Saturday, April 6, 2013

Tele Total Recall

Daaaag! Dadaaag! Bang! Baaammm! Booom!! Woooott!!!

Telelaladance!! Tan-tan-tadaan hooo haaa hoooo aahhh aaahhh (unggoy lang? lol)

I’m just happy knowing that, nasa 70 percent na ang chance kong makapagpracticum this june! SANA! Lord please help na talaga. Hihihihi

Ang saya pala kapag nag-second course ka kasi to me, nadadagdagan ang nalalaman ko, i met new friends and nagbabago din ang perspective ko sa life. May nakikita akong ibang opportunity sa paligid din. Oo naman minsan naging shonga ako sa buhay ko, yong nagstop ang mga pangarap ko minsan at kung ano-ano pang ka ek-ekan but ito na, as in ito na talaga ang gusto ko! woot! I am really working hard to have good record on this course in preparation of my dream to be part of an international organization lalo na sa United Nation. charing! 




Sa sobrang pinilit kong abotin ang unang pangarap ko noon na makapagdesign ng bahay or building, hindi talaga para sakin, at the end of it pala, sumunod rin ako pala sa yapak ng nanay ko. di bale, na-enjoy ko naman ang buhay ko ngayon bilang nagwowork at nag-aaral at the same time. Now I am getting my prize na, malapit na ako magpracticum. Wooot! Heeyyeeyy!! Telelaladance ulit! Tan-tan-tan dadaaan tadaahh! Bamm! Baaanng! sabay Mecoy face dance. yaaa-daba-daba-doooo wooottt.

Tele total recall ako sa buhay bilang studyante ulit. mas mabait na ako nito. char lang! 

Syets antabah ko lang dito! (parang pumayat naman ako minsan diba? hahaha)
My 1st major class in social work - Communication & Documentation
ang walang kamatayang pag-gawa ng project proposal
yong teacher ko was only 24 years old i think this time.
ECCD - Early Childhood Care and Development Major Class
Pano i-handle ang lahat ng klase ng bata
A day with the kids who lived in the streets
Naglaro, nagkwentohan at nagpakain din kami
A chance to interact with these children and know their stories behind


Major Class - Social Work Filipino Personality
Explain and discuss since birth to present ang peg
Inaalam anong values meron ka, anong pamilya meron ka at
ano ang mga pinagdadaanan mo sa buhay bago mo narating ang present
KAILANGAN gawin to para makilala at maintindihan ang sarili bago
sumabak pakinggan ang ibang tao sa kanilang mga problema. rrrooottss. lol

Major Class - Project/Program development
Tan-enah ubos ang english at tuyong tuyo ang utak ko nito
walang kamatayan pag-gawa ng mga proposal din at seminars etc

May library works din kami madalas.
pero effective kaya ito kung titingnan mo yong kasunod na picture? lol
Woooott!! ano ito? hahaha
Sapul na sapul eh!
Major Exam at huling huli sa camera nakikipagdaldalan sa answer!! hahaha
Unang sabak ko sa Intramurals
Nakikisawsaw lang ako para may uniform echos! hahaha
Kailangan talaga naming maglakad for the community work
Dahil sa sobrang healthy ko, kailangan ko magbuwis ng buhay dito! lol  
Unang pagkakataon makipag-usap sa Barangay Captain to do our first community work
ito ang tinatawag na courtesy call



At ito na ang unang community work with the kids
sa isang poorest of the poor na area ng cdo
Hindi lang kami pang-bata pati na rin sa mga matatanda
sa mga buntis, sa mga walang trabaho, sa mga kabataan at etc.
form womb to tomb ang pinasukan ko hahahaha


Multi-tasking din ako chos!
pinagsabay ang work at pag-aaral
PABLO time ito, nagdedeliver ng bigas sa mga muncipality
sinabay ko ang aking mga classmates to conduct interview about sa law ng mga Solo Parents
CDO Street Tutorial Advocay
Na-feature na rin kami sa newspaper because of this
ako yong nasa gitna mukhang titser ng lahat lol

Dahil naging officer din ang inyong lola
I have the chance to travel and attended meetings & conventions
Taken at Davao City

