Showing posts with label Experience. Show all posts
Showing posts with label Experience. Show all posts

Monday, October 14, 2013

Court trial experience

I just don’t know how to start and end this. Just read at your own risk. Rooootttss!! Hahaha I feel so stressed, really. I mean just for today. I don’t understand what I feel when I entered the hall of justice of Malaybalay Bukidnon. One of our clients went on trial today and OMG! As in OMG! Kanina lang ulit ako kinabahan ng todo, yong kaba na halos matatae kana, hindi ka makakain or makakainom ng tubig at parang may hangin sa tyan mo na it’s definitely hindi ko madescribe yong feeling. 

Well para akong tanga when I entered the court room, huling huli kasi akong pumasok kaya wala akong maupoan sa likod so I have no choice but doon ako sa gitna and yong nasa gilid ko (right side) mga almost 10 detainees. So like okay, they are still human kahit they committed murder, sell drugs at yong rape na case. Hindi ko kilala yong perpetrator ng client, hindi ko rin namukhaan kasi it’s our first time to attend her court hearing kasi trial na nga. 

Nong tinawag na sya, pinapapasok yong client namin and mas doon ang kaba ko dahil when she entered the court room together with my co-interns, shets lang yong dalawang tao na nasa right ko as in the nearest two, yong isa don was the perpetrator. Paking tape diba! And like they were talking “ohh! (name inserted) and the other said that “siya si ____” oh the hell silang dalawa diba dahil same sila ng kaso kaya pinaguusapan nila ang mga kagaguhan nila futangs ina nila! Lol I am not mad really. Not really! Hahahaha

So now nong tinawag na ang name nong perpetrator syempre, dumaan yong perpetrator sa likod namin, so like the feeling was paking tape parang yong mga intestine at liver ko eh napunta na sa heart ko sa sobrang kaba ko for I don’t know the reason. Hahaha and nong natapos ng pumunta ang perpetrator sa harap, ulit bumalik sya at dumaan sa likod and guess what diba he tried to talk to our client like “ate, ate…” (yon tawag niya kasi eldest kasi yong client pero stepdaughter lang naman niya yong client namin) so now yong dalawa kong kasamang interns niyakap yong client namin and hindi pinatingin at I don’t know nagfefeeling bouncer lang ako naman hahaha hinarang ko sya and told him “NO” with the kamay action harang. Roooottts! Hahaha yon ang nangyari sa loob ng court.

Now sa labas ng court, humingi ng 5 minute recess yong fiscal (lawyer ng client namin) para kausapin yong client namin. (our client was known na for ilang attempts magtrial – laging umiiyak kasi sa sobrang kaba at natatakot siyang magkamali ng statement sa mga gulat factor ng defense lawyer) SO, yong lawyer pumunta sa labas and biglang nagalit at sinabihan yong client namin na “wag kang magddrama dyan, kung gusto mo ng justice” (sa isip ko – saksakin ko kaya to!) and hindi pa siya nakontento siguro sinabihan niya ako (kasi nakatayo pa ako sa harap ng client) “SINO NAMAN KAYO!?” (hahahaha pakyu!) then our center social worker sabi “they are social work interns” then she replied like “AWWW… because NAKAKA-INTIMIDATE KAYO!” (at saan banda?! Roootts) sabi nong kasama kong intern, baka kasi dahil sa nangyari sa loob ng court room na hinarang namin yong perpetrator hahaha futeks kasi kami lang nasa loob that time dahil yong social worker mismo kasi wanted us to learn and experience kung ano ang meron talaga sa loob.

All in all, they wanted to lower the sentence yon ang hiling nila, in fact nilapitan pa kami nong nanay ng perpetrator and again dahil epal ako, after a few minutes na pakiusap sa client namin inakbayan ko si nanay at told her na “ok na nay, you’ve heard the minor’s decision” (our client decided not to lower the sentence and she will continue the trial kasi andun na sya, madami na rin daw nangyari so ipagpapatuloy na niya, walang atrasan) pinaalis ko si nanay kasi ayoko na dagdagan yong hirap ng client namin, hindi madali yong pinagdadaanan niya talaga and I feel that. sobrang kaba ko na nga how much more sya, na sya yong magsasabi sa harap ng judge kung ano talaga ang nangyari.
Almost na sana yon na hindi nalang magttrrial kasi pumayag na kami sa offer ng kabila na 10 years to 17 years and 6 months to 6 years na sentence kasi dalawa yong case na-file against the perpetrator. 

