Thursday, January 3, 2013

Reality 2: Ito ang daan mo… dito ka dumaan

Had a meeting today with my colleagues and it made me realize that finally, this is the road I want to take in my life, to be a registered social worker, consul, diplomat or an ambassador lol (abot langit ang ambition ko! Haha). I have been searching for answers to many questions for quite a long time, I’ve been through a lot of trials, I have been confused, bothered, even depressed once and I stood up. Though I know I wouldn’t make it without the guidance of my mother, she is not with us anymore but I could still feel her presence even in small things. Ito ang reality ng buhay namin minsan... unahin ko muna sa kapatid ko…

I just remembered something… ito na nga iyon.

My sister just got a new job and the same Ito ang kwento bago ang lahat…

Unang take ng kapatid ko sa board exam… she didn’t make it, lumbas yong result, nasa hospital pa yong mama ko and siyempre hindi nagsabi si kapatid dahil nahiya, nalaman ko sa kaopisina ko lang and I told my sister about it, and sabi niya “grabi si lord, bumagsak ako, nasa hospital si mommy” my mom told her “okay lang yan, pwedi pang umulit” but my sister sobrang na-depressed, ayaw na magtake, hirap din kami sa pera that time dahil naubos sa hospital, madaming utang, lahat na, parang pasan namin ang mundo.

When she decided to take a review again… ito ang kwento.

Walang wala kami at that time, halos hindi ma-enrol ang kapatid ko sa review na yon pero biglang may dumating at nakapag-enrol siya ng last minute. i have seen her commitment and dedication sa pag-aaral, sobrang determined.

Before taking the exam…

(ang kwentong ito ay saka lang niya sinabi lahat ng lumabas na ang resulta dahil ayaw daw niyang mag-assume sa ano man ang nakikita, nararamdaman niya sa mga panahong iyon)

My sister is prayerful, ako hindi lol (ganyan! Haha) she prayed to st. therese, may novena pa siya at kung ano-ano pa. before taking the exam, while going to the exam center, she saw petals of roses na siya mismo hindi rin daw niya alam saan galing. And she said, “if it’s you st. therese pls give me a sign” along the way na nasa jeep siya, may sumakay na pasahero may dalang mga red roses. Convinced na daw siya doon…

Pero… sa exam center na mismo…

She said silently (sa lola at lolo kong namatay na rin, malakas ang paniniwala ni sister sa mga kaluluwa lol) habang nagsisimula na siyang sumagot sa mga tanong  “nay and tay, pls show me a sign na binabantayan niyo ako” at bigla daw may mga group of ibons na umikot ikot malapit sa window niya at nagform ng circle at humangin then nawala.

After the exam… bumalik siya sa doon sa church na minsan niyang pinuntahan kung saan siya humingi ng gabay to pass her licensure exam, sa church na iyon may mga parang monks ba tawag doon, hindi ako sure pero basta may power2x ata yong mga yon sa pagkaintindi ko lol (hindi daw sila priest eh) yong monk na iyon, biglang may kinuhang papel sa isang box at he said “whoever owns this, will surely pass the exam” and he added na “madaming pumupunta dito to ask for help para pumasa ng exam pero wala ng bumabalik except the owner of this paper” ang sabi ni sister silently while the monk was holding her paper, “my god, akin ang papel na yan but ayoko mag-assume muna I will just wait for the result!”

On the second hand… may iba naman siyang pinuntahan (sabi ko sa inyo si kapatid kung makapagdasal to the highest ninth power talaga)

May pinuntahang tao si kapatid, yong may ESP naman, si st. Michael naman iyon. Sabi nong taong yon dahil close na close sila ng mama ko. Sabi ni sister “sana I can pass this time kasi walang wala na kami, halos nawala na sa amin lahat” sabi nong tao na close ng nanay ko “don’t worry, I promise you, I will give your mom a gift on her birthday! And yes, you will pass the exam!” so si kapatid, she left daw na magaan ang pakiramdam pero sabi niya sa amin hindi lang daw yon ang basehan dahil kailangan rin daw niya mag-aral. So tapos na ang kwento diyan.

Maniwala kayo or hindi yong expected result ng board exam eh hindi doon lumabas ang result instead lumabas siya sa ibang araw, sa kaarawan pa ng mama ko. I remember that day, when I scanned it dahil nagkagulo na ang lahat sa fb that time, I searched it, at nakita ko nga ang pangalan ng kapatid ko, I shouted like crazy because birthday din kasi ng mama ko yon, that was really the best gift na binigay sa kanya, totoo nga sabi nong close friend niyang may esp dahil may gift nga siya.

