Waking up in the middle of the night is one of the things I hate
the most. Charot! Totoo.
Sinungaling ako! Or hindi ko lang talaga sinadya na ganon ang
maging reaction ko? I am trying to go back to sleep but seems hindi na ako
makatulog, para mapagod ako ito, magblog ako, ilabas ang nararamdaman ko.
Unang una, pasensya kana blog, ang aking telelalahbells na
hindi naman tugma ang pangalan sa drama ko ngayon, feeling ko ang kulay ng
buhay ng pangalan ng blog tapos ang laman, eto ka-artehan, drama sa ngayon. Bear
with me, seryos ako. Promise na. lol
Para hindi mailto sa mga drama ko sa buhay. ito brief lang
ang kwento ko.
Sa all life natin, ilang tao man ang dumaan at minahal
natin, there’s always this one person na masabi natin na naging greatest love
daw natin. Ows? Ganyan. sabaw na sabaw na talaga ako! Or baka nasabi ko lang
yan kasi ang hapdi ng puso ko ngayon. (may sugat talaga, yon na haha)
Dahil sa pagiging curious ko nga kay architect nong malaman
ko ang pagbabago sa kanyang career, naisipan kong tingnan sa kanyang personal
na buhay. Sa fb at twitter. May mga common friends kaya alam ko! (stalker ang
peg) ito ang rants ko dati na kelan kaya ang pagkakataon na kaya ko ng tingnan
ang buhay niya at dumating nga kagabi.
Pagkabukas ko, viooollaahh..
Magiging tatay na siya, may asawa na siya! Futah lang diba. Pero
the worst experience I got nong Makita ko eh, hala natatae ako promise and I get
so cold at sure the next thing I know, tumakbo na talaga ako sa cr para tumae. Hindi
ata puso ko ang nastress but yong tyan ko ewan ko ano ba koneksyon. Hahaha
Sa mga panahon na nasa cr ako, napaisip ako kung saan ko ba
nalagay ang ovary ko nong panahon na yon, plastic ba ang ovary ko, fake, manhid
or sadyang kulang lang sa battery kaya hindi gumana. Hindi rin naman ako ready
noon, char! It’s true, ang dami ko lang inisip, inasikaso sa personal kong
buhay kaya things went bad.
Dahil bonggang iyak na rin ako, nagtext ako kay fiel, kay
arline para may makausap ako kasi hindi ko alam pano ko ilabas ang naramdaman
ko. Thanked God to King Archie also he was there to talk to me. Ang heart to
heart talk nauwi pa rin sa harotan. Its natural! Ganyan! lol Thank you sa inyo,
I feel better eventually, sa jokes, sa harot and sa comfort, all I need is
someone or somebody na makakausap to divert whats in my mind, this what I called
“talking therapy” I was taught of that
nong nagkaron ako ng unfinished professional issues with my mom, they just let
me talk and talk until I cried and it helped, I moved on.
It’s just so funny reading his timeline with the hashtags na
kami lang ang nakakaalam, na naging code name namin noon, even the dates that
are significant to us, may notes pa rin siya. Kaya kahit alam kong may bagong buhay
na siya ngayon, I know he can’t still let it go. May special connection pa rin
in between kahit wala na kaming communication, I could still feel it but
hanggang doon nalang talaga kasi. Sinisi talaga niya ako sa lahat-lahat but I have
to stand sa ano mang decision ko noon, I can’t leave my mom at that time who is
sick, trying times namin sa pamilya noon and hindi ko kaya na pagsabayin lahat,
I need to give up and before I did that, ginawa na niya pala. And months after,
ang bilis talaga ng recovery or palit period ng lalaki so I moved on again.
Like I said, just bear with me, just let me do the ranting,
things will be over. Maybe I just need this to finally close that book. I opened
it pa kasi dahil para maghanap ng dahilan para sunogin. Roots. Ang daming
magandang memories that I can’t throw it away noon dahil siguro I’m still
holding on to that “kind” of love I have with him once. Naiyak ko na eh, kaya
ok na ako don. Swerte lang ngayon kasi no beer, no hard liquor na malamang sa 2nd
time hahalikan ko ang sarili kong suka, face to face pa sabay simot amoy ng
pulutan malas pa kung boy bawang.
Lahat dadaan tayo sa ganitong pagkakataon na masaktan,
madaya, at madapa para matuto, magkaron ng leksyon at makapagingat sa susunod. I
am thinking this positively kasi if I dwell on it, ako rin ang lugi, ako rin
ang hind imaging masaya. Siguro sa ngayon lang naman ito, eventually mawawala
din lahat ng to, once I cried it out,
soon enough maging ok na ako. Focus sa career which I know successful ako don
but palpak sa buhay pag-ibig, its nature na hindi talaga nabibigay sayo lahat
ni God. Accepted.
I Still thanked God for this even though its painful, I experienced
it, I learn to live with it and I will learn to understand and listen more sa
mga kaibigan ko kung sakali mararanasan nilang masaktan din. Sana wag naman. Kailangan kong panindigan ang mga advices ko sa kaibigan ko dahil i will never be an effective counselor (someday) kung hindi ko i-aapply rin sa sarili ko ang natutonan ko. Nga-ngang nga-nga lang ako niyan!
pero sayang na sayang lang ang sinigang na bangus na niluto ko last night, pinaghuhugutan ko talaga yon kaso nawalan ng tubig dahil sa pagbutingting ko nga sa twitter. hindi na rin ako nakapagdinner dahil wala pa akong nakain, natae ako sa stress. syet. hahaha
Telelalalamorning!!
as of 3:24am
ako ay nagugutom