Showing posts with label Story. Show all posts
Showing posts with label Story. Show all posts

Saturday, January 26, 2013

Reality 9: Pagkakaroon ng lakas ng loob

Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang paligid.

Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact date and last year pa ito.

Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.

Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.

Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem) iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.

Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na araw.

This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach program sa kanilang lugar (zamboanga city).

Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.

So nasa labas kami ng classroom…

Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.

Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko yon eh, alam ko rin that  moment when my sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)

That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.

I left the school and I called my cousin, war na war talaga sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that, whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually  nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami nagmeet.

Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma  na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama ko.

Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako, hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong puno talaga ako sa araw na yon.

Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan, ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang confrontation sa tamang paraan.

Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.

P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time. Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit pagod na pagod.



 

Monday, January 14, 2013

Reality 6: Heaven and Purgatory

I just remembered this story again from my office mates about dead people. (aga ng November ko lol)

Is there really heaven? May purgatory rin ba?

Isa lang to sa kwento ng mama ko rin, yong experience niyang kausapin ang kanyang client na humihingi ng tulong sa kanyang opisina…

She was dead na daw, in fact dinala na siya sa morgue dahil na-declare ng patay siya. Ang kwento may isang tao na pumasok sa morgue para buksan ang ilaw, may gumalaw daw at ang taong ito hindi naman natakot na puntahan at tinanggal ang nakatakip sa patay na tao, biglang sabi ng babae na “TUBIG!” uhaw na uhaw ako.

Ang sabi nitong babae, naglakad daw siya ng malayo, paikot-ikot. May nakita siyang liwanag na halos daw hindi niya matingnan dahil sa sobrang liwanag.

The only thing my mom asked her was “have you seen GOD?”


She said daw na “no, but I just heard him saying go back, you still have a mission”

itong pangalawang alam kong storya din galing sa ka-officemate ko…

yong nanay ng ka-officemate ko dati, namatay daw ng ilang oras…

sabi nong nanay, nakikita daw niya ang katawan niya na nakahiga, nasa hospital at kahit yong mga anak, umiiyak nakikita niya rin. Paikot-ikot lang daw siya sa hospital na hindi mapalagay. Tapos may tao daw na sumalubong sa kanya at ang sabi “handa ka na ba?”

tulad ng isang kwento, naglakad sila ng malayo, may hinahanap silang daan kung saan daw yon ang parang point of entry papunta sa kabilang buhay. Parang hindi pa rin daw siya mapalagay, biglang may liwanag at may nagsabi na “bumalik ka na, may kailangan ka pang ayosin”

bumalik siya at pagkagising niya, ang sabi “tubig! Tubig!”

ang layo siguro ng kanilang nilakbay dahil bawat pag-gising ng isang tao, tubig ang unang hinahanap.

Ito ang nagpatotoo sa lahat dahil patay na talaga siya. Yong asawa niya hindi pumayag na eembalsama dahil iba siguro ang kanilang paniniwala.

Dinala ang lalaking ito sa next city para dalawin ang simbahan ni st. Michael, dahil hindi kasya ang kabaong sa isang multicab (yong pinakamaliit) ang ginawa ni misis, pinahiga si mister sa upuan ng sasakyan at niyakap ito. Pagdating sa simbahan, nagdasal lang si misis kasama si mister at ang kanyang mga anak tapos umuwi na sila sa kanilang bahay (same city). Pinahiga si mister sa sala, may kandila sa gilid tapos mga ilang oras, biglang nagising si mister at ang sabi “penge ako ng tubig, ilang oras na ba ako nakatulog!” ganyan! kumusta naman kaya yon kung sakin nangyari yan, aatakihin ako sa puso!

Sa kompanya saan nagttrabaho si mister, alam ng lahat na patay na talaga siya at nong biglang bumalik sa trabaho si mister, lahat gulat na gulat kasi dumalaw pa sila sa burol tapos biglang nag-appear! Heller!

Si mister parang instant healer kagad dahil patay na biglang nabuhay, umaasa ang lahat na may powers na kagad si mister. Nakoh!

Para sakin, totoo na may purgatory at kahit heaven, sa paniniwala lang natin yan.

Minsan din kasi ang close friend ng mama ko, napanaginipan niya si mommy, ang tanong ng kanyang close friend “may pagkain ba kayo dyan? Ano ang buhay na meron dyan?” ang sagot ng aking mommy sa kanyang panaginip ay “oo, madaming pagkain dito, isang tree maraming fruits at peaceful din dito” ng malaman ko iyon isa lang ang nasa isip ko, yong sinasabi sa bible na “TREE OF LIFE!”

God exists in many ways…




Saturday, January 12, 2013

Reality 5: Na-Interbyu ko si KRAS after 17 yrs. part 1.