Pero I think the judge mismo hindi pumayag so wala kaming nagawa but to present our client sa court, as in siya na magsalita sa harap ng kanyang perpetrator. Para akong nanood ng movie, para din naulit ang lahat ng nangyari sa bata na kung SANA IF PWEDE lang wag na sana pagusapan pa doon or ulitin kasi yong trauma uulit na naman. Pero kailangan gawin ng bata para matapos na ang sinimulan niya. Like we always told her “kailangan mong tumawid dito para sa future mo” matalino kasi yong client namin, interesado mag-aral at makikita mo sa kanya yong determination niyang gusto niya magcollege kaso hindi niya alam saan siya titira at sino magpapaaral sa kanya dahil wala na siyang uuwian. Yong mother niya hindi pumanig sa kanya even the relatives. 

Anyways, thankful lang talaga kami today na nasurpass ng client namin yon trial niya at natapos rin after ilang attempts. Hindi pa namin ano ang decision dahil I think kailangan pa ng proof pa. stressful talaga sya, swear hehehe while she’s on trial halos hindi kami makagalaw sa kaba, hawak kamay nalang kami ng mga co-interns ko just to stretch and gained strength sa isa’t isa. It took almost an hour na question and answer and ramdam namin talaga ang hirap ng bata at kahit yong mga pangyayari parang nauulit na naman pero like i told her again na “this is your turning point, and after this, everything will be in placed” kasi we all know talaga we have our own turning points, trials in life and because of that mas naging matatag tayo at handa harapin ano man ang darating.

SO.. everything happens for a reason. I thanked God for all the strength he gave us today, it is indeed a long day pero kahit papano na-relieve kami. And what we are facing this week is our end of practicum sa center. We will be assigned sa community na this 2nd semester. So again, goodluck to bags of luha. Hehehe 

Sunday, September 8, 2013

Telelalah Buhay Ngayon

Wrote originally September 7, 2013

Woooottt!!!!! Paaaamm!!! Param!!! Pam!!! Pam!!! (twerking twerking hahaha)

Hoommaaayyy!!! Gaaawwdd!!! I missssss this!!! Seriously!!! Hehehe

drum roll... labas dila... dilat mata... baaannngg!! baannngg!! baaam!!! hahaha

I just had a lot of things in mind for the last 3 months, it seems like binagsakan ako ng meteor na halos hindi na ako makabangon charrauuuggt tt lang!! hahaha

Ohh well, so much sa mga excuses.. tama na, I am guilty as charged na talagang nawalan ako ng panahon sa “telelalabells” namiss ko rin ang ingay ko sa blogsphere ano!! I just thought that kaya kong ipagsabay ang practicum at career ko sa blog kung meron mang ganon!!! Hahahaha wwoooo!!!! Paakk!!

Seryos.. seryos ako.. hahaha stress na stress ako kasi kaya I need to stay calm and breathe then boommm!!! Baaaakkkk barraaakkk ulet!! Hehehehe

Feeling ko lang biglang nagbagong buhay ako for a while hahaha chars lang!! oo nga! Hahaha I don’t know if you got to see one update sa facebook ko na nagretreat kami, as in RETREAT!!! Hahaha after 15 years, ito ulet ang retreat!! At seryoso talaga, mas na-absorb ko ang essence ng retreat pala!! Hahahaha well tama nga, sometimes in our life we need to DISCONNECT in order to RECONNECT. Hahaha seryosong seryoso ako eh ano! Hahaha ohhh well, there’s a lot more to tell.

Soooo.. ito na talaga ang dahilan sa stress ko everyday sa buhay ko mula nong nag-fefeeling super bagyo busy aketch!! Charreengg!! Hahaha

Well sa totoo lang, mas mahirap ang practicum life kaysa nong nag-wowork pa ako. Yes, indeed ang hirap dahil you have two responsibilities, sa school and sa center kung san ka nagppractice ng pinag-aaralan mo sa school. That’s it! and this is it really! Oo, I had so much fun, I had the best learning and experience and kahit tapos na ako sa oras ko but still I won’t stop until finals kasi ang habol ko is not the requirements, it’s not the hours I need but the lesson I will get from my experience.

