Sunday, September 8, 2013

Telelalah Buhay Ngayon

Wrote originally September 7, 2013

Woooottt!!!!! Paaaamm!!! Param!!! Pam!!! Pam!!! (twerking twerking hahaha)

Hoommaaayyy!!! Gaaawwdd!!! I missssss this!!! Seriously!!! Hehehe

drum roll... labas dila... dilat mata... baaannngg!! baannngg!! baaam!!! hahaha

I just had a lot of things in mind for the last 3 months, it seems like binagsakan ako ng meteor na halos hindi na ako makabangon charrauuuggt tt lang!! hahaha

Ohh well, so much sa mga excuses.. tama na, I am guilty as charged na talagang nawalan ako ng panahon sa “telelalabells” namiss ko rin ang ingay ko sa blogsphere ano!! I just thought that kaya kong ipagsabay ang practicum at career ko sa blog kung meron mang ganon!!! Hahahaha wwoooo!!!! Paakk!!

Seryos.. seryos ako.. hahaha stress na stress ako kasi kaya I need to stay calm and breathe then boommm!!! Baaaakkkk barraaakkk ulet!! Hehehehe

Feeling ko lang biglang nagbagong buhay ako for a while hahaha chars lang!! oo nga! Hahaha I don’t know if you got to see one update sa facebook ko na nagretreat kami, as in RETREAT!!! Hahaha after 15 years, ito ulet ang retreat!! At seryoso talaga, mas na-absorb ko ang essence ng retreat pala!! Hahahaha well tama nga, sometimes in our life we need to DISCONNECT in order to RECONNECT. Hahaha seryosong seryoso ako eh ano! Hahaha ohhh well, there’s a lot more to tell.

Soooo.. ito na talaga ang dahilan sa stress ko everyday sa buhay ko mula nong nag-fefeeling super bagyo busy aketch!! Charreengg!! Hahaha

Well sa totoo lang, mas mahirap ang practicum life kaysa nong nag-wowork pa ako. Yes, indeed ang hirap dahil you have two responsibilities, sa school and sa center kung san ka nagppractice ng pinag-aaralan mo sa school. That’s it! and this is it really! Oo, I had so much fun, I had the best learning and experience and kahit tapos na ako sa oras ko but still I won’t stop until finals kasi ang habol ko is not the requirements, it’s not the hours I need but the lesson I will get from my experience.

Nong una, people would just hear , watch stories of a rape victim sa mga radio and tv, kahit ako I thought it’s all in the paper, and yes I admit na oo nag-eexist lang sila talaga, may mga laws tayo about don pero when I let myself go into their world, ang bigat! I have cases na ako mismo ang naghahandle and talagang draining especially when they started to disclose new informations, when they have their own tantrums, attitude problems in the center and so on.

The case I presented sa case conference namin, it was a case of a sibling abuse. Yes, magkapatid, it’s not a joke, it’s real, really. When I get the chance to visit their place, I think it’s 3 hours from the city, sumugal talaga ako whatever it takes, ang gusto ko lang is malaman san nag-ugat yong problema, bakit nagkaron ng pang-aabuso sa loob mismo ng bahay. Ang hirap intindihin ano? Pero totoo. Nong dumating kami sa bahay nila, ayyy ang ganda goodluck talaga kasi kulang nalang kumuha yong nanay niya ng itak at hahabolin kami sa galit niya. Hahahaha langheeyyaa talaga! Kakalokaah! Pero kahit papano successful naman yong home visit naming kahit yong experience namin eh parang hindi na kami makalabas sa lugar nila dahil sa galit ng pamilya niya kung baket yong anak niya eh kinuha ng government for custody and protection since the victim’s perpetrator eh still at large.

Ang super stress day ko is nito lang September 5, 2013 (Thursday), nong sabi ko sa araw eh nasa court hearing ako at sa hapon eh nasa hospital naman ako para sa medico legal ng victim survivor. It was supposed a trial na nong client ko sa araw na yan but yong lawyer eh lumapit sakin at ang sabi makikipag-usap siya about “plea bargaining” his client would like to pay the civil and moral damages plus probationary, meaning makakalabas yong perpetrator. And the lawyer added pa na, if you will agree now ma’am maybe you can sign the papers and boooomm!! Imbyernang imbyerna lang ako naman noh!! After niyang abusohin sexually yong bata, ganon at ganon nalang?!! Ang gwapo nila diba!! Hahaha so I told the lawyer immediately that we won’t agree for the plea bargaining so maybe we will go for a trial, just submit your written proposal so it will be formal chuuuccchuuu… ssooowwwss!!!

