Gusto ko pang matulog ng matagal! (sabi ng utak ko yan) sarap ng tulog ko kanina at biglang sumigaw ang tatay ko “LArrraaaahhh!!” nagulat ako! At grrrr… nakahiga pa rin ako haha umulit pa kaya sabi ko “bakit?!” akala ko babatiin niya ako, ang sabi “andyan na yong labandera, saan na mga damit mo!” lol ganda ng gising ko teh! nabitin ako sa tulog lol
Like I said magluluto ako ng molo ni rix, hep! Hep! Yahoo! Yehey! Kung kalian ko naman bday, saka pa ako sinipag maglinis haha kaya umalis ako ng bahay mga 1pm na para bumili ng ingredients sa molo na yan at iba pang lutoin. Hindi ko na dinamihan ang handa kasi tatlo lang kami, wala akong inexpect na bisita naman kasi alam ng lahat yong nanay ko lang ang mahilig sa handaan at sa mga lutong pang-party, since wala na si mader ang nasa isip lang nila baka nagdinner kami sa labas.
Pero mas natuwa ako sa birthday ko today dahil sa inyong lahat, dahil sa inyong mga greetings, lalo akong tumataba lol este ang puso ko. I’m happy seeing the comment box ko na ang dami, kahit flood pa yan natutuwa ako, habolan na yan sa top commentators ha! Hahaha maganda ang ibibigay kong award, magagamit pa. hehe
Sa lahat ng bumati, maraming salamat talaga, ang saya ko sa birthday ko dahil sa inyo.
Segway slight…
Wag magtaka rin sa mga kaibigan ko sa fb ko kung ang dami kong pangalan lol
Ang LALA talaga ay nickname ko yan pero hindi ko na ginamit nong nag-hs na ako. Relatives lang ang tumatawag sa akin ng lala but dahil gusto ko ng for a change, ito ang ginamit ko sa blogspero dahil at home ako dito. Lol
Nagulat ako dahil for how many years akong buhay dito sa earth natin, paiba-iba na pala ang pangalan ko at hindi ko na namalayan yon, sa pagdadalaga ko pinangalanan akong “BOINKY, BOINKS” dahil nga mataba ako sa paningin nila ( sa paningin ko naman, normal lang ako! Lol)
Ng magtrabaho nako, ayon na! wala na akong choice but kailangan gamitin na ang totoong pangalan! Ganyan!
Gusto ko rin magthank you sa kanila, sobrang lakas ng tibok ng aking puso sa inyong ginawa, lalong sumaya ang aking birthday...
nasurprise ako sa ginawa ni tonio, he message me sa twitter at fb, late ko ng nabasa kasi nag-gegems pa ako! lol ito pala iyon.. at ito na nga ang ginawa niya, may pa-blink2x pa yan hindi ko lang alam paano yan gawin dito kasi noob na noob lang ako haha salamat sayo TONIO the HE-MAN. lol ang sweet mo talaga kahit palihim hehehe
at hindi ko rin inasahan ito kay mecoy, alam ko sweet itong si mecoy sa mga comments niya sa blog, sa daldal niya hindi ko akalain magkaron pa siyang ng oras gawin ito. o dibah! ang pugi lang niya! kung ako kasing edad niya, payat, sexy at malandi, rerapin ko na talaga to si mecoy!! hahaha jowk!! natuwa lang talaga ako ng bongga, sa ngiti niya at halah ang ma-sel oh! lol pero salamat mecoy!! bawal na akong tawaging ate ha! hahahaha
bago ang aking birthday, ito ang kinagulat kong pinadala ni JonDmur, eksayted siya kaya nauna ng nagpaputok, naunang magpaputok ng wine! o diba ang bonggang ni penguin! seryoso lang sa akala niyo pero ang sweet niyan, hindi lang sa babae pati na rin sa mga lalaki. aminin! hahaha jowk!! pero salamat JON!