Nong una, people would just hear , watch stories of a rape victim sa mga radio and tv, kahit ako I thought it’s all in the paper, and yes I admit na oo nag-eexist lang sila talaga, may mga laws tayo about don pero when I let myself go into their world, ang bigat! I have cases na ako mismo ang naghahandle and talagang draining especially when they started to disclose new informations, when they have their own tantrums, attitude problems in the center and so on.

The case I presented sa case conference namin, it was a case of a sibling abuse. Yes, magkapatid, it’s not a joke, it’s real, really. When I get the chance to visit their place, I think it’s 3 hours from the city, sumugal talaga ako whatever it takes, ang gusto ko lang is malaman san nag-ugat yong problema, bakit nagkaron ng pang-aabuso sa loob mismo ng bahay. Ang hirap intindihin ano? Pero totoo. Nong dumating kami sa bahay nila, ayyy ang ganda goodluck talaga kasi kulang nalang kumuha yong nanay niya ng itak at hahabolin kami sa galit niya. Hahahaha langheeyyaa talaga! Kakalokaah! Pero kahit papano successful naman yong home visit naming kahit yong experience namin eh parang hindi na kami makalabas sa lugar nila dahil sa galit ng pamilya niya kung baket yong anak niya eh kinuha ng government for custody and protection since the victim’s perpetrator eh still at large.

Ang super stress day ko is nito lang September 5, 2013 (Thursday), nong sabi ko sa araw eh nasa court hearing ako at sa hapon eh nasa hospital naman ako para sa medico legal ng victim survivor. It was supposed a trial na nong client ko sa araw na yan but yong lawyer eh lumapit sakin at ang sabi makikipag-usap siya about “plea bargaining” his client would like to pay the civil and moral damages plus probationary, meaning makakalabas yong perpetrator. And the lawyer added pa na, if you will agree now ma’am maybe you can sign the papers and boooomm!! Imbyernang imbyerna lang ako naman noh!! After niyang abusohin sexually yong bata, ganon at ganon nalang?!! Ang gwapo nila diba!! Hahaha so I told the lawyer immediately that we won’t agree for the plea bargaining so maybe we will go for a trial, just submit your written proposal so it will be formal chuuuccchuuu… ssooowwwss!!!

Hindi pa natapos ang stress ko sa court… hahaha

Around 2pm siguro we went now to the government hospital to finally na talaga as in final na talaga sana for medico legal sa new admission kong client. it was Monday this week lang na halos 3 hours kaming nagwrestling sa loob ng women’s desk kasi iyak sya ng iyak dahil ayaw niya magpamedico legal, if walang medico legal walang case ma-file and her perpetrator will not go to jail.

Nong Monday, hindi naman siya pinilit talaga for the reason of “the child’s right” hahaha hindi talaga pwedi pilitin, nangyaring umabot kami ng 3 hours dahil lahat na ng strategy ginawa na namin para lang pumayag siyang humiga at makunan ng medico legal, ang lagi lang niyang sabi while crying na “ayoko because ang dami ng doctor at nurses nakakakita and nakakahiya.” After that, lahat ng nurses at iba kong kasama lumabas, ako at siya at yong doctor nalang ang naiwan and yet, walang nangyari talaga dahil ayaw niya and that was 5:30 na ng hapon.

So ito na talaga ang totoong araw nan a-convince na sya for the medico legal. It took us for almost 2 hours again na kausapin siya while nasa bed na siya dahil yong doctor found something and biglang yong doctor eh tumawag ng ibang doctor for consultation, apat na doctor ang pumunta just to check and validate kung ano ang meron (tumatakbo na agad ang isip ko na kaya pala madaming doctor tumingin sa kanya nong first check up niya dahil sa nadiscover nila) sobrang sakit daw na hindi mahawakan or something, kahit ibuka pa ng ibuka sobrang sakit daw kaya ayaw niyang ipapagalaw. 

Although incomplete yong medico legal dahil half lang ang nakita ng doctor, may laceration, yes but kalahati lang talaga but it is useful na rin daw sa pagfi-file ng case kaya we stopped there, enough na yon dahil ayoko na dagdagan yong trauma ng bata. Kaya pala talaga ayaw niya nong first attempt namin magpapamedico legal for that reason na meron pa lang something na kailangan pang suriing mabuti.

