Nagbabablog na yong utak ko habang pauwi na, may comments pa nga eh! Lol sa dami ng gusto kong sabihin ito nganga na ako dahil hindi ko alam saan ako magsimula diba? Hahaha
Pero sige simulan ko nga.
Hindi ko alam bakit instant decision na kagad na pumunta ako ng surigao city para Makita sila sis arline, joan, zai at sila archie at empi. Siguro dahil sa frustration ko nong Monday (February 4, 2013) at nilagnat pa talaga ako sa stress na iyon dahil hindi ako makapunta ng manila nga sa February 15 para sa pbo na yan. Nalungkot ako promise hahaha huwaw affected ako non? Lels!!
Anyway byahe to the max ang drama ko ng Thursday night hahaha left Cagayan de oro city around 10:30 at dumating kami ng butuan city ng 3 am exacto. Sumakay ulit papunta muna ng Santiago, Agusan del Norte – 1 hour and 30 mins ang byahe. I stayed for a while sa bahay ng classmate ko na taga don para maligo lang hahaha then alis ulit but dahil galing sa kanila 1 hour and 30 mins lang din, nagpaumaga ako ng slight para chumika chika.
Naligo ako ng walang tulog mahigit 24 hours na ata. Sarap ng tubig pero bampirang bampira ako sa oras na iyon.
Moving on.
Ito na talaga, dahil sa sobrang excited ako naiwan ko ang pasalubong na pastel sa bahay ng kaklase ko! Haha
But anyways…
Dumating ako ng surigao city ng 8:50 am ata exacto kasi sa meeting place na pinagusapan namin yong gaisano mall eh bukas na nong dumating ako, feeling ko binuksan lang yon para sakin! Hahaha jowwk!
Ngayon ito na… magkikita-kita na rin kami for the first time sa wakas. haha
Late sila! Haha jowk.
Sakto lang actually yong oras na pinagusapan namin. Iba na talaga mga matured galing tumupad sa oras ng usapan haha char lang!
Ngayon ang una kong nakita na nakangiti ng bongga at nawala ang mata ay itong si haring archie. Si arline naman abah dilat na dilat lang ang mata na deadma sa una! Hahaha ng palapit na ako sa Jollibee (doon kami ng breakfast at nagkita) itong si zai naman nagulat ako na bigla lang sumulpot sa gilid ko at ang tangkad nga!!! Nyetah wagas ang height!! At natotomboy ako kagad dahil nga naman! Kung ano ang nakikita nio sa picture nia yon talaga talaga siya!! At parang hindi totoo ang iba ano? Hahaha jowk. Ng sabihin ni zai na “hi lala” wow na wow nga kasi naman heller mas malambing pa ang boses niya sakin in fairness ha!! Hahaha si sis joan hindi ko naman kagad nakilala kasi kala ko may kasama lang silang bata promise naman totoo naman kasi ang sinasabi ko! Hahaha ang cute nga ni sis joan kasi parang pwedi mo nga lang siyang bitbitan na parang bag lang eh sa sobrang kacutan niya! Hahaha si empi nawala sa paningin ko that moment dahil naman hindi ko siya nakita jowk. Ang mala Derek na katawan ni empi kagad ang bumulagta saking mga mata hahaha charos! Nong magsalita si empi wow naman part 2 na malambing pa sa boses ko! Hahahaha at si steph naman huli na kasing dumating, late ang peg hahaha pagdating niya o diba akala ng lahat na magkakakilala na kami before that meet up kasi parang si senyor lang talaga si stef! Swear!! Hahaha walang kasing layo nilang dalawa sa chikahan! hahaha
Isa isahin ko nalang para hindi masyadong mahaba tingnan ano? Hehe
Simulan ko kay ARCHIE. Sabay lahat naman kami nagbreakfast at sumama din ako papunta sa butuan airport, madaming daldal ang nangyari naman so nakikilala ko sila personally may pagkakaiba nga slight sa twitter, sa fb pero sila pa rin. Rots!!
In short nagbreakfast lang ako sa surigao for one hour at umalis kagad. Hahaha at 3 hours mahigit kaming magkasama sa van papuntang butuan airport.
So si ARCHIE nga…
Best in photography, at twitter haha
Kung anong kulit niya sa twitter at fb, kabaliktaran nga! Pero dumaldal naman siya ng bongga nong sa van na kami.
