Showing posts with label TeleDaldal. Show all posts
Showing posts with label TeleDaldal. Show all posts

Monday, July 28, 2014

Makikigulo sa SONA

Una sa lahat gusto kong makigulo sa SONA ni Pnoy! Chos! Hahaha (sway to the left and to the right sabay kaway kaway talon at biglaanngg splleetts)

Lahat ng tao may pagkukulang, walang perpekto, siguro naman sa lahat ng taong “nakakaintindi” ginawa naman ni Pnoy ang best niya para sa Pilipinas. Bawat presidente natin sa Pilipinas, isa lang masabi ko PAKSHET sa lahat ng raliyista na yan na wala na sa lugar, lahat may comment, lahat may reklamo, lahat mali ang nakikita nila sa presidente, PWES! One this then there is, be the president of the Philippines! Parang sila nalang lagi tama! Eh di magpresidente kayo yon lang yon! hahahaha

Sa trabaho ko sa field noon at ngayon, isa lang ang realization ko, yes oo aaminin ko yang madaming mali sa gobyerno, totoo may mga corrupt sa gobyerno talaga lalo na kapag nasa position ka pero hindi nagpapabaya ang gobyerno sa mga programa para sa mga mahihirap! Totoo yan. Ang mahirap?! Yong mga mahihirap sinisisi ang president dahil sa kahirapan, naman! Ito ang katotohanan diyan, MENTALIDAD!!! Oo MENTALITY ng mga taong yan! Nasa isip nila na mahirap sila kaya hanggang don nalang sila. HINDI! HINDI! Hahaha kasi lahat may paraan kapag gusto, lahat may magagawa kapag determinado!

Hindi ko naman masabi na maka-Pnoy ako, pero ang gulo gulo ng maynila sa mga rally na yan, sunog dito, sunog doon, hindi kayo yayaman dyan! hahaha yon lang talaga! hindi! hahaha chos! 

Wwwwoooootttt.. paaakk!! Hahaha

Anyways, siguro ito na ang right time para makabalik nako sa mundo ng pagbblog, charots! Oo kasi naitawid ko na ang pangarap ko. ito na ang simula sa pagbuo ng bagong mga pangarap. Naman! Achos lang! hahahaha di nga, above all, sobrang nagpapasalamat ako sa diyos sa lahat-lahat na nangyari sa buhay ko for the past 3 years. Naabot ko na, I got my license finally! Yoohoo!! I am now already a REGISTERED SOCIAL WORKER! YES! Hahaha  Ito ang masabi kong God made it all happen the least I expect it, it was indeed orchestrated.

Sa next post ko na ikukwento about pano ko narating ang lahat ng ito sa buhay ko. charoowwss! Hahaha
Wala lang, nakikigulo lang naman ako talaga sa SONA, sumingit lang bigla ang personal na buhay! hahaha
Hayyymisshyoo all!!


Monday, September 30, 2013

Telebunot emosyon

Dahil masakit pa rin ang ipin ko until now, tumigil ako sa ginagawa kong paper works. Isipin nalang walang effect ang dolfenal na yan sa ngipin ko pero ang coated peanut perfect na perfect na gamot sa ipin ko pansamantala. Naubosan ako ng coated peanut kaya sumakit na naman yong ngipin ko. I told mah self na kailangan ko nga talagang kumain ng walang tigil para hindi na sasakit yong ngipin ko hahahaha

Well dahil masakit ang ngipin ko, feel kong mag-emote. Charots lang! I hope this post hindi ko mapagusapan ang work slash practicum hahaha

Don’t worry hindi naman ako titigil sa pagbablog. Kapag gagawin ko yon baka makalimutan nako ng mga fans ko. rooooottts carrooottss hahahaha 

Seriously ha, on the other side of me, I feel so free. Parang carefree napkin lang ata yon ha. Bwahahaha I felt free knowing that in time, everything is back to normal. I found myself once again (parang nasiraan ako ng bait sa statement ko na ito ha hahahaha) yes, it feels like na-refresh ako, na-reconnect and as well as I learned to live my life everyday as if it’s my last day. I cried once, twice and even over again but because of those pains in the past, I used that to be strong enough to endure all the pains that will come along my way.  Ang sarap magconnect sa nature kasi fresh na fresh ang feeling lang. lol

