Wednesday, January 9, 2013

Papaya you!

Gaano kato-too na ang papaya ay nakakawala ng libog? Kaya ba ang mga madre at pari sa kanilang bakuran ay maraming tanim na papaya? Para maiwasan ang libog at temptasyon? Lol ang panget ng intro ko, hahaha naisip ko lang itanong yan kasi bumili ako ng papaya kanina pauwi, timing kasi  na ang main road ng city, trapik dahil may prosesyon ng nazareno, kaya dumaan ako sa isang daan kung saan papuntang palengke at nagagandahan ako sa mga papaya, kaya bumili ako! Inggitera lang!

Kaya ito na kinakain ko na habang latag ang aking gagawin para sa documentation and photo docu sa upcoming event na leadership training seminar ng mga leaders sa iba’t ibang school ng buong Mindanao that offers the course social work.





Ang dami ko pang gagawin, kanina pa ako kating kati na magblog hop pero hindi ko magawa ng bongga kasi tambak ang mga requirements. (pero sadyang hindi ko mapigilan, il give myself hour to do that lel) Sabagay parang mas madaling paandarin ang utak ko kapag malapit na ang deadline pero ayoko ng ganon sa totoo lang kasi hindi ko makikita ano man ang mali doon, pero dahil nagpakasawa ako sa bakasyon, ito ang napapala ko, cramming! Pero nakagawa pa ako ng blogpost! Hahaha


Balik sa papaya, kung totoo ngang nakakawala ng gana yon, abah hindi ako affected dyan ngayon! Hahaha keber lang! sabagay ang daldal ko at ang tapang ko sa mga kabulastogan na usapan pero parang minsan ang hirap gawin in reality! Lol saka ko nalang ikwento ang papaya na yan kapag maprove ko na nakakawalang gana nga yan! Hihihi

P.S.

Namatay ako sa inggit sa mga pictures ng PBOers sa kanilang outreach program at may utang pa akong pastel, hindi pa ako nakapagpadala dahil na rin sa sched ko na bawat minuto ay nangangalabit sakin! Isang araw this week or next week sana ako naman ang magkaron ng chance to knock out my sched to live a little.

Basta nandito lang ako, kapag may time nakakabasa naman ako ng inyong blog hindi lang nakakapagcomment ng kasing haba ng isang post. Lol


1 comment:

  1. Hindi ako kumakain ng papaya.. anyways, hindi ko rin naman mapatunayan ngayon yan.. dahil basta.. wag chismosa, chos! anyways.. hopefully e makajoin kaw sa next PBO.. haha, ang layo mo nga lang!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...