Wednesday, January 2, 2013

Mga bilog na mukha paikot-ikot

Tinotoo ko na talaga ang sinabi kong mag-ggym ako. I stopped for almost three months din kasi naging busy-busyhan ako sa school and work, di kinaya ng sched ko kasi gabi matatapos ang clase ko. Sana makapag-adjust na ako this year kasi I REALLY NEED (hahaha) to lose weight para sa darating na practicum ko. Lol dumepensa pa ako talaga! Haha charos! Nagdadahilan pa talaga ako!

When I changed my profile pic sa fb ko nong new year (nakawhite with close up, echos!) a friend message me (mataba rin siya hahaha, pig nga tawagan namin kasi parehas kaming bilog since HS pa hanggang naging classmate kami ulit for this new course) she told me, wag yan kasi ang mukha mo bilog na bilog (bonggang tawa) and I told her (defense mechanism kagad) ok lang yan kasi swerte sa new year ang bilog! Hahaha kebs na ako! That pic was a year ago nong nagpunta kami sa isang community. Bilog talaga mukha ko at least hindi naging itlog o kaya mangga! Lels! Hahaha


Mula sa bilog, itong executive look ko naman, charos! Nag-ggym pa ako that time, Nagtrim down daw ako slight ansabeh!?! Parang wala naman pinagbago, trim down talaga? Parang halaman lang ha! Lol at finally after almost three months, yan na ang get up ko papuntang gym! kulay orange, ponkan na ponkan lang sabi ni jessica haha, may nagsabi ding "likas papayah" haha Ganyan! ang sweet nila! haha Kailangan conservative muna para hindi malanta ang pechay! Hahaha tan-enah yang pechay na term na yan, usapan sa twitter ata yan or sa comment sa blog, either si JonDmur, Rix, Pao, Cyron, Archie, Tonio lang ang nagsabi niyan, sila lang ang kilala kong wholesome, swear! they are very wholesome! lol basta isa sa kanila di ko lang ma-pin point (nagbintang talaga ako ano! Hahahaha sniff…) kung sino kasi hindi ako sigurado din! Hahaha hindi ko rin ata pweding pagbintangan si arline at senyor dito kasi busy-busyhan ang buhay nila lately, never mahanap. lol 

In 3 months time kailangan totoong anne Curtis na ang katawan ko! Haha (ambisyosa!) wag naman, masakit sa ulo ang ubod ng sexy, lantang lanta ka lang niyan! Hahaha wag nah! Iba pa rin ang kutis bebeh! Roowwttss!! At naalala ko ang sabi ni empi sa twitter, gusto daw niya magkasing laki kami, tang inah ayoko nah! Hahaha ayoko ng upo, talong, patola mas lalo naman kung sili! Magkamay ka nalang por-eber or kahit wag nalang! Iba pa rin ang totoo! Charos wag berdeh ang utak! Hahaha sa susunod ko na ikwento ang mga bagong papalicious na nakasabay kong mag-gym, magkakasala nako talaga! gibang giba ang reputasyon ko nito!! (sign of the cross) Bwahahahaha 




 

12 comments:

  1. Hello. Stay focus on your goal. Hehehe. Believe me. I am trying ...er...I will lose the extra pounds too.

    Anyway, I just saw your comment in one of my post sa Spam comments. Why kaha?

    Thank you for dropping sa akong blog. Ayo-ayo!

    ReplyDelete
  2. anong pechay? wala akong kinalaman sa pechay na yan at sa upo. haha! pero suportahan taka sa paggym mo na iyan. go go go! :)

    ReplyDelete
  3. ang tanong pagpapa sexy ba talaga ang reason sa pag gygym? baka mamaya si papalicious lang hahaha...

    mukhang kaabang abang mga papalicious mo na makakasabay hehehe

    tama yan... para di malanta ang petchay hahaha (behave pala ako ngayon)

    Tuloy tuloy mo lang yan para healthy tayo... maganda sa health ang pag gygym... kahit di gaanong sexy okay naman... ang mahalaga ang health hehehe

    at sana matupad mo din ang ibang goals mo ^_^

    ReplyDelete
  4. I wish keri ko rin ang mag-gym, pero dahil tamad-tamaran ako, keber sa mabilog ko ring mukha..hehe! ;)

    thank you pala sa pic greet na nakita ko sa blog ni Anthony, happy new year din sa 'yo, God bless!

    ReplyDelete
  5. Wow..parang inmate lang tayo sa City Jail sa orange look natin... hihihi...

    I love the smile ha...parang automatic sa lahat ng pix...

    ReplyDelete
  6. bakit ganon.. bakit ngayon ko lang naexperience ang blog na toh?! lol.

    dabest talaga ang energy mo! at tulad ng pagsama mo sakin sa mga updates ko and everrryyytthiiinggg.. sasamahan din kita dito at maghihintay ng updates from you dito sa tatahakin mo. go go go!

    ReplyDelete
  7. Hahahaha! Special mention talaga si empi!


    Sige na nga, mag gym ka na. At ako'y mag da diet na rin. LOL

    ReplyDelete
  8. san napunta ang comment ko? waaaahh

    ReplyDelete
  9. wooooiiiiiiii ano yan? wholesome ako ha.... nyahahaha ano bayang pechay na yan? wala akong alam dyan.... who u???? hihihi

    ReplyDelete
  10. Good luck sa goal mo this year! Kaya mo yan teh.

    ReplyDelete
  11. Nabasa ko minsan, every january punong puno daw ang mga gym. Nagsisiksikan ang mga tao, then after 2 to 3 weeks, nag-eevaporate na sila.. kaya yan ang challenge ko sa iyo. (Chinallenge pa eh no) at least maka-isang buwan man lang, i think malaking improvement na iyon. Hehe.. anyway, anu't-ano man, just be "YOU" and be HAPPY : )

    ReplyDelete
  12. kasama mo ko sa goal mong yan!
    grabe din tinaba ko naun
    i mean layo sa dati
    need ko din mg gym as soon as possible haha

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...