Showing posts with label Contest. Show all posts
Showing posts with label Contest. Show all posts

Monday, April 1, 2013

Tele-Talatak-Contest-Winners

Bam baam baaamm boooomm!! Shake it to the right!! Shake it to the left!! I am getting so sexy and I know it!! Ohhh lalala sabay splleeett with hands up in the air!! Telelalalala baaamm booom!! Ohh!! Bang!!

Tunog ng kampana sabay-sabay buong pilipinas

Heto na… heto na.. heto na…

DOO-BIDOO-BI-DOO, BIDOO-BIDOO

(drums) bam!! Baam!! Bang!!

Dahil tapos na ang 1st quarter natin, I am going to announce sino ang nanalo sa Mr. & Ms. TelaDaldal (daldalera at daldalero) sa blog ko. makakatanggap sila ng premyo galing sa akin at autograph (artistang artista lang? hahaha) I am going to mail my prize kung sino man ang nagwagi ( speech pls? lol )

Sila ang natatanging walang sawang sumubaybay sa aking mga emohan,  sa mga walang kwentang blog post minsan, sa mga paniniwala ko nong ako ay  bata pa at mga kababalaghan na nangyayari sa aking buhay, silang dalawa ang masasabing kong PINAKA-madaldal since nagbalik akong magblog.

So eto na ba?

Clap clap clap kampana ay kailangan mag-ingay para may feelings…

Drum rolls… tarrraaagggg taaaggg baaggggg…

Dapat maingay para mawala ang mga malas. Chos. Haha

Kaibigang malusog, pati puso ay kasing laki pa ng kanyang katawan. Bago pa lang ako sa PBO noon, at kakabalik ko lang sa mundo ng blogsphere, siya! Siya ang feeling kong tahimik, demure (chos lang para hindi masira ang reputation) at hindi ko alam pa ano ba talaga ang totoo sa mala-devil niyang mukha este mala-anghel pala, siya ang isa sa una kong naging taga daldal at mahilig gumawa ng reaction paper sa blog ko. deep inside me (seryos ako dito lol) I feel this urge? Urge talaga ang term ko eh ano? Hahaha palit-palitan, panira ng moment hahaha anyways, hindi man kami madalas nagkukulitan, hindi pa kami din nagkikita ng personal, we just talk some matters of our life ganyan ganon chika seryos sa buhay (reets) oo may ganyan kaming moment kapag nagugutom ang mga alaga sa tiyan lol pero he is one of the bloggers na kilala ko na super totoo, walang keme, walang pretentions at lahat sinasabi walang takot sabihin ang kanyang saloobin, kinokontra niya kaming mga babae at pwes pinanindigan talaga (langhiya hahaha). Feeling ko at sinasabi nila, na siya ang katapat ko sa kaingayan, sa kalandian at iniisip ng madla pano nalang kapag nagsanib pwersa na kami! (may powers2x lang?)

Wala akong choice talaga, alam mo that awkward moment na wala kang choice to announce sino ang nanalo? Hahahaha jowk.

Ingay-ingay ulet pls… I need splleeetersss.. im requesting josh of KULAPITOT to do that, do that. Lol

Ito naman si Ms. TeleDaldal for this 1st quarter, sa sobrang ingay ko, at napunta ako sa blog niya, tahimik ang peg ko, nahihiya ako kasi feeling ko si God ang nakikipagusap sakin, na-eenlighten ako whenever I stopped and read. Somehow on the other side (dual personality? Haha lol) na-lilift up ako with the words, quotes and verses she threw sa blog niya at hindi lang ako naman ang may ganong feeling but everyone does. It help us, it reminded us that no matter how busy we are sa araw-araw, kailangan natin magkaron din ng relasyon kay God, hindi lang tayo dapat magaling sa pakikipagrelasyon sa ibang tao. Kilalang kilala siya sa blogsphere na siya ang granny na bagets, mommy ng lahat. Nagmamasid man siya sa mga kabataan ngayon, sa ano man ang iniisip natin, ano ang takbo ng ating mga utak natin, she knew that it’s too far from what she used to see but ni minsan wala akong narinig na pinagalitan niya tayo (hahahaha) dahil lahat naintindihan niya, inintindi niya ng walang judgment at doubt. Siya ang Ms. TeleDaldal this 1st quarter dahil hindi niya pinapalagpas ang kanyang iniisip sa bawat blog entry ko, may sense man o wala.

