Thursday, December 27, 2012

Mabaon sa lupa dahil mabigat

Another year na naman at ang pagpapayat hindi ko pa natodo dahil sa aking schedule! Tan-eneng naman! Pero nabawasan naman ako ng konti! Konti lang! yes nalang keysa wala talaga!! Hahaha nagstop akong mag-gym at mag-jogging araw-araw dahil nga dina keri ang pagod at hirap. Nakakamiss rin kaya the first list ko for 2013, seryosong seryoso na ako nito dahil makikipagpustahan na ako ng 5k kung hindi pa ako papayat in 3 months’ time, babalik na talaga ako ng gym at mag-jojogging na araw-araw with sangkatutak na supplements pa para pumayat!! Hahaha yan na ang maging motivation ko ngayon dahil malapit na ang practicum days ko at ayoko mabaon sa lupa (dahil mabigat ako) kapag nag-heel ako! Hahaha

Susubukan ko na pala bukas gumising ng umaga at maglakad ng isang oras at 30 mins sa gym para maibalik ko ang dating routine ko. Sana lord, wag akong tamarin! Lels! Kapag gusto, magagawa naman! Kapag tinatamad, matulog ulit! Hahaha seryoso na talaga ito para na rin sa kinabukasan ko! Hahaha kung ako ang naglalaway sa ex ko, bukas sigurado akong magseizure pa siya at effortless ang mga laway na tumutulo! Hahaha assuming naman ako doon bah!! Hindi ako ampalaya! Hahaha

Masaya ang buhay dito sa blogspero dahil tumatambling man ang grammar mo, yes pa rin! Walang salpukan at saksakan, dahil naniniwala ako sa bawat bloggero may kanya-kanyang diskarte at sariling isip to show off what they really got. Lately, consistent akong nagpopost ng entry at dahil yan sa inyo, kayo ang aking inspirasyon (naks, tutulo na sipon ko! Haha) para ibahagi ko ang aking life kahit hindi pa tayo nagkikita in person.

ito na ang dinukot ko dahil
sabi ni pao-kuneho
ang profile pic yan ang
pinagmamalaki natin!! hahaha
Salamat kay Mr. Archie dahil sa contest-contest na yan na una kong sinalihan, nanalo pa ako! Hahaha lilibre daw niya kami ng ek, yaman naman ni archie! Lels!! Pero sa totoo lang, its not with the ek, gusto ko talaga siyang mameet (echos!! Hahaha gwapoh eh sabi niya yon!! Hahaha). hindi ko pa alam kailan and saan dahil nasa cagayan de oro ako, kumusta naman iyon, i will cross the ocean ang drama ko nito, hahaha una ko naging kaibigan si archie, unang blogger nakausap-usap ko sa twitter at sa fb dahil na rin ito sa pinoy bloggers outreach na yan. Maraming salamat sayo archie, I appreciated that pinili mo yong entry ko para sa contest mong “ano ang kulay ng iyong pasko!”

Ayan, sana maaga akong makatulog para maaga akong magising para makapagsimula ulit ng bagong buhay, makapagjogging na ulit!! Hahaha




23 comments:

  1. congrats marekoy!!!
    ginalingan mo kasi ee
    haha

    next year may chance pa tayo mag pasexy pa
    happy new year

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha naseryoso ang contest!! nobela ang sagot ko sa contest!! kaya nanalo! hahaha malamang! hahaha happy new year MEcoy!!

      Delete
  2. dahil ngayon ay season to be chubby pa rin next year na din ako magbabawas ng timbang... naka plano na ako ng gagawin ko.... matinding mind set ito nyahahah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. parang ang taba mo rix! hahaha mag gym ka nalang para firm ang katawan at sure ako after, wala ka ng kawala sa babae! haha maaga ka ng mag-asawa! hahaha

      Delete
    2. mataba ako di lang halata sa pic kasi maliit ang muka ko..

      Delete
    3. kung mataba ka sa tingin mo ano nalang kaya ako? hahahahahahahaha

      Delete
  3. go lang ng go sa pagjog.. hehe

    congrats hehe.

    ReplyDelete
  4. Hmmm...ako na lang rep mo. Hehehe. Pagawan natin ng SPA. Lols. Congrats ha. Ang baitni archie. Sana isama ako sa ek at eat ol u can. Lols.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha pupunta ako! mahal ang spa! hahaha

      Delete
  5. ipaghahanda natin ng tarpaulin yan si Archie pagdating. Tapos group hug then lasingin. Yan ang plano, nyahaha! Congrats po, may privilage ka na ma-meet and greet siya. :D At AMEN sa iyong pagpapapayat, maglalaway na yan si Ex. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha sige! thats the game plan!! wag sabihin kay archie!! hahaha busy yon si hindi niya ito ma-read!! lels!! hindi ako bitter ok na ako! hahaha

      Delete
    2. ihanda na ang kampuput na bulaklak na gagawing kwintas, isasabit kay Archie :D

      Delete
    3. wow ikaw na ang mastermind ng gagawin tonio ahahaha. pero sige sali ako ng malansi natin si Archie nyahahaha.

      Delete
    4. seryosohan ha, magandang adhikain yan! hahahaha sige ano bah, ako ba ang magdadala ng bulaklak para kay archie, made in cagayan de oro papagawa ko doon sa cathedral, sa may pagawaan ng kwintas ng mga santo sa simbahan! hahahaha oo game, lasingin si archie hanggang mawala sa sarili!! so magpapabook na ba ako ng flight? hahahaha

      Delete
  6. sige lang... i-push natin ang pagpapapayat...para sa bayan 'yan...stay healthy...GO!

    ReplyDelete
    Replies
    1. para sa kinabukasan na talaga!! hahaha

      Delete
  7. Hahaha Lala! salamat ulet dun sa pic greetings ha. Babawi ako soon, pramis!

    Yan tama na simulan ang taon with a healthy and fit body. Basta career mode lng sa gym at pagda-diet :P I'm sure when you attained a sext body like Angel Locsin, hindi lang tuloy laway yang ex mo sayo with nose bleed pa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. di ko keri si angel locsin! kalowkah!! hahaha parang sampung taon ko gagawin yan para ma achieve!! hahaha

      Delete
  8. Thank you, Lala, for mentioning my name in the caption in the same breath as Arvin of Archieviner. Here's hoping our paths cross someday. -Lakas makaVogue. HAHAH! Good luck sa pagrereduce mo.:) Ipush mo yan! Dapat mala Anne Hathaway ka na sa Meet&Greet ni Archie. ^^

    ReplyDelete
    Replies
    1. si fiel gusto ako maging anne curtis at ito ikaw si anne hathaway talaga!! hahaha ten years kong gagawin yan para mala anne hathaway ang katawan ko! hahahaha hindi kakayanin sa araw na mameet ko si archie!! hahaha purihin na si archie para libre niya tayo lahat! hahaha

      Delete
  9. congrats sa pagkapanalo mo sa contest.

    naaliw naman ako sa tumatambling na grammar. isa rin kasi ako sa mga tamblingero ang grammar ei. trying hard to blog na Inglish ang gamit. bahala na umintindi mga mambabasa ko.

    I hope na matuloy na ang New Year's Resolution mo.
    Goodluck!

    at Happy New Year na din, baka kasi hindi ako maligaw dito sa New Year eh.

    ~Colors and Grays

    ReplyDelete
  10. naku balitaan ko ako kung ano ang routine na effective. ilang beses na rin ako nagattempt magpapayat. kaso nananalo ang masarap na pagkain. hehe. goodluck sa new years resolution! gow gow gow!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...