JonDmur PART 2: mas ikinagulat ko naman ito!! nawindang ako ng slight! hindi halatang eksayted si jon sa bday ko! hahaha pero tawang tawa ako dito dahil ubod ng init naman ang picture na nasa likod ng mukha kong bilog! (hindi na yan bilog in 3 months! haha) nagpakipot pa si john, hinubaran nalang sana niya itong lalaki to, para magkaalaman nah! hahaha sayang! pwedi na sanang ikaw yan! lol pero gaya ng sabi ko, ayaw ko ng lalaking may ma-sel kasi hindi na lalaki yon! hahaha jowk!! ok na ako sa chubby! lol
hindi ko rin ito inasahan galing kay mami joy dahil bilang bagohan dito sa blogsphero at ang dami ng friends ni mami joy, hindi niya ako nakalimutan gawan ng card, natuwa pa ako sa language na ginamit niya, may natutunan na ako! hehe dagdag sa kaalaman. maraming salamat dito mami joy, pinataba mo ang aking puso.
last but not the least naman itong aking kaibigang si senyor! ginawang kontrobersyal ang aking bday dahil alam ng lahat hindi na ako katorse! hahaha sa mukha kong yan mag-dedebut pa ako! debut sa isip! haha pero natawa at natuwa ako dahil sinabi niya sa akin na nag-alarm pa siya para batiin ako! hahaha ganyan, kumusta naman yon!? kailangan talagang sabihin para makonsensya ako! hahaha pero salamat senyor, napasaya mo ako sa aking bday!! muah!! see u sa march! hehe
dagdag ko pa ito kay senyor iskwater, diniin na naman niyang 12 hours niyang ginawa para makonsensya ulit ako! hahaha thank you ng marami teh at naipost mo ba sa blog mo, tuwang tuwa ako sa nagawa mong tula, saktong sakto sa akin! hahaha sobrang na-tats talaga ako!
dagdag ko pa ito kay senyor iskwater, diniin na naman niyang 12 hours niyang ginawa para makonsensya ulit ako! hahaha thank you ng marami teh at naipost mo ba sa blog mo, tuwang tuwa ako sa nagawa mong tula, saktong sakto sa akin! hahaha sobrang na-tats talaga ako!
(sa nakalig-taan ko, please raise your hand lang para maidagdag ko, ang gulo kasi ng mga files ko sa laptop ngayon pasenya na hehehe)
at sa lahat ng bumati sa akin sa comment box, maraming salamat, kapag ako ay nagka-oras, gagawa ako ng AVP ng inyong mga greetings!
dahil kay rix, ako ay na-inspired magluto ng molo sa aking bday, salamat at napaka-inpluwensyal mo! kapag magtutulak ka ng druga malamang bibili ako sayo! hahaha jowk!!
salamat din kay archie na talagang idinikdik niya sa akin na siya ang pinakaunang bumati sa lahat dahil 4 hours ahead sila sa oras ng pilipinas! natameme naman ako doon dahil oo nga, bday ko na sa NC nong binati niya ako ng happy birthday. ang sweet talaga ang kamahalan namin!
at si pao na hindi niya nakakalimutang pakainin ang alagang baboy ko sa blog, salamat hahaha tuwang tuwa ka talaga doon. dahil kay pao kaya ako nag-alaga ng baboy. lol
at si sis arline, 12:13 niya akong binati sa twitter, salamat kapatid. mamaya siya naman ang aking babatiin dahil magkasunod kami ng bday pala hehehe
so ito na talaga ang molo...para matapos na itong post ko na to, feeling ko ang haba na! hahaha
Ito na nga ang molo… sinimulan ko na.
ito na nga! tadeeenn!! hindi ko makita ang pangalang PANCIT MOLO sa grocery kaya iba nalang ang binili ko, sotanghon! lol nganga na nganga lang ako! hehehe may apoy sa likod, dyan ang dirty kitchen namin, dyan ako nagluto dahil mas mabilis at masarap kasi kahoy ang ginagamit at mas TIPID na rin! hahaha
hindi ko maintindihan ang hitsura! haha pero wala naman sa hitsura yan, nasa lasa yan! kaya lang hindi niyo naman ito matitikman, sa susunod mag-imbento tayo ng online tasting para masaya ang lahat!
iseserve na, ayan na! masarap siya dahil madaming pepper at onion leaves! yon ang nakakadagdag ng lasa plus syempre the chicken broth! yon ang supporting artista sa pancit molo na yan!
ito patapos na ang aking birthday, salamat sa inyong lahat, nasa isip at puso ko kayo kahit magkalayo man tayo! echos!! sa dami ng sinabi ko, ang ending pancit molo special! hahahaha
at ang chika ko pala, ayon may bumati sa aking fb ng hindi ko inaasahan, kala ko may maramdaman ako, pero wala na! yohoo to me! ye!! i'm free!! lol
LALA!!! Maligayang Kaarawan muli sa iyo. Hindi ako magsasawang batiin ka ng HEYPI BEERDAY! naks ang daming special greetings ah.