Isang mapusok na hari hahaha dahil ang alam niyang laitin sakin ay ang aking kuyokot, ito ay hinahanap at tinatanong. Hindi ko na nga naalala ng magkita na kami haha siya talaga ang nagpapaalala. Hahaha
Isang malaswa rin hahaha dahil kahit papano sobrang daring niya! Nyahahaha
Best in audience din siya sa tawanan hahaha
Sweet ni archie in fairness to him ha. Haha kaw ba naman magbuhat ng maleta ni arline all the way aba ang hari pinagbuhat ng diyosa sa biyak na kawayan abah bihira na yan! Go archie!! Ipush na yan! Hahaha
Isang simpleng hari, matipono ang katawan? Weehh?? Hahaha walang weeh kung sasabihin kong may cute na tiyan nga si archie! Bwahahahaha
Ang paborito pagusapan ni archie yong kuyokot talaga, sobra kung makapagencourage ilabas ang kuyukot na yan! Malapit na nga akong maconvince eh nahiya lang ako! Hahaha charot!!
Ang bait ni archie ha, walang keme at arteh sa buhay kuya na kuya lang ang peg niya lol
Nahihiya lang ata si archie matulog nong nasa van kami kaya pinipilit labanan ang antok or baka nahiya lang siya dahil magkatabi sila ni arline. Eeyyttt. Rots.
at tuwang tuwa si archie sa usapang pisil-pisil at pisilan na iyan! (winks) hahahaha
sarap makipagbiroan ni archie game na game sa mga malalaswang usapan! hahahaha gusto ko yan!! hahaha
Sumatotal yong personality ni archie strikto nga siyang tingnan pero bungisngis at the best talaga ay kanyang mapusok na isipan at kalaswaan hahahaha yon talaga eh ang nahighlight ko ano? Bwahahaha jowk!! namiss kita kagad archie talaga charots! hahaha sarap pisilin ang mukha mo! bwahahaha
Si ARLINE
Weh? Lol
Tuwang tuwa ako sa kanya sa kainan! Hahaha kung makakain parang wala ng bukas oh diba kaw na ang kakain ng breakfast with macaroni soup pa yan (carbs din yon diba? Haha) plus may order pa syang pancake, oh diba wala sa katawan yan nasa gutom ng tao lang yan! Hahaha hindi ko pa ramdam ang gutom ni arline sa oras na iyon! Haha
Malambing in nature si sis arline, pink na pink nga lang talaga parang pusa lang hahaha
Naiintriga ako sa kwento nilang may talent si arline kapag naiihe or umihe na ba yon hahaha
Kung anong kulit ni arline sa twitter at fb, sa blog ganon din talaga naman in person at ito sasabihin ko na ang favourite tag line ko lagi “what u see is what u get” sa kanya hahaha
Simple nga lang si arline din, kung makastretch kasi ng paa sa van parang nasa bahay lang, diba? Haha kung makalagay kasi ng paa sa driver’s seat parang nasa sala nga lang. yan talaga ang dapat hahaha
Siya na ang bonggang nakapagbreakfast siya pa ang unang nagugutom sa byahe hahahaha jowk hindi ka pala kumain nong cookies na inoffer mo samin hehehe
Wild and free kung makatawa si arline, wagas na wagas! haha
walang dull moment kapag nakausap mo si arline, lahat connect eh! hahahaha lovelife to blogging to fb to twitter to wagas pose na pictures niya, everything under the sun
siya din ang sarap lait-laitin at asarin hahahahaha kasi lumalaban ayaw magpatalo i love that sis! haha
click na click kagad ang peg namin, ewan ko rin magaan lang sa loob kausap si arline siguro dahil isa siya sa lagi kong nakakausap sa twitter at ramdam na ramdam mo sa kanya ang isang hello welcome new friendship (sumeseryoso na ako bwahahaha jowk) basta nakakatuwa kasi isa siya sa sarap laging asarin! hahahaha sarap andami nating tawa! namiss kita kagad sis!
si JOAN naman...
tuwang tuwa ako dito sa pic promise anong meron kay joan diyan isep2x kau hahaha |
walang jowk para talaga siyang bata hahahaha
siya ang nagsisimula ng gulo at usapang nauuwi sa tawanan hahaha tama nga pala si june dahil sabi niya "wag kang mag-alala dahil andun si joan" parang sinasabi ni june na ang ingay nga niya! hahaha
ay at salamat pala sis sa libreng breakfast hahaha ikaw pa may galit kung hindi ko tatanggapin ano haha naliliitan ka nga sakin hahaha
siya ang babaeng walang pahinga sa byahe. according to her hindi siya nakakatulog kapag nasa byahe, oh diba simpleh lang sabi ko naman "bakit takot ka bang hindi ka na magising at pagkagising mo nasa kabilang buhay ka na pala" hahahaha
maging comportable ka na kagad kay sis joan dahil nga sa kanyang kadaldalan
sarap din asarin ni joan at kasi kalmang kalma lang gumanti ng banat hahaha
wow nga din pala siya ang mahilig magreklamo dahil malaki daw ang tiyan niya, dapat talaga siyang magreklamo kasi wala siya sa tiyan ko!! natural na natural lang ang laki ng tiyan ko compara sa kanya dibah! kailangan talaga niyang mahiya don sa akin hahahaha
sarap nilang panoorin ni zai kapag nagaasaran hahaha
kala mo lang na mala anghel ang mukha ni joan pero debil yan kapag bumanat ng usapan at kwentohan hahaha jowk!