Feeling aktib-aktiban sa mga meeting sa school hahaha


Pagdating sa mga activity, ito talaga ang lagi kong role
Mula ata sa simula hanggang ngayon
Sinusulit nila ang kaalaman ko sa computer charoots!
masaklap lang kasi LIBRE!! anak ng pating!! hahaha
kala naman ang seryos ko sa taas ng pic nato
pinipilit ko ring mag-jump shot bwahahahaha
hindi nga lang ako talaga nakakatalon
yong gravity ng earth kasi times 2 sa normal kaya ilang inches lang ang kinakaya lol

pagkakataon na mapuntahan ang sendong relocation site
napadaan kami dito actually
galing kami ng BJMP - sa mga prisoners
House of Hope - sa mga mentally challenge
Cocoon - sa mga nagpaparehab dahil sa drugs


Hindi madali ang trabaho kapag alam mong ang dami nilang nangangailangan
Ang sarap when you are making a difference to other's life
At ito talaga ang nangyari sa Sendong time
Seryos-seryosan mode lang ang peg
ang tahimik ko dito ano? hahaha 

At mawawala ba ang kainan sa skol? at mawawala ba ako sa eksena? HINDI! hahaha
taken before going to DSWD below



And hoping kaming lahat ay papasa for the social work practicum 2013-2014
off to the mother agency - DSWD



at ang pagbisita sa isang Mother Agency - DSWD

LAKAS KO LANG MAKASERYOS SA BUHAY KO SA TAAS... 
PWES!!! 

ito? saan ako nito? hahaha nakikipaglaro din ako, 
nakiki-ingay, nakiki-gulo. ganyan!!! hahahahaha  
Sa Kwarto nakikipagharotan, nakikigulo ang nangyari ako ang naisahan!! hahaha
Taken at Davao City
Attended the social work convention

ALL IN ALL in an ORDINARY DAY AT SCHOOL
ito ako! hahahaha
Hindi ko na e-explain kasi alam na! hahaha
at marami pang iba... feeling ko hindi na kasya dito lahat-lahat hahaha hindi ko na mabilang sa aking mga kamay pati paa ko ang mga pictures na nasa folders ko pati magandang lessons na nakuha ko bawat activity na nagawa namin, the course itself totally change my views in life. i care more, i even love more. the best na natutunan ko was to listen more sa mga taong may problema without any judgment and doubt sa kanilang pinagdadaanan. i became a better person from all that i experienced sa buhay bilang isang social worker student. 

Bagong yugto na ng buhay ko this june 2013, i will definitely practice my profession in an institution who caters the program and services of a rape victim. 

Hello and welcome practicum life!!! 



53 comments:

  1. Ang una ko talagang napansin is yung unlimited supply mo ng bilbil at baby fats nyahahaha! *peace* XD

    Looking forward na makita kitang maging isang batikang Social Worker balang araw just like Madam Dinky Soliman :)

    Keep it up!
    *cat hugs*

    ReplyDelete
    Replies
    1. kung makacomment eh hahahaha wag ka naman! ang laki ng investment ko sa belbel ko yan! hahaha

      so kailangan talaga simula ba ngayon total make over na at lagyan ng color ang hair ko? ganyan lang? lol

      Delete
  2. Thumbs up na ako sa'yo Lala for having a heart for the less fortunate ones. It's not a joke entering the social work field which is so diverse. And being one needs a heart that is emotionally stable and a mind that can understands the deepest abyss of human concern.

    Your bubbly personality is really suitable for this kind of work minus the "mura effect" - hahaha. I just can't get used to hearing "mura" being a person that comes from a family na di naman nagmumura or di ginagawang expression ang mura hahaha!

    Uy, Lala, I have nothing against you ha. And I don't even making an influence over you about it. I'm just saying it. Hehehe! Peace.

    ReplyDelete
    Replies
    1. lalagpas ako ng langit na nito dad for giving all my heart to them. chos. hehehe

      hahaha tawang tawa talaga ako sa mura effect kasi sa totoo lang at sa pagharap ko talaga sa mga tao at profession, bawal ang MURA mode!! libre ang pagmumura ko minsan dito sa blog at sa mga kaibigan lang kaya napapadalas!! hahaha

      Delete
    2. Awww...ok at least I know na sa blog lang pala ikaw nakakapagmura at sa mga close friends mo hehehe..:)))

      Delete
    3. Awww..ok akala ko nature mo na talaga ang mura ng mura...as an expression..hehehe

      Delete
    4. hahaha ibang iba ang personality ko kapag nasa profession ako ng social work. hahaha hating hati ang personality ko dad hahaha hirap nga eh kasi timping timpi talaga at ingat sa mga galaw ganyan, kaya i feel so free here lang sa blog!! hahaha cant wait to see u soon so ul know hahahaha

      Delete
    5. Awww..ok akala ko nature mo na talaga ang mura ng mura...as an expression..hehehe

      Delete
  3. I also noticed that you're a sporty person din pala. Napaka active mo tingnan despite your being chubby. Wag mapikon kasi ako chubby rin hehehe!

