I had this conversation kahapon with my officemate na bagong
panganak. Kagabi and kanina umaga, yong rants ni sissy sa hospital – ob ward.
May malaking difference nga ang mayaman at mahirap.
Marami diba? You can count it sa fingers niyo yan.
Sa career ko, ang mga
mahirap madalas kong naririnig magsalita. Alam kong totoo ang hirap nila sa
buhay pero ang tanong, ano ba ginawa ng gobyerno para sa kanila. Sa totoo lang,
meron naman, may maganda at hindi maganda din naman.
Pero nasa tao lang talaga yan paano niya harapin ang buhay
niya, ang pagkakataon na binigay sa kanila para umasenso, hindi kasalanan ng
gobyerno kung bakit mahirap ang tao.
Kung may kasalanan ang gobyerno, yon ang cutting of cost or I’ll say na
may budget para sana sa mga facilities lalo na sa government hospital pero
hindi nabibigay ayon sa ano ang na-approved. (ma-shoot to kill talaga ako nito
lol)
Si officemate, witness na witness niya na sa loob ng
delivery room, sinisigawan at pinapagalitan lang ang mga babaeng nanganganak na
tumahimik lalo na yong hindi kutis mayaman (swerte si officemate kasi maputi). Sa
ob-ward naman daw, sa isang bed may 2 or 3 na pasyente with the babies. May hindi
nakakabili ng diaper at kahit gatas, lalo na pambayad ng hospital. It’s true.
Si kapatid, galing ng suite room sa hospital na yan. Oo suite
room pero totyal ang pasyente dahil hindi na namomoblema ang mga nurse sa mga
nireseta ng doctor. Lahat andon na daw. si sissy ngayon after 3 months, nilapat
sa ob-ward. Bumulagta sa kanya lalo anong hirap meron sa ob-ward at anong hirap
meron talaga ang mahirap.
Na-tats ako kanina dahil nagkwento siya. Dumaldal. Madaldal din
kapatid ko at walang dudang magkapatid talaga kami hahaha
Ang mga pasyente sa suite room, kapag nasaktan dahil hindi
ka marunong magpasok ng IV, halah at lagot na kasi itatanong daw ang pangalan
mo at may “reprimand” drama agad-agad. Sa ob-ward naman daw walang reklamo ang
pasyente. Si kapatid may training sa IV therapy kaya maswerte ang kanyang
pasyente daw dahil she said as much as possible ayaw niyang may sakit
maramdaman ang kanyang pasyente.
Ngayon, may isang pasyente kahapon daw na yong haba ng
needle na kailangan itusok sa mukha ng pwet eh kasing haba ng mga 3 or 4 inches
ba yon. Ang sabi nong pasyente sa kanya na sabay hawak sa kamay ni kapatid daw “maam,
iba talaga kapag yong nurse eh may extra care sa pasyente kasi in pain na ako
dito pero nababawasan dahil binibigyan mo halaga ang pakiramdam ko” gusto kong
sumabog sa narinig ko, naiiyak na ako sa kwento ni sissy kaya naligo nalang ako
lol
May mga bagay sa ating buhay na minsan kailangan dumaan tayo
sa problema para maintindihan natin ano ang pakiramdam ng ibang tao lalo na
kapag halos magkapareho ang situation. Hindi tayo effective sa ating mga
profession o sa sariling buhay natin kung hindi tayo nadapa, nasaktan at
naranasan ang minsan maging pasyente, maging mahirap at naapi.
Wag masamain ang mga pagsubok na dumaan sa ating buhay dahil
its clear na may mga rason kung bakit nangyari ang mga ito. Harapin at labanan
kung ano man ang iyong pinagdaanan, isipin na kung yan ang problema mo ngayon,
kumusta naman ang may problema sa baga? Atay? Heart? Na nagbibilang nalang ng
oras dito sa mundo, ang mga taong walang makakain na naghahanap lang sa basura.
Kaya mo kayang tumayo sa paa nila kung magrereklamo ka sa problemang meron ka
ngayon? Kaya maging matatag ka, lahat ay kaya nating lampasan, with all the
prayers, sure why not!