masayang kasama si sis joan dahil maramdaman mo rin sa kanya yong parang matagal na kayong magkasama at kaibigan. oh diba seryoso na yan! hahaha namiss lang kita sis, one second every one second hahaha
kung tingnan mo si joan sa outfit na yan masasabi mong ma-arteh sa unang tingin pero yon lang yon pero hindi mo lubos maisip na sa ganda ng outfit niya na yan marunong din pala siyang umupo na nakabukaka na parang wala lang, ganyan! hahaha jowk. hindi ko lang kasi lubos maisip naman na pwede pa lang umupo sa harap ng airport at chumika chika ng slight with matching eating nilagang peanut at lanzones diba.
ito muna ang teaser sa pagkikita namin sa surigao city, ako ay naglakbay ng halos 9 hours para makita lang sila oh diba dorang dora lang ang peg ko!! walang tulog pero nakaligo naman ako! nasa inyong konsensya na yan! hahahaha
part 1 muna kasi hiningal ako sa kwento ko hahaha isusunod ko ang kay zai, empi at stef.
itutuloy ito dahil super haba na. hahaha
wait lang kayo zai, empi at stef kau naman mahighlight ko after nito hahaha
Ang sarap mo lang mag describe sa kanila parang nakilala ko agad sila ng personal instantly :) Bilis na yung sa remaining characters! (characters daw oh lol).
ReplyDeleteOk lang yung byaheng walang tulog basta may ligo at worth it naman to meet this awesome people di ba?
parang ginawa mo lang anime yong tatlong natira hahaha
Deletesarap kaya ng road trip... hop ng hop kami ng lugar doon. ang saya nila promise parang nasa blog lang din kayo nakikipagkulitan wala namang new normal lang naman hahahaha hindi rin naman sila maarte promise hahaha
ang saya saya naman ng pagkikita nyo... pati ako hiningal sa pag babasa... naiimagine ko tuloy na nagkwekwento ka in person walang pause ...walang period tuloy tuloy lang with matching emotion lol...
ReplyDeletemabuti naman at nakita mo sila!!!(sarcastic..inggetera lang!) hahahaha
ay sobrah sis ang sarap dumaldal sa kanila hahaha binebenta talaga sila ano hahahaha naging bugaw ako bwahahaha
Deleteat sana naman magkita din tayo soon, haiz sarap nga sa 15 oh hindi pa ako sure that day. at pagnagkita tayo wala kang choice tanggapin ang kaingayan ko hahaha
Natatawa ako sa malaswang kaisipan ni archie. Ang daldal niyo nga ni arline habang si zai sa likod tulog na tulog. sa amin na lang yong pagkatalented ni arline.
ReplyDeleteLagot ka kay joanne! Haha
hahahaha kaya nga naintriga ako eh! hahaha
Deletekulang pa kaya yong daldal ko pano naman kasi naghahabol tau sa oras magusap diba hahahaha
bakit ndi ba malaswa ang isip ni archie hahaha natawa nga ako kasi siya talaga sa lahat nagpaaalala sa kuyukot eh hahaha ang landeh ni archie!! hahahaha
si sis joan ok lang yon hahaha sabi ko sayo kung bumanat nga siya palihim pero bombang bomba wow parang tahimik ng utot lang pero nakakapaghiwalay ng tao hahahaha
wow! nag enjoy naman ako sa pagkaka kwento mo.... na curious tuloy ako....
ReplyDeleteang saya naman.... sana makasama din ako balang araw.....
naka uwi na kayo?
cute ng mga pic hehehe
hahaha naririnig ko pa rin ang kadaldalan ko dito jon hahaha namiss rin kita ha pag nakauwi ka papicture din tayo hahaha
Deleteyong promise mong signature sa book ko ha hahaha
makakasama ka balang araw isipin ng isipin yan para mangyari
ang pic lang ba ang cute? hahahaha
Talaga naman lala. tawa ako ng tawa sa mga descriptions mo lalo na nong sinabi mo na nag reklamo si Joanne ng malaki ang tyan nya. LOL. Buti wala ako dyan, mahilig din akong mag complain an malaki ang tyan. Buti na lang grandma na ako.