Kaya kahapon pag-uwi ko sa bahay, ramdam na ramdam ko ang pagod at nakanga-ngang nakatulog ako sa sofa sa sala. Hahahahahaha ngayon nakakapagupdate ako dahil wala lang bigla ko lang talagang namiss ang buhay pagbblog. Hahahaha namiss kong magingay, namiss kong may kausap na ang paguusapan eh random hindi yong sa work ko ngayon. Stressful pero fulfilling naman talaga, ito kasi gusto ko kaya wala akong reklamo. I am happy and I want to share it to everybody this happiness. Ang saya kapag nakatulong ka lalo na sa mga batang tulad nila, pilit kong itago yong luha ko when they started to thanked you and hear them aloud praying for you.

Ang seryos ko eh. Hehehe wala lang. parang bigla akong nastress sa kwento ko hahaha

Pasensya na talaga sa tagal kong pananahimik hehehe at wag na kayong magtampo sakin alam mo na sino kayo wag na akong pilitin na ilagay ko pa dito hahahaha charraauugghhtt!!

Kumusta naman kayo? Kwentohan niyo rin ako. 


 

Monday, January 14, 2013

Reality 6: Heaven and Purgatory

I just remembered this story again from my office mates about dead people. (aga ng November ko lol)

Is there really heaven? May purgatory rin ba?

Isa lang to sa kwento ng mama ko rin, yong experience niyang kausapin ang kanyang client na humihingi ng tulong sa kanyang opisina…

She was dead na daw, in fact dinala na siya sa morgue dahil na-declare ng patay siya. Ang kwento may isang tao na pumasok sa morgue para buksan ang ilaw, may gumalaw daw at ang taong ito hindi naman natakot na puntahan at tinanggal ang nakatakip sa patay na tao, biglang sabi ng babae na “TUBIG!” uhaw na uhaw ako.

Ang sabi nitong babae, naglakad daw siya ng malayo, paikot-ikot. May nakita siyang liwanag na halos daw hindi niya matingnan dahil sa sobrang liwanag.

The only thing my mom asked her was “have you seen GOD?”


She said daw na “no, but I just heard him saying go back, you still have a mission”

itong pangalawang alam kong storya din galing sa ka-officemate ko…

yong nanay ng ka-officemate ko dati, namatay daw ng ilang oras…

sabi nong nanay, nakikita daw niya ang katawan niya na nakahiga, nasa hospital at kahit yong mga anak, umiiyak nakikita niya rin. Paikot-ikot lang daw siya sa hospital na hindi mapalagay. Tapos may tao daw na sumalubong sa kanya at ang sabi “handa ka na ba?”

tulad ng isang kwento, naglakad sila ng malayo, may hinahanap silang daan kung saan daw yon ang parang point of entry papunta sa kabilang buhay. Parang hindi pa rin daw siya mapalagay, biglang may liwanag at may nagsabi na “bumalik ka na, may kailangan ka pang ayosin”

bumalik siya at pagkagising niya, ang sabi “tubig! Tubig!”

ang layo siguro ng kanilang nilakbay dahil bawat pag-gising ng isang tao, tubig ang unang hinahanap.

Ito ang nagpatotoo sa lahat dahil patay na talaga siya. Yong asawa niya hindi pumayag na eembalsama dahil iba siguro ang kanilang paniniwala.

Dinala ang lalaking ito sa next city para dalawin ang simbahan ni st. Michael, dahil hindi kasya ang kabaong sa isang multicab (yong pinakamaliit) ang ginawa ni misis, pinahiga si mister sa upuan ng sasakyan at niyakap ito. Pagdating sa simbahan, nagdasal lang si misis kasama si mister at ang kanyang mga anak tapos umuwi na sila sa kanilang bahay (same city). Pinahiga si mister sa sala, may kandila sa gilid tapos mga ilang oras, biglang nagising si mister at ang sabi “penge ako ng tubig, ilang oras na ba ako nakatulog!” ganyan! kumusta naman kaya yon kung sakin nangyari yan, aatakihin ako sa puso!