    Pero kahit chubby ka, I vividly noticed a certain glow sa iyong mga mata at nasabi kong "wow Lalah is more beautiful pala if she's just always smiling". Hala baka ma-inlove si Daddy Jay sayo...just kidding.

    But seriously, you're beautiful inside and out. And that beauty will stand out even more if you will successfully lose weight before I come back. DEAL? hehehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha oo dad lam ng lahat na kahit mataba ako malikot ako, clumsy din ganyan hahahaha sa lahat ng asset sa sports ang master ko ang basketball bwahahahaha

      wag ka dad, sabi ko nga sa kanilang lahat, wag akong antayin na papayat dahil ayoko munang mag-asawa agad2x hahahha echos.

      well, hmmm.. its a deal! hahaha balik gym na rin ako now!! in 2 months time we'll see whats new hahahaha

      thanks sa comment dad, u made my day!! tawang tawa kasi ako lol

      Delete
    2. naaliw ako sa usapan nyo ni Jay kanina pa ako sa post na to wala pa akong sariling comment lolz

      Delete
  4. wow new journey lala papasa kau for the social work practicum na yan for sure.

    ui..may payo si daddy Jay sau oh. hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha struggle pa ng slight for now pero kaya nga yan susugorin ko talaga ang president ng school pag dami pang ek3x hahaha jowk.

      oo deal namin ni daddy jay, MAGPAPAYAT na talaga! hahahaha i can do that!! hahahaha

      Delete
  5. mukang saya ng clase dahil sayo lala ahh!
    haha ay my pa intraontramurals pa! haha ang saya naman ng pinaggagagawa nu!
    haha ako kasi di ko pa naranasan ang college life haha lumandi na ko after high school
    ahahahaha
    anyway pray lang, naun binigay sakin ni god ung matagal ko na idinadasal! kaya guaranteed ang bisa nun

    ReplyDelete
    Replies
    1. oi mecoy its not yet too late to go to school. reading ur blogs, naman ang talino mo kaya ano. sayang if hindi mo susulitin ang talino mo hahaha just give urself a chance and a shot to make another dream, basta its not yet late mecoy!!! go chase that dream!! all the way ang support namin sayo dyan!!

      Delete
  6. Ok, the deal is if we'll meet be sure to have with you a badminton racket kasi mag si single tayo sa badminton court hahaha..Or if you don't have one, I can bring one for you hehehe.

    Basketball is not my thing eh, I am a football guy and a swimming guy too.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha deal!! wooott. badminton and swimming is also my thing!! hahaha sporty nga ako dad hihihi oo lahat ng laro nalaro ko na, hindi ako nakokontento na hindi nasasaktan ang katawan! hahaha

      gusto ko itry yang football na yan! sige soon dad, paghahandaan ko yan, i still have 6 months na magpapahangin para makakatakbo ako ng times three sa takbo ko ngayon!! hahahaha lets do this!! we can burn those fats!! hahahaha

      Delete
  7. happy ako at uber positive ang awra ng post na ito... you are a bonafide PBOer kasi sa second course mo lang, talbog na kami...

    nakakatuwa ang mga pics at nagulat ako nang maktang kaya mo palang makipagsabayan sa jmp shot! hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. wooottt!! poott!! kaya nga dapat sama na ako sa susunod eh hahaha lol

      at bakit dahil mataba bawal mag jumpshot? hahaha i dare u pagpunta mo dito, taung dalawa mag jump shot din ha!! hahahaha

      Delete
  8. sarap mag aral ano? Sayang di ko na experience ang ganyan since I just self studied. Anyway, I am happy for you and for everything na na accomplished mo. Good luck, take care and I know you will make it.

