Showing posts with label Blogger. Show all posts
Showing posts with label Blogger. Show all posts

Tuesday, November 25, 2014

Yccos "Meow" visits "Telelalahbells"

I need to debrief myself immediately. Chos!!! Haha

The 100k painting -
mas malaki pa kai
teacher kat lol

One of the PBO’s (Pinoy Bloggers Outreach) attractive (and active) member especially by means of smallness & prettiness ( LOL ) came to Cagayan de Oro City unexpectedly. All the way from Quezon City transferred to Taguig City, Metro Manila accordingly (drum roll please), 2_ (I intentionally not to put a number next to 2! Haha), 5’ FLAT? (wooottt! Alam na!) & proud to be a bekeey! Presenting Ms. Kat a.k.a “meow” slash “yccos” (I’m seryos, pilit na pilit akong maging seryos! Chos! Hahaha)

I’m very happy indeed! Yeyy!! In such short notice & time, we still manage to make our weekend a worth to remember. That is not also possible without the help of my friends – Peps (wag ng alamin ang totoong pangalan ng taong ito dahil babalik tayo sa panahon ng spanyol haha) , Imee “Imyang” (dahil mas matanda pa sa akin ito kumilos, madalas may dalang panghilod ito kahit san magpunta) and Juan in tagalog John in English (pinaghandaan niya ang BANAT statement na yan para kay “Kat” dahil sa Filipino subject lang nagsasalita ng tagalog mga tao dito samin! so OA lang ang sinabi ko! Hahaha) siniraan ko talaga mga kaibigan ko eh! Nyahahahaha soreh! Soreh!


Syempre selfie - nakiuso
Our day started with sumakay kami ng “motorela” (only in cdo yan! Rooowww!!) & had a pambansang breakfast at “jabebey!” hahaha ohh yes! Of course we then visited first the Cagayan de Oro City Cathedral to pray & went to Xavier University after – hindi kami nakapasok kasi nakapekpek shorts si “kat” hahahaha akalain mo yon?! Conservative masyado kami dito eh!! Charot lang! hahaha something came up may konting emergency so pumunta kami sa lugar nila peps then went straight after to Provincial Capitol where I used to work for 7 years & may malaking sculpture kung saan masayang tingnan si kat na pilit niya itong yakapin ng buo! (hahaha) dahil sa sobrang init – sa isang mall pa din ending namin at we had our coffee sa starbucks. (mainit na kape inorder namin, parang hindi din kami nakaligtas sa init ng panahon! Haha). Our lunch was at Bucher’s Best (dito may 14 php pa na bbq).

Earthquake

I love this pic! EcoVillage!
Just as exactly 1 pm we decided to go to Capitol University Museum (kung san andon ang history ng Cdo), touristang tourista lang kami eh kasi first time ko rin pumunta don ano! (bahahaha) sa next destination namin of course not just once but ohh yes! 2nd time kong pumunta don! (feeling proud hahaha) 15 mins away from the City, sumakay kami ng jeep at “habal-habal” papuntang “ECO VILLAGE” nakuh! Lakas maka-earthquake ang lugar na ito! Masarap kasi magjumpshot dito! Haha it’s all pure nature! Sarap! Masarap yong pababa pero nong pabalik na, yong butas ng ilong ko kasing laki ng kamao ni pacman na! one of the best thing happened nong pauwi na kami – hinamon nila akong mag limbo rock nong palabas na kami (naka-inclined na ito) gustohin ko man pero feeling ko maging bola ako na pagulong-gulong pag nagkamali ako ohhh dibah! Nasa isip ko pa lang, may nangyari na kay “Juan in English John” tumambling lang naman siya oh see kumusta naman kung ako yon! Susmaryusep!! Maawa ako sa daan! Hahahaha after “Eco Village” went straight to “limketkai mall” (kapag cdo – LKK Mall ang trademark! Only in cdo lang yan talaga) & back to Imee’s “Imyang’s” dorm to get kat’s bag & stayed Jollibee nearby for a while at pumunta na kami straight sa 2nd home ko para don magstay overnight – sa bahay nila peps. Hahaha
Boystown Outreach