Sa kompanya saan nagttrabaho si mister, alam ng lahat na patay na talaga siya at nong biglang bumalik sa trabaho si mister, lahat gulat na gulat kasi dumalaw pa sila sa burol tapos biglang nag-appear! Heller!

Si mister parang instant healer kagad dahil patay na biglang nabuhay, umaasa ang lahat na may powers na kagad si mister. Nakoh!

Para sakin, totoo na may purgatory at kahit heaven, sa paniniwala lang natin yan.

Minsan din kasi ang close friend ng mama ko, napanaginipan niya si mommy, ang tanong ng kanyang close friend “may pagkain ba kayo dyan? Ano ang buhay na meron dyan?” ang sagot ng aking mommy sa kanyang panaginip ay “oo, madaming pagkain dito, isang tree maraming fruits at peaceful din dito” ng malaman ko iyon isa lang ang nasa isip ko, yong sinasabi sa bible na “TREE OF LIFE!”

God exists in many ways…




Saturday, January 12, 2013

Reality 5: Na-Interbyu ko si KRAS after 17 yrs. part 1.

Gusto ko lang paglaruan ang pic nito,
yan ang wala sa sariling pose ni kras.
nagpaalam naman akong magnakaw ng pic niya lol
Sino naka-alala ng first crush nong high school? May maganda ako experience dyan, nga-nga lang talaga ako noon! But it’s one of the best experienced I had, na-enjoy ko ang aking high school! Hahaha

At after 17 years ata, nakausap ko siya ngayon na walang kaba, hindi ako nanlalamig at natatanga ulit! Hahaha amfutek lang!! kumusta naman kaya yong mga panahon na ang nga-nga ako! Hindi ako makalapit kasi it feels so cold, hindi ko magalaw ang aking mga paa! Halah noh natatawa ako if I remember those days.

1st year high school (new school)

I saw him na parang nag-slow motion ang mundo! Parang siya lang ang tao sa oras na yon, (naghahalucinate yata ako that moment?) oo, parang Daniel at katherina lang na nagtatakbohan sa bundok at ikot ng ikot ang camera hahaha tang-inah! Hindi ko alam! Pero in fairness ang gwapo naman niya, noon at hanggang ngayon kahit anong taba at belbel meron sa kanyang katawan ngayon, balbas na parang ermetanyo at higit sa lahat hindi niya alam ang salitang ligo kapag nakaharap sa camera pero parang hindi mawala ang lentek na kras-kras na yan! Bwahahaha

Naisipan kong interbyuhin si kras para ipost dito sa blog, natuwa lang ako sa idea na dati, halos hindi ko kayang kausapin ang taong to, para kasing titigil na ang mundo kapag andyan na siya ang OA ko lang talaga! Hahaha pero ngayon prends na prends na kami sa fb, bihira lang talaga magkausap pero earlier lang, ito nga nakausap ko at doon ko nalaman kung sino talaga siya!

Its so nice knowing him na iba pala ang akala ko dati kasi he is more than what I thought of, alam ko na yang sense of humor niya even before pero ang nakakagulat, ang totoo sa likod ng mga ngiti at halak-hak niya. (gumaganyan ang statement ko haha) masayang kausap, or I just find it masaya kasi kras ko siya? Halah! Hahaha hindi naman, sa edad kong to, hindi ko na ma-spell ang kras! Hahaha

This person helped me in some way to prove ang aking pagkababae! May ganyan! jowk! I mean, dahil nga boyish ako akala ng lahat natuloyan na ako naging bakla. Lol pero hindi, sa kanya nagsimula ang lahat ng gusto ko sa isang lalaki. Echos lang!! ideal man nga sabi ng kaibigan ko, pero hindi naman siguro kasi payat naman naging ex ko. Hahaha

Alam niyang kras na kras ko siya, hindi naman ako nahiya sabihin sa kanya din yan! Hahahaha kapal ko! Oo kasi naniniwala akong short lang ang ating buhay kaya mainam ng sabihin ang lahat para magaan ang pakiramdam at ma-enjoy ko naman ang aking buhay.

