Friday, January 4, 2013

Reality 2: Ito ang daan mo... dito ka dumaan part 2.


­­Hindi pa tapos ang kwento nong “ito ang daan mo, dito kadumaan” akala ng lahat happy ending dahil pumasa ang kapatid ko sa licensure exam, that was 3 years ago I think and madami ang nagbago pagkatapo doon. There are a lot of things in life na hindi talaga natin maintindihan or we just don’t want to understand it, you think?

Gaya ng sabi ko, after months pumasa ang kapatid ko, my mom was hospitalized, na-icu and she died after almost 7 days UNEXPECTEDLY. Oo, unexpected yon dahil sa unang pagkakataon na nagstay kami sa hospital dati for almost a month dahil that time nararamdaman kong nagpapaalam ang mama ko sa amin pero yong year 2011, biglaan at nag-expect kami na maayos dahil nasa best hospital siya namin nilagay. Pero bigo kami. Ito ang kwento…

Si sisteraka alam ng madla na ang faith niya beyond sa isang normal na tao na madasalin, lahat ng galaw niya sa buhay ay hinihingi niya kay lord, decision man or may gusto siya. When my mom died, she asked a lot of questions, I wondered bakit nasa bahay lang siya lagi even Sundays. Araw-araw umiiyak. Affected ako pero pinilit kong hindi ipakita dahil kailangan ko maging strong para sa pamilya ko, galit  na galit siya sa akin dahil wala daw akong puso, pusong bato nga ang sinasabi niya sa mga relatives naming dahil para daw wala akong pakiramdam, hindi niya alam na affected ako pero hindi ko lang pinapakita para hindi siya lalong manghina, ako ang kamukha ng nanay ko, ako talaga ang replica ng nanay ko, sa galaw, salita, pananamit, pananaw sa buhay and lahat ng tao inisip hindi ako affected? Hindi lang ako showy those times.

After God answered my sister’s prayer na pumasa sa board exam, biglang tinapon niya ang pangarap na iyon na naging nurse siya, ayaw na niya kasi dahil daw sa trauma niya. Naintindihan naming siya kasi mahirap nga iyon, matagal na panahon na binalewala niya si god, nawala na ang faith niya, nagagalit siya sa diyos lagi niyang sinasabi na kapag may saya laging may kapalit, kapag pinagsabay ang diyos at hiling mo daw sa buhay, laging may mangyayari daw. Lagi pa niya akong pagbintangan na I don’t go to church, I don’t even know how to pray daw at malayo ako sa diyos, sa galit ko na talaga sabi ko sa kanya “ako? Oh! Where’s your faith now? after namatay si mommy, nakalimutan mo na ang lahat pero ako despite of not seeing me in church or even praying, I keep my faith, now tell me, saan pagiging faithful mo!?” lahat ng depensang rason binibigay niya pero ulit-ulit ko pa ring sinasabi sa kanya nasaan ang faith mo.

3 years since she passed her licensure exam including na ang mga panahon she spent with my mom at home, until my mom died she never goes to work, ayaw niyang mag-apply. Ayaw na talaga niyang magnurse. Hindi naman siya pinilit ng tatay ko dahil naintindihan din naman siya. After months na namatay ang mama ko, she tried na mag-apply pero hindi sa pagiging nurse, ibang field and in fact gusto na niyang mag-aral din ng social work kung saan ako na-enrol months after the death ng mommy ko. Gulong gulo pa rin si sisteraka kung ano-ano na ang naiisip. Kung ano ang maisipan yon ang ginagawa.

Siguro sa sobrang bored niya year 2012, mga September siguro she finally decided na mag-nurse siya, bumalik sa dating routine na nagsisimba, naniniwala kay God, and there boom! Ang daming doors na nag-open sa kanya.  At first sabi niya, baka ito nga talaga ang calling niya. Sabi ko, give a try, malay mo, you prayed for this na maging nurse ka and hindi mo iseserve so better serve your profession. Biglang timing nag-apply at natanggap sa isang gov’t hospital kung saan ang hirap pumasok doon.