I think my heart for the last couple of months is completely ready for another try BUT! The problem is ang dumating, hindi ko gusto. I just discovered that bago ako pumunta ng Bukidnon. iba kasi kami ng paniniwala sa buhay. Kahit anong pilit or try, ayaw talaga eh. I know somehow I have hurt him in a way na kahit siya he knows I don’t like him. basta I know darating at darating din yong fair ang lahat, gusto ko siya at gusto niya ako. Charrooottss!! Hahahaha ay basta ayan kasi natuloyan na akong mag-emote hahaha

Basta I am just thankful that I have a new life. Maybe mas konti nalang ang time now para magemote, hahaha dapat laging masaya dahil hindi natin alam kung hanggang kalian lang tayo dito sa mundo. 

Kahit anong daldal ko pa dito, still masakit pa rin ang ngipin ko hahaha (in short, I made this an excuse now to eat again hahaha)


Tuesday, May 14, 2013

I am not strong as i look

Deep breathe! Inhale and exhale! Woooootttt! Pppooooootttt!!! Pampam-parampam!!!

I am trying to comfort myself, hahaha syet, paking tape!

Nanahimik ako sa twitter, sa blog at kahit sa fb dahil may pinagdadaanan akong nakakaloka lang. it happened after nong interview at deliberation ko with my practicum. I think, during and on-going na interview na yan nagbreak down ako. 

I thought kaya ko, oo I know matapang ako, physically yes but emotionally I’m so weak. lol wala sa hitsura at aura ng isang tao ang pagiging matapang niya dahil people who have the most disguise sa sarili is yong nagtapang-tapangan, strong at palaging tumatawa.

I just can’t believe that nagbreak down ako sa araw ng interview na  yon, hindi ko mapigilan umiyak (Im so artista that moment hahaha) pero seriously, pigil na pigil nong una ang iyak kasi nakakahiya sa panel, may kalidad at op kors, they’re also my professors.

I cried because I don’t want to lose this chance and hope na I can make it ng march 2014. I was given an option na summer 2014 ako ggraduate kasi according sa policy ng school hindi pwedi magload ng subjects dahil practicum days ko na, nangyari yan dahil sa mga religious studies na naiwan at ibang minors ko na hindi nacredit dahil sa descriptive title. Hindi ko kayang tanggapin yon kasi feeling ko that moment, I am going to lose what I hope. I told them na, I can’t promise what I can give if they are going to push that option dahil ayoko ng dumaan ulet sa pinagdadaanan ko non, minsan na rin kasi akong nadepressed ng almost a year, nagbreak down ako sa buhay, I wasted it ng ilang taon din dahil hindi ko kinaya ang expectations ng mga magulang ko, hindi ako naka-live sa mga expectations nila and I lost my way (don’t worry hindi ako tumira ng drugs! Hahaha)

I learn to dream again para sa sarili ko nong nag-aral ako ulet dahil alam kong ito ang gusto ng nanay ko, ito ang iniwan niya bago sya namatay. Minsan na ring tinapon ko ang pangarap ko dahil like I said, hindi ko kinaya ang expectations nila, hindi ako nakabangon ng ilang taon hanggang umabot sa turning point na kailangan kong labanan ang lahat ng takot ko sa buhay. that moment I was talking to my professors, ang tanging alam kong nasabi ko was “don’t make me lose this chance and hope to believe and continue the dream that I learned to live it now” sabay ang bonggang iyak na effortless tumulo yong luha ko pati sipon ko, sirang sira ang eye liner, make up at feeling ko para akong batang umiiyak sa sobrang gutom hahahaha

Currently, hindi ko pa alam kung kaya ko na bumalik sa school para sa enrolment na yan, hahaha kasi I am weighing things out, ang nasa utak ko lang ngayon is, patuloy ng patuloy lang, taking all the risk, if kailangan ng short cuts then I will do that, by pass sa usual enrolment process then gagawin na, medyo desperate na ako talaga. Hahaha kebs na ako! Medyo natatawa ako na hindi ko pa natatanggap na nagbreak down ako sa araw ng interview! Hahaha syet.