Isa lang ang masabi ko, hindi pa ito closing ng kwento nato dahil may kasunod pang kwento sa aking paglalakbay papunta kay kras. Ito ang totoo, iba ang kras sa taong mahal mo, or iniibig mo dahil ang kras sabi ng iba ang nagbibigay ng inspirasyon sayo, nagpapakintab ng ngipin, ngiti at mata sa araw-araw, ang iniibig ay ang taong dahilan kung bakit gusto mong gumising sa umaga. Ganyan! kumusta naman kaya kung isiksik ko ang aking sarili sa taong gusto ko at hindi ka naman gusto, o diba! Kasi may mga bagay na hindi pinipilit, kailangan mag-antay sa tamang panahon at oras. Bitter? Hahaha lol


Abangan ang interbyu…


P.S.

aabangan ko rin ang pag-uwi ni kras para magpapicture at papa-atograph lol


 

Friday, January 4, 2013

Reality 2: Ito ang daan mo... dito ka dumaan part 2.


­­Hindi pa tapos ang kwento nong “ito ang daan mo, dito kadumaan” akala ng lahat happy ending dahil pumasa ang kapatid ko sa licensure exam, that was 3 years ago I think and madami ang nagbago pagkatapo doon. There are a lot of things in life na hindi talaga natin maintindihan or we just don’t want to understand it, you think?

Gaya ng sabi ko, after months pumasa ang kapatid ko, my mom was hospitalized, na-icu and she died after almost 7 days UNEXPECTEDLY. Oo, unexpected yon dahil sa unang pagkakataon na nagstay kami sa hospital dati for almost a month dahil that time nararamdaman kong nagpapaalam ang mama ko sa amin pero yong year 2011, biglaan at nag-expect kami na maayos dahil nasa best hospital siya namin nilagay. Pero bigo kami. Ito ang kwento…

Si sisteraka alam ng madla na ang faith niya beyond sa isang normal na tao na madasalin, lahat ng galaw niya sa buhay ay hinihingi niya kay lord, decision man or may gusto siya. When my mom died, she asked a lot of questions, I wondered bakit nasa bahay lang siya lagi even Sundays. Araw-araw umiiyak. Affected ako pero pinilit kong hindi ipakita dahil kailangan ko maging strong para sa pamilya ko, galit  na galit siya sa akin dahil wala daw akong puso, pusong bato nga ang sinasabi niya sa mga relatives naming dahil para daw wala akong pakiramdam, hindi niya alam na affected ako pero hindi ko lang pinapakita para hindi siya lalong manghina, ako ang kamukha ng nanay ko, ako talaga ang replica ng nanay ko, sa galaw, salita, pananamit, pananaw sa buhay and lahat ng tao inisip hindi ako affected? Hindi lang ako showy those times.

After God answered my sister’s prayer na pumasa sa board exam, biglang tinapon niya ang pangarap na iyon na naging nurse siya, ayaw na niya kasi dahil daw sa trauma niya. Naintindihan naming siya kasi mahirap nga iyon, matagal na panahon na binalewala niya si god, nawala na ang faith niya, nagagalit siya sa diyos lagi niyang sinasabi na kapag may saya laging may kapalit, kapag pinagsabay ang diyos at hiling mo daw sa buhay, laging may mangyayari daw. Lagi pa niya akong pagbintangan na I don’t go to church, I don’t even know how to pray daw at malayo ako sa diyos, sa galit ko na talaga sabi ko sa kanya “ako? Oh! Where’s your faith now? after namatay si mommy, nakalimutan mo na ang lahat pero ako despite of not seeing me in church or even praying, I keep my faith, now tell me, saan pagiging faithful mo!?” lahat ng depensang rason binibigay niya pero ulit-ulit ko pa ring sinasabi sa kanya nasaan ang faith mo.

3 years since she passed her licensure exam including na ang mga panahon she spent with my mom at home, until my mom died she never goes to work, ayaw niyang mag-apply. Ayaw na talaga niyang magnurse. Hindi naman siya pinilit ng tatay ko dahil naintindihan din naman siya. After months na namatay ang mama ko, she tried na mag-apply pero hindi sa pagiging nurse, ibang field and in fact gusto na niyang mag-aral din ng social work kung saan ako na-enrol months after the death ng mommy ko. Gulong gulo pa rin si sisteraka kung ano-ano na ang naiisip. Kung ano ang maisipan yon ang ginagawa.