The other hand, gift pala iyon dahil yon na pala ang huling birthday ng mama ko, huling pagkakataon na masabi niyang, hindi pala niya pasan ang mundo, mom had the last pictures sa  mga kapatid niya at that was really the last. Mom prayed for it na sana daw hindi na siya tatanda pa dahil defensive si mommy ayaw kasi daw niyang one day nasa wheelchair na siya, ipapasyal sa mall, iba ang pananaw ng mama ko dahil social worker siya kaya alam niya saan mapupunta ang buhay niya, naiintindihan niya kung ano ang mangyayari kaya ako ngayon, the same path ang tatahakin ko, ito ang daan na binigay sa akin, ito na ang aking lalakbayin. Kaya siguro sabi ko, kapag inisip mo, ginusto mo and you prayed for it, it will happen because it really happened to my mom and sa akin ngayon, this is really now my reality and I have to live with it.

itutuloy next time... haba na! lol 

 

57 comments:

  1. Natitigilan ako habang binabasa ko ito.... para akong maiiyak.... na touch ang puso ko...

    Bilib ako sa kapatid mo.... hindi siya sumuko.... at kumapit siya kay God...

    Naalala ko tuloy nung Highschool ako.... kapag may exam... todo dasal ako sa chapel... at ang sabi ng lola ko... bago ako lumabas ng pinto ng bahay dapat ibulong ko na kay God ang prayer ko...

    Un nakakapasa ako sa exam hehehe

    Napapahanga ako sa post na ito... at nalulungkot sa mother mo.... pero alam ko masaya siya kasi nakapasa ang kapatid mo

    Nagustuhan ko ang naibahagi mo ngayon... aabangan ko next part nito

    Naniniwala ako sa mga pagkakataon... o mangyayari na may dahilan... hindi yan nagkataon lamang....

    ReplyDelete
    Replies
    1. in time kapag ready na ako maddisclose ko rin ang buhay ko at kung bakit ito ang daan na tinahak ko, lahat may mga dahilan, ngayon ko lang naintindihan, minsan ang hirap maintindihan kapag nasa situation ka pero kapag nalagpasan mo na, ayon pala! maraming nangyari sa buhay ko, namin na alam ko isang araw ma-impart ko sa ibang tao yan, ito ata talaga ang calling ko. madami pa yan, nasa 1 percent pa ang kwento ko na yan. hehehe salamat sa pagbasa jon!

      basta what i learned sa life, ano man ang nangyari sa atin ngayon, ito ay preparation sa darating na bukas.

      Delete
    2. tama yan.... at agree ako diyan... lahat naman may dahilan kung bagit nangyayari... at isa na roon na maging handa tayo para bukas...


      smile muna diyan....

      Delete
    3. nakasmile na nga ako sabay dilat pa ang mga mata ko eh hahaha

      Delete
    4. hehehe smile smile lang.. paalala yan ng mental institute hehehe

      Delete
  2. About kaluluwa... naniniwala ako diyan... sabi nga pag may namatay sa pamilya... binabantayan ka nila... mag pray ka rin sa kanila... kausapin mo... at tutulungan ka rin nila....

    Ang mahalaga mula sa puso mo itong gagawin...

    ReplyDelete
    Replies
    1. may kwento din ako dyan, hehe ikukuwento ko separately kasi mahabang usapan ang buhay namin hahaha my mom always said nong buhay pa na, ang mga kaluluwa sila ang secret helper natin kaya ngayon siya na ang kaluluwa i know mas malakas ang power ni mader tumulong hehehe malungkot lang kasi hindi namin nakikita pero nararamdaman namin sa mga bagay na gusto namin ng guide galing sa kanya. parang alam ko na ilang taon ka dahil naniniwala ka sa mga ganon hehehehe #tradisyonal

      Delete
    2. hehehe naniniwala talaga ako diyan... minsan nga pinapalad ung isang pamilya na may namatayan... like baby o mga lola.... kasi tinutulungan sila ng kaluluwa...

      seryosong usapan ba to... naninibago ako hehehe.....

      Delete
    3. ganon ba yon? ang alam ko lang kasi kapag may nawala sa pamilya may papalit? sa amin wala haha kasi dalawa lang kaming magkakapatid wala pa kaming asawa lol kaya walang kapalit na apo si mader hehehe

      seryosong seryoso nga kape naman dyan lol

      Delete
  3. Okay lang na mahaba, it worth the read. I can actually retype it again (summarized nga lang) without looking back at your post. HAHAH! MAYABANG PALA? Jowk lang yan!