Pasensya na at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, in time, magiingay ulet ako at darating na rin sa point na gusto niyo akong palayasin sa mga blog niyo. Hahaha charreettt lang!! basta I know everything may rason, isep-isep positive nalang  para magaan ang buhay. kaya kung ano man ang inyong mga pinagdadaanan din, it will help if you see it positively. kaya yan! we will just laugh nalang after we surpass those trials. 




Friday, April 26, 2013

TeleSoup Update


Wooooottt!!!! Pppooottt!! Paaakk!! Baaanggg!!!

Daaanng!! Daanngg!! Sabay-sabay tunog ng mga kampana sa buong bansa!! Wooott!!! Ding ding ding hahahaha

Finally, naisipan ko na rin magupdate, SABAW na SABAW ang utak ko lately that’s why wala akong update, wala rin naman akong makwento, mga walang kwenta ang nangyayari sa buhay ko lately. Echoosss.. hahaha

Kumakain na ako ng bakal actually sa gym kaya busy-busyhan ang aking peg. Wooooott! Sabay spleeeettt and clap hands in the air. Charrett! Hoy nakakaspleeet naman ako noh hahahaha wag na kayong kumontra! Hahaha

Busy rin ang buhay ko sa pag-aasikaso ng aking mga papeles para sa lecheng practicum na yan na hindi pa nga sigurado but still nagcocomply ako, susugorin ko pa ang president ng school na madre para luluhod at magmamakaawa na matapos ko ang lahat this year at gagraduate ako ng 2014. And take the board exam the same year. Nagmamadali na ako talaga hahahahaha ayoko ng mahuli sa batch ko kasi ang mga pictures hello masakit sa atay yon na hindi ka kasama doon sa barkada mo. hahaha mas eksayted ako sa course nato kaysa dati, ewan ko ba siguro happy talaga ako dito. Charreet lang.

Baaanng!! Booom! Boooom! Baaaam!! Banngg!! Tadang!!!

Sayaw, sayaw, galaw, galaw, ikot ikot, kembot, kembot ang pwet ng biik.. woooottttt

Dahil hindi ko alam anong stress ang dala ng isang natatagong nararamdaman sa taong matagal ko ng binaon sa lupa, kaya I feel soooo soooo sooo wala lang, nag-iisip ako? Charos! Nakikiramdam? Slash wrist and die! Feelingerang naging busy ako sa buhay na wala naman dahilan maging busy. Hahahaha paken sheet lang. ang hirap mag-pigil! Hahaha hindi ko kinakaya! Nakakaloka naman! I hate this! (tambling)

Namiss kong dumaldal, at magingay kaya ito na naman ako ulit. Ramdam ko na ang ingay ko ang goodluck sa inyo hahahaha (spleeettt) wooott sayaw sayaw tada-dada-tadaaa.

at ang vlog, naging uso na talaga, hahaha makagawa na talaga ng bago. nainggit na naman ako hahaha 


Tuesday, April 2, 2013

Tele-tahimik-muna

Ayoko muna mag-ingay, walang intro, walang drums, kampana at ano pang anek-anek.

Natatawa rin ako kapag iniisip kong mag-eemote ako, ganyan hahaha but no, no, I hope it’s a big no. lol

It’s in my thoughts now I want “telelalahbells” will remain as a happy person, may happy thoughts and will definitely just laugh with problems and I think that’s what I am doing now kahit sobrang bigat na ng kuyukot ko esteh yong puso ko charing lang hahaha

Kayo, kayo lang eh! Hihihi pero honestly, since I came back sa mundo ng blogging, I started to open my thoughts, lahat na ata kulang nalang maghubad ako pero wag na masara pa tong blogspot dahil sakin. 

Hahaha roootts. And u became all my inspiration kaya tuloy ang ingay-ingay mode ko. char!

