Sunday, January 6, 2013

Reality 4: Sa araw na ito... mabubuo ang...

Ito ang naisip ko sa aking kaarawan, we have 4 quarters of the year, tama? Naisipan kong magbigay ng award or regalo sa top commentator sa blog ko. Hmmm… never ko pa itong ginawa, first time ko ito (kinakabahan jowk!) this is my way to say thank you to my readers, followers and friends. Naisipan ko lang dahil nainggit ako kay Lawrence na naman! Hahaha siguro dalawang top commentator ang bibigyan ko ng award at regalo with live interview? Lol hindi siguro depende sa aking idagdag, sa ano man ang maisipan ko in three months. Tagal! Haha

Pero totoo, ang dalawang top commentator ko ay may reward, award at regalo galing sakin every quarter. “daldalera at daldalero of the quarter” yan ang maging titolo ninyo. Hahaha

Ito ang araw na nabuo nga ang aking pangalan na redundant masyado pero naniniwala ako na ito ay swerte dahil bawat transaction, napapatigil dahil sa pangalan ko, at ito ay kailangan nila itanong ng paulit-ulit sa akin. Siguro ito talaga ang binigay ni lord para sakin para na rin ito sa kinabukasan ko. Ganyan! Hehehe

Ang nanay ko ay nakapag-asawa at the age of 29 years old, and ang tatay ko ay 22 lang that time, nagulat ako ng malaman ko ito dahil ang bata ng tatay ko, hindi naman siguro minolestya ng nanay ko ang tatay ko ano? Hahaha sila talaga ay nagmamahalan hanggang ngayon kahit wala na ang mama ko sa amin dahil nasa bahay na siya ni lord, ayaw na talaga mag-asawa ng tatay ko, ok! Buti yan! Hehe

Lumaki akong boyish dahil ang kasama ko sa bahay palagi noon ay ang tatay ko dahil wala pa siyang trabaho nong pinanganak ako ng nanay ko at the age of 32, oo 32 talaga, isang miracle baby pa ako sa lagay na iyan dahil kakaopera pa ng ovary ng nanay ko daw at sinabihan siya ng doctor na hindi na sila magkaka-anak ng tatay ko. Anak kaya nila ako?! Hahaha lol anak na anak talaga nila ako, ang mukha ko, ugali ko kanilang kanila lang hindi maitatanggi! Lol hindi naman ako tomboy, boyish lang talaga ako! May self-awareness naman ako kaya alam ko ang aking genderlow! Kereh lang yan! May matres pa naman ako yan ang siguro pero natatakot ako ng slight kasi parang natatanggal na ito dahil nagdagdag na naman ng taon sa edad ko! Hahaha

Gusto ko lang magpasalamat sa lahat ng readers ko, followers at kaibigan ko sa blogspero. (parang artista lang lol) salamat kasi hindi kayo nagsawang magbasa kahit alam kong nagsskip read ka rin, nagccomment palagi about sa huling paragraph kasi yon lang ang tanging binabasa hahaha kahit papano, malaking karangalan ang bisitahin ang aking blog sa bagohang katulad ko. Ito ang simula ng taon ng ating pagsasama bilang mga blogero, bago man o matanda na sa pagbblog, it doesn’t matter, as long as we are free to express our views, thoughts and opinions kereh lang yan. Alam ko maging busy ako this year din, but dahil sa inyong lahat, kayo ang aking inspirasyon para ipagpatuloy ano man ang aking nasimulan. (ganyan! parang ad lang)

Salamat sa inyo ng marami, sa inyong lahat, alam niyo na kung sino kayo. Happy birthday to me!! Hehe

P.S may mga greetings na ako galing sa fb, at salamat sa inyo, will make a separate post on that para special din. ganyan! echos! hehehe salamat sa mga bumati sa akin, nauna man or mahuli. kereh lang yan! you made my birthday a happy one talaga! thanks!! 




 

24 comments:

  1. dapat back to zero ang scores hehe. anhirap humabol. XD

    ReplyDelete
  2. musta ang bday selebrant hehehe ^^ abangan ko yang top commentators mo....

    sana matupad lahat ng wish ^^

    Party Party Na!

    ReplyDelete
  3. happy bday ate lala! :))

    sayang mukhang hindi ako mapapasam sa top commentators mu.. ngayon lang kasi ako nagkatime na magbasa-basa din sa ibang blog, ngayon kasi hindi na busy hehe..

    ReplyDelete
  4. haaay naku... i wont expect to win...enuf na yung board and lodging sa march...bwahahaha...
    huy d ako nag skip read sayo...wag ka nga.... napaiyak mo na nga ako dun sa reality 1 nung more more tampo kay God si sisterette o eh...

    dun ba yun? ah basta sa reality series mo yun...

    ang wish ko sa bday mo ay sana sa mga future posts mo ay bawas ang emo moments para mas ma explore namin lalo ang mundo mo...ok?