Siguro sa sobrang bored niya year 2012, mga September siguro she finally decided na mag-nurse siya, bumalik sa dating routine na nagsisimba, naniniwala kay God, and there boom! Ang daming doors na nag-open sa kanya.  At first sabi niya, baka ito nga talaga ang calling niya. Sabi ko, give a try, malay mo, you prayed for this na maging nurse ka and hindi mo iseserve so better serve your profession. Biglang timing nag-apply at natanggap sa isang gov’t hospital kung saan ang hirap pumasok doon.

Kwento ni sisteraka sa isang kaibigan niya “bakit ang hirap ng pinagdaanan ko, bakit ako pa!” sabi nong kaibigan niya “alam mo sobrang guided ka sa buhay mo!” tumahimik daw si sisteraka and sinabi sa sarili niya na “oo nga sobrang guided ako mula pa lang sa board exam dahil lahat ng binasa ko yon ang lumabas tapos ito sa exam para sa trabaho, lahat ng ni-review ko, yon ang lumabas!” kinuwento ni sister sa akin ang kanyang realization and ang sabi ko lang sa kanya “bakit kasi you need to take another road when the right road is already given to you”

And ang usapang yan napunta nga sa…

Siguro if hindi ako lumiko, hindi ko ma-appreciate ang isang trabaho bilang nurse, hindi ko mavalue ang profession dahil unang una, hindi ko naman gusto maging nurse pero baka ito nga ang calling ko dahil god knows I am sensitive and taking care of the patients with extra care will help ease the family na maging okay din ang kanilang pasyente because I know what it feels like to be nong nahospital si mommy.  It took me years before ma-realize siguro kasi para malaman ko paano ko e-value ang work ko na meron ako ngayon. Those times also, ang recovery period ko para kaya ko ng tingnan ang isang tao nan aka-intubate or nasa icu.

Wala akong masabi but, at least now you know… kasi kahit ako may issue din sa sarili na minsan din akong lumiko sa buhay ko at pilit ko rin itong inaayos ngayon. Ikwento ko nalang yan separately. Haba na rin ito. Lol

Ngayon masaya si sisteraka, kapag may patient siya na napapasaya  niya pati yong pamilya, nagtetext at sinasabi niya ang nagawa niya dahil nasa dugo na talaga namin ang pagiging social worker siguro, instinct na kasi sa kanya ang extra care, interview, interaction sa mga patient na hindi naman madalas ganon ang mga nurses, ang sabi ko lang lagi, para ka dyan talaga, wag ka ng lumiko pa! lol then I never failed to tell her also na, every time may patient ka, don’t forget to pray para sa kanya, yong hindi siya masaktan at mahirapan kasi alam natin yan na pinagdaanan din minsan ni mommy yan. at ang sabi niya, oo nga i know what it feels like. one thing true in our life, yong reality talaga is, naiintindihan mo ang ibang tao kapag parehas kayo ng daan na tinahak sa buhay. if your calling is to be an engineer, you will really reign on that field, or nurse, doctor kaya lawyer, kahit anong profession pa yan kapag para sayo yan, para talaga sayo yan, walang liko walang tambling! 

Itutuloy ulit… pangatlong kabanata..



Thursday, January 3, 2013

Reality 2: Ito ang daan mo… dito ka dumaan

Had a meeting today with my colleagues and it made me realize that finally, this is the road I want to take in my life, to be a registered social worker, consul, diplomat or an ambassador lol (abot langit ang ambition ko! Haha). I have been searching for answers to many questions for quite a long time, I’ve been through a lot of trials, I have been confused, bothered, even depressed once and I stood up. Though I know I wouldn’t make it without the guidance of my mother, she is not with us anymore but I could still feel her presence even in small things. Ito ang reality ng buhay namin minsan... unahin ko muna sa kapatid ko…

I just remembered something… ito na nga iyon.

My sister just got a new job and the same Ito ang kwento bago ang lahat…

Unang take ng kapatid ko sa board exam… she didn’t make it, lumbas yong result, nasa hospital pa yong mama ko and siyempre hindi nagsabi si kapatid dahil nahiya, nalaman ko sa kaopisina ko lang and I told my sister about it, and sabi niya “grabi si lord, bumagsak ako, nasa hospital si mommy” my mom told her “okay lang yan, pwedi pang umulit” but my sister sobrang na-depressed, ayaw na magtake, hirap din kami sa pera that time dahil naubos sa hospital, madaming utang, lahat na, parang pasan namin ang mundo.