Una, I just want to say thank you to all sa walang sawang pagbisita sa blog ko, may sense man o wala ang post ko you never failed to drop and left your footprints, you made a difference sa life ko and alam mo yan. Salamat kaibigan, mga sis, ateh, koyah at mga ka-animals.

It has been months since dito ko nilagay lahat ng rants ko sa buhay and I am grateful that dahil sa blogging at sa inyo, I come to discover a lot of things sa buhay ko, nakaya kong i-separate ang sarili ko, (dual personality ang peg? Hahaha) kung trying hard to be formal kami kasi nga tinitingnan ng maraming tao ang profession namin sa realidad na parang bawal magkamali, dapat lahat ng bagay ay tama, iniiwasang magkamali dahil panget sa mata ng ibang tao, but dito sa mundo ng blogsphere, abah super split na split ang personality ko dito hahaha wala yon, hindi kasama yon dahil mas gugustohin ko yong simpleng ako lang talaga, free to express my thoughts without any judgment, without any doubts and we are all free to share what’s in our mind (facebook lang ba may alam? Lol)  lahat equal, yon ang importante sakin, walang mayaman, walang mahirap lahat ay pantay tayo dito sa mundo ng blogsphere.

Now I am saying that I already have a life here.. chars!! Haha

Sa totoo lang, gutom lang ako now hahaha jowk. There’s just this feeling lang na I once felt this, nakakainis, nakakalito at nagugulohan (charoots) pero hindi ako na-tatae ha. Promise. Hahaha

I am trying now  na maging seryos na. hahaha syet.

Natuwa lang me, a year after I learned to listen again those “love songs” bwahahahahaha natatawa ako pero totoo nga, bakit ba wag ng makialam blog ko to hahaha jowk naiiba na rin ang mood ko, hihihi ohhh well thanked God for the life and love I knew it once na naging matatag ako lalo at nagbigay ng daan para maintindihan ko rin ang ibang tao who have been an alipin ng pag-ibig. Charooks!!

But anyways, tumae lang ako dito sa blog ko este naglabas ng hindi naman sama ng loob but saloobin lang ata. I just want to take this out, yong happiness na hindi mo alam where galing at ano ang pinaghuhugotan char char many char hahaha basta yon na yon talaga, be it, whatever is in your mind, basta yon na talaga! Hahaha

[insert puso na may butas]

P.S.
Like I said, I’m glad and happy na naabot mo yan. You got it. Finally, the license, the firm and the life, it is really for you. Basta i am just happy for you, hanggang doon lang siguro.  Your dreams became your reality now, congratulations!  I can't be part of that, anymore. Until then, architect. =)




Monday, April 1, 2013

Tele-Talatak-Contest-Winners

Bam baam baaamm boooomm!! Shake it to the right!! Shake it to the left!! I am getting so sexy and I know it!! Ohhh lalala sabay splleeett with hands up in the air!! Telelalalala baaamm booom!! Ohh!! Bang!!

Tunog ng kampana sabay-sabay buong pilipinas

Heto na… heto na.. heto na…

DOO-BIDOO-BI-DOO, BIDOO-BIDOO

(drums) bam!! Baam!! Bang!!

Dahil tapos na ang 1st quarter natin, I am going to announce sino ang nanalo sa Mr. & Ms. TelaDaldal (daldalera at daldalero) sa blog ko. makakatanggap sila ng premyo galing sa akin at autograph (artistang artista lang? hahaha) I am going to mail my prize kung sino man ang nagwagi ( speech pls? lol )

Sila ang natatanging walang sawang sumubaybay sa aking mga emohan,  sa mga walang kwentang blog post minsan, sa mga paniniwala ko nong ako ay  bata pa at mga kababalaghan na nangyayari sa aking buhay, silang dalawa ang masasabing kong PINAKA-madaldal since nagbalik akong magblog.

So eto na ba?

