Showing posts with label Gym. Show all posts
Showing posts with label Gym. Show all posts

Wednesday, January 2, 2013

Mga bilog na mukha paikot-ikot

Tinotoo ko na talaga ang sinabi kong mag-ggym ako. I stopped for almost three months din kasi naging busy-busyhan ako sa school and work, di kinaya ng sched ko kasi gabi matatapos ang clase ko. Sana makapag-adjust na ako this year kasi I REALLY NEED (hahaha) to lose weight para sa darating na practicum ko. Lol dumepensa pa ako talaga! Haha charos! Nagdadahilan pa talaga ako!

When I changed my profile pic sa fb ko nong new year (nakawhite with close up, echos!) a friend message me (mataba rin siya hahaha, pig nga tawagan namin kasi parehas kaming bilog since HS pa hanggang naging classmate kami ulit for this new course) she told me, wag yan kasi ang mukha mo bilog na bilog (bonggang tawa) and I told her (defense mechanism kagad) ok lang yan kasi swerte sa new year ang bilog! Hahaha kebs na ako! That pic was a year ago nong nagpunta kami sa isang community. Bilog talaga mukha ko at least hindi naging itlog o kaya mangga! Lels! Hahaha


Mula sa bilog, itong executive look ko naman, charos! Nag-ggym pa ako that time, Nagtrim down daw ako slight ansabeh!?! Parang wala naman pinagbago, trim down talaga? Parang halaman lang ha! Lol at finally after almost three months, yan na ang get up ko papuntang gym! kulay orange, ponkan na ponkan lang sabi ni jessica haha, may nagsabi ding "likas papayah" haha Ganyan! ang sweet nila! haha Kailangan conservative muna para hindi malanta ang pechay! Hahaha tan-enah yang pechay na term na yan, usapan sa twitter ata yan or sa comment sa blog, either si JonDmur, Rix, Pao, Cyron, Archie, Tonio lang ang nagsabi niyan, sila lang ang kilala kong wholesome, swear! they are very wholesome! lol basta isa sa kanila di ko lang ma-pin point (nagbintang talaga ako ano! Hahahaha sniff…) kung sino kasi hindi ako sigurado din! Hahaha hindi ko rin ata pweding pagbintangan si arline at senyor dito kasi busy-busyhan ang buhay nila lately, never mahanap. lol 

In 3 months time kailangan totoong anne Curtis na ang katawan ko! Haha (ambisyosa!) wag naman, masakit sa ulo ang ubod ng sexy, lantang lanta ka lang niyan! Hahaha wag nah! Iba pa rin ang kutis bebeh! Roowwttss!! At naalala ko ang sabi ni empi sa twitter, gusto daw niya magkasing laki kami, tang inah ayoko nah! Hahaha ayoko ng upo, talong, patola mas lalo naman kung sili! Magkamay ka nalang por-eber or kahit wag nalang! Iba pa rin ang totoo! Charos wag berdeh ang utak! Hahaha sa susunod ko na ikwento ang mga bagong papalicious na nakasabay kong mag-gym, magkakasala nako talaga! gibang giba ang reputasyon ko nito!! (sign of the cross) Bwahahahaha 




 

Thursday, December 27, 2012

Mabaon sa lupa dahil mabigat

Another year na naman at ang pagpapayat hindi ko pa natodo dahil sa aking schedule! Tan-eneng naman! Pero nabawasan naman ako ng konti! Konti lang! yes nalang keysa wala talaga!! Hahaha nagstop akong mag-gym at mag-jogging araw-araw dahil nga dina keri ang pagod at hirap. Nakakamiss rin kaya the first list ko for 2013, seryosong seryoso na ako nito dahil makikipagpustahan na ako ng 5k kung hindi pa ako papayat in 3 months’ time, babalik na talaga ako ng gym at mag-jojogging na araw-araw with sangkatutak na supplements pa para pumayat!! Hahaha yan na ang maging motivation ko ngayon dahil malapit na ang practicum days ko at ayoko mabaon sa lupa (dahil mabigat ako) kapag nag-heel ako! Hahaha

Susubukan ko na pala bukas gumising ng umaga at maglakad ng isang oras at 30 mins sa gym para maibalik ko ang dating routine ko. Sana lord, wag akong tamarin! Lels! Kapag gusto, magagawa naman! Kapag tinatamad, matulog ulit! Hahaha seryoso na talaga ito para na rin sa kinabukasan ko! Hahaha kung ako ang naglalaway sa ex ko, bukas sigurado akong magseizure pa siya at effortless ang mga laway na tumutulo! Hahaha assuming naman ako doon bah!! Hindi ako ampalaya! Hahaha

Masaya ang buhay dito sa blogspero dahil tumatambling man ang grammar mo, yes pa rin! Walang salpukan at saksakan, dahil naniniwala ako sa bawat bloggero may kanya-kanyang diskarte at sariling isip to show off what they really got. Lately, consistent akong nagpopost ng entry at dahil yan sa inyo, kayo ang aking inspirasyon (naks, tutulo na sipon ko! Haha) para ibahagi ko ang aking life kahit hindi pa tayo nagkikita in person.

ito na ang dinukot ko dahil
sabi ni pao-kuneho
ang profile pic yan ang
pinagmamalaki natin!! hahaha
Salamat kay Mr. Archie dahil sa contest-contest na yan na una kong sinalihan, nanalo pa ako! Hahaha lilibre daw niya kami ng ek, yaman naman ni archie! Lels!! Pero sa totoo lang, its not with the ek, gusto ko talaga siyang mameet (echos!! Hahaha gwapoh eh sabi niya yon!! Hahaha). hindi ko pa alam kailan and saan dahil nasa cagayan de oro ako, kumusta naman iyon, i will cross the ocean ang drama ko nito, hahaha una ko naging kaibigan si archie, unang blogger nakausap-usap ko sa twitter at sa fb dahil na rin ito sa pinoy bloggers outreach na yan. Maraming salamat sayo archie, I appreciated that pinili mo yong entry ko para sa contest mong “ano ang kulay ng iyong pasko!”

Ayan, sana maaga akong makatulog para maaga akong magising para makapagsimula ulit ng bagong buhay, makapagjogging na ulit!! Hahaha




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...