    Pero totoo, nakakakilabot ang post na to in a good way. Lalo na yung para sa result ng exam ng kapatid mong madasalin, tapos sumaktong on the day of your mom's birthday pa! Diba! Pak na pak! Although, condolence lala.

    Sana matapos mo ang daang tatahakin mo :) Well anyways, it's not about the destination naman e, it's about the journey itself. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka its about the journey! siguro in time i am ready to disclose everything kung bakit ito na nga ang tinahak ko, may mga dahilan na alam ko pweding tama o mali nasa akin ang decision na yan. madaming nangyari sa buhay namin, kung gano ako katatag ngayon dahil ito sa mga pagkakataon and situation in our life na kung sa iba pa pwedi na talagang isumpa! isa sa best na nangyari is yon nga pumasa ang kapatid ko sa board exam and 3 years after pa niya narealize yon talaga ang calling niya. ikwento ko yan in a separate post kasi mahaba na lol

      Delete
    2. Ang baboy mo nagsasalita, yung kuneho ko antahimik! HAHAH!

      Delete
  4. "..ginusto mo and you prayed for it, it will happen.."

    Apir sa cutable kowt na 'to!

    At least bago siya umalis, nakapasa na yung kapatid mo. Masaya siyang umalis dito. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hinugot sa aking bituka ang parting words lol oo nga ganda nga gift na yon , sadyang mangyari talaga.

      Delete
  5. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
    Replies
    1. at may burahang nagaganap din dito hehehehe --- peace ^__^ smile muna diyan...

      Delete
    2. oo nagkamali lang ako ng pindot kanina haha lol

      Delete
  6. hhaaaaayyy... naiyak ako sa first part saying that your sister didn't make it...

    Nakaka-touch ito... Kaka-relate ang mga gipit moments pero aminin mo, mas lalo tayong nagiging matibay because of those trials...

    At least naging magaan sa mommy mo ang lahat kasi your sister passed na sa board even before her passing...

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo super gipit na ang hirap kasi hindi kami sanay in those times kaya mas lalong mahirap para sa amin. makwento ko rin yan in a separate post kasi haba na dito lol i know mom was really happy at that time ng pumasa ang sister ko pero parang may kulang pa rin. saka ko na ikwento kapag handa na ako hehehe ganyan!

      Delete
    2. ramdam ko din yan.. minsan mapaglaro ang sitwasyon... un bang sunod sunod na trials... hirap... pero ang mahalaga... nalalampasan natin...

      naniniwala ako na magiging okay ang lahat....

      Delete
    3. naging ok nga ang lahat pero may kulang na rin kahit ano pang gawin namin kasi hindi talaga napapalitan ng pera ang buhay ng isang tao. true yan (kape)

      Delete
  7. Hindi rin ako sobrang faithful, sapat lang. Stories like this inspires me to renew my faith. Nalungkot lang ako sa ending. Mama's boy kasi ako eh. Good Night Ate Lala..

    ReplyDelete
    Replies
    1. sapat lang din naman ang faith ko, hindi tulad sa sis ko na to the 9th power talaga hehehe kapag may ending sa buhay natin siguro naman may mga bagong panimula rin. kaya lets just live our life sa ano man ang dapat at pwedi lang.

      Delete
  8. im not sure kung si saint michael ang patron saint ng mga students, and malaking bagay talaga ang prayers at hardwork kung may gusto tayong ma-achieve. sa mama mo, im sure na nakatanaw siya sa inyo palagi para i-guide kayo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. dami namang saint siguro nagkataon lang talaga itong sisteraka ko eh mahillig sa mga ganon pero naniniwala ako dun sa taong may esp na yon dahil hindi lang yon ang tinulong niya sa amin madami pa. along our way sa buhay its still prayer ang kailangan natin. :)

      Delete
    2. naniniwala din ako sa ESP... dream ko noon na sana magkaroon ako....