Clap clap clap kampana ay kailangan mag-ingay para may feelings…

Drum rolls… tarrraaagggg taaaggg baaggggg…

Dapat maingay para mawala ang mga malas. Chos. Haha

Kaibigang malusog, pati puso ay kasing laki pa ng kanyang katawan. Bago pa lang ako sa PBO noon, at kakabalik ko lang sa mundo ng blogsphere, siya! Siya ang feeling kong tahimik, demure (chos lang para hindi masira ang reputation) at hindi ko alam pa ano ba talaga ang totoo sa mala-devil niyang mukha este mala-anghel pala, siya ang isa sa una kong naging taga daldal at mahilig gumawa ng reaction paper sa blog ko. deep inside me (seryos ako dito lol) I feel this urge? Urge talaga ang term ko eh ano? Hahaha palit-palitan, panira ng moment hahaha anyways, hindi man kami madalas nagkukulitan, hindi pa kami din nagkikita ng personal, we just talk some matters of our life ganyan ganon chika seryos sa buhay (reets) oo may ganyan kaming moment kapag nagugutom ang mga alaga sa tiyan lol pero he is one of the bloggers na kilala ko na super totoo, walang keme, walang pretentions at lahat sinasabi walang takot sabihin ang kanyang saloobin, kinokontra niya kaming mga babae at pwes pinanindigan talaga (langhiya hahaha). Feeling ko at sinasabi nila, na siya ang katapat ko sa kaingayan, sa kalandian at iniisip ng madla pano nalang kapag nagsanib pwersa na kami! (may powers2x lang?)

Wala akong choice talaga, alam mo that awkward moment na wala kang choice to announce sino ang nanalo? Hahahaha jowk.

Ingay-ingay ulet pls… I need splleeetersss.. im requesting josh of KULAPITOT to do that, do that. Lol

Ito naman si Ms. TeleDaldal for this 1st quarter, sa sobrang ingay ko, at napunta ako sa blog niya, tahimik ang peg ko, nahihiya ako kasi feeling ko si God ang nakikipagusap sakin, na-eenlighten ako whenever I stopped and read. Somehow on the other side (dual personality? Haha lol) na-lilift up ako with the words, quotes and verses she threw sa blog niya at hindi lang ako naman ang may ganong feeling but everyone does. It help us, it reminded us that no matter how busy we are sa araw-araw, kailangan natin magkaron din ng relasyon kay God, hindi lang tayo dapat magaling sa pakikipagrelasyon sa ibang tao. Kilalang kilala siya sa blogsphere na siya ang granny na bagets, mommy ng lahat. Nagmamasid man siya sa mga kabataan ngayon, sa ano man ang iniisip natin, ano ang takbo ng ating mga utak natin, she knew that it’s too far from what she used to see but ni minsan wala akong narinig na pinagalitan niya tayo (hahahaha) dahil lahat naintindihan niya, inintindi niya ng walang judgment at doubt. Siya ang Ms. TeleDaldal this 1st quarter dahil hindi niya pinapalagpas ang kanyang iniisip sa bawat blog entry ko, may sense man o wala.

So ito na talaga, this is it na really… drum rolls again so hard… please.. requesting mecoy and animal friends feyel, kat and pao na gumawa ng mecoy face at ikot ikot kembot kembot at lahat jump then dapa bigla, dyan lang dapa lang kayo, wag kayong tatayo hanggang hindi ko sinabi (hahaha)

So here it is finally… ohalalalalalala telelalalala tadaaanngg…

Sila ang Mr. & Ms. TeleDaldal for the 1st quarter. 


I am lucky! i found this pic through Zai's album (thanks zai hihihi)
Sa lahat ng naging parte ng blog na ito, super akong nagpapasalamat sa inyong lahat, you've been my inspiration kaya ng hindi sinasadya mas lalo akong nagiingay rooots. sana wag kayong magsawang maki-ingay at maging parte ng buhay ko, i am so pleased na maging parte kayo ng paglalakbay ng aking buhay. salamat ng marami sa inyong lahat.

May darating pang 2nd quarter, end of June mag-aannounce ulit ako ng winner base on sa dami ng comment mula sa araw nato forward until June 30th. So samahan niyo ulit akong mag-ingay sa darating na tatlong buwan!

CONGRATULATIONS po sa inyo!! 


P.S

Mommygranny joy, enge ako ng add mo where i can mail my prize. i already have the address of senyor. hihihi thanks mommygranny!








Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...