wag magskip read para maintindihan ang lahat. =p
May
isang bata akong nakita na nakatingin sa ulap at sumigaw ng “airplane,
airplane” ang sabi ng kanyang ina, balang araw kapag malaki ka na makakasakay
na ng “airplane.” Ang tamis ng ngiti ng bata tila ay naintindihan niya ang ibig
sabihin ng kanyang ina.
Lumipas
ang panahon at nanatiling pangarap pa rin ng isang bata ang makakasakay ng
eroplano.
Isang
araw umuwi ako sa bahay, yong batang nakita ko minsan ay pumapasok na pala sa
kolehiyo. Ang nasabi ko lang sa sarili ko, tumatanda na yata ako dahil parang
kahapon lang ang mga alaala ko sa kanya. Ang simpleng pangarap ng batang iyon na
sumakay ng eroplano ay napalitan na pala ng ibang pangarap. Tuwang-tuwa siyang
magkwento sa kanyang bagong pangarap, ramdam na ramdam ko ang labis na
kaligayahan at kitang-kita ko ang tamis ng kanyang mga ngiti. Punong-puno siya
ng pag-asa at sigurado din ako na maabot niya ang kanyang pangarap.
Ilang
taon ang lumipas at ako ay nagbalik ulit sa lugar na aking sinilangan, nakita
ko na naman ulit ang batang iyon at nagulat ako sa kanyang hitsura dahil
nagkaroon ng pagbabago sa kanyang katawan. Nararamdaman ko sa oras na iyon ang
lungkot habang tinitingnan ko siya sa malayo. Hindi ako nakatiis at nilapitan
ko siya, nagtanong ako “kumusta kana?” ang sagot ng bata “ok lang” may gusto
akong idagdag sa tanong ko pero pinipigilan ko ang aking sarili dahil sa
lungkot na nararamdaman ko sa oras na iyon. Ang pakiramdam na tila ang isang
pangarap ay nanatiling isang pangarap nalang talaga.
Isang
umaga, paalis na ako ng bahay papuntang opisina, nakita ko na naman ulit ang
batang iyon kasama ang kanyang ina. Natuwa ako habang tinitingnan ko silang
mag-ina dahil para lang silang kambal, magkamukha, halos parehas ang kanilang
“mannerism” at kahit ngiti walang pinagkakaiba. Narinig ko ang sabi ng kanyang
ina “wag ka mawalan ng pag-asa, araw-araw ay isang pagkakataon para bumuo ulit
ng pangarap” ang tamis ng ngiti ng bata kagaya nong unang ngiting nakita ko
noon. dagdag ng kanyang ina “mag-aral ka ulit, habolin mo ang gusto at
nina-nais mo sa buhay, nandito lang kami para sayo” hindi nagsalita ang bata at
sinabi ko sa kanya “subukan mo lang ulit” ngumiti ang bata na parang
sumasang-ayon siya sa sinabi namin.
Habang
kami ay naglalakad patuloy ang pagkwento ng kanyang ina na “masarap daw
magbyahe at pumunta sa ibang bansa dahil nakaka-smart ito” at “mas masarap
kapag ang isang gobyerno ang nagpapadala sa’yo sa ibang bansa dahil may isang
conference na kailangan mong puntahan” naaalala ko tuloy ang pangarap ng bata
at naisip ko sa oras na iyon na ang sarap talaga mangarap kasi ito ay libre at
walang hangganan.
Ang
buhay ay parang gulong, yan ang laging sinasabi ng aking ina, dahil minsan nasa
taas ka, minsan nasa baba ka. Kailangan mong masaktan, madapa para matuto at
mahanap ang bagong panimula at yan ang nakita ko sa batang iyon.
