Ang isshare ko now – reality check sa buhay. Iba kasi nagtapos ang araw ko kahapon sa office and naconnect sa usapan namin ng sissy ko when we went out last night. i know that we have our own fields sa buhay, kanya-kanyang profession, gusto at hilig. Pero tanong ko, isa lang, haha what do you know about the profession na social worker? As in registered social worker? I just laughed when people answered na taga bigay ng bigas, relief kapag may disaster! Ganon lang yon? Hahaha may bagong trend naman ngayon, kapag sinabi social worker konek right away sa 4ps teh! Hahaha hindi ha! It’s beyond that sa totoo lang hehehe "from womb to tomb" sabi ng iba kasi lahat ng social problems, yon ang hinaharap namin! lels! kinarer! I cannot read mind and thoughts but I can assess bakit ang isang tao naging problema sa society natin, bakit may mga bata nasa institution, mga taong palaboy, addict etc... Saka na yang lecture na yan haha let’s go back. I just wanted to share this para maiba naman, hindi emo ang ikukwento ko, hindi rin joke! Haha lels!
In the office we deal with a lot of social problems, everyday different situations, people and stories. Maawa ka minsan, maiinis ka. So kailangan malaking unawa para maintindihan sila pero teh! Minsan talaga dahil tao lang tayo, nagagalit ka rin and hindi mo maiiwasan ang situation na yan, walang santo sa mundo, if meron man pakilala mo sakin! Hahaha
About to end na kahapon, around 3:30 pm, may babae dumating, yong kasama ko talked to her, chika galore, humihingi ng pambayad sa hospital kasi nanganak! Ok naintindihan ang aspeto na iyan, PERO siya na yong nanganak, siya pa ang naghahanap ng pambayad ng hospital. Siya ha na kakapanganak pa lang, yong kasama kong kumausap sa kanya, nakikita ko na ang mukha na ALAM ko na! alam ko ng naiinis na siya.
Umalis ang babae… after 30 minutes bumalik.
May problema si ateh ulit! Wala silang pagkain. At take note, siya ulit ang pumasok sa opisina na kakapanganak pa, yong anak niya nasa hospital, naka-incubator pa. imagine? Siya na kakapanganak siya pa ang humingi ulit ng pagkain, siya ang magbibitbit ng bigas na ibibigay ng opisina. Ang tanong SAAN ANG ASAWA niya?! My officemate keep on asking saan ayaw niya magsalita, AT!!! Hindi lang pala unang anak yon teh! Wag ng itanong sakin kasi alam kong mas kukulo ang dugo niyo! Hahaha everyday ganyan ang mga situations na-eencounter namin, and slight pa lang yan, minsan may mga mentally challenge na nagdadala ng bomba-bombahan daw iyon at pasasabogin ang opisina namin, kuh teh! Nakakalukah! Kaya nakakastress talaga sa opes!
Si kapated naman ay isang nars!
Na-assign sa isang government hospital. Unang field, sa ob ward (different gov’t hospital) ngayon nasa suite room naman (another gov’t hospital) sa OB ward, sabi niya, laging no stock ang nakalagay sa mga resita ng pasyente niya so kailangan bilhin sa labas. Matagal daw bumabalik ang nauutusan bumili ng gamot, hindi lang minsan, madalas yan. Maya ko na kwento kong bakit, bitin slight muna teh! ngayon sa suite room naman, hindi daw sila naglalagay ng NS dahil iba ang policy. Dahil nasa suite room sila, walang rason hindi sila makakabili ng gamot. (Check!) yong sa ob ward naman, matagal bumabalik kasi walang pambili, kailangan pang hanapin, at utangin sa mga kapitbahay nila o kamag-anak para mabili ang gamot kahit mefenamic lang yan, oo mefenamic pain reliever that cost na wala pang ten pesos pero walang pambili. Reality like this must see the government pero ewan ko ba! Nasa gobyerno ako at nakikita ko anong systema nila, wala ako sa position to raise that issue. The government turn deaf about it, as always! Our political system ay isang malaking factor na nakakahinder ng development sa community. (ma-shoot to kill na ako nito! Haha tama nayan!)
Sabi ni kapated, kapag sa ward nagkamali ang isang nars, wala ng tanong ang mga pasyente, pero kapag yong mga pasyente nasa suite room at nagkamali ang nars, nagrereklamo. Those patients or clients as common we used, sa opisina yan pumupunta kapag wala ng pambayad, we can assess them, we can link them to other line agency na pwedi tumulong sa kanila. Minsan ‘tong si kapatid, dahil sa awa ng mga patients niya sa ob ward dati, marunong ng gumawa ng love letter para sakin stating na “ate, please help kasi kawawa naman!” ganyan ang feeling at ugali namin kasi pinalaki at pinakain kami ng isang social worker licensed, yong nanay ko! Oo, yong mommy ko ay isang social worker kaya alam namin bakit may taong mayaman at mahirap, iba-iba ang ugali, pananaw sa buhay, gusto sa buhay, saan galing ang mga problema nila etc.. Pero ang lahat-lahat ay isang choice, a choice to be made na yan ang gusto mo maging sa sarili mo. amen! Hahaha