Saturday night we prepared the hygiene kits for the outreach kinabukasan. Thanks to PEPS sa lahat dahil he allowed us to be part of his Org for a day! (I can’t thank u enough really, wwooott!) the following day pumunta kami sa “Boystown” ng Cdo located away from the city, mga 1 hour din yong binyahe namin with all the rough road along & free natural powder! Oh diba bongga! Hahaha I am very happy dahil may malaking part si Kat during our outreach dahil we let her interact with the kids as well as nagconduct din siya ng activity sa mga bata. Fulfilling! kaso bitin lang! Right after our outreach, dahil maaga natapos I called a friend who is just nearby para kumain ng French fries at beefsteak! Hahaha she’s a friend for almost 15 years din kaya at home na rin ako sa bahay nila! Chos! Ang layo din naman ng nilakad namin ano (super init pa!), tunaw na tunaw yong taba ko don! Effortless!


After Outreach -
Yccos with the Big Four
Exactly 12 noon kami umalis sa bahay ng friend ko and dumating kami downtown mga 1 na siguro yon, kumain ng sundae all from Mcdonalds dahil SUNdaey! Haha just waited for Pep’s sister for a while naiwan yong tablet ni kat sa bahay nila Peps. Parang ayokong tapusin tong entry nato kasi alam ng uwian na eh! Hahaha charowt! Hinatid namin si Kat sa LKK Mall kung saan don siya sasakay ng Van going to the airport, that’s around 2:30 na siguro, had few group pictures and ayon na ba-bye na talaga! Haaaiiizzz! Lol There’s no goodbye but see you again soon!! That is!!! Yeey!!

GRACE - Our fries & beef steak
For a day & a half na kasama ko si Teacher Kat “yccos” ito lang masabi ko – may katapat ako!!!! Hahaha she’s bubbly & a positive thinker! What I admired the most yong pagiging flexible niya (knowing I also have my friends with me during her visit) AT ito pa – ang talino ha in fairness hindi ko carry yong history ng pinas, wala nga akong matanong don eh! (tulog ako nong kinuha ko ang subject na yan! Hahaha) I hate being so big sa mga pictures namin kasi ang liit niya!! Literal! Hahahahaha the best I could describe KAT - “NO PRETENTIONS!!!” what you see, what you’ve read is what you get!!! Yes!! It is!!

MecMec - Pep's Home
It was a worth weekend!!! Thank you teacher kat for the visit & next time ulet!! Wooott!!! I can’t thank enough also to Pep’s Family – Tita slash Mama Merelyn & ang pangarap kong katawan sa hilaw kong kapatid na si MecMec, na always ready and on the GO!!! Of course si Juan in English it’s JOHN – official icebreaker!!! Imee slash Imyang as well as our official photographer all throughout!!! Hahaha I LOVE YOU Guys!! (wid feelings, CAPSLOCK para intense!! Hahaha)



Monday, April 1, 2013

Tele-Talatak-Contest-Winners

Bam baam baaamm boooomm!! Shake it to the right!! Shake it to the left!! I am getting so sexy and I know it!! Ohhh lalala sabay splleeett with hands up in the air!! Telelalalala baaamm booom!! Ohh!! Bang!!

Tunog ng kampana sabay-sabay buong pilipinas

Heto na… heto na.. heto na…

DOO-BIDOO-BI-DOO, BIDOO-BIDOO

(drums) bam!! Baam!! Bang!!

Dahil tapos na ang 1st quarter natin, I am going to announce sino ang nanalo sa Mr. & Ms. TelaDaldal (daldalera at daldalero) sa blog ko. makakatanggap sila ng premyo galing sa akin at autograph (artistang artista lang? hahaha) I am going to mail my prize kung sino man ang nagwagi ( speech pls? lol )

Sila ang natatanging walang sawang sumubaybay sa aking mga emohan,  sa mga walang kwentang blog post minsan, sa mga paniniwala ko nong ako ay  bata pa at mga kababalaghan na nangyayari sa aking buhay, silang dalawa ang masasabing kong PINAKA-madaldal since nagbalik akong magblog.