    ReplyDelete
  5. ayun..birthday naman pala.. yezzz.. makikibati ako ah.

    Happy na, Birthday pa! ayown! better late than later! haha! chaching! di rin ako ng skip read. minsan lang. lol. honesty is thr best policy!

    -chikletz (tamad mag sign-in)

    ReplyDelete
  6. Oh ha, 5:01 AM ang current time. adik much lang ahahaha!

    H A P P Y - B I R T H D A Y - L.A.L.A~

    Ganda ng background music ha, kulang na lang balloons at cake!

    You are like an angel because you’ve touched the life of every person you’ve met. You deserve the best and the most special of Birthdays so that you can touch the lives of a thousand more people. Happy Birthday!

    ReplyDelete
  7. Happy Birthday Ate Lala! Ako ang unang bumati sayo ah! :P

    Ang bata nga si tatay mo. Siguro ang magiging jowa mo ay bata rin. Ganyan! Gamitin ang technic ni Nanay.

    Ako ang top commentators mo. You mean magpapadala ka dito sa NC every quater. yey! Abangan ko yan. Thank u so much :P

    ReplyDelete
  8. Happy birthday ulit! Yan para madagdagan pa. lol

    ReplyDelete
  9. Ako paba ang mag-sskip read? lol Alam mo namang sinasummary ko ang mahabang post mo para comment ko nalang ang basahin ng mga readers mo. dyuk lang! whahahaha

    Happy birthday ulit! :)

    ReplyDelete
  10. HAHAHAH! sakto nung nag skip read ako, dun ako pumatak sa patama mo sa mga skip readers! Dyuk! HAHAH! Gusto mo itrype ko ulit yan? joke ulet!

    Ang nagulat ako sa tunug-tunugan mo dito sa blog mo! HAHAH! Kantahan ba ang sarili? Success!

    Yung baboy mo, katayin na natin at yun ang ihanda!

    Pipilitin kong makasama sa mga mabibigyan ng awards (hayok pala sa award?) HAHAH!


    Anuways, HAPPY BIRTHDAY Lalah! Lalala! :))

    ReplyDelete
  11. Hooy pareng Arvin ang daya mo. Dapat may rules na bawal mag flood at magpost ng tatlong sunod-sunod, dapat may gap ahahaha! daya much! :D

    ReplyDelete
  12. pano yung mga bago pa lang? hehehe.. happy birthdae saio..

    ReplyDelete
  13. Wala naman daw kasi sa edad kapag nagmamahalan. :D

    pa pizza naman dyan! LOL!

    Happy birthday! :D

    ReplyDelete
  14. Whaaa! naguilty ako sa pagskip read. kasi naman, mula monumento hanggang pasay rotonda lagi ang haba ng post mo. busy kasi ako lagi sa work. dami kelangan ayusin. opps, tama na muna paliwanag ha.

    ReplyDelete
  15. Pero etong post mo ngayon, binasa ko ng buo, pati mga daan-daang komento wala ako pinalampas.

    ReplyDelete
  16. binabaha ko na ng komento blog mo, hindi pa pala kita binati.

    Happy Birthday Lala.
    magpataba ka pa lalo ha.
    wag ka na magheels para hindi ka lumubog. iba pa rin naman talaga pag malusog db?
    yaan mo na lang si SOB sa kanyang oplan balik alindog

    ReplyDelete
  17. naluto mo ba yung molo? enge aman handa mo. wala ako makain dito sa bahay eh. lol

    ReplyDelete
  18. naluto mo ba yung molo? enge aman handa mo. wala ako makain dito sa bahay eh. lol

    ReplyDelete
  19. Ano yan sir Lawrence? HAHAHAH! Pampadami ng komentos? :) HAHAH! ^_^

    Eto ding sakin. AHAHAHAH!

    ReplyDelete
  20. wow miracle baby ka pla lala,
    well ayokong mag ate ok lang ba?
    haha at my award award pang magaganap aah,
    kakaexcite pero mukang hirap ng competition dito hahaha

    ReplyDelete
  21. Happy Bday ate shawie! hihi. 32 na din si mudak nung pinanganak nya ako. menopausal baby kaya ganito ako, abnormal? charot!

    ReplyDelete
  22. kakatuwa naman story ng mother and father mo. Buti na find out mo na anak ka nila. hi hi
    Me naman. nagbabasa ng whole post, pero dahil sa grandma na, pag tapos na mag basa halos nakalimutan na binasa. hi hi.
    anyway, good luck sa top commentators na mananalo. Di ba puede don na lang sa oldest commentator? Which mean me! dyuk
    I Love reading blogs, kahit isang mata na lang dahil antok na. nakakalimutan tuloy na gumawa ng sarili post. hi hi
    uwi na pati si grandpa, so dapat sya naman ang basahin ko:)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...