P.S.
dual slash split personality lang ang peg ko haha lol shhh tatahimik na ako promise
Dahil super serious mo ngayon, seriousness din ang isasagot ko :)
ReplyDeleteMay mga bagay talagang mahirap bigyan ng kasagutan sa buhay na ito. Sigurado akong mga pagsubok lamang ang lahat ng mga ito at sigurado din akong ang best lamang ang gusto para sa atin ng Diyos. Siya ang lumikha sa atin at wala siyang ibang hangad kundi ang tayo ay mapabuti. Ang mga paghihirap na nararanasan ay pagsubok sa ating katatagan. Kung tayo ay masunurin at gumagawa ng tama, hindi natin kukwestyunin ang mga pangyayari dahil nananalig tayong may magandang kahihinatnan ang lahat ng bagay gaano man kasama ang dating nito sa simula.
hahaha kung makaseryos lang eh ano? lol
Deleteang life ay balance lang yan ang nakikita ko. ganyan. dapat may mahirap at mayaman talaga. pero sana mayaman tayo lahat sa pagbibigay ng unuwa hindi lang sa isang mahirap pero sa lahat ng tao, yong walang duda at judgment etc. magiging maayos at meaningful ang ating buhay dito sa mundo.
pag kwentong ospital at doktor sis medyo may bahid akong galit at sama ng loob... saka ko na kwento sa yo :(
ReplyDeletehehehe meron din akong experience hindi na mawawala pero i am trying to face and live with it still. hehe sige wait ko yang kwento mo na yan. =)
DeletePwede bang manalong Daldalero for 2 consecutive quarters??? Kasi kung hindi, d na ako masyadong mag-eefort sa comment... Ang serious ng tone ng post na ito... hyyyy... VBlog ulit!!!!
ReplyDeleteoo pwedi mula april 1-june30 hahaha magbibilang ako manual na manual lang lol kailangan ang contest talaga para mamotivate pagcocomment? hahaha umayos ka!! pasasabugin kita!! hahahaha
Deletenaiinis ako kay mecoy at parang nakikipag compete siya sa pag comment ha...
Deletei can attest dun sa sinabi na kapag nasaktan ang patient sa pagtusok ng iv, eh nisusumbong sa kinauukulan..lols....naging frequent guest ako ng hospital for the past few years at pinaka ayoko ang tinutusukan ng iv at kapag ang antibiotics ko ay iv...ang sakit-sakit :'((
ReplyDeletePero ayun nga, pag sobrang nice sila nurses ay nakaka-ease ng pain..at ang sarap bigyan ng cake..lols....
a simple touch galing ng nurse na maging ok ang lahat would really make a difference. kasi when mom was at the hospital noon, to ease her pain, we really talk to the nurses outside na to give a little extra care even by touching my moms shoulder para hindi matakot ang mama ko.
Deletebasta iba ang treatment talaga kapag may pera ka at sa walang pera in terms sa pagpapahospital.
Natawa naman ako na sa kutis binabatay ang pagkayaman hahah!
ReplyDeleteAt, okay ka ah, pagnatatouch sa kwento naliligo?
Agree ako sayo, sometimes we need to walk in others' shoes para maexperience natin talaga kung gano kahirap ang kalagayan nila.
haha oo balat sibuyas ako kahit pinapractice sa profession namin ang bawal ang iiyak lol kapag naligo ndi na halata ang luha mo hahaha
Delete"May malaking difference nga ang mayaman at mahirap."- really now. Bilangin mo kung ilang digits meron ang sweldo ko sa sweldo ni Manny Pangilinan. Doon pa lang eh talagang MALAKI and difference. Ehehehe....
ReplyDeleteMagusap kaya kayo ng alter-ego ko. Hehehehe!
Anyway, nice post. It's really easy to discuss poverty, distribution of wealth, government role and ethics, and the concept of equality and justice, but it becomes very complicated when we see with our own eyes the real human condition and the drama of it all. I say drama because one can easily be swept away by the current conditions of our own people.