So eto na ba?

Clap clap clap kampana ay kailangan mag-ingay para may feelings…

Drum rolls… tarrraaagggg taaaggg baaggggg…

Dapat maingay para mawala ang mga malas. Chos. Haha

Kaibigang malusog, pati puso ay kasing laki pa ng kanyang katawan. Bago pa lang ako sa PBO noon, at kakabalik ko lang sa mundo ng blogsphere, siya! Siya ang feeling kong tahimik, demure (chos lang para hindi masira ang reputation) at hindi ko alam pa ano ba talaga ang totoo sa mala-devil niyang mukha este mala-anghel pala, siya ang isa sa una kong naging taga daldal at mahilig gumawa ng reaction paper sa blog ko. deep inside me (seryos ako dito lol) I feel this urge? Urge talaga ang term ko eh ano? Hahaha palit-palitan, panira ng moment hahaha anyways, hindi man kami madalas nagkukulitan, hindi pa kami din nagkikita ng personal, we just talk some matters of our life ganyan ganon chika seryos sa buhay (reets) oo may ganyan kaming moment kapag nagugutom ang mga alaga sa tiyan lol pero he is one of the bloggers na kilala ko na super totoo, walang keme, walang pretentions at lahat sinasabi walang takot sabihin ang kanyang saloobin, kinokontra niya kaming mga babae at pwes pinanindigan talaga (langhiya hahaha). Feeling ko at sinasabi nila, na siya ang katapat ko sa kaingayan, sa kalandian at iniisip ng madla pano nalang kapag nagsanib pwersa na kami! (may powers2x lang?)

Wala akong choice talaga, alam mo that awkward moment na wala kang choice to announce sino ang nanalo? Hahahaha jowk.

Ingay-ingay ulet pls… I need splleeetersss.. im requesting josh of KULAPITOT to do that, do that. Lol

Ito naman si Ms. TeleDaldal for this 1st quarter, sa sobrang ingay ko, at napunta ako sa blog niya, tahimik ang peg ko, nahihiya ako kasi feeling ko si God ang nakikipagusap sakin, na-eenlighten ako whenever I stopped and read. Somehow on the other side (dual personality? Haha lol) na-lilift up ako with the words, quotes and verses she threw sa blog niya at hindi lang ako naman ang may ganong feeling but everyone does. It help us, it reminded us that no matter how busy we are sa araw-araw, kailangan natin magkaron din ng relasyon kay God, hindi lang tayo dapat magaling sa pakikipagrelasyon sa ibang tao. Kilalang kilala siya sa blogsphere na siya ang granny na bagets, mommy ng lahat. Nagmamasid man siya sa mga kabataan ngayon, sa ano man ang iniisip natin, ano ang takbo ng ating mga utak natin, she knew that it’s too far from what she used to see but ni minsan wala akong narinig na pinagalitan niya tayo (hahahaha) dahil lahat naintindihan niya, inintindi niya ng walang judgment at doubt. Siya ang Ms. TeleDaldal this 1st quarter dahil hindi niya pinapalagpas ang kanyang iniisip sa bawat blog entry ko, may sense man o wala.

So ito na talaga, this is it na really… drum rolls again so hard… please.. requesting mecoy and animal friends feyel, kat and pao na gumawa ng mecoy face at ikot ikot kembot kembot at lahat jump then dapa bigla, dyan lang dapa lang kayo, wag kayong tatayo hanggang hindi ko sinabi (hahaha)

So here it is finally… ohalalalalalala telelalalala tadaaanngg…

Sila ang Mr. & Ms. TeleDaldal for the 1st quarter. 


I am lucky! i found this pic through Zai's album (thanks zai hihihi)
Sa lahat ng naging parte ng blog na ito, super akong nagpapasalamat sa inyong lahat, you've been my inspiration kaya ng hindi sinasadya mas lalo akong nagiingay rooots. sana wag kayong magsawang maki-ingay at maging parte ng buhay ko, i am so pleased na maging parte kayo ng paglalakbay ng aking buhay. salamat ng marami sa inyong lahat.