    Anyway, nanghiram pala ako ng picture mo na ginamit ko sa last entry ko titled " After 50". Hope mapatawad mo ako:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. ok lang mami granny, nakita ko na ang post mo. super tats din ako hehe salamat po. will let u know kapag tapos na yong personalize prize ko po sa inyo.

      thanks mami granny, soon enough magkikita din tayo, saka same naman tayo ng passion sa life. u know it right hehehe

      Delete
  9. saya naman.. love d' pictures! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sis. buti naman at visible na visible ka na ngayon sa blogsphere lol how are u na? hope ur doing good as i do. mwah! *power hug*

      Delete
    2. thanks lalah... i'm actually better! =)

      Delete
  10. iba talaga ang feeling na ay 2nd course. take it from me hahaha :D ang bait mo sigurong student before lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. ay sinabi mo pa koyah bino! wag ng alamin gano ako kabait!! hahahaha

      Delete
  11. Its always good to find a course that you will learn to love. Ngayon palang binabati na kita for sure you will finish that course with flying colors :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks sis!! sana nga hopefully soon! hehehe

      Delete
  12. naks! nakakabilib naman.....

    enjoy enjoy mo lang yan..alam ko kayo pa marating mo....

    nice pic ah.... nagtatago naman ang bilbil eh hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. thanks jon! ganda na sana ng comment eh hahaha nilagyan pa ng bilbil hahaha makikita mo isang araw hahaha charrooos!!

      Delete
  13. sa dami ng activities, outreach at pics naubusan ako ng sasabihin kaya comedy na lang ako dun sa batang umagaw ng eksena sa 9th picture - grabe but simple magpa-cute lolz!

    very nice lala! can't wait to meet you in one of PBOers outreach !

    ReplyDelete
    Replies
    1. busy busyhan lang yan sis hahaha yep soon sis i will see u cant wait na nga eh kainis bakit ang layo ng manila hahaha

      Delete
  14. kainaman.. hindi naman kasi talaga mahirap makuha ang biyaya pag nagpuhunan ng sandamukal na tiyaga..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ganon nga talaga ata siguro maniniwala na ako dyan hahaha

      Delete
  15. wow ikaw na si Darna...super hectic pa ang schedule mo te...dinaig mo pa si Mayor...
    galing galing...pag igihin mo sisthar!

    ReplyDelete
  16. Wow kwento ng buhay talaga! congrats sa internship mo. Is this you second course? ang galing ah. Hats off sa inyo...

    ReplyDelete
  17. Seems like you're having a blast, ate! I hope I can do the same thing too! Goodluck to your future plans and looking forward to hear more about your experiences! :D

    ReplyDelete
  18. nice ang mga pictures!
    naalala ko tuloy ang buhay estudyante ...
    enjoy lang!!

    ReplyDelete
  19. at naalala ko daw ang buhay estudyante ko...
    at gusto ko na ulit magbalik-school, kelan kaya?
    bilib ako sa 'yo telelalahbells, parang ang gaan-gaan ng buhay,
    laging masaya...pahawa nga. ;P

    ReplyDelete
  20. mabuhay ang mga social worker like you madam! Go for that dream...;)


    xx!

    ReplyDelete
  21. dati ka na talagang malusog lalah indai? ;-) at ang active mo sa school nyo ha. uma IT ka din pala at abusive pa yung class ninyu sa talents nyo. nagpapa abuse ka namn sa laki mong nyan.

    ReplyDelete
  22. oi... much better maging missionary ang mga social workers kasi they have the attitude the knowledge and the passion.. :)

    ReplyDelete
  23. Lala, nakak excite yong mga kaganapan sa kinabuhi nimo ba. Excited ko para sa practicum mo. Yay!

    At binabasa ko talaga ang intro mo... Hahaha

    ReplyDelete
  24. this post made me smile. thank you for making a difference in other people's life.

    good luck sa studies at pagsayaw ng Tan-tan-tadaan hooo haaa hoooo aahhh aaahhh

    ReplyDelete
  25. parang ako ata napagod sa dami ng ginagawa mo hehe :) mahihiya ang schedule ko sayo ate!

    ReplyDelete
  26. busy ka masyado..pansin ko...good luck lagi..

    ReplyDelete
  27. add this blog na pala sa stage 2 ng blog list ko..

    ReplyDelete
  28. oh! dito naman kayo mag community work sa lugar namin. medyo wala nang makain mga tao dito. hahaha

    ReplyDelete
  29. Congrats telelalah. sana magkateleserye ka.

    ReplyDelete
  30. tadaaanNNn!!! nandito na ulit ako! hindi pa ako nabubura sa blogging world! wahahahahaha!

    na miss ko tuloy may aral! parang gusto ko magtapos pa ng isang course! kaso wala na yata ako time para dun hehe :)

    high five sa pagiging matulungin mo sa mga less fortunate :) sana makapasa ka dun sa..... anu ba yun? hahahaha! ^_^

    ReplyDelete
  31. Na miss ko tuloy mag school...lol seriously i miss college days dahil sa photo series mo! I'm crossing my fingers to see you working with UNICEF! Ang bongga lang!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...