Kwento ni sisteraka sa isang kaibigan niya “bakit ang hirap ng pinagdaanan ko, bakit ako pa!” sabi nong kaibigan niya “alam mo sobrang guided ka sa buhay mo!” tumahimik daw si sisteraka and sinabi sa sarili niya na “oo nga sobrang guided ako mula pa lang sa board exam dahil lahat ng binasa ko yon ang lumabas tapos ito sa exam para sa trabaho, lahat ng ni-review ko, yon ang lumabas!” kinuwento ni sister sa akin ang kanyang realization and ang sabi ko lang sa kanya “bakit kasi you need to take another road when the right road is already given to you”

And ang usapang yan napunta nga sa…

Siguro if hindi ako lumiko, hindi ko ma-appreciate ang isang trabaho bilang nurse, hindi ko mavalue ang profession dahil unang una, hindi ko naman gusto maging nurse pero baka ito nga ang calling ko dahil god knows I am sensitive and taking care of the patients with extra care will help ease the family na maging okay din ang kanilang pasyente because I know what it feels like to be nong nahospital si mommy.  It took me years before ma-realize siguro kasi para malaman ko paano ko e-value ang work ko na meron ako ngayon. Those times also, ang recovery period ko para kaya ko ng tingnan ang isang tao nan aka-intubate or nasa icu.

Wala akong masabi but, at least now you know… kasi kahit ako may issue din sa sarili na minsan din akong lumiko sa buhay ko at pilit ko rin itong inaayos ngayon. Ikwento ko nalang yan separately. Haba na rin ito. Lol

Ngayon masaya si sisteraka, kapag may patient siya na napapasaya  niya pati yong pamilya, nagtetext at sinasabi niya ang nagawa niya dahil nasa dugo na talaga namin ang pagiging social worker siguro, instinct na kasi sa kanya ang extra care, interview, interaction sa mga patient na hindi naman madalas ganon ang mga nurses, ang sabi ko lang lagi, para ka dyan talaga, wag ka ng lumiko pa! lol then I never failed to tell her also na, every time may patient ka, don’t forget to pray para sa kanya, yong hindi siya masaktan at mahirapan kasi alam natin yan na pinagdaanan din minsan ni mommy yan. at ang sabi niya, oo nga i know what it feels like. one thing true in our life, yong reality talaga is, naiintindihan mo ang ibang tao kapag parehas kayo ng daan na tinahak sa buhay. if your calling is to be an engineer, you will really reign on that field, or nurse, doctor kaya lawyer, kahit anong profession pa yan kapag para sayo yan, para talaga sayo yan, walang liko walang tambling! 

Itutuloy ulit… pangatlong kabanata..



8 comments:

  1. Napacaring nga ng Family mo. Good luck kay sisteraka sa kanyang piniling daan. Alam ko namang nasa tamang daan sya. Kahit more than 3 years ago pa ang pagkapasa ni sis Congrats parin. ahihi

    Cguro Ms. lala ang sarap mo ring mag-alaga. ayiiii! Ikwento na yan.

    May 3 chapters pa pala to :)

    ReplyDelete
  2. nakaka inspire ang story nyo... pinapakita rin ung pagkapit kay God... minsan darating talaga ung time na kakapit at bibitiw ka sa Kanya... Minsan ko na ring naranasan yan...

    Kapag sunod sunod na pagsubok parang nababawasan ka ng lakas o tiwala sa kanya...

    ReplyDelete
  3. Walang pagsubok ang ibibigay sa inyo ng Panginoon na hindi ninyo kayang gawin. :)

    ReplyDelete
  4. may bigat pero may ngiti naman ang post na ito...

    kinakabahan naman ako at may part 3 pa...

    hindi ko ma full blast ang comment ko...

    ReplyDelete
  5. nakakainspire naman ang sister mo talaga oo
    sarap makabasa ng gantong istorya
    nakaka uplift ng pag asa

    ReplyDelete
  6. Minsan talaga may mga liko para matutunan nating malaman kung ano yung tama, yung anu yung talagang para sa iyo.

    Ang hahaba ng post. Lol.

    ReplyDelete
  7. nice to hear na ang sister mo ay natagpuan na talaga kung saan ang call nya.

    ReplyDelete
  8. ok.. off to part 3 na ko.. di ko tuloy alam sasabihin ko dito sa entry na toh.. lol. gawin ko na lang sa part 3.

    off-topic: dabest and background music na happy birthday. lol!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...