Friday, April 5, 2013

Tele-Iyak-mode

Waking up in the middle of the night is one of the things I hate the most. Charot! Totoo.

Sinungaling ako! Or hindi ko lang talaga sinadya na ganon ang maging reaction ko? I am trying to go back to sleep but seems hindi na ako makatulog, para mapagod ako ito, magblog ako, ilabas ang nararamdaman ko.

Unang una, pasensya kana blog, ang aking telelalahbells na hindi naman tugma ang pangalan sa drama ko ngayon, feeling ko ang kulay ng buhay ng pangalan ng blog tapos ang laman, eto ka-artehan, drama sa ngayon. Bear with me, seryos ako. Promise na. lol

Para hindi mailto sa mga drama ko sa buhay. ito brief lang ang kwento ko.

Sa all life natin, ilang tao man ang dumaan at minahal natin, there’s always this one person na masabi natin na naging greatest love daw natin. Ows? Ganyan. sabaw na sabaw na talaga ako! Or baka nasabi ko lang yan kasi ang hapdi ng puso ko ngayon. (may sugat talaga, yon  na haha)

Dahil sa pagiging curious ko nga kay architect nong malaman ko ang pagbabago sa kanyang career, naisipan kong tingnan sa kanyang personal na buhay. Sa fb at twitter. May mga common friends kaya alam ko! (stalker ang peg) ito ang rants ko dati na kelan kaya ang pagkakataon na kaya ko ng tingnan ang buhay niya at dumating nga kagabi.

Pagkabukas ko, viooollaahh..

Magiging tatay na siya, may asawa na siya! Futah lang diba. Pero the worst experience I got nong Makita ko eh, hala natatae ako promise and I get so cold at sure the next thing I know, tumakbo na talaga ako sa cr para tumae. Hindi ata puso ko ang nastress but yong tyan ko ewan ko ano ba koneksyon. Hahaha

Sa mga panahon na nasa cr ako, napaisip ako kung saan ko ba nalagay ang ovary ko nong panahon na yon, plastic ba ang ovary ko, fake, manhid or sadyang kulang lang sa battery kaya hindi gumana. Hindi rin naman ako ready noon, char! It’s true, ang dami ko lang inisip, inasikaso sa personal kong buhay kaya things went bad.

Dahil bonggang iyak na rin ako, nagtext ako kay fiel, kay arline para may makausap ako kasi hindi ko alam pano ko ilabas ang naramdaman ko. Thanked God to King Archie also he was there to talk to me. Ang heart to heart talk nauwi pa rin sa harotan. Its natural! Ganyan! lol Thank you sa inyo, I feel better eventually, sa jokes, sa harot and sa comfort, all I need is someone or somebody na makakausap to divert whats in my mind, this what I called “talking therapy”  I was taught of that nong nagkaron ako ng unfinished professional issues with my mom, they just let me talk and talk until I cried and it helped, I moved on.

It’s just so funny reading his timeline with the hashtags na kami lang ang nakakaalam, na naging code name namin noon, even the dates that are significant to us, may notes pa rin siya. Kaya kahit alam kong may bagong buhay na siya ngayon, I know he can’t still let it go. May special connection pa rin in between kahit wala na kaming communication, I could still feel it but hanggang doon nalang talaga kasi. Sinisi talaga niya ako sa lahat-lahat but I have to stand sa ano mang decision ko noon, I can’t leave my mom at that time who is sick, trying times namin sa pamilya noon and hindi ko kaya na pagsabayin lahat, I need to give up and before I did that, ginawa na niya pala. And months after, ang bilis talaga ng recovery or palit period ng lalaki so I moved on again.

Like I said, just bear with me, just let me do the ranting, things will be over. Maybe I just need this to finally close that book. I opened it pa kasi dahil para maghanap ng dahilan para sunogin. Roots. Ang daming magandang memories that I can’t throw it away noon dahil siguro I’m still holding on to that “kind” of love I have with him once. Naiyak ko na eh, kaya ok na ako don. Swerte lang ngayon kasi no beer, no hard liquor na malamang sa 2nd time hahalikan ko ang sarili kong suka, face to face pa sabay simot amoy ng pulutan malas pa kung boy bawang.

Lahat dadaan tayo sa ganitong pagkakataon na masaktan, madaya, at madapa para matuto, magkaron ng leksyon at makapagingat sa susunod. I am thinking this positively kasi if I dwell on it, ako rin ang lugi, ako rin ang hind imaging masaya. Siguro sa ngayon lang naman ito, eventually mawawala din lahat ng  to, once I cried it out, soon enough maging ok na ako. Focus sa career which I know successful ako don but palpak sa buhay pag-ibig, its nature na hindi talaga nabibigay sayo lahat ni God. Accepted.

