Showing posts with label Opinion. Show all posts
Showing posts with label Opinion. Show all posts

Monday, July 28, 2014

Makikigulo sa SONA

Una sa lahat gusto kong makigulo sa SONA ni Pnoy! Chos! Hahaha (sway to the left and to the right sabay kaway kaway talon at biglaanngg splleetts)

Lahat ng tao may pagkukulang, walang perpekto, siguro naman sa lahat ng taong “nakakaintindi” ginawa naman ni Pnoy ang best niya para sa Pilipinas. Bawat presidente natin sa Pilipinas, isa lang masabi ko PAKSHET sa lahat ng raliyista na yan na wala na sa lugar, lahat may comment, lahat may reklamo, lahat mali ang nakikita nila sa presidente, PWES! One this then there is, be the president of the Philippines! Parang sila nalang lagi tama! Eh di magpresidente kayo yon lang yon! hahahaha

Sa trabaho ko sa field noon at ngayon, isa lang ang realization ko, yes oo aaminin ko yang madaming mali sa gobyerno, totoo may mga corrupt sa gobyerno talaga lalo na kapag nasa position ka pero hindi nagpapabaya ang gobyerno sa mga programa para sa mga mahihirap! Totoo yan. Ang mahirap?! Yong mga mahihirap sinisisi ang president dahil sa kahirapan, naman! Ito ang katotohanan diyan, MENTALIDAD!!! Oo MENTALITY ng mga taong yan! Nasa isip nila na mahirap sila kaya hanggang don nalang sila. HINDI! HINDI! Hahaha kasi lahat may paraan kapag gusto, lahat may magagawa kapag determinado!

Hindi ko naman masabi na maka-Pnoy ako, pero ang gulo gulo ng maynila sa mga rally na yan, sunog dito, sunog doon, hindi kayo yayaman dyan! hahaha yon lang talaga! hindi! hahaha chos! 

Wwwwoooootttt.. paaakk!! Hahaha

Anyways, siguro ito na ang right time para makabalik nako sa mundo ng pagbblog, charots! Oo kasi naitawid ko na ang pangarap ko. ito na ang simula sa pagbuo ng bagong mga pangarap. Naman! Achos lang! hahahaha di nga, above all, sobrang nagpapasalamat ako sa diyos sa lahat-lahat na nangyari sa buhay ko for the past 3 years. Naabot ko na, I got my license finally! Yoohoo!! I am now already a REGISTERED SOCIAL WORKER! YES! Hahaha  Ito ang masabi kong God made it all happen the least I expect it, it was indeed orchestrated.

Sa next post ko na ikukwento about pano ko narating ang lahat ng ito sa buhay ko. charoowwss! Hahaha
Wala lang, nakikigulo lang naman ako talaga sa SONA, sumingit lang bigla ang personal na buhay! hahaha
Hayyymisshyoo all!!


Wednesday, April 3, 2013

Tele-Reality-OBWard-SuiteRoom

I had this conversation kahapon with my officemate na bagong panganak. Kagabi and kanina umaga, yong rants ni sissy sa hospital – ob ward.

May malaking difference nga ang mayaman at mahirap.

Marami diba? You can count it sa fingers niyo yan.

Sa career ko, ang mga mahirap madalas kong naririnig magsalita. Alam kong totoo ang hirap nila sa buhay pero ang tanong, ano ba ginawa ng gobyerno para sa kanila. Sa totoo lang, meron naman, may maganda at hindi maganda din naman.

Pero nasa tao lang talaga yan paano niya harapin ang buhay niya, ang pagkakataon na binigay sa kanila para umasenso, hindi kasalanan ng gobyerno kung bakit mahirap ang tao.  Kung may kasalanan ang gobyerno, yon ang cutting of cost or I’ll say na may budget para sana sa mga facilities lalo na sa government hospital pero hindi nabibigay ayon sa ano ang na-approved. (ma-shoot to kill talaga ako nito lol)

Si officemate, witness na witness niya na sa loob ng delivery room, sinisigawan at pinapagalitan lang ang mga babaeng nanganganak na tumahimik lalo na yong hindi kutis mayaman (swerte si officemate kasi maputi). Sa ob-ward naman daw, sa isang bed may 2 or 3 na pasyente with the babies. May hindi nakakabili ng diaper at kahit gatas, lalo na pambayad ng hospital. It’s true.

Si kapatid, galing ng suite room sa hospital na yan. Oo suite room pero totyal ang pasyente dahil hindi na namomoblema ang mga nurse sa mga nireseta ng doctor. Lahat andon na daw. si sissy ngayon after 3 months, nilapat sa ob-ward. Bumulagta sa kanya lalo anong hirap meron sa ob-ward at anong hirap meron talaga ang mahirap.

Na-tats ako kanina dahil nagkwento siya. Dumaldal. Madaldal din kapatid ko at walang dudang magkapatid talaga kami hahaha

Ang mga pasyente sa suite room, kapag nasaktan dahil hindi ka marunong magpasok ng IV, halah at lagot na kasi itatanong daw ang pangalan mo at may “reprimand” drama agad-agad. Sa ob-ward naman daw walang reklamo ang pasyente. Si kapatid may training sa IV therapy kaya maswerte ang kanyang pasyente daw dahil she said as much as possible ayaw niyang may sakit maramdaman ang kanyang pasyente.

Ngayon, may isang pasyente kahapon daw na yong haba ng needle na kailangan itusok sa mukha ng pwet eh kasing haba ng mga 3 or 4 inches ba yon. Ang sabi nong pasyente sa kanya na sabay hawak sa kamay ni kapatid daw “maam, iba talaga kapag yong nurse eh may extra care sa pasyente kasi in pain na ako dito pero nababawasan dahil binibigyan mo halaga ang pakiramdam ko” gusto kong sumabog sa narinig ko, naiiyak na ako sa kwento ni sissy kaya naligo nalang ako lol

May mga bagay sa ating buhay na minsan kailangan dumaan tayo sa problema para maintindihan natin ano ang pakiramdam ng ibang tao lalo na kapag halos magkapareho ang situation. Hindi tayo effective sa ating mga profession o sa sariling buhay natin kung hindi tayo nadapa, nasaktan at naranasan ang minsan maging pasyente, maging mahirap at naapi.

Wag masamain ang mga pagsubok na dumaan sa ating buhay dahil its clear na may mga rason kung bakit nangyari ang mga ito. Harapin at labanan kung ano man ang iyong pinagdaanan, isipin na kung yan ang problema mo ngayon, kumusta naman ang may problema sa baga? Atay? Heart? Na nagbibilang nalang ng oras dito sa mundo, ang mga taong walang makakain na naghahanap lang sa basura. Kaya mo kayang tumayo sa paa nila kung magrereklamo ka sa problemang meron ka ngayon? Kaya maging matatag ka, lahat ay kaya nating lampasan, with all the prayers, sure why not!


P.S.
dual slash split personality lang ang peg ko haha lol shhh tatahimik na ako promise





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...