May darating pang 2nd quarter, end of June mag-aannounce ulit ako ng winner base on sa dami ng comment mula sa araw nato forward until June 30th. So samahan niyo ulit akong mag-ingay sa darating na tatlong buwan!

CONGRATULATIONS po sa inyo!! 


P.S

Mommygranny joy, enge ako ng add mo where i can mail my prize. i already have the address of senyor. hihihi thanks mommygranny!








Sunday, March 10, 2013

Ring a bell, Ring a bell



This only happens because I lost my yahoo account, everything I felt like yeah it’s over. That was my personal email account, all my work and school related documents, I lost it, I lost everything. Ito ang nag-udyok sakin to create a new one, tumiming pang nasira ko accidentally ang email ko sa blogspot. Nabago ko ang email ko don sa “captured realities” and I felt disappointed really. All syet happens a month ago.

After kong mag-emote nong last post ko sa captured realities, at nangyari ang itong accidente sa mga accounts ko then I felt like I need to change everything. There should be not just something new in me but everything should be new in me. Life has to start again I believe, to live in the present and hope for our future. (i sound like a bayani haha) Well, I am happy now, seriously.

After the busy-busyhan sa school, ito nagkaron din ako ng time na harapin ang aking blog, buti nalang na-save ko pa ang mga old posts ko dahil bago ko gawin magsuicide sa mga email churvah ng blogger (trying to change it again) ginawa kong magimport ng mga post kaya ito meron pa rin natira sakin pero iba pa rin ang pakiramdam dahil bago na ang pangalan ko sa blog.

Ginawa kong TELELALAHBELLS dahil minsan akong nagpost ng picture sa fb ko sa bakasyon probinsya na gumala ako doon sa isang palayan tapos may isa pala akong picture na si PAOKUN lang ang nakapansin na mukha akong isang teletubby at bonggang tawa ko kasi when I checked it again, sabi ko holy syet oo nga tama kasi may headphone ako at in action ako sa picture. Doon ko nakuha ang TELE (teletubbies of PAOKUN) and kyut na rin kasi ang tele kasi when I checked it sa dictionary, technically it refers to “at a distance” at dahil na rin feeling ko na-isolate ako sa isang city na wala akong kasamang blogger dito kasi halos nasa manila lahat at lagi akong lugi sa mga meet ups kaya tamang tama ang TELE dahil sa distance nay an (letch! Lol) at yang BELLS na yan, madalas kasi sa totoong buhay my friends used to add up “bols” or “bels” sa last name ko like “lalah bells, larrah bells or larrah bols” para lang may madagdag sila lol at dagdag pa itong si "dearheart/braveheart" twitter na gumaganyan din, yong pangalan kong LALAH may kasunod minsan na BEBE, kaya ito ginawa ko ng buo lahat haha 
Requested ni PAOKUN ang picture nato. lol si LALA yong nakayellow pero mukha akong si PO ata dito haha

Nagbago man ang lahat nasa blog ko ngayon, ako pa rin ito, yong blogger na laging hinihingi kay FIELKUN na kung gagawa man sya ulet ng storya, wag ako ang magbuwis ng buhay ako ang dapat ang nagbibigay ng buhay (kambal-kambalan para isang ere lang lol) at dapat ako ang sexy at lumuwal ng kuyukot, ganyan! at may part din pala si fiel (read as feyel talaga, harteh lang niya yan lol) sa telelalahbells na yan dahil para lang daw telephone company at ang nasa vein ng utak ko naman parang sinasabi lang niya na ang daldal ko nga talaga dahil sa ingay ng bell parang gusto niya akong idescribe doon!  nahiya lang siyang sabihin sakin. Haha 

Seryoso,  nagbago man ang blog ko slight, its still what you see is what you get in me, I still have a big heart as big as my mala anne Curtis body, ang kumontra magkakaron ng alipunga. So ito na talaga yon, a new blogsite, a new perspective, views and love coming soon pa yan, wag epal! Hahaha




Sunday, January 20, 2013

Reality 8: Ang painting ni Jessica at interpretasyon

Ang dami kong namiss sa life ko!