Hindi pa natapos ang stress ko sa court… hahaha

Around 2pm siguro we went now to the government hospital to finally na talaga as in final na talaga sana for medico legal sa new admission kong client. it was Monday this week lang na halos 3 hours kaming nagwrestling sa loob ng women’s desk kasi iyak sya ng iyak dahil ayaw niya magpamedico legal, if walang medico legal walang case ma-file and her perpetrator will not go to jail.

Nong Monday, hindi naman siya pinilit talaga for the reason of “the child’s right” hahaha hindi talaga pwedi pilitin, nangyaring umabot kami ng 3 hours dahil lahat na ng strategy ginawa na namin para lang pumayag siyang humiga at makunan ng medico legal, ang lagi lang niyang sabi while crying na “ayoko because ang dami ng doctor at nurses nakakakita and nakakahiya.” After that, lahat ng nurses at iba kong kasama lumabas, ako at siya at yong doctor nalang ang naiwan and yet, walang nangyari talaga dahil ayaw niya and that was 5:30 na ng hapon.

So ito na talaga ang totoong araw nan a-convince na sya for the medico legal. It took us for almost 2 hours again na kausapin siya while nasa bed na siya dahil yong doctor found something and biglang yong doctor eh tumawag ng ibang doctor for consultation, apat na doctor ang pumunta just to check and validate kung ano ang meron (tumatakbo na agad ang isip ko na kaya pala madaming doctor tumingin sa kanya nong first check up niya dahil sa nadiscover nila) sobrang sakit daw na hindi mahawakan or something, kahit ibuka pa ng ibuka sobrang sakit daw kaya ayaw niyang ipapagalaw. 

Although incomplete yong medico legal dahil half lang ang nakita ng doctor, may laceration, yes but kalahati lang talaga but it is useful na rin daw sa pagfi-file ng case kaya we stopped there, enough na yon dahil ayoko na dagdagan yong trauma ng bata. Kaya pala talaga ayaw niya nong first attempt namin magpapamedico legal for that reason na meron pa lang something na kailangan pang suriing mabuti.

Kaya kahapon pag-uwi ko sa bahay, ramdam na ramdam ko ang pagod at nakanga-ngang nakatulog ako sa sofa sa sala. Hahahahahaha ngayon nakakapagupdate ako dahil wala lang bigla ko lang talagang namiss ang buhay pagbblog. Hahahaha namiss kong magingay, namiss kong may kausap na ang paguusapan eh random hindi yong sa work ko ngayon. Stressful pero fulfilling naman talaga, ito kasi gusto ko kaya wala akong reklamo. I am happy and I want to share it to everybody this happiness. Ang saya kapag nakatulong ka lalo na sa mga batang tulad nila, pilit kong itago yong luha ko when they started to thanked you and hear them aloud praying for you.

Ang seryos ko eh. Hehehe wala lang. parang bigla akong nastress sa kwento ko hahaha

Pasensya na talaga sa tagal kong pananahimik hehehe at wag na kayong magtampo sakin alam mo na sino kayo wag na akong pilitin na ilagay ko pa dito hahahaha charraauugghhtt!!

Kumusta naman kayo? Kwentohan niyo rin ako. 


 

17 comments:

  1. So kamusta naman yun? ako naman ang na stress sa pagbabasa ng kuwento mo dito Lala ahahaha. Grabe ha, may habulan pa ng itak.... saka yang medico legal thingy saka ung rape victim... grabe >_<

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayyy oo noh nakakastress yong mga situation na ganyan hahaha mahirap din kasi sa part ng isang nanay dahil anak niya yong biktima at perpetrator plus kinuha kasi there's an absence of support from the family to the victim. ganyan ang mga situation sa totoong buhay. hirap ano hahaha hayyysss kaya ngayon im baacckkk hahahaha

      Delete
  2. Glad you're back, alive and kicking now Lalabelles!

    I mishu so mats! na miss ka ng bongga ng pusa oiii!!!!