So ito na talaga, this is it na really… drum rolls again so hard… please.. requesting mecoy and animal friends feyel, kat and pao na gumawa ng mecoy face at ikot ikot kembot kembot at lahat jump then dapa bigla, dyan lang dapa lang kayo, wag kayong tatayo hanggang hindi ko sinabi (hahaha)

So here it is finally… ohalalalalalala telelalalala tadaaanngg…

Sila ang Mr. & Ms. TeleDaldal for the 1st quarter. 


I am lucky! i found this pic through Zai's album (thanks zai hihihi)
Sa lahat ng naging parte ng blog na ito, super akong nagpapasalamat sa inyong lahat, you've been my inspiration kaya ng hindi sinasadya mas lalo akong nagiingay rooots. sana wag kayong magsawang maki-ingay at maging parte ng buhay ko, i am so pleased na maging parte kayo ng paglalakbay ng aking buhay. salamat ng marami sa inyong lahat.

May darating pang 2nd quarter, end of June mag-aannounce ulit ako ng winner base on sa dami ng comment mula sa araw nato forward until June 30th. So samahan niyo ulit akong mag-ingay sa darating na tatlong buwan!

CONGRATULATIONS po sa inyo!! 


P.S

Mommygranny joy, enge ako ng add mo where i can mail my prize. i already have the address of senyor. hihihi thanks mommygranny!








Sunday, January 6, 2013

Reality 4: Sa araw na ito... mabubuo ang...

Ito ang naisip ko sa aking kaarawan, we have 4 quarters of the year, tama? Naisipan kong magbigay ng award or regalo sa top commentator sa blog ko. Hmmm… never ko pa itong ginawa, first time ko ito (kinakabahan jowk!) this is my way to say thank you to my readers, followers and friends. Naisipan ko lang dahil nainggit ako kay Lawrence na naman! Hahaha siguro dalawang top commentator ang bibigyan ko ng award at regalo with live interview? Lol hindi siguro depende sa aking idagdag, sa ano man ang maisipan ko in three months. Tagal! Haha

Pero totoo, ang dalawang top commentator ko ay may reward, award at regalo galing sakin every quarter. “daldalera at daldalero of the quarter” yan ang maging titolo ninyo. Hahaha

Ito ang araw na nabuo nga ang aking pangalan na redundant masyado pero naniniwala ako na ito ay swerte dahil bawat transaction, napapatigil dahil sa pangalan ko, at ito ay kailangan nila itanong ng paulit-ulit sa akin. Siguro ito talaga ang binigay ni lord para sakin para na rin ito sa kinabukasan ko. Ganyan! Hehehe

Ang nanay ko ay nakapag-asawa at the age of 29 years old, and ang tatay ko ay 22 lang that time, nagulat ako ng malaman ko ito dahil ang bata ng tatay ko, hindi naman siguro minolestya ng nanay ko ang tatay ko ano? Hahaha sila talaga ay nagmamahalan hanggang ngayon kahit wala na ang mama ko sa amin dahil nasa bahay na siya ni lord, ayaw na talaga mag-asawa ng tatay ko, ok! Buti yan! Hehe

Lumaki akong boyish dahil ang kasama ko sa bahay palagi noon ay ang tatay ko dahil wala pa siyang trabaho nong pinanganak ako ng nanay ko at the age of 32, oo 32 talaga, isang miracle baby pa ako sa lagay na iyan dahil kakaopera pa ng ovary ng nanay ko daw at sinabihan siya ng doctor na hindi na sila magkaka-anak ng tatay ko. Anak kaya nila ako?! Hahaha lol anak na anak talaga nila ako, ang mukha ko, ugali ko kanilang kanila lang hindi maitatanggi! Lol hindi naman ako tomboy, boyish lang talaga ako! May self-awareness naman ako kaya alam ko ang aking genderlow! Kereh lang yan! May matres pa naman ako yan ang siguro pero natatakot ako ng slight kasi parang natatanggal na ito dahil nagdagdag na naman ng taon sa edad ko! Hahaha

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng readers ko, followers at kaibigan ko sa blogspero. (parang artista lang lol) salamat kasi hindi kayo nagsawang magbasa kahit alam kong nagsskip read ka rin, nagccomment palagi about sa huling paragraph kasi yon lang ang tanging binabasa hahaha kahit papano, malaking karangalan ang bisitahin ang aking blog sa bagohang katulad ko. Ito ang simula ng taon ng ating pagsasama bilang mga blogero, bago man o matanda na sa pagbblog, it doesn’t matter, as long as we are free to express our views, thoughts and opinions kereh lang yan. Alam ko maging busy ako this year din, but dahil sa inyong lahat, kayo ang aking inspirasyon para ipagpatuloy ano man ang aking nasimulan. (ganyan! parang ad lang)

Salamat sa inyo ng marami, sa inyong lahat, alam niyo na kung sino kayo. Happy birthday to me!! Hehe

P.S may mga greetings na ako galing sa fb, at salamat sa inyo, will make a separate post on that para special din. ganyan! echos! hehehe salamat sa mga bumati sa akin, nauna man or mahuli. kereh lang yan! you made my birthday a happy one talaga! thanks!! 




 

Thursday, December 27, 2012

Mabaon sa lupa dahil mabigat

Another year na naman at ang pagpapayat hindi ko pa natodo dahil sa aking schedule! Tan-eneng naman! Pero nabawasan naman ako ng konti! Konti lang! yes nalang keysa wala talaga!! Hahaha nagstop akong mag-gym at mag-jogging araw-araw dahil nga dina keri ang pagod at hirap. Nakakamiss rin kaya the first list ko for 2013, seryosong seryoso na ako nito dahil makikipagpustahan na ako ng 5k kung hindi pa ako papayat in 3 months’ time, babalik na talaga ako ng gym at mag-jojogging na araw-araw with sangkatutak na supplements pa para pumayat!! Hahaha yan na ang maging motivation ko ngayon dahil malapit na ang practicum days ko at ayoko mabaon sa lupa (dahil mabigat ako) kapag nag-heel ako! Hahaha

Susubukan ko na pala bukas gumising ng umaga at maglakad ng isang oras at 30 mins sa gym para maibalik ko ang dating routine ko. Sana lord, wag akong tamarin! Lels! Kapag gusto, magagawa naman! Kapag tinatamad, matulog ulit! Hahaha seryoso na talaga ito para na rin sa kinabukasan ko! Hahaha kung ako ang naglalaway sa ex ko, bukas sigurado akong magseizure pa siya at effortless ang mga laway na tumutulo! Hahaha assuming naman ako doon bah!! Hindi ako ampalaya! Hahaha

Masaya ang buhay dito sa blogspero dahil tumatambling man ang grammar mo, yes pa rin! Walang salpukan at saksakan, dahil naniniwala ako sa bawat bloggero may kanya-kanyang diskarte at sariling isip to show off what they really got. Lately, consistent akong nagpopost ng entry at dahil yan sa inyo, kayo ang aking inspirasyon (naks, tutulo na sipon ko! Haha) para ibahagi ko ang aking life kahit hindi pa tayo nagkikita in person.

ito na ang dinukot ko dahil
sabi ni pao-kuneho
ang profile pic yan ang
pinagmamalaki natin!! hahaha
Salamat kay Mr. Archie dahil sa contest-contest na yan na una kong sinalihan, nanalo pa ako! Hahaha lilibre daw niya kami ng ek, yaman naman ni archie! Lels!! Pero sa totoo lang, its not with the ek, gusto ko talaga siyang mameet (echos!! Hahaha gwapoh eh sabi niya yon!! Hahaha). hindi ko pa alam kailan and saan dahil nasa cagayan de oro ako, kumusta naman iyon, i will cross the ocean ang drama ko nito, hahaha una ko naging kaibigan si archie, unang blogger nakausap-usap ko sa twitter at sa fb dahil na rin ito sa pinoy bloggers outreach na yan. Maraming salamat sayo archie, I appreciated that pinili mo yong entry ko para sa contest mong “ano ang kulay ng iyong pasko!”

Ayan, sana maaga akong makatulog para maaga akong magising para makapagsimula ulit ng bagong buhay, makapagjogging na ulit!! Hahaha




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...