Tapos yun nga, hindi mo minsan matimbang kung sino ang sisisihin. Pero sasabihin ng iba nasa tao din. Totoo yon. We choose and make decisions, and we have responsibilities; each one of us. HOWEVER, each person has a different degree of responsibility and competence. If one is in misery, he probably has problems of his own. But when there's a community of hard-working individuals who can't find jobs, no money, and hungry, we must realize that there is no such law and authority to respect for those who are hungry.
If a nation remains ignorant and at the mercy of Willie Revillame, then that's the government's fault for not exerting gargantuan efforts to eliminate poverty and ignorance.
Anyway, baka mapa speech na naman ako ala Miriam Defensor Santiago style.
Nakakatuwa naman ang kapatid mo. Sabi nila, be professional at work and don't let emotions get mixed up. Tama yan, if you're dealing with inanimate objects pero kung may involvement sa tao ang trabaho mo eh you can't act like a cold robot. It's a good thing na may pusong mapagbigay at concerned ang kapatid mo. Life's already too bitter and treacherous, and being at the mercy of nurses and doctors, one really expects sympathy and charity. And I think, people who are in the medical field should give it, despite the low budget for them.
Again, it's not a profession or a job. It should be considered a calling.
And as we become aware of the enlarging gap between the rich and the poor, and the special attention the rich are pampered with and the brute force being exerted upon the poor, I hope that may we have a charitable heart to love those who need it, a wise mind to judge which is good and evil, and the strength and courage to defy life's craziness.
TRIPSTER GUY for Senator in 2013. Maraming salamat po sa suporta niyo.
BWAHAHAHAHA!
May mga nurses at doctors na matataray kapag humingi ka ng tulong. Yon lang maishare ko. Hehehe
ReplyDeletehaha ouch ouch natamaan ako ng slight haha!
ReplyDeletenaku iba talaga! tandang tanda ko ung doktora sa pgh trip kong abangan sa labas para resbakan ee!
kaso mabaet akong bata! haha
ayoko ng seryoso! i mecoy dance video na yan!
basta never give up. yun yon!
ReplyDeleteMay discrimination talaga sa mundo natin between mahirap at mayaman. Siguro mas obvious lang sa environment mo dahil sa ospital kaya exposed na exposed ka sa difference nila...
ReplyDeletende akoh makarelate so much but i know ang hirap sa pinas... i lived there for 15 years of my life... but i guess i'm not as poor as the others... nasa middle lang siguro cuz may tulong sa ibang bansa... but i heard stories na from some people that i know and some friends 'bout sa situation dyan like sa mga hospitals...
ReplyDeletei dunno how true it is but sabi nilah dyan di ka magamot kapag walang pera or di ka nila irereleased until mabayaran ang bills... but here is totally different... they'll cure you first and worry about bills later.... you can be homeless or rich eh the treatment is pretty much the same... funny pa nga... sometimes mas swerte pa yung mga walang trabaho dahil may mga charity silang nakukuha... lets say even thousands of dollars ang bills nilah sa hospital... pagka-released sa kanilah eh they don't own anythin'... kc it was taken care of nang mga charity.. pretty cool right...
ditoh i think ang pinakamahirap eh yung mga middle class... more likely they'll pay like around 20 percent of their bills cuz their insurance won't cover the whole thing... but d' point is... kahit anong situation nyo eh they'll take care of you... and they cannot yell at you kahit homeless ka pah... kc makakasuhan pa ang yung mga staff if that happens...
eniweiz i could share a lot of things here but it will take me forever... pero i know we shouldn't blame everything sa goverment dyan but i think they could make a difference if they wanted too... the problem is but of course we dunno wats really happening w/ the goverment but madalas kc kinukurakot nilah ang money na supposedly sa mga tao...
and you can really tell the treatment between rich and poor people there...eniweiz... hanggang sa muli... Godbless!
ang seryos seryos naman ng post na ito! buti na lang hindi ko pa nararanasan na lapastanganin ang katawan sa ospital.haha
ReplyDelete(ang sabaw lang ng comment!LOL)
alam na alam ko 'to.
ReplyDeletehahaha... no comment na lang si nurse bagotilyo. lalalalala :)
ngiti lang tayo.
Life is rude sometimes. hehe