    Grabe, naging ghost town itong blog mo for several months LOL

    ReplyDelete
    Replies
    1. ammeesshooo so matss tooo feeyyeell nakakamiss talaga magingay hahaha feeling ko kasi ang pormal2x ko lately charrooss lang hahahahha namiss ko talagang magcyber batok sayo tadyak hahahaha ammppp naman talaga hahahaha oo nga buti wala naman akong ibang nararamdaman dito sa blog ko at least at sana walang mumu pa dito hahahaha

      Delete
    2. Ahahaha! uu nga eh... mukha kang opis girl sa mga pics mo sa fb, ung dun sa practicum nyo XD

      malapit na halloween, maglalabasan na ang mga mumu!

      hala kaaaa.... wag kang lilingon.....

      Delete
  3. First- Ang ingay ng Intro mo! Nagising ang aking natutulog na diwa! hahaha

    Second - Excuses not accepted! Higpit no? Sa korte ka na magpaliwanag hahaha

    Third - Exciting naman pala mga kaganapan sa buhay mo habang hiatus ka dito, may pagbabagong buhay na naganap, may humugot ng itak, may courtroom drama, at medico legal pa! Kumpleto rekados! Eh asan ang tungkol sa lovelife? Bat di yata nabanggit? hahaha

    Fourth - Kala ko nasa twitter ako, gawin nyo ba namang parang reply sa tweet ang comment box dito hahaha Kala ko ang dami ng comments agad, pag tingin ko, kayo lang palang dalawa! Na miss nyo isat-isa no? #pakialamero lang hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naaaaayyyyy si Kuya Mar ahahahahaha XD na miss mo ang "noisy barrage tandem" namen ano? :D

      Busy si Lala sa career nya kaya wala pang time mag lablayp!

      Delete
  4. musta na..... hugs hugs ^^


    buti nakapag blog ka na.... miss u.....

    enjoy enjoy lang... and good luck sayo....

    ReplyDelete
  5. First, gusto ko lang sabihin namiss jo update from you pero at the same time I am happy sa progress ng carier mo.
    Pero grabe mga experience mo. Nakakaiyak ang rape case . Grabe talaga evil ang gunawa ng kahalayan. Continue to fight for them Lala. They need someone like you. You are doing really a good work I admire you for that May God protect you always and bigyan ka ng lakas sa mga haharapin mo. Hope din na makulong forever ang ng rape sa bata.

    ReplyDelete
  6. Wow.. ako din na stress.. samantalang ung pasyente ko dito eh namatayan lang ng pusa ang problema.

    ReplyDelete
  7. ang sarap ng feeling ng nakapag post sa blog amidst your busy life right :) welcome back :)

    ReplyDelete
  8. ayan na! bumalik na yung pinaka maingay na sa mundo ng blog! lolz! hehe ^_^

    kitang kita naman sa FB kung gano ka kabusy teh! buti nakakayanan mo pa/
    gawd! na miss ko pumunta dito sa maingay mong blog lolz! arti ko haha

    ReplyDelete
  9. Hamishu Lala! Salamat at napa update ka :)

    Aliw ako sa mga experiences mo ha, lalo na ang kulang na lang ay habulin kayo ng itak hehe :) Busyng busy ka pala kaya di nakaka pag post, akala ko naman busy ka na mag whoops kiri whoops :)

    Pero seriously, naisip ko din how hard and stressful it must be, talking directly to the victims of injustice, nakaka lungkot siguro. Try to make them happy kahit paano with your very bubbly personality. Pag attitude problem, aba sabayan mo hehe :)

    Hamishu ulit Lala, ingats lagi! Mwahugs! :)

    ReplyDelete
  10. hELLO lALA! Huwaw.. it seems pagod na pasog ka talaga so dont worry di ka pa din namin nakakalimutan kahit matagal ka nawala sa blogosphere..

    ReplyDelete
  11. ate lalalalalala :) hehe. I MISS YOUUUUUU!!!

    ReplyDelete
  12. kumusta naman ang twerking twerking sa intro haha! im glad nageenjoy ka sa buhay mo ngaun..

    kawawa naman yung victim grabe hindi ko ata kaya yang trabaho mo..

    anyway, i miss you teh lala!

    ReplyDelete
  13. I miz you! Worth the read naman ang post na ito... At least we know na buhay ka pa tlga! mwah!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...