      Ngayon ko lang napansin... bago pala ang pic ni Tonyo hehehe

      Delete
    3. ok lang yan parehas naman kayong gwapo kahit anong DP pa yan lol echos hehehe gift ang esp din sa tao, pero minsan parang prophet sila to spread the good words of god. ganyan! may ganyan talaga hehehe natawa ako sa comment kasi parang hindi lang ako lol

      Delete
  9. well ayun naprove ko na nang napakaraming beses yang power of prayer na yan,
    the best sandata mo ever! basta kakamangha miracle na maiiconsider nga ee
    well im sure maganda kahihitnatnan nito in jesus name amen

    ReplyDelete
    Replies
    1. pero tamang tama lang yong pagdadasal ko kasi ewan ko ba siguro nahiya lang ako kay lord kaya ganon hehehe amen MEcoy! lol

      Delete
  10. aww. ewan ko, biglang nalungkot ako. pero mas matimbang na naging mas pursigido ako pagkabasa nito. mamaya, mag-aaral na ko. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. dapat talaga mag-aral ng mabuti para may marating lol

      Delete
  11. Supet Bet naman ang story of Success and Achievement ng Sistereka mo Ms. Lala bet na bet talaga ang ganap pag Strong ang faith natin. Pero naantig ang heart ko sa ending ng story Ms. Lala I also lost my Dad Aug of last yr. mahirap, pero pag alam mong mas magiging magaan ang dalahin ng mga taong mahal mo sa buhay parang ok na lang din. Keep the faith.. na inspire ako ng bongga!

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo letting go lalo na sa magulang mo ay ang isa sa pinakamahirap pero ang ginawa ko that time was para hindi na siya maghirap lalo dito sa mundo mas mabuti na yong umalis siya para makapagpahinga kaysa mabubuhay siya pero nakaratay. kapag nasa situation ka, mahirap pero kapag nalampasan mo na ang problema, nagiging lesson na yan at pwedi ng ibahagi sa ibang tao and one way or the other baka makakainspire kapa at makatulong. who knows hehehe

      Delete
  12. hindi ako huminga much habang binabasa ko tong post mo.. suspense ng slight eh. ganda ah.. pakisabi kay sister ipagdasal din ako.. di rin ako paladasal eh. tsk tsk..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha ginawang mongha si kapatid lol haha may kasunod pa yan hehehe part 2.. lol

      Delete
  13. What a nice story. Naiinggit lang ako kasi you were both able to make your parents proud and happy.

    Malaking achievement talaga ang matapos sa pag-aaral, isama mo pa ang pumasa sa board exam. Lagi ko nga sinasabi sa mga young people na di bale na ang mahirapan sa pag-aaral kaysa sa maghirap ka dahil walang pinag-aralan.

    Ang mahalaga talaga is that you never give up. Otherwise, lalong wala ka. Kahit bumagsak ka sa course mo, ok lang yun. That's not the end of it all. Ang hirap kasi na humarap sa tao na wala kang pinagaralan. I'm saying this dahil ganun ang nangyayari sa akin. Naka tatlong school, apat na beses nagpalit ng course, at maraming beses ako bumagsak. Napahiya nga ako minsan sa dati kong niligawan. Matalino siya, tapos ako, walang degree na maiharap. Masakit sakin yun. Naawa tuloy ako sa sarili ko. Pride ko lang din.

    Pero mas masakit sa akin yung fact na I was never able to make my parents happy or proud of me. Sometimes I feel that they've given up their dream of seeing me with that goddamn piece of paper called diploma (pakshet, yun lang naman ang kulang ko!). At masakit sa akin yon.

    naisip ko lang din kasi dahil nga sa story niyong magkapatid. Biruin mo, yung result ng board exam niya lumabas sa araw ng birthday ng mother niyo. I'm sure it's a great accomplishment yun ng isang magulang. Parang yung feeling na kumpleto na siya. Tapos ikaw, you're following her footsteps. That is a great honor for her.

    Hindi naman ako isang magulang (wala nga din akong syota eh) pero kapag naimagine ko ang sarili ko as a parent, I would be very happy kapag nakapagtapos ang limang anak ko (oo, nasa imagination ko din ang limang anak), tapos tatahakin nila ang career sa judiciary, or sa politics, or maging mga academician. Ang lakas mangarap no? Walang basagan ng trip! Pero my point is, if they pursue the things I liked and the things I'm passionate about, then it would be such a great honor for me.

    Sa kwentong ito, pinatotoo nito ang kasabihang nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. True indeed, man can make plans but the success of his plans is in the hands of the Almighty. Siguro dun din ako nagkukulang- ang paghingi ng awa ng Diyos. Pero lagi naman akong humihingi ng awa. Pakshet, kinasusuklaman ko nga ang paaralan eh, hindi pa ako humingi ng awa ng ganong lagay?! hahaha! Never akong nagtiwala sa mga patron saints. No offense ha.

    NEvermind my tragic rantings. Thanks for sharing the story.

