Saturday, January 12, 2013

Reality 5: Na-Interbyu ko si KRAS after 17 yrs. part 1.

Gusto ko lang paglaruan ang pic nito,
yan ang wala sa sariling pose ni kras.
nagpaalam naman akong magnakaw ng pic niya lol
Sino naka-alala ng first crush nong high school? May maganda ako experience dyan, nga-nga lang talaga ako noon! But it’s one of the best experienced I had, na-enjoy ko ang aking high school! Hahaha

At after 17 years ata, nakausap ko siya ngayon na walang kaba, hindi ako nanlalamig at natatanga ulit! Hahaha amfutek lang!! kumusta naman kaya yong mga panahon na ang nga-nga ako! Hindi ako makalapit kasi it feels so cold, hindi ko magalaw ang aking mga paa! Halah noh natatawa ako if I remember those days.

1st year high school (new school)

I saw him na parang nag-slow motion ang mundo! Parang siya lang ang tao sa oras na yon, (naghahalucinate yata ako that moment?) oo, parang Daniel at katherina lang na nagtatakbohan sa bundok at ikot ng ikot ang camera hahaha tang-inah! Hindi ko alam! Pero in fairness ang gwapo naman niya, noon at hanggang ngayon kahit anong taba at belbel meron sa kanyang katawan ngayon, balbas na parang ermetanyo at higit sa lahat hindi niya alam ang salitang ligo kapag nakaharap sa camera pero parang hindi mawala ang lentek na kras-kras na yan! Bwahahaha

Naisipan kong interbyuhin si kras para ipost dito sa blog, natuwa lang ako sa idea na dati, halos hindi ko kayang kausapin ang taong to, para kasing titigil na ang mundo kapag andyan na siya ang OA ko lang talaga! Hahaha pero ngayon prends na prends na kami sa fb, bihira lang talaga magkausap pero earlier lang, ito nga nakausap ko at doon ko nalaman kung sino talaga siya!

Its so nice knowing him na iba pala ang akala ko dati kasi he is more than what I thought of, alam ko na yang sense of humor niya even before pero ang nakakagulat, ang totoo sa likod ng mga ngiti at halak-hak niya. (gumaganyan ang statement ko haha) masayang kausap, or I just find it masaya kasi kras ko siya? Halah! Hahaha hindi naman, sa edad kong to, hindi ko na ma-spell ang kras! Hahaha

This person helped me in some way to prove ang aking pagkababae! May ganyan! jowk! I mean, dahil nga boyish ako akala ng lahat natuloyan na ako naging bakla. Lol pero hindi, sa kanya nagsimula ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Echos lang!! ideal man nga sabi ng kaibigan ko, pero hindi naman siguro kasi payat naman naging ex ko. Hahaha

Alam niyang kras na kras ko siya, hindi naman ako nahiya sabihin sa kanya din yan! Hahahaha kapal ko! Oo kasi naniniwala akong short lang ang ating buhay kaya mainam ng sabihin ang lahat para magaan ang pakiramdam at ma-enjoy ko naman ang aking buhay.

Isa lang ang masabi ko, hindi pa ito closing ng kwento nato dahil may kasunod pang kwento sa aking paglalakbay papunta kay kras. Ito ang totoo, iba ang kras sa taong mahal mo, or iniibig mo dahil ang kras sabi ng iba ang nagbibigay ng inspirasyon sayo, nagpapakintab ng ngipin, ngiti at mata sa araw-araw, ang iniibig ay ang taong dahilan kung bakit gusto mong gumising sa umaga. Ganyan! kumusta naman kaya kung isiksik ko ang aking sarili sa taong gusto ko at hindi ka naman gusto, o diba! Kasi may mga bagay na hindi pinipilit, kailangan mag-antay sa tamang panahon at oras. Bitter? Hahaha lol


Abangan ang interbyu…


P.S.

aabangan ko rin ang pag-uwi ni kras para magpapicture at papa-atograph lol


 

2 comments:

  1. Halalala... ang landi oh!! kinikilig ako sabay wala pa pala yun interview.. wag ganun.. bitin?? haha.. in fairness, pag ang lalaki may sense of humor, kaka-attract talaga no? vat kaya?! hihi.. At iba naisip ko dun sa siya nag-prove ng iyong pagkababae, hahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha ngayon ko lang to nabasa sorry naman hahahaha na prove kasi sa kanya nga naman tumibok ano hahaha ang isip talaga eh hahahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...