Ang dami kong namiss sa life ko!
It was Tuesday dumating ang pinadala na painting ni Jessica, (hongsweet ni jessica) Wednesday ko na nadala dahil sa lagnat kong yon, hindi ako nakapagwork. Tambay higa pahinga sa bahay para hindi mag-50/50 ang buhay. I am grateful that despite sa busy kong life, I still have friends I know pag-uwi ko na dyan lang sila behind the monitor lol cover lang? hindi ko pa man nakitang personal ang mga taong mahilig tumambay sa social network sites, parang ang tagal ko na rin silang kilala, paano nababasa ang kanilang kwento sa kanilang sariling blogsite, oh diba, always part tayo sa buhay ng isang tao kapag nagbasa tayo sa kanilang buhay. Echos!
Dahil labadami labango ako kaniinang umaga, ngayon lang ako makapag-update at ma-ipost itong painting na pinadala ni Jessica. Super touch ako dahil pinaghirapan niya gumawa nito kahit sa mga pinagdadaanan niya sa buhay and as I have promised I’ll give my personal interpretation sa drawing niya. This is just only based sa common theory at experience ko in regards to social psych rin, (nababasa at na-aapply slight)
Madalas sinasabi ng iba na theory lang ang pag-interpret ng mga bagay2x lalo na kapag sa guhit at sa painting pero lalabas ba ang theory kung wala silang pinagkukunan nito? Depende siguro. Sa isang institution ng mga bata, pag-guhit ang madalas na ginagawang activity sa kanila para maintindihan sila especially yong mga bata na hindi nagsasalita, nagddrawing, nagkukulay at base sa output nila, doon babasahin kung ano ang gusto nilang ipahiwatig.
Totoo yon kasi may isang bata nga na ayaw magsalita, laging tulala pero kapag binigyan mo ito ng papel, Crayola at lapis nagreresponse siya at alam niyo ano ang ginuhit ng bata? Isang bata at may isang malaking lalaki na may balbas, malapit lang ang isang bata at ang lalaki at doon nalaman ano ang nangyari sa kanya dahil may nakalagay na maliit lang na line doon banda sa ari ng lalaki, meaning ginalaw ang batang ito. Nag-in depth investigation at doon nga naconfirm na may nangyari ngang hindi Maganda.
Ito naman kay Jessica na painting, a combination of yellow, red, black and orange, napaka intense ng energy niya, madami siyang iniisip siguro sa mga panahon na ginawa niya itong painting, minsan kasi hindi natin napapansin pero subconscious natin ang nagtutulak gawin ang isang bagay. Ang kapal ng pagkapinta ni Jessica sa black at red orange, parang ang init ng dating sa akin, may gusto siyang gawin or kunin pero hindi niya ito alam papano, saan magsisimula at paano magsisimula, gustong mapag-isa malayo sa madaming tao, ang isang tree, ito ay pwedi nating maging comfort kapag tayo ay nalulungkot, ang hangin na binibigay ng puno ay parang nakakarelax ito, nakakaalis ng stress at nakakatulong ito linawin ang ating isip especially kapag may mga decision tayo sa buhay ng kailangan natin panindigan, kaso ang tree ni Jessica ay maitim, isa lang ang nasa isip ko, naghahanap siya ng matatakbuhan.
Black- gustong mapag isa, sa isang kwarto kapag kulay itim lumiliit ito, kahit gano kalaki ang kwarto. May pagkamysteryosa itong Jessica hahaha she is conservative, sophisticated and she wants to find comfort. Melancholic ang kanyang approach sa painting.
Yellow – makulay ang buhay ni Jessica, yellow represents happiness, positive outlook sa buhay, nagbibigay siya ng liwanag sa ibang tao, nagiging strength siya sa iba kagaya yan ng isang sun nagbibigay liwanag sa atin. Definitely, creative si Jessica, gusto ng challenge na Gawain, and this yellow represents more of the brain rather than a heart.
Red – hyper si Jessica hahaha, confident definitely, strong at may pinaglalaban talaga puno ng pagmamahal ang batang ito at gustong magbigay ng pagmamahal sa ibang tao lalo na doon sa walang wala.
To combine them all, super intense talaga ang painting, high ang energy level, ang lalim, may pinaghuhugotan, may pinagdadaanan, may gustong sabihin at kumukulo na ito sa kanyang isipan hindi na mahintay na ipahiwatig. lol hehehe
Ang subconscious pala natin ang pinakamadaling example na kaya kong ibigay ay itong mga lalaking nambubugbog ng asawa, oo diba nageexist pa yan sila, kung tatanonin sila kung ang tatay ba nila ay binubugbog ang kanilang nanay, 7 out 10, oo ang sagot. Kahit hindi nila gusto gawin ang bagay na yan pero yan ang kinalakihan nila, lalabas at lalabas talaga yan. Nasa likod ng isip nila at nakikita nila yon habang sila ay lumalaki na normal lang ang pangbubogbog kaya ito ay ginagawa nila din sa kanilang mga asawa. Kung ang babae na nambubogbog ng lalaki, well baka may dahilan yan kung bakit!! Hahahaha jowk! Hehe
Maraming thank you kay jessica for sending this painting with message sa likod, ipapaframe ko ito. hehehe ito ang unang painting nareceived ko sa isang kaibigan na natagpuan sa social network sites hehehehe ito ay gawin kong inspirasyon para mas lalo ko pang pangarapin ang maging doctor sa pagtulong intindihin ang sarili (para naman as if naintindihan ko ang aking sarili! bwahahaha). char!! echos!! at patuloy pa rin ang aking supporta sa passion mo at walang duda na naniniwala ako sa iyong kakayahan na malayo ang mararating mo jes!!! thanks ng marami ulit. muah!
Syah, ito na muna ngayon kasi maglilinis ulit na ako. Lol