Nagulat
ako ng malaman kong pumanaw na ang ina ng batang iyon, naramdaman ko na ang
konting pangarap na natira sa kanyang sarili ay nawala kasama ng pagkawala ng kanyang ina. Mula pagkabata
hanggang sa naghabol siya sa kanyang pangarap, ang kanyang ina ang laging
karamay niya, sa hirap at ginhawa, sa lungkot at saya, nakita ko ang buong
suporta ng kanyang ina sa kanyang mga pangarap at gusto sa buhay. ang kanyang
ina ang naging lakas niya para ipagpatuloy ang minsang nasirang pangarap at
naisip ko, paano nalang ang batang iyon na wala na ang kanyang ina, kahit
andyan ang ama at isang kapatid niya na umaalalay sa kanya, iba pa rin ang
nakita kong gabay at suporta na ginawa ng kanyang ina. Ako ay sobrang nalulungkot,
naramdaman ko rin ang sakit na nararanasan niya dahil ako ay isang ulila na rin
sa ina. Kagaya ng batang iyon, nakikita ko sa kanyang ina ang aking ina.
Lumipas
at nagdaan ang mga araw, nakasalubong ko ulit ang batang iyon, may bitbit itong
madaming libro. Ngumiti ako sa kanya at nagbigay galang ang bata sa akin na
tila ang saya-saya niya. Sinabi ng bata “ate, nag-aral na ulit ako, itutuloy ko
ang pangarap ng aking ina” natuwa ako sa kanyang tugon sa akin at sinabi ko
lang sa kanya “go chase your dream!” masaya akong pumasok sa bahay na parang
ang gaan ng pakiramdam ko na nakita ko ulit ang batang iyon na minsan nangangarap
lang na sumakay ng eroplano, yon ang isa sa pinakamatamis na alaala ko sa kanya.
Ang isang eroplano ay maging daan ito sa kanya para Makita niya ang mundo na
minsan ay pinangarap ng kanyang ina para sa kanya, ang pagdalo ng mga
conference sa ibang bansa at magsalita sa harap ng maraming tao.
Naramdaman
ko ang lahat ng pangarap ng batang iyon nong ako ay sumakay ng isang eroplano,
tama ang kanyang ina na nakaka-smart ang pagsakay ng isang eroplano, dahil pala
ito ay nakakakilala ka ng mga taong professional, galing sa iba’t ibang lugar
at nakakamangha ang lugar na bago sa iyong mga mata. Masarap ang pakiramdam
kasi nasa ulap ka lang, nakatingin sa malayo at ang nakikita mo lang ay kulay
asul at puti sa paligid, abot mo lahat ang pangarap, parang totoo lahat na
minsan ay nasa panaginip lang. habang nilalasap ko ang pagkakataong nakasakay
ako ng eroplano, nararamdaman ko na malapit na din pala ako sa aking inaasam na
pangarap. Naisip ko rin na kahit anong pilit mo pala sa isang pangarap na
abotin ito kapag hindi para sa’yo, hindi talaga para sa’yo. Kapag ito ay naabot
mo ng sadya, hindi ka naman magiging masaya at pilit mo pa ring hahanapin ang
daan papunta sa lugar kung saan doon ka itinathala ng diyos.
Minsan
na rin akong nangarap sumakay ng eroplano at ito ay natupad, napatunayan ko na
totoo ang sabi ng aking ina. Kung anong tamis ng ngiti ko noon ng sinabi ng
aking ina na “makakasakay ka rin ng eroplano balang araw” mas nagkaron ng
kabulohan ang lahat ng ito ay nakamit ko. Mas lalo akong nangarap na sana isang
araw pagkagising ko, hahabol ako ng flight para papunta ng opisina at hahabol
ulit ng flight pagkatapos ng opisina. Ang sarap ng pangarap kapag ito ay
matutupad mo, kahit sa simpleng bagay o paraan man, mas matamis sa isang ngiti
ng bata kapag ito ay nakamtan mo.
akala
ko minsan sa buhay ko, mamamatay ang mga pangarap ko nong mawala ang aking ina,
akala ko hanggang doon nalang din ang buhay ko pero may mas nagbukas na
panibago sa aking buhay at ang aking kapatid at ama ang aking karamay ngayon sa
pagpapatuloy ng mga pangarap ng aking ina para sakin.
Naging
malaki ang pangarap ko sa buhay dahil ito ang lagi kong naririnig sa aking ina,
ito