Friday, January 4, 2013

Reality 3: ito na ang aking daan…pinagdadaanan


Lumiko ako minsan sa buhay ko, no worries hindi naman ako nag-drugs or nagbenta ng katawan. Lol umabot lang sa ponto na nagugulohan ako sa buhay ko, hindi ko alam ano ang gusto ko, sumabay pa ako sa problema ng mama ko at that time, I know I was selfish, immature and stupid.

Yong mama ko, was once a head sa isang government agency, my mom has also a strong personality, kung ano ako ngayon, yon talaga siya no more no less. Dahil sa strong personality na yan at sa pagiging committed sa trabaho, nakita niya ang kanyang mga staff na may corruption ng nagaganap, pinatawag, inayos. Tuloy ang buhay pero hindi na mauulit ang mga bagay na yong mga staff used to do, malaking pera yon, alam ko na ngayon kung bakit dahil gaya ng sabi ko tinahak ko rin ang profession niya.

Dahil sa galit at hiya nong mga staff na yon, nagkaron ng gulo, yong mga corrupt gumawa ng isang groupo para alisin ang mama ko sa position, may isang tao rin kasing gusto kunin ang position kaya gumawa ng mga eksena, naghanap ng butas. Ayaw ng mama ko ng gulo, nagresign kagad si mader, mga high school pa ako noon, mahirap kasi provided kami mula pagkabata hanggang lumaki until dumating ang problemang yan. Sumakay ang aming lawyer, binenta niya ang case namin sa kabila, umabot na nga kami ng supreme court eh. Alam niyo anong hirap dinaanan ko non, yong trauma na bawat mailman na dumarating sa bahay na nagdadala ng sulat galing sa mga court, nanginginig ako sa takot. That was ten years higit pa… walang kaluluwa ang mga taong gumawa non sa amin, kala mo sila lang ang kumakain.

Naging swerte si mommy right after that kasi tinanggap siya sa isang agency ulit where in yong mga pesteng corrupt na mga tao, dadaan sa kanyang mga kamay kasi hihingi ng tulong, nasa regional agency naman siya that time. Nakita ko ang hirap ng mama ko, yong iyak araw-araw, yong sakripisyo namin, yong adjustment lahat na. sa araw-araw ng buhay ko that time sabi ko hanggang kelan matatapos to, pano ako makakaganti. Hindi nacontento ang mga taong yon, naghanap ulit ng butas, nangyari na nga kinakatakotan namin. She left the service without nothing sa kamay niya after almost 36 years of service sa government. mga panahong yon, wala akong magawa, hindi ako makagalaw kasi kahit ako may issue rin sa sarili ko, gulong gulo ako. Napasok ako sa isang government agency at believe it or not, it’s the same agency  saan ang mama ko nagttrabaho pero hindi sa city, sa isang province naman but kapag may regional meetings, nagaabot ang mga tao sa municipality, city at province.

dito nagsimula ang lahat, i was so bitter din kahit noon pa man. hindi ko alam kung dahan-dahan ba akong nakamove-on sa pinagdaanan ko kasi looking back, i was really angry until slowly huminahon ako... 


Si mommy noon pa man gusto niya akong mag-aral na ng social work, pero hindi ako handa sa mga panahong yon, hindi ko pa alam ano ang para sa akin at gulong gulo pa rin ako. Araw-araw, lagi niya sinasabi “alam ko  nasa isip mo, hinding hindi mo magawa ang gusto mo kapag hindi ka mag-aral ng social work” tahimik ako palagi kapag ang mama ko na nagsasalita. The painful there was before she died, siguro months, she said “be a social worker para isang araw, you will tell those people right in front of their face na anak ako ni… and what now?!” lagi na niya yon sinasabi even before then pero that year, months before she died I already decided na mag-aaral na ako ng social work, magsstart na ako ng summer.  

It was really painful when the last memory na lagi kong maalala is yong sinabi niyang balikan ko yong mga taong umapi sa kanya, sa amin. Paulit ulit nasa utak ko yan hanggang ngayon.

Gusto ng mama ko na Makita ako ng mga taong umapi sa amin na may natira pa rin sa pamilya namin, na ako daw ang tatayo para sa kanya, ako ang tatapos sa laban na binitiwan niya minsan. Sobrang bigat yan at pilit ko mang burahin sa utak ko, napapaniginipan ko ang mama ko, alam ko hindi pa siya tahimik until I will get that license. (may board exam kasi ang social work)

Kaya habang nag-aaral ako ngayon, lagi kong dinidream at hinihingi na sana mag-top ako sa board exam (ambisyosa ako ano pero kailangan kong gawin to) kasi ito lang ang alam kong pwedi masabi ng lahat na ang anak ni… sumunod din sa yapak ng mama niya. May legacy na naiwan ang mama ko dito at yan ang pressure sakin ngayon. Todo kayod ako sa pag-aaral na hindi ko naman ginagawa noon, ayoko nga magbasa ng libro noon, maganda pa ang books noon kasi hard bound, may pictures, glossy pa pero  ngayon kahit photocopy lang kasi wala kaming libro sa social work talaga, pinagttyagaan kong basahin para isang araw pagdating ng board exam, maabot ko ang gusto ko at mabandera ang mukha ko sa harap ng opisina nong mga taong pesteh! (oo, paglabas kasi nila sa opisina eh paaralan ko na, kapag may pumasa sa course namin, ang laki ng tarp nakalagay kasi kami lang din ang nag-offer ng social work dito sa city namin.)