    ReplyDelete
  14. hatawa naman ako sa sabi mong hindi pa ako humingi ng awa ng ganong lagay... lol alam mo madami kang makukuhang lesson sa akin, im just starting to disclose my life dito sa blogsphere, in time maiintindihan mo rin ang lahat ng nangyayari sa buhay mo. ganyan din ako tulad mo noon, bagsak ang mga pangarap mo akala mo ikaw lang ako din kaya, its a long road talaga para sa akin, dami pang bagay na ngayon ko lang slowly naiintindihan at natatanggap, mahirap siya in fairness ha pero kailangan kong gawin para maiayos ko ang buhay ko, sabi nga nila kung hindi mo maiyak pa lahat hindi pa yan maging okay, hindi pa kayang mag move on, siguro tama yan because ive done that but its never an assurance nga masabi ko ngayon after all what happened to our family eh okay na ako. it takes time and time will heal nga, tama! ganyan! hehehe

    naawa na rin ako sa sarili ko minsan pero sabi ko kailangan ko itong labanan kahit anong mangyari kailangan kong tumayo kasi wala ng tatayo para sa akin at wala ring makakatulong but yong sarili ko lang. kailangan mong magtapos, kailangan natin gawin yon hindi para sa ngayon pero sa bukas. pano ka makakapag-asawa ng maayos kung ang unang requirement ng mapapangasawa mo eh yong diploma at trabaho. o diba? mahirap na kasi siyempre ang mga magulang always wants for the best sa mga anak niya wala naman sigurong magulang gustong maging miserable ang kanyang anak diba kahit ikaw balang araw sa lima mong anak lol

    salamat sa comment, at least hindi lang pala ako nagiisa sa mga thoughts ko, pinagdaanan ko at higit sa lahat ang mga paniniwala despite of what i have been going through. may kasunod pa yan mamaya ko pa gawin hehehe haba na kasi ang storya hehehe

    ReplyDelete
  15. kinilabutan ako ng slight sa kuwento mo at teary eyed.. sa kahit anong bagay talaga big help ang prayers :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nangyayari talaga ang mga bagay na kahit ako hindi ko rin akalain na mangyari

      Delete
  16. good luck and ingat lagi patungkol sa work mo...

    ReplyDelete
  17. Dito talaga natin masasabing may himala at kapag malakas talaga ang faith mo sa itaas, walang imposible. Basta manalig ka lang sa kanya at Siya na ang bahala sa lahat.

    Very inspiring post, Lala. It surely touched my heart.

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes salamat. kahit ako hindi ako madasalin pero ito nangyayari kaya hindi ako bumitaw kahit ano pa ang pinagdadaanan ko sa buhay.

      Delete
  18. malapit na birthday mo ah, nakita ko sa countdown mo... Happy Birthday Lala.

    Maraming salamt at matiyaga ka sa pagdalaw dalaw sa blog ko. isang malaking karangalan sa akin na nakilala kita sa mundo ng blogosphere.

    .... ang ganda ng kwento ng kapatid mo, nakakainspired. kahit magkaiba tayo ng paniniwala hanga ako sa lakas ng faith nya.

    more power and God Bless

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nagcountdown ako nainggit ako sa countdown sa blog mo kaya pinindot ko sa site mo hahaha salamat dyan sa widget hehe

      oo may kasunod pang kwento yan pano nabago din ang lahat sa buhay niya at samin.. abangan malalaman din hehehe

      salamat ulit koyah

      Delete
  19. natawa naman akosa title ng commenters widget mo, as in pinakamadaldal talaga ah. hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo this year tingnan ko sino ang pinaka madaldal sa lahat at gaya sayo may award din lol

      Delete
    2. award ba kamo? ba'y dalas-dalas ko na kung ganun ang pagdadaldal dito .wahahha

      Delete
    3. At si Lala din mismo ang pinaka madaldal! HAHAH!

      Delete
    4. napansin ko nga yun kanina, pero ayun oh, binago na stting ng widget nya

      Delete
  20. Ang galing ng kapatid mo at napakadevoted nya. Maganda ang regalo nya sa bday ng mama mo. Nakakalungkot lang dahil iyun na pala ang last bday nya. :) asan na ang kasunod?

    ReplyDelete
  21. Pinakain ko ang alaga mong baboy ah. haha. nakakatuwa. Si Pao may ganyan din :)

    ReplyDelete
  22. anong daan ang tatahakin mo? sorry ha...bangag ako habang nagbabasa.

    saludo ako kay sister mo.mas powerful nga raw talaga ang prayers.

    ingat lala!

    ReplyDelete
  23. Thanks for sharing your story both the happy moments and the sad. I wish our lives will always be happy moments, pero di talaga ganon. Even Jesus had to suffer much for our sake. Anyway, there is always hope for those who put their trust in God.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...