I Still thanked God for this even though its painful, I experienced it, I learn to live with it and I will learn to understand and listen more sa mga kaibigan ko kung sakali mararanasan nilang masaktan din. Sana wag naman. Kailangan kong panindigan ang mga advices ko sa kaibigan ko dahil i will never be an effective counselor (someday) kung hindi ko i-aapply rin sa sarili ko ang natutonan ko. Nga-ngang nga-nga lang ako niyan! 

pero sayang na sayang lang ang sinigang na bangus na niluto ko last night, pinaghuhugutan ko talaga yon kaso nawalan ng tubig dahil sa pagbutingting ko nga sa twitter. hindi na rin ako nakapagdinner dahil wala pa akong nakain, natae ako sa stress. syet. hahaha 


Telelalalamorning!! 
as of 3:24am
ako ay nagugutom


27 comments:

  1. subukan mo makipag talking theraphy sa akin minsan, lalabas yang ovary mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha aga2x cyron honharot mo! lol fake tong ovary ko nga haha

      Delete
  2. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  3. Futah nga ano kasi nangyari sa inyong dalawa? (kanta lang ni Aiza?)hehehe
    Anyways. kaya yan move on... sugod mga kapatid ibandera ang kagandahan ni lala para sampal sa nang iwan sa kanya

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha wala nangyari, natapos lang ganyan hahaha

      gusto ko kung ibbandera man yong nakatarp ha bawat traffic light ilagay don! haha lol

      Delete
  4. Be strong lalah. Kaya mo yan. Buti nailalabas mo. Sa totoo lang, dumanas din ako ng ganyan and it really hurts then, but I am happy now. And I know you will be with the right man:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga mommygranny this too shall pass. in time. if pwedi lang madaliin ang process gawin ko na para maayos na. thanks mami.

      Delete
  5. Kung anu-ano naiisip... ikain mo na lang yan... hyyyy... pag ako nanjan hindi pwedeng late na eh gising pa tayo ah... adik ka!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo thanks teh for always be my number 1 and confidant. i feel like hugging u like a dinosaur este teddy bear hahaha muaah thanks for the 1 line comfort hehehe

      Delete
  6. teka teka teka.. bat di nag aapear ang comment ko di inaprove? hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha na approve ndi ka ata sanay na may approval sa comment? hahaha

      Delete
  7. So kamusta ka naman ngayon Lala? oh tama na ang ngal-ngal ha? :))

    Alam mo na yung napag usapan natin sa fb (With Arvin and Arline) last night kaya di ko na uulitin dito. Hindi mo rin naman susundin eh. Ang tigas kase ng ulo mo hahaha dyuk lang!!! *hugs*

    Cheer up!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha basta alam kong dyan lang kau things will be better soon. resilient ako eh promise i just need someone to talk this matter over. i owe u all. muaahh!! *hugs* thanks again feyel.

      Delete
    2. hmmmmmmm yun lang sagot ko ahahahaha.

      Delete
    3. nyahahaha adik ka talaga Rix!!!! XD

      Delete
  8. Grabe tinignan mo kung ano na latest sa ex mo? Grabe di ko kaya yan, kahit gaano pa ko ka-curious, unless siguro naka- get over na ko totally pero habang hindi pa, hindi ko yan gagawin kasi alam ko na ang magiging ending, iiyak lang ako ng bongga.

    ReplyDelete
    Replies
    1. nga-nga kasi ako sis hahaha minamadali ko kasi ang lahat kaya ayon just when i thought kasi i got the nerve to check his account and viioollah bonggang iyak ang napala ko! if only madaling magfly ppunta ng manila ginawa ko na kagabi pa hahaha

      Delete
  9. CHOICES.

    Remember what you have right now.
    What was lost can never be brought back..

    SABE? hahahaha.. ngumiti ka na nga! nakaka stress ka na! nag simula to sa video eh

    ReplyDelete
  10. mabuti naman at ok ka :)

    ReplyDelete
  11. wow anu yan! rebelasyon!(tito boy accent)
    haha naku imecoy dance mo yan ng mawala! ilagy natin ang kanan at kaliwang kamy sating pisngi kumembot at umikot ikot! hahaha
    naku madame pang isda sa dagat lala kung di mo nakuha un bangus malay mo may pating kang makuha haha

    ReplyDelete
  12. funny lately ganyan akoh... madalas sa bathroom... wala naman ganong difference sa diet koh pero parang masama lagi ang stomach koh... i think it has to do w/ stress or sadness or watever... so yeah yan ang feeling koh lately... anyhoo ganon naman tlgah eh... we are such a good advicer to others but when it comes to us sometimes eh wala nah.. like u said nganga ka nah... akoh funny lately i've been tellin' all these advices to my friends na it'll be ok... time will come you'll be thankin' ur ex blah blah blah... tapos sabay bam! out of nowhere suddenly akoh 'ung nasa situation... takte wala akong ma-iapply kahit isa... nagblangko yutakz koh... until now nde pa ren makarecover ang yutakz koh... napapagod na akoh mag-isip... iniisip koh pa ren na takte why it happened and kung gano akoh katanga... hayz... i know i'm not helpin' u w/ wat u feeling... but it must be hard... saken lang ganto lang pero hirap hirap nah... so hard to deal w/ pain... but thanks to ur comfort and advices eh nagagawa kong magpatuloy sa katinuan... so yeah... isang *HUGZ* sau... you'll be ok... we'll be ok... so yah take care nd Godbless!

    ReplyDelete
  13. hahahhaa, pag ikaw nagising at di na makatulog ulit. isipin mong may alergies ka. tapos uminom ka ng mga limang anti-hestamine.. uu ,, mga lime LANG. hhahaha.. peace

    ReplyDelete
  14. kala ko OK kna teh lalabels? hehe daaanin mo nalang sa jogging yan at pag akyat ng bundok ^_^

    Anyways.. gaya ng mga nasalanta ng bagyo, huhupa din yan at magiging maayos kna ulet :) hopefully nyaha!

    ReplyDelete
  15. moving on. ang pinakamahirap na stage ng love. kaya mo yan :D

    ReplyDelete
  16. eh kumusta naman ang superlate kong comment?haha.. anyway nasabi ko naman na sau ang mga dapat sabihin eh.. basta dito lang ako kung kelangan mo ng kadaldalan ;)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...