When she decided to take a review again… ito ang kwento.

Walang wala kami at that time, halos hindi ma-enrol ang kapatid ko sa review na yon pero biglang may dumating at nakapag-enrol siya ng last minute. i have seen her commitment and dedication sa pag-aaral, sobrang determined.

Before taking the exam…

(ang kwentong ito ay saka lang niya sinabi lahat ng lumabas na ang resulta dahil ayaw daw niyang mag-assume sa ano man ang nakikita, nararamdaman niya sa mga panahong iyon)

My sister is prayerful, ako hindi lol (ganyan! Haha) she prayed to st. therese, may novena pa siya at kung ano-ano pa. before taking the exam, while going to the exam center, she saw petals of roses na siya mismo hindi rin daw niya alam saan galing. And she said, “if it’s you st. therese pls give me a sign” along the way na nasa jeep siya, may sumakay na pasahero may dalang mga red roses. Convinced na daw siya doon…

Pero… sa exam center na mismo…

She said silently (sa lola at lolo kong namatay na rin, malakas ang paniniwala ni sister sa mga kaluluwa lol) habang nagsisimula na siyang sumagot sa mga tanong  “nay and tay, pls show me a sign na binabantayan niyo ako” at bigla daw may mga group of ibons na umikot ikot malapit sa window niya at nagform ng circle at humangin then nawala.

After the exam… bumalik siya sa doon sa church na minsan niyang pinuntahan kung saan siya humingi ng gabay to pass her licensure exam, sa church na iyon may mga parang monks ba tawag doon, hindi ako sure pero basta may power2x ata yong mga yon sa pagkaintindi ko lol (hindi daw sila priest eh) yong monk na iyon, biglang may kinuhang papel sa isang box at he said “whoever owns this, will surely pass the exam” and he added na “madaming pumupunta dito to ask for help para pumasa ng exam pero wala ng bumabalik except the owner of this paper” ang sabi ni sister silently while the monk was holding her paper, “my god, akin ang papel na yan but ayoko mag-assume muna I will just wait for the result!”

On the second hand… may iba naman siyang pinuntahan (sabi ko sa inyo si kapatid kung makapagdasal to the highest ninth power talaga)

May pinuntahang tao si kapatid, yong may ESP naman, si st. Michael naman iyon. Sabi nong taong yon dahil close na close sila ng mama ko. Sabi ni sister “sana I can pass this time kasi walang wala na kami, halos nawala na sa amin lahat” sabi nong tao na close ng nanay ko “don’t worry, I promise you, I will give your mom a gift on her birthday! And yes, you will pass the exam!” so si kapatid, she left daw na magaan ang pakiramdam pero sabi niya sa amin hindi lang daw yon ang basehan dahil kailangan rin daw niya mag-aral. So tapos na ang kwento diyan.

Maniwala kayo or hindi yong expected result ng board exam eh hindi doon lumabas ang result instead lumabas siya sa ibang araw, sa kaarawan pa ng mama ko. I remember that day, when I scanned it dahil nagkagulo na ang lahat sa fb that time, I searched it, at nakita ko nga ang pangalan ng kapatid ko, I shouted like crazy because birthday din kasi ng mama ko yon, that was really the best gift na binigay sa kanya, totoo nga sabi nong close friend niyang may esp dahil may gift nga siya.

The other hand, gift pala iyon dahil yon na pala ang huling birthday ng mama ko, huling pagkakataon na masabi niyang, hindi pala niya pasan ang mundo, mom had the last pictures sa  mga kapatid niya at that was really the last. Mom prayed for it na sana daw hindi na siya tatanda pa dahil defensive si mommy ayaw kasi daw niyang one day nasa wheelchair na siya, ipapasyal sa mall, iba ang pananaw ng mama ko dahil social worker siya kaya alam niya saan mapupunta ang buhay niya, naiintindihan niya kung ano ang mangyayari kaya ako ngayon, the same path ang tatahakin ko, ito ang daan na binigay sa akin, ito na ang aking lalakbayin. Kaya siguro sabi ko, kapag inisip mo, ginusto mo and you prayed for it, it will happen because it really happened to my mom and sa akin ngayon, this is really now my reality and I have to live with it.

itutuloy next time... haba na! lol 

 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...