Friday, April 5, 2013

Tele help anong totoo

Hala paano ba ito, ano ba talaga ang totoo? Patulong po ako. Hehe

Nagkagulo kami ngayon sa skwelahan dahil sa practicum na yan. Tan-enah lang! nasa listahan ako ng 50-50 futaaaahh! Hahaha oo pangalawang course ko na ito pero sumabit ako sa religious studies na subject lang at dalawang minors na magkaiba ang descriptive title sa previous course ko.

Hindi pweding hindi ako makapagpracticum, sinasabi ko talaga! Hahaha magkakagulo na kung magkakagulo. Charots.

Na-alala ko nong una kong pasok sa korsong social work na yan, agad-agad may gulo na inayos dahil nagkaron ng gatongan ng situation at dahil para sa kanilang lahat ako ang “ate” nila kaya sumbong ang peg nila na inaapi daw sila sa department. Pwes ako naman, at ang tingin ko sa situationg nanyari that time, nasa lugar kami kaya sugod talaga ako doon sa stage at kinausap yong president ng school bakit pinatayan ng AVP ang social work tapos ang ibang kors tuloy pa rin kahit lagpas nan g 5 minutes na usapan.

Ang nangyari? Punta ng DSA for disciplinary action. Bwahaha itong Dean namin dati naman naniniwala na may mali nga sa student government policy sa activity campaign that time kaya siya ang unang sumugod sa DSA at may text brigade talagang nangyari, labas lahat ang mga social work students at boom walang magawa yong head kundi pakinggan kami at harapin at magexplain sa loophole na nangyari sa campaign activity.

Ngayon? Pwes. Ano ba ang tama? Haha ang nasa isip ko, susugod na ako kay sister president para i-allow kaming magpracticum kahit may natirang subjects pa, ayaw kasi nong bagong dean sa social work kasi daw kesyo nasa manual, it’s the rules, it’s the policy etc ect kung anong ek-ek pa.  eh yong old dean namin, she allowed it as long as it won't affect the hours needed (500 hours per sem) at dapat icomply ang number of hours. 9 units nalang yong eenrol namin this 1st sem, that’s only research and field practicum. Kasi kapag kay sister president na, wala ng magawa yong dean namin I think. Nagiisip na ako ng masama now, hahaha gagamitin ang manipulation skills nito. Paker talaga. I won’t do that. Promise. lol

So pwedi naman magload diba kapag graduating kana? Tama ba? Yong cut off ng grades namin eh 2.25, kapag nagkaron ka ng 2.5 sa mga major subjects mo, babalikan mo talaga yan. Ang alam ko sa old course ko, architecture kahit 32 units basta graduating ka pweding pwedi yon. Eh bakit nagkakaganito ngayon? Naman! Nasa list pa ako talaga na 50-50 pero iniisip ko na I will attract na makakapagpracticum nako talaga this june dahil kundi pasasabogin ko na talaga ang school. Jowk. Pero hindi, kasi I can’t wait anymore. Hindi ko lang alam anong diskarte ang gagawin ko sa situation ko. paken syets.

Basta she (our sw dean) won’t allow those na may natirang subjects pa. gusto niya clear ang lahat na 9 units lang talaga. Ano ba ang masabi ng ched nito? Ano ba ang rules? Hindi na kasi ako updated sa new rules ng ched on this. Kasi as far as I know, sasabihin ng ched niyan na sa school na kami makikipagayos. Ano ba talaga ang totoo? Hehehe salamat.


 

10 comments:

  1. So kamusta naman sa late na response dito haha. Mas nauna pa akong mag react sayo sa twitter lolz

    @topic:
    Sumakit ang ulo ko sa kaguluhang nagaganap sa practicum nyo na yan pati dun sa pasaway nyong Dean hahaha. Ano ba kasing klaseng mga school rules ang meron kayo jan? Papalitan nyo nga! nyahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung pwedi lang talaga palitan. hihihi

      ung unang naabotan kong dean eh teacher siya ng bagong dean namin now.

      dahil nag top 3 tong new dean namin sa board exam sa buong pinas, follow all the rules in the book. kaya sa 25 na possible magppracticum, ang approve pa lang eh 12. at hindi pa ako kasama dyan syets lang.

      basta ang alam ko, pweding iload ang lahat ng subjects as long as u will comply the 500 hours required for the 1st sem. problema na student pano nia ibalance ang oras nia. now bakit ayaw pa rin dahil daw hindi pwedi sa ched. ganyan. malapit na akong mahyper sa galit ko hahahaha

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. hindi ako makarelate. ang mapapayo ko lang ay do the best slash da right thing. MAY THE FORCE BE WITH YOU.

    ReplyDelete
  4. i would love to koment but di akoh maka-relate lol... hope everythin' will OK...aight.. laterz nd Godbless!

    ReplyDelete
  5. ang totoo lang ay di ko na maalala ang mga rules sa ganyan pero ang totoo talaga natatawa ako ng naimagine kitang sumugod sa stage hehe! sana naman pumayag sila para maka pag practicum ka. sayang ang time sissy!

    ReplyDelete
  6. di ko alam kung ano sabihin ko.... ako noon last semester inubos ko lahat ng unit na natitira... umabot yata ng 35 units....

    Good luck sa yo.... ^^ enjoy lang..... ^^

    ReplyDelete
  7. dahil hindi ako maka-ayon sa nangyari, siguro, gawin na lang kung ano ang tama.. hehehe.. good luck senyo..

    ReplyDelete
  8. kaya di ako ng college eeh nakakaburaot intindihin hahaha mag mecoy face ka para baka macutan at payagan ka

    ReplyDelete
  9. dear School,

    Iupdate niyo po si lala sa mga bagong rules. Hindi po lihim ang bagong rules at curriculum ng ched. hahahaha :3

    masosolusyunan mo din yan. Tiwala lang. lol

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...