At ang masakit pa, isa sa mga anak nong taong umapi sa amin, eh classmate ko. Araw-araw lagi ko naalala yong iyak ng mama ko, hirap at lahat. hindi ko man masabi sa kanya ng diretso kasi bangayan ng magulang yon eh wala siyang alam pero ang pinapakain ng magulang niya sa kanya ay yong pera nakaw sa gobyerno. Kaya slight nalang ang ginagawa ko, kapag nagrereport siya, bonggang bombah na questions ang tinitira ko yong the whole period hindi siya makaupo lol

Ang buhay ay iikot talaga parang earth nga lang kasi isipin niyo kapag makuha ko yong license, isang araw malaking chance na magkakaharap kami dahil parehas na kami ng profession. Siguro sa panahong yan, matatahimik na rin ang mama ko, kasi hanggang ngayon alam ko, hindi pa niya natapos ang mission niya dito sa mundo. In fact when she died, nagparamdam siya sa close friend nya, nagusap sila sa panaginip, umiiyak ang mama ko, ang sabi niya ayoko pang mamatay kasi may gagawin pa ako pero ang katawan ko bumigay na. it crashed me kasi alam ko ano pa ang kulang at hanggang ngayon dala-dala ko yan, tawa lang ako ng tawa sa araw-araw sa mga comment na nakikita niyo pero deep inside me, ito ang reality ko sa buhay ko.



Itutuloy…





11 comments:

  1. ate mejo mahaba ito kelangan ko magstart mula first... :) bukas nalang ako magbabasa, hehe

    ReplyDelete
  2. naku pang telesereye daming nang api sa inyo
    pero hre comes lala bumabangon at dudurog sa kanila haha
    well naranasan ko yan at yan yung motivation ko naun
    mali na kun mali peo sa tingin ko effective naman hahah

    kaya mo yan best of luck sayo

    natawa ako sa ginawa mo sa anak nun kaaway ng parents mo haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang mga kontrabida sa buhay ay ang dahilan bakit nagiging strong tayo! hehehe

      oo i am so mean! noh? hahaha wala lang kasi kapag nainis ako minsan lalo na sa kaartehan ng babaeng yon paasa sa mga kaibigan kong lalaki kaya abah. everytime talaga may report, she wont get a sit until hindi matapos ang period. hahaha evil na evil lang

      Delete
  3. madam I feel the pain...

    at sa halip na magbigay tugon ako sa pahinang ito, mas nais kong mata sa mata kitang makausap tungkol sa iyong mga dalahing malalim na ang pinagugatan...

    ipagdarasal ko na lamang na sana ay mapasaiyo ang tunay na kahulugan ng kapanatagan...

    ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. nalunod naman ako niyan teh! ayos lang yan, kereng kereh ko pa ang buhay! hehehe kapag magbigti na ako sasabihin ko sayo! promise yan! haha joke.

      Delete
  4. I remember my childhood, different story from yours, daming umapi sa amin non dahil father ko was blind and deaf at mother ko ay ang nagwork ng mahihiarap na trabaho para mapakain kami, but it was not enough. so lumaki kami sa mga aunties who treated us like housemaids. And I hated those people who mistreated and abused me, but now I forgave them and as I looked back,nakita ko na nagdusa din sila sa mga ginawa nila. And now I am blessed.
    SO just trust God, be humble and let God fight for you.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kaya nagdadalawang isip din ako mami joy sa mga naiwan sakin, i know minsan dala ng galit yon or inis siguro in time. hindi naman sila directly nagkasala sakin pero ako ang bunga ng binigyan nila ng sama ng loob, madami akong narinig when i started to push social work na isang araw mababalikan ko na daw sila, wala na akong intention about that, ang gusto ko lang makita nila na may natira sa pamilya namin, na isang araw hindi nila gagawin sa akin ang ginawa nila sa mama ko.

      thanks mami joy.

      Delete
  5. Ang tao talaga, gagawin ang lahat mapabagsak ka lang, dahil sa inggit at suklap. same sentiment about that kasi nangyari din sakin iyon.

    ReplyDelete
  6. Sis ambisyoso rin akong tulad mo at maraming sama ng loob sa mga nang-api sa pamilya ko. Mama's boy ako kaya pag si mama din ang inapi ako talaga ang makakalaban nila. haha. Tapang ko daw. dyuk lang. Pero i learned to forgive yung mga taong nyun. At ipinasa Dyos ko nalang. Ang hirap din kasi nang ganung may bagages at parang nagiging galit ako sa mundo. Hindi ba mas maluwag sa dibdib yung wala kang iniisip araw2 na bigat sa loob at paghihiganti sa iba. Sinasabi ko to base sa karanasan ko lang. :) Alam ko mahirap. Pero nasa process. God bless :)

    Kudos kay mama sa kanyang mga mabuting gawa.

    Oy isa pala ako sa pinaka madaldal sa blog mo ah :P

    ReplyDelete
  7. mahaba haba pala itong daan na 'toh. i think as long as katabi mo si God, he'll keep leading you to the right path. seryoso much ang comment? hehe.

    astig pala si mudra eh!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...