It was Tuesday dumating ang pinadala na painting ni Jessica, (hongsweet ni jessica) Wednesday ko na nadala dahil sa lagnat kong yon, hindi ako nakapagwork. Tambay higa pahinga sa bahay para hindi mag-50/50 ang buhay. I am grateful that despite sa busy kong life, I still have friends I know pag-uwi ko na dyan lang sila behind the monitor lol cover lang? hindi ko pa man nakitang personal ang mga taong mahilig tumambay sa social network sites, parang ang tagal ko na rin silang kilala, paano nababasa ang kanilang kwento sa kanilang sariling blogsite, oh diba, always part tayo sa buhay ng isang tao kapag nagbasa tayo sa kanilang buhay. Echos!

Dahil labadami labango ako kaniinang umaga, ngayon lang ako makapag-update at ma-ipost itong painting na pinadala ni Jessica. Super touch ako dahil pinaghirapan niya gumawa nito kahit sa mga pinagdadaanan niya sa buhay and as I have promised I’ll give my personal interpretation sa drawing niya. This is just only based sa common theory at experience ko in regards to social psych rin, (nababasa at na-aapply slight)

Madalas sinasabi ng iba na theory lang ang pag-interpret ng mga bagay2x lalo na kapag sa guhit at sa painting pero lalabas ba ang theory kung wala silang pinagkukunan nito? Depende siguro. Sa isang institution ng mga bata, pag-guhit ang madalas na ginagawang activity sa kanila para maintindihan sila especially yong mga bata na hindi nagsasalita, nagddrawing, nagkukulay at base sa output nila, doon babasahin kung ano ang gusto nilang ipahiwatig.

Totoo yon kasi may isang bata nga na ayaw magsalita, laging tulala pero kapag binigyan mo ito ng papel, Crayola at lapis nagreresponse siya at alam niyo ano ang ginuhit ng bata? Isang bata at may isang malaking lalaki na may balbas, malapit lang ang isang bata at ang lalaki at doon nalaman ano ang nangyari sa kanya dahil may nakalagay na maliit lang na line doon banda sa ari ng lalaki, meaning ginalaw ang batang ito. Nag-in depth investigation at doon nga naconfirm na may nangyari ngang hindi Maganda.
Ito naman kay Jessica na painting, a combination of yellow, red, black and orange, napaka intense ng energy niya, madami siyang iniisip siguro sa mga panahon na ginawa niya itong painting, minsan kasi hindi natin napapansin pero subconscious natin ang nagtutulak gawin ang isang bagay. Ang kapal ng pagkapinta ni Jessica sa black at red orange,  parang ang init ng dating sa akin, may gusto siyang gawin or kunin pero hindi niya ito alam papano, saan magsisimula at paano magsisimula, gustong mapag-isa malayo sa madaming tao, ang isang tree, ito ay pwedi nating maging comfort kapag tayo ay nalulungkot, ang hangin na binibigay ng puno ay parang nakakarelax ito, nakakaalis ng stress at nakakatulong ito linawin ang ating isip especially kapag may mga decision tayo sa buhay ng kailangan natin panindigan, kaso ang tree ni Jessica ay maitim, isa lang ang nasa isip ko, naghahanap siya ng matatakbuhan.

Black- gustong mapag isa, sa isang kwarto kapag kulay itim lumiliit ito, kahit gano kalaki ang kwarto. May pagkamysteryosa itong Jessica hahaha she is conservative, sophisticated and she wants to find comfort. Melancholic ang kanyang approach sa painting.

Yellow – makulay ang buhay ni Jessica, yellow represents happiness, positive outlook sa buhay, nagbibigay siya ng liwanag sa ibang tao, nagiging strength siya sa iba kagaya yan ng isang sun nagbibigay liwanag sa atin. Definitely, creative si Jessica, gusto ng challenge na Gawain, and this yellow represents more of the brain rather than a heart.

Red – hyper si Jessica hahaha, confident definitely, strong at may pinaglalaban talaga puno ng pagmamahal ang batang ito at gustong magbigay ng pagmamahal sa ibang tao lalo na doon sa walang wala. 