ReplyDeleteTeka asan na ang clowns, balloons at cake? :P
*sabay hablot ng isang mangkok na pancit molo*
im happy to be part of your bday kahit hindi ako nakatikim ng molo na yan!!! hehehe
ReplyDeleteayun pala yung molo. ang lagay hindi ako makakatikim ng handa mo? tawang tawa talaga ko sa machong lalake sa gawa ni sir jon! lol. happy birthday! :)
ReplyDeletehoy ano ka ba...joke lang yung 12 hours....hhahahahaha
ReplyDeleteHappy birthday ulit. Dami mong birthday greetings oh. Patunay lang na maraming nagmamahal sayo :)
ReplyDeleteSOOOO HAPPY FOR YOU DEAR LALA. Ang sweet naman ng mga bloggers ano? Hi hi. ANyway, nagutom ako sa goto mo. Kain muna ko bread. La goto dito eh. Hihi
ReplyDeleteMore birthdays to come dear. Mag back read pa ko ng naunang post dito. hi hi
Happy Bday Ma'am Lala. Msarap mabigyan ng pic greetings mula sa mga kaibigan mong talaga namang malalapit na sa mga puso natin.
ReplyDeleteSana madami pang bday ang dumating sa iyo!
Enjoy your specila day~!
happy birthday teh! nanghina ako sa itsura ng molo. gusto ko rin niyan. at naiinggit ako sa mga happy birthday online gifts sayo. karirin ang araw na to!
ReplyDeleteang sarap naman ng molo..... hagis ka dito Lala
ReplyDeletepero wait, may pork ba yan? kung meron, wag na lang. bawal ako dun eh. ahahaha
ReplyDeleteandami nag-effort na gumawa ng greeting cards. si Mecoy, effort kung effort talaga ang peg. lol...
ReplyDeletekung ako di lang busy, nagawa na din sana ako. kaya lang, wala talaga time. di maisingit sa busy sked....
eto na naman ako, super paliwanag ulet. hehehe
pahabol lang, ang cute ni boinky.... hinahabol nya mouse ko. ahahaha
ReplyDeletepinagod ko nga, ayun tignan mo, lawit dila na sya.
Dahil ayaw mo na tawagin ka ni mecoy ng ate, ako na lang ang tatawag sa'yo ng ate..atel lala, alam mo ba peyborit ko yung chocolate na "Lala" ang pangalan nung bata pa ako? un ang kadalasang pinupuntahan ng sais pesos kong baon..hehe..
ReplyDeletehappy bortday!!!!
wag po wag po maawa na kayo hahaha
ReplyDeletenatawa naman ako sa sinabi mo haha
salamat at nagustuhan mo ung picture greeting ko hehe
dame nagmamahal sayo ohh kaya wag na mageemo ha
happy birthday ulet
Hello,
ReplyDeleteI've updated your Blog Heading in the listings accordingly.
Thanks for informing us!
Best Regards,
BNP
blogsngpinoy.com
Happy birthday :) ayan may sarili ka na din receipe ng Molo hihihi
ReplyDeleteMukhang naubos ang Goto ah! Ay LOMI pala hehehe! Happy naman ako na enjoy ang bday mo… natuwa din ako sa mga pic greet na natanggap mo hehehehe
ReplyDeleteDami na nagmamahal sayo…
Thanks kasi nakilala din kita… hugs ^^
ay sorry naman... Molo pala hahaha ^^ magulo talaga utak ko ngayon hehehe
ReplyDeleteHindi ko alam na rapist ka pala! Lol. Haha.
ReplyDeleteHappy Birthday ulet! XD
maligayang kaarawan saio..
ReplyDeleteHappy Birthday Ulet ate lala...
ReplyDeleteAlam mo on diet ako kaya di ko talaga nagustuhan ang nakita kong pagkain,...hay! hahahaha
Uy, birthday mo pala! Maligayang Kaarawan! Nawa'y matanggap mo na ang mga pinakamimithi mong wishes! God bless sa iyo!!!
ReplyDelete