ReplyDeleteKakakilig kayong mga young ones...me wishing that I am in the same age and can have fun with you all.
By the way, parang bagay kayo ni Archie. Parang may similarity kayo. O baka kaya naduling na lang ako sa katitingin sa mga beauty nyo dyan.
Nice knowing their personalities. Hope to read yours sa blog nila. hi hi
And by the way, dalian mo kasunod ha na part ha, coz mommy joy ay sabik na magbasa ng description mo ng next tropa:)
hahaha bonggang tawa ko mami granny kasi naman ang napansin talaga si archie nagkataon lang kasi yan mami na kami lang dalawa kaya parang magkamukha lang kasi lapit lang ng mukha namin hahaha
Deletenakakatuwa talaga sila mami sobra kasi kung anong kulitan meron naman dito sa blog ganon at ganon din naman sila in person. walang bago. matutuwa ka sa paguwi mo soon. sa october ba yon? para mapaghandaan at pupunta din ako ng manila to meet you mami granny.
Nakakainggit naman yan blogger mini reunion niyo:)
ReplyDeleteSana may lakad naman sa Ilocos para ako naman ang mabigyan ng chance na makilala ang mga hunk and beauties!
nasa ilocos ka ba sis? wow naman may mapupuntahan na ako!! yehey hahahaha pagisipan ang bakasyon na iyan sa inyo hehehehe gusto ko talaga don sa vigan sis hehehe
Deletepwedi ka naman pumunta sa feb 15 sa manila sis. malapit ka lang dyan eh isang lipad lang hehehehe si archie ang gwapo! rots!! hahahaha
Hiningal ako pramis lala walng halong biro sa haba ng eksena na nakakaexcite basahin :) ganun na ganun din ang naexperience ko ksama sila! Daig mo pa si daldalita! Next post n plsssss!
ReplyDeletehahahaha nakakalokah nga parang ayoko na silang pauwiin at iuwi nalang silang lahat sa bahay para tuloy ang kwentohan hahahaha ang liit ng daldalita para sa akin hahahaha
Deletehehe aliw much ako sa pagbabasa, nagtaka me ate wala sila ZAi at EMPI, sa next episode pala sila.. hanep pala talaga sa tangkad si ZAI.. hihihi! XD ramdam ko ate ang paghingal mo sa pagkkwento, nyahaha.
ReplyDeleteang saya ng pagkikita niyo . To the max ang happiness! hihihi
hahahaha sa haba kasi ako ang natakot kasi nakakahingal magkwento din hahaha sa susunod ikaw ang kikitain ko kapag nagpunta ako ng baguio hehehe ndi lang matangkad si zai model na model si zai nga pero yong sa picture na nakikita mo yon talaga si zai hahahaha
Deletein fairness hiningal din ako sa pagbabasa neto..as in walang pahinga with complete intonation of "hahaha" and "LOL".. nakakatuwa yung description mo samen.. totoong totoo tunay na tunay haha!... antok na antok talaga ako nun pero pag napapapikit ako naririnig ko boses mo nagigising talaga ako at nawawala antok ko.. may ibibigay dapat ako sayong bracelet kaso nakalimutan ko na ang daldal mo kasi eh hahaha!... looking forward to see you again sis.. go tau sa Camiguin! miss you too :)
ReplyDeletehahahaha ginawa pa akong dahilan sa pagiging old age mo eh nakalimutan eh kaya nakalimutan susegway pa oh hahahaha di nga parang ndi pa ako nakontento sa mga kwento ko eh kasi diba nasa van nakakahilo magkwento sa susunod dapat harapan na hahahaha side by side kaya ang mga paguusap natin hahahahaha
Deletesige ipush ang camiguin na yan make it sure na mala anne curtis na ang katawan ko nyan ha!!! nahiya naman ako sa katawan mo ni baby fats wala ka hayup ka hahahaha wala sayo yong tyan ni arvin sa akin at kahit sayo! un ang the best hahahaha
Tama ka Ibang iba nga para sayo si Arvin! In love ka kay kamahalan ano??! Peace King Archiviner! hahaha
ReplyDeleteAt may part 2 pa pala ito hahaha
ayyy gumaganyan ang in love ba? hahahaha natuwa lang ako kay arvin kasi makulit nga sya sa twitter pero best in audience siya sa personal at mas natuwa ako kasi the more na kinakausap mo sya the more na lumalabas ang pagiging makulit niya at nagiging malaswa ang isip niya hahahahaha feelin g ko nahiya pa nga sya doon sa kanyang mga pinapakita hahaha chos pero ndi yan, magiging malandi yan si arvin kailangan lang yan ipush!!! hahahaah jowk ano ba naman ang pinagssabi ko nito hahahaha
Deleteanu yung talent? haha.. kulet lang magkwento at magdescribe ni ate lala.. prang nkilala ko nrin sila ^_^
ReplyDeletebasta may talent isipin mo nalang ano ba ang pwedi maging talent kapag naiihe ka and out of nowhere ka. hahahahaha meron pang kulang nito nga kay empi, zai at stef hehehehe maya na sa opisina tapusin kasi ma super late na ako ngayon. hahaha
DeleteIlang beses akong natawa kasi lahat ng description mo ay talaga namang silang sila... itold you..di ka mawawalan ng kausap kasi andun si Joan na ngger..lol
ReplyDeletesana makatravel din ako nag ganyan kalayo para mameet ka!