To combine them all, super intense talaga ang painting, high ang energy level, ang lalim, may pinaghuhugotan, may pinagdadaanan, may gustong sabihin at kumukulo na ito sa kanyang isipan hindi na mahintay na ipahiwatig. lol hehehe 
Ang subconscious pala natin ang pinakamadaling example na kaya kong ibigay ay itong mga lalaking nambubugbog ng asawa, oo diba nageexist pa yan sila, kung tatanonin sila kung ang tatay ba nila ay binubugbog ang kanilang nanay, 7 out 10, oo ang sagot. Kahit hindi nila gusto gawin ang bagay na yan pero yan ang kinalakihan nila, lalabas at lalabas talaga yan. Nasa likod ng isip nila at nakikita nila yon habang sila ay lumalaki na normal lang ang pangbubogbog kaya ito ay ginagawa nila din sa kanilang mga asawa. Kung ang babae na nambubogbog ng lalaki, well baka may dahilan yan kung bakit!! Hahahaha jowk! Hehe

Maraming thank you kay jessica for sending this painting with message sa likod, ipapaframe ko ito. hehehe ito ang unang painting nareceived ko sa isang kaibigan na natagpuan sa social network sites hehehehe ito ay gawin kong inspirasyon para mas lalo ko pang pangarapin ang maging doctor sa pagtulong intindihin ang sarili (para naman as if naintindihan ko ang aking sarili! bwahahaha). char!! echos!! at patuloy pa rin ang aking supporta sa passion mo at walang duda na naniniwala ako sa iyong kakayahan na malayo ang mararating mo jes!!! thanks ng marami ulit. muah! 


Syah, ito na muna ngayon kasi maglilinis ulit na ako. Lol





 

Tuesday, January 15, 2013

Hongtangah ko!

I am really sorry, it was really an honest mistake. ang tanga-tanga ko kasi! nakakainis sobrah! tuwang tuwa pa naman ako sa mga comments, i just got home and i re-read them all again kasi i am about to reply sa mga comment sa latest post ko and boom! akala ko published comments ang nakita ko kaya chineck ko ang lahat para ma-ipublished ito pero remove content published comment pala iyon. sobrang nakakainis kasi hindi ko na maibalik ang mga comment na iyon pero nasa email ko naman lahat ng yon ang copya siguro isa-isahin ko iyon kasi hindi matatahimik ang kaluluwa ko sa gabing ito. ayaw ko rin muna magpuyat dahil maaga akong mag-gym bukas, basta ngayon ang option ko ay yong sa email. salamat sa inyong mga comments, sa susunod promise titingnan ko na ng mabuti yang check2x sa comments para hindi ko ulit mabura. pasensya talaga. akoy nalulungkot about it. 



Sunday, December 9, 2012

Will be number 3, leaving number 2

I have been so busy the whole time, I forgot that it’s almost Christmas. Yeah, I know, I’ve seen a lot of decors already anywhere but because I live my life the way I want to, wala pa akong na-prepare for Christmas, i haven’t think something also for my birthday. It’s 28 days more to go and I’ll start number 3 end of number 2. Hahaha time is so fast when you are busy!

Everytime I opened my blog, may number one fan ako, walang post na wala siya, he always takes an effort to comment or leave something and I would like to thanked Archievinier sa walang sawa to leave his footsteps. At dahil wagi ka kuyah sa blog ko, ikaw ang first na hihingan ko ng Christmas Picture Greeting, (alam ko humihingi ka rin! Hahaha) Sali mo na rin ang Birthday greetings in the next 28 days ha! Hahaha aabangan ko yan! Kahit busy ang lola mo, sure yan marereceive ko sa email ko! (qlarrah@yahoo.com) Hahaha

I’ll hold and cross my finger that I can update my blog every day or every other day! nahuhuli na ako sa mga balita, I need to take an effort also to back read blogs. Ang dami ko pa naman kwento, I just don’t have enough time to make it. I need to keep this blog dahil nangarap pa naman ako magsulat ng libro 5 years from now! hahahaha libre mangarap! Kebs nalang! Hahaha

Need to fix bed now, time to sleep, it will be another day tomorrow!




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...