms. TelaDaldal (daldalera at daldalero) sa blog ko. makakatanggap sila ng premyo galing sa akin at autograph (artistang artista lang? hahaha) I am going to mail my prize kung sino man ang nagwagi ( speech pls? lol )

Sila ang natatanging walang sawang sumubaybay sa aking mga emohan,  sa mga walang kwentang blog post minsan, sa mga paniniwala ko nong ako ay  bata pa at mga kababalaghan na nangyayari sa aking buhay, silang dalawa ang masasabing kong PINAKA-madaldal since nagbalik akong magblog.

So eto na ba?

Clap clap clap kampana ay kailangan mag-ingay para may feelings…

Drum rolls… tarrraaagggg taaaggg baaggggg…

Dapat maingay para mawala ang mga malas. Chos. Haha

Kaibigang malusog, pati puso ay kasing laki pa ng kanyang katawan. Bago pa lang ako sa PBO noon, at kakabalik ko lang sa mundo ng blogsphere, siya! Siya ang feeling kong tahimik, demure (chos lang para hindi masira ang reputation) at hindi ko alam pa ano ba talaga ang totoo sa mala-devil niyang mukha este mala-anghel pala, siya ang isa sa una kong naging taga daldal at mahilig gumawa ng reaction paper sa blog ko. deep inside me (seryos ako dito lol) I feel this urge? Urge talaga ang term ko eh ano? Hahaha palit-palitan, panira ng moment hahaha anyways, hindi man kami madalas nagkukulitan, hindi pa kami din nagkikita ng personal, we just talk some matters of our life ganyan ganon chika seryos sa buhay (reets) oo may ganyan kaming moment kapag nagugutom ang mga alaga sa tiyan lol pero he is one of the bloggers na kilala ko na super totoo, walang keme, walang pretentions at lahat sinasabi walang takot sabihin ang kanyang saloobin, kinokontra niya kaming mga babae at pwes pinanindigan talaga (langhiya hahaha). Feeling ko at sinasabi nila, na siya ang katapat ko sa kaingayan, sa kalandian at iniisip ng madla pano nalang kapag nagsanib pwersa na kami! (may powers2x lang?)

Wala akong choice talaga, alam mo that awkward moment na wala kang choice to announce sino ang nanalo? Hahahaha jowk.

Ingay-ingay ulet pls… I need splleeetersss.. im requesting josh of KULAPITOT to do that, do that. Lol

Ito naman si Ms. TeleDaldal for this 1st quarter, sa sobrang ingay ko, at napunta ako sa blog niya, tahimik ang peg ko, nahihiya ako kasi feeling ko si God ang nakikipagusap sakin, na-eenlighten ako whenever I stopped and read. Somehow on the other side (dual personality? Haha lol) na-lilift up ako with the words, quotes and verses she threw sa blog niya at hindi lang ako naman ang may ganong feeling but everyone does. It help us, it reminded us that no matter how busy we are sa araw-araw, kailangan natin magkaron din ng relasyon kay God, hindi lang tayo dapat magaling sa pakikipagrelasyon sa ibang tao. Kilalang kilala siya sa blogsphere na siya ang granny na bagets, mommy ng lahat. Nagmamasid man siya sa mga kabataan ngayon, sa ano man ang iniisip natin, ano ang takbo ng ating mga utak natin, she knew that it’s too far from what she used to see but ni minsan wala akong narinig na pinagalitan niya tayo (hahahaha) dahil lahat naintindihan niya, inintindi niya ng walang judgment at doubt. Siya ang Ms. TeleDaldal this 1st quarter dahil hindi niya pinapalagpas ang kanyang iniisip sa bawat blog entry ko, may sense man o wala.

So ito na talaga, this is it na really… drum rolls again so hard… please.. requesting mecoy and animal friends feyel, kat and pao na gumawa ng mecoy face at ikot ikot kembot kembot at lahat jump then dapa bigla, dyan lang dapa lang kayo, wag kayong tatayo hanggang hindi ko sinabi (hahaha)

So here it is finally… ohalalalalalala telelalalala tadaaanngg…

Sila ang Mr. & Ms. TeleDaldal for the 1st quarter. 


I am lucky! i found this pic through Zai's album (thanks zai hihihi)
Sa lahat ng naging parte ng blog na ito, super akong nagpapasalamat sa inyong lahat, you've been my inspiration kaya ng hindi sinasadya mas lalo akong nagiingay rooots. sana wag kayong magsawang maki-ingay at maging parte ng buhay ko, i am so pleased na maging parte kayo ng paglalakbay ng aking buhay. salamat ng marami sa inyong lahat.

May darating pang 2nd quarter, end of June mag-aannounce ulit ako ng winner base on sa dami ng comment mula sa araw nato forward until June 30th. So samahan niyo ulit akong mag-ingay sa darating na tatlong buwan!

CONGRATULATIONS po sa inyo!! 


P.S

Mommygranny joy, enge ako ng add mo where i can mail my prize. i already have the address of senyor. hihihi thanks mommygranny!








Tuesday, March 26, 2013

Tele-walang-kwentang-update


Baaannngg!! Baamm!! Booomm!! Boom!! Kaway to the right, kaway to the left!! Ikot ikot jump jump at biglang split! Lol

Telelelala-bati sa inyong lahat.

Finally, im happy kasi nakakapagupdate na ako ng blog ko! hahaha

Just busy with school, had our finals, may research pang pamatay! Ngayon 1 week break ang utak ko sa mga dapat kong isipin at harapin.

Malapit na matapos ang March, ibig sabihin malapit na rin akong mag-announce sa Ms. Daldalera & Mr. Daldalero for the 1st quarter. Like I said, may reward or prize akong ibibigay kung sino ang mananalo. Nag-iisip pa ako ng magandang prize. Hihihi ang mananalo base sa number of comments na dinaldal niya sa old blog ko (click this) at dagdag ang comments niya dito sa telelalabells. So magbibilang ako? Ganyan?!

Madami pa naman akong ikukwento pero saka na, ito muna ang update sa ngayon. Hindi gumagana ang utak ko, baka kailangan ko lang ng ice cream para umandar ito. Kagabi pa ako crave ng crave ng ice cream dahil sa sobrang init na yan na walang patawad.

Dahil holy week hindi rin ako makapagpromise na hindi ako makakapagtelelelelalala-INGAY sa blog at sa twitter, dahil vacay na vacay lang I have all the time to shout out my rants chars!! Pasensya ahead if mapupuno ko ang inyong timeline hihihi pero who knows hindi ko pala magawa yon dahil magmomovie marathon ako sa home theatre. Its time to sit sa living room dahil halos ilang buwan na rin akong ndi nakahiga at nakapagpahinga sa living room. So this is the time, this is the moment! Haha

Sasabihin ko sanang HAPPY holy week, hindi pala appropriate yon lol

Pasensya. =p




Friday, March 15, 2013

TelelalahKRAS

Telelelalaissues, Telelalanews and telelalaupdate for now.

Dahilan ito sa nagkagulong usapan sa twitter dahil sa tweet ko na “may blogger kras ako!” hahaha I made that revelation after I have realized that ok na pala ako (charroooss) wala lang, nakalimutan ko kasi yang blogger kras na yan for a year kasi naging busy ako sa life. roots.

When blogger kras added me sa twitter at nagccomment ulit ako sa blog niya, there! I realized again na “ayon oh! May blogger kras pa rin ako! Lol”

Open the curtain please, now na… sabay may sayaw pandanggo sa ilaw.

He is funny I may say, may humor siya ng bongga talaga, masungit minsan hindi ko alam basta ma-challenge yong ugali niya hahaha, cute ang pagiging maangas niya, hindi masyadong ngumiti most of the pics na nakita ko sa kanyang blog. Matalino syempre kasi feeling ko lang kapag ang lalaking nagbblog matalino talaga kasi pambabae lang ang may peg sa mga online diary slash blogging na sa panahon natin. Siya ay may malawak at malaki ang pangarap na nakikita ko ang aking sarili sa mga view niya sa buhay kaya siguro na-attract ako sa mga pananaw niya (may tinikling na sumasayaw habang kumakanta si pabarote)

Sarado ang kurtina… wooossshhh…

Drum roll… tug-dogodog-dah-dah-baaam!

Sasabihin ko na sa ating mother earth, ito pa ang maging dahilan ko para maselya elektreka pa ang aking pinakaka-ingatang kuyukot gaya ng sabi nila Ms. P (phioxee) sabay may boykot pang magaganap.

Nararamdaman ko ang kanilang pagkakadesperate na alamin sino si kras, nalagay ako sa hot seat ng isang oras at halos buwis buhay ang tinamo ko dahilan sa pagiimbestiga nila sino ba talaga siya. Ang sinabi ko naman, wala naman akong balak mamahalin si kras, hanggang hanga lang ako sa kanyang way of expressing himself sa mundo ng blogging (reasons! Char!)

Hard core drum roll… daaag!! Daaagg!! Bang! Baaang!!

Natawa pa ako sa sobrang pagkakadesperate nila ay itong si ate gracie (graciesnetwork) kumapit na sa babae (kumapit talaga sa patalim si ate hahaha) ginawa pa akong bisexual or kaya tomboy! Hahaha hindi ako makaget over sa kanyang sinabi dahil it’s the least I expect pang mangyayari hahaha ramdam na ramdam ko ang pagiging desperada ni ate gracie. Hahaha

Dagdag pang sinabi ko ang may AEIOU sa pangalan niya (feeling lang naman) kaya ipinilit ang Mario Verdan Junior which may AEIOU nga naman! Hahaha pero hindi! Hindi si koyah mar! hahaha reserved muna yan si koyah mar! cheereets! Hahaha

May isa pa! si EMPI, ang text brigade niya wagas na wagas! Ang mga sagot ni empi sa mga clue na binibigay ko ay ramdam ko ang thrill puro OMG!, Syet!, Kainis! Ganyan lang hahaha kahit nasa daan ako naglalakad, hindi pa rin tapos sa pagtatanong si empi at mukha na akong eng-eng kakatawa hawak ang cp at naglalakad sa daan! Lol

At si archie, nakoh! Hindi daw siya nakatulog! Megenun talaga? Hahaha kinakabahan ata si archie na siya ang maging kras ko eh! Hahaha nooo, im saving you archie for future use only! Hahaha maharot ka eh! Hahaha jowk

At si snobkat? Alam na ito dahil madalas itong kakulitan ni kat sa twitter! So alam na! hahaha

Ok ito na talaga…

Buksan ang kurtina ulet… (lagyan ng background  music na urong sulong)

At bang! Baaang! Bang!! Dagadag-dagadagdagdag-booom!!! Peenngg!!

Siya ang lalaking natawa nong paborito ko ang pet na biik aka baboy (sagwa) lang lol yan na! mahanap niyo na yan sa twitter! Go get him now na! lol

ang blogger kras ko ay hanggang sa panghanga lang ako dahil siya ang lalaking version ng pananaw ko sa buhay. ganyan lang wag na kayong magisip ng iba lol *evil grin* 

Drum rolls again… dag-dag-dag-dadadagdag-boom-beng!!! sabay tayo ang mga taong nakatingin at pinagbabato ng bomba ang stage! Hahahaha



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...