ReplyDeletehaha anyways saya ko din kahapon nakita ko na sinag pareng jay na galante,
si pao senpai na tahimik, si bino na kala ko nung una suplado at si senyor na muse ng gabing yon
tangkad ni zai ahh pang beauty queen
masaya ako para sa iyo na na meet mo na ang ibang mga bloggers....
ReplyDeletesana makasama kayo sa BMIM minsan, meet up na rin yun habang tumutulong sa mga kapos na bata..
ReplyDeletewww.blogmoipasuotmo.tk
(sabay anunsiyo eh no? hehehe)
natuwa ako sa pagkakadescribe mo sa bawat isa, nyeta lang at sana ay mabahagian din ako ng tangkad ni Zai, haha. sana ma-meet ko din kayo, lalo kana inay lala.
ReplyDelete"Iba na talaga mga matured galing tumupad sa oras ng usapan" ---guilty.
epic ang pagdescribe sa mga nakameet ah . hehehe
ReplyDeletesana mama meet ko rin kayong lahat :)
dyusko isa na ata sa rules ang wag tumabi kay zai kaloka lang literal na manliliit ka wahaha anyway..ang tagal ng byahe mo sis pero im sure super sulit kasi nakakatuwa yung mga kwento mo kasama sila. iba talaga kapag magkakasama ang mga bloggers hihi
ReplyDeleteHahahaha! Para lang may flooding ng words hahaha...totoo nga ang sabi nila na hihingalin ka talagang magbasa pero may kasabay na tawa at halakhak.
ReplyDeleteIntriguing is Joanne...humanda siya sa pagkikita namin sa Feb. 15.
It was fun reading your post Lala! And thanks for calling the king and I kanina sa SM North. Highly appreciated.
kagigising ko lang anong kaguluhan to? hahaha :)
ReplyDeletesuper fun and nice meeting you Lala! Amishu na! Asan na ung part 2 nito ng ma share mo na ang mga insight mo sa akin hehe :)
Haha ang kulit ng pagkakadescribe, wagas kung maka-EB at madalas puro obserbasyon yata gawa mo hehehe. Pero nakakatuwa ang post mo na ito Lalah kasi mas nakikilala natin ang mga tao sa likod ng blogs, God bless
ReplyDeletelala ang daldal mo! hahaha. nagred mata ko kasi walang kapiyok piyok kong binasa ang post na to. parang na iimagine kitang nagsasalita.
ReplyDeleteabangan ko yung part 2. at hija, ayusin mo na yung para sa mobile. at hirap kaya mag basa ng web setup sa mobile.
Hindi ka naman napasma sa paliligo ng walang tulog teh? Grabe, na-miss kitang bigla, hahaha. Madaldal ba ko? Parang di naman, haha. Actually, pag madaldal kasama ko nahahawa lang ako.. E ikaw kaya ang endless ang kadaldala dyan, haha! O di ba sa tinagal-tagal, now ko lang to nabasa, at napahalakhak talaga ako at nakita mo pala kong naupo ng nakabukaka, haha.. Grabe yang si June, ni-chichismis pala talaga ako! Haha
ReplyDeleteNakakatuwa naman. Parang ang saya din magpunta sa mga ganyan hihi :)
ReplyDeleteKakainggit naman 'to. Naiimagine ko lang parang hinihingal ka ng kinukuwento mo ito. Hinihingal din kasi ako habang nagbabasa hehe. Ganda ng kwento at exciting din siguro makipag meet up ng walang tulugan hehe..Kuya Germs kaw ba yan?
ReplyDelete