Showing posts with label Comfort. Show all posts
Showing posts with label Comfort. Show all posts

Monday, September 30, 2013

Telebunot emosyon

Dahil masakit pa rin ang ipin ko until now, tumigil ako sa ginagawa kong paper works. Isipin nalang walang effect ang dolfenal na yan sa ngipin ko pero ang coated peanut perfect na perfect na gamot sa ipin ko pansamantala. Naubosan ako ng coated peanut kaya sumakit na naman yong ngipin ko. I told mah self na kailangan ko nga talagang kumain ng walang tigil para hindi na sasakit yong ngipin ko hahahaha

Well dahil masakit ang ngipin ko, feel kong mag-emote. Charots lang! I hope this post hindi ko mapagusapan ang work slash practicum hahaha

Don’t worry hindi naman ako titigil sa pagbablog. Kapag gagawin ko yon baka makalimutan nako ng mga fans ko. rooooottts carrooottss hahahaha 

Seriously ha, on the other side of me, I feel so free. Parang carefree napkin lang ata yon ha. Bwahahaha I felt free knowing that in time, everything is back to normal. I found myself once again (parang nasiraan ako ng bait sa statement ko na ito ha hahahaha) yes, it feels like na-refresh ako, na-reconnect and as well as I learned to live my life everyday as if it’s my last day. I cried once, twice and even over again but because of those pains in the past, I used that to be strong enough to endure all the pains that will come along my way.  Ang sarap magconnect sa nature kasi fresh na fresh ang feeling lang. lol

I think my heart for the last couple of months is completely ready for another try BUT! The problem is ang dumating, hindi ko gusto. I just discovered that bago ako pumunta ng Bukidnon. iba kasi kami ng paniniwala sa buhay. Kahit anong pilit or try, ayaw talaga eh. I know somehow I have hurt him in a way na kahit siya he knows I don’t like him. basta I know darating at darating din yong fair ang lahat, gusto ko siya at gusto niya ako. Charrooottss!! Hahahaha ay basta ayan kasi natuloyan na akong mag-emote hahaha

Basta I am just thankful that I have a new life. Maybe mas konti nalang ang time now para magemote, hahaha dapat laging masaya dahil hindi natin alam kung hanggang kalian lang tayo dito sa mundo. 

Kahit anong daldal ko pa dito, still masakit pa rin ang ngipin ko hahaha (in short, I made this an excuse now to eat again hahaha)


Monday, December 17, 2012

Napaisip ka rin ba nito?

I was reading the breaking news about the Connecticut shooting and it squeezed my heart. I am trying to hold up my tears while hearing the stories of the victims’ family. Innocent kids I remembered to be described by my late mother as “angels” for they were the ones, who light up the room, gave joy and happiness to parents. The world I believed is already in extreme confusion.

The news said that the gunman was troubled, he has a personality disorder and I know the mom did not denied it, in fact the mother was willing to help her child if needed. Kahit mahirap ang pilipinas, mayaman naman tayo sa values, pagmamahal ng pamilya. Pero minsan, hindi ko rin nakikita yan dahil madami pa ring mga bata nasa daan, napabayaan. Sa America, instant na ang lahat, completo pa, at advance sa mga technolohiya.

I believed in family is the basic unit in the society, it is the basic sa lahat ng bagay, ang pamilya din ang isa sa factor na bumuo ng pagkatao natin, kung ano ang values ng mga magulang natin ito ay nakukuha natin. Malamang, maraming tao sa mundo ngayon, hindi nakikita ang bagay na yan, but, I can say this kapag buo ang pamilya, maayos, wala ng masyadong social problems – wala ng prostitution, nakaw, street kids etc. kung sama-sama ang pamilya, magtutulongan walang imposible na maging maayos din ang anak nila.

Bakit ang isang doctor na tatay, may doctor na anak. Isang lawyer na tatay or nanay, may lawyer din na anak? Dahil ang anak ay laging tinitingala ang kanilang magulang. Isa na rin ako doon, ang mama ko ay isang social worker, at ako ngayon ay inaabot ang profession na yan. Madami akong tanong noon at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasagot ang iba! Hahaha tan-enah! Unending question na talaga!

Sa America, kapag ang anak is in troubled, the state would see and blame it sa mga magulang kagad, sensitive sila na nasa magulang ang problema, kaya madalas ang mga ganyang case, napupunta sa counselling center para ma-iayos ang kailangan ayosin bago magkaron ng another problem. Dito sa pilipinas, walang ganyan. Kapag problematic ang anak, pinapagalitan! Ang anak pa ang sinisisi minsan dahil sadyang gagu or ugali na talaga! Hahaha that reality naman oo! Pero hindi sensitive ang mga magulang na ganyan ang kanilang anak dahil na rin sa kanila, kung ano ang nakikita ng anak while he is growing up, yan din ang gagawin kahit ang iba sasabihin na hindi ako tutulad sa mga magulang ko pero subconsciously speaking, nangyayari. One example I can share is yong tatay na nanapak ng anak at babae, pustahan tayo, nong bata pa yang tatay na yan, nakikita niya na ang nanay at tatay niya ay nagsasapakan kaya he used to it, he thinks that tama and okay lang. kaya like I have said, the world now is in extreme confusion and values is fading.



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...