Gusto ko lang paglaruan ang pic nito,
yan ang wala sa sariling pose ni kras.
nagpaalam naman akong magnakaw ng pic niya lol
Sino naka-alala ng first crush nong high school? May maganda ako experience dyan, nga-nga lang talaga ako noon! But it’s one of the best experienced I had, na-enjoy ko ang aking high school! Hahaha

At after 17 years ata, nakausap ko siya ngayon na walang kaba, hindi ako nanlalamig at natatanga ulit! Hahaha amfutek lang!! kumusta naman kaya yong mga panahon na ang nga-nga ako! Hindi ako makalapit kasi it feels so cold, hindi ko magalaw ang aking mga paa! Halah noh natatawa ako if I remember those days.

1st year high school (new school)

I saw him na parang nag-slow motion ang mundo! Parang siya lang ang tao sa oras na yon, (naghahalucinate yata ako that moment?) oo, parang Daniel at katherina lang na nagtatakbohan sa bundok at ikot ng ikot ang camera hahaha tang-inah! Hindi ko alam! Pero in fairness ang gwapo naman niya, noon at hanggang ngayon kahit anong taba at belbel meron sa kanyang katawan ngayon, balbas na parang ermetanyo at higit sa lahat hindi niya alam ang salitang ligo kapag nakaharap sa camera pero parang hindi mawala ang lentek na kras-kras na yan! Bwahahaha

Naisipan kong interbyuhin si kras para ipost dito sa blog, natuwa lang ako sa idea na dati, halos hindi ko kayang kausapin ang taong to, para kasing titigil na ang mundo kapag andyan na siya ang OA ko lang talaga! Hahaha pero ngayon prends na prends na kami sa fb, bihira lang talaga magkausap pero earlier lang, ito nga nakausap ko at doon ko nalaman kung sino talaga siya!

Its so nice knowing him na iba pala ang akala ko dati kasi he is more than what I thought of, alam ko na yang sense of humor niya even before pero ang nakakagulat, ang totoo sa likod ng mga ngiti at halak-hak niya. (gumaganyan ang statement ko haha) masayang kausap, or I just find it masaya kasi kras ko siya? Halah! Hahaha hindi naman, sa edad kong to, hindi ko na ma-spell ang kras! Hahaha

This person helped me in some way to prove ang aking pagkababae! May ganyan! jowk! I mean, dahil nga boyish ako akala ng lahat natuloyan na ako naging bakla. Lol pero hindi, sa kanya nagsimula ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Echos lang!! ideal man nga sabi ng kaibigan ko, pero hindi naman siguro kasi payat naman naging ex ko. Hahaha

Alam niyang kras na kras ko siya, hindi naman ako nahiya sabihin sa kanya din yan! Hahahaha kapal ko! Oo kasi naniniwala akong short lang ang ating buhay kaya mainam ng sabihin ang lahat para magaan ang pakiramdam at ma-enjoy ko naman ang aking buhay.

Isa lang ang masabi ko, hindi pa ito closing ng kwento nato dahil may kasunod pang kwento sa aking paglalakbay papunta kay kras. Ito ang totoo, iba ang kras sa taong mahal mo, or iniibig mo dahil ang kras sabi ng iba ang nagbibigay ng inspirasyon sayo, nagpapakintab ng ngipin, ngiti at mata sa araw-araw, ang iniibig ay ang taong dahilan kung bakit gusto mong gumising sa umaga. Ganyan! kumusta naman kaya kung isiksik ko ang aking sarili sa taong gusto ko at hindi ka naman gusto, o diba! Kasi may mga bagay na hindi pinipilit, kailangan mag-antay sa tamang panahon at oras. Bitter? Hahaha lol


Abangan ang interbyu…


P.S.

aabangan ko rin ang pag-uwi ni kras para magpapicture at papa-atograph lol


 

Thursday, January 10, 2013

Nakakabuhay ng dugo ang mga Ti..

Naaliw lang ako at gusto ko lang ito ipost para hindi ko makalimutan ang usapan na ito…

Masaya ang aking kasamahan dito sa opisina at ubod ang kwento niya sa lahat.
Sabi niya…

May isang anak na nagdurusa kasi namatay ang kanyang tatay. Ang sabi nong anak sa embalmer…

Anak: pls maawa ka, sana gwapo at mukhang bata ang tatay ko sa kanyang burol.

Embalmer: ako na po bahala maam, trabaho po naming ito.

Sa burol ng kanyang tatay, ang mga taong dudungaw sa kabaong, laging nakasmile at tumawa, parang masayang masaya daw…

Hindi kasi tumingin ang anak dahil sobrang nasasaktan pa siya sa mga pangyayari. Pero dahil nakangiti bawat taong dumalo, nainggit at tiningnan din niya ito…

Kaya pala...

Mukhang bata nga yong tatay niya kasi nilagyan ng embalmer yong tatay niya ng DEDE sa bibig.

Akala ko ay tapos na ang usapan, dinagdagan niya na naman.

Sabi ng kasama ko ulit…

Lahat ng mga bakla, igather lahat nga mga bakla.. completoh na ang mga gays sa isang lugar.. at biglang sinabi na..

Ayan na sila dakpin at ikulong…

Biglang takbohan at kanya kanyang diskarte sa pag-escape…

Ang sabi nong kasama ko… HOY hindi pah ako tapos…

Ang sabi ko, dakpin at ikulong silang lahat kasi mamumudmod ng mga tit*…

At ang mga bakla.. balik tayoh balik tayoh… (hirap eexplain haha at nagtranslate ako from bisaya to tagalog lol)

Hindi ko alam kung bakit lunch na lunch eh mga tit* ang usapan hahaha ang saya kapag ang mga kasama mo eh lahat may asawa na at anak kasi ang daming alam. Ang virgin ko pa sa mga bagay na iyan! Wala akong alam! Lol

At dumagdag pa rin ang mga tit* na tumatakbo sa daan, may mataba, maliit, pandak, mahaba lahat na. hahaha oh my god ano ba ang kukunin ko kapag yan ay maging totoo! Hahaha jowk!!!!!



Sunday, November 11, 2012

Libro over YOU

Libro? There are a lot of people na sobrang galing when it comes to memorizing the books, lessons, theories, principles, etc. pero pagdating sa real na buhay? Bagsak! Books are only our basis, foundation of learning, but experience is the best teacher of all. I am not intelligent but I know i can do something beyond what I read in books and what my teachers taught me in school. Minsan it's in our values also on how we treat other people, how we learn in life. my course? This represents reality, true to life stories and real sentiments of the people..

I hate reading books but I have to dahil mataas ang expectation ng ibang tao sa akin, yes, I don’t have to live up with that expectations but para na rin sa sarili ko, ayokong mapahiya! I am older, mga teenager yong mga classmates ko, I am working in the government in an agency where this course will put me. They are really expecting that alam ko kahit I know for myself na hindi lahat ng bagay ay alam ko at kaya ko.

here’s one to ponder…

a boy came home from school, he got an excellent award in English from his teacher, he told his daddy about it. This boy had a Spanish yaya named maria, the boy told his yaya na may ganitong award ka ba? And the yaya noded. The boy asked his yaya again, do you know how to speak English well? Again his yaya, noded. The boy went back to his daddy and sabi niya, I am good, I am the best and why is it maria doesn’t know how to speak in English? she is old, she must know it.

His dad went to the library with the boy…

The father grabbed a book in his shelf, he opened it and ask the boy, do you know how to read this? The boy answered, NO! sabi ng daddy niya, you know how to speak in English, maria doesn’t, but maria knows to speak in Spanish very well and you don’t. The boy was silent…

This means that hindi lahat ng bagay ay alam natin, we have our own strength but we also have our weaknesses. We may be good at some things but not for all the things. Yan ang totoo sa buhay, it’s not because you are good in science, magaling ka na gumawa ng drugs! Lels! Hahaha that boy realized it and kapag may achievement yong boy, he always remembered maria dahil hindi lahat ng bagay ay magaling tayo!



 

Saturday, November 3, 2012

Real books vs. eBooks


There are a lot of things I want to do, like reading all the best motivational books, learning photoshop more, blogging, preparing the books for my major subjects this 2nd semester. Definitely I can’t do it all simultaneously. I only have few days to relax before classes get started. It will be a busy semester for me, I got all 6 majors and I am also preparing myself for my practicum, hopefully. I am almost there to reach my dreams.

I am a frustrated reader. When I was a child, my father always encourages me to read books because he believes that by reading, you’ll get smarter, I don’t believe that at all, because I am just too lazy reading books, before I read it, I already fall asleep. Lels. Now that I am grown up, I certainly agree to my father! Hahaha today, I am always in a hurry to read books, I have downloaded ebooks, pdf about motivational books from bo sanchez, mitch albom, Rhonda byrne etc. They are one of those popular authors in time now. I am dying to read all of them in one day but I just couldn’t, I still have problems with my habit, I really adore people who are bookworm because they won’t stop until they finish the book. Wish I have that habit.

I love to watch books on the shelves but I don’t dare to get one and read, I am comfortable with our eBooks now. I have friends who still love to buy books from the store where I think every book now can be downloaded already from the net, they say, they still love to turn on the pages, to hold every page so they will feel the excitement of reading, well, that’s their views, they are comfortable with that and I still go for ebooks. Lol

I can’t stop downloading ebooks; I want to have them all in my adobe library so it will remind me to read whenever I have a free time. Wish in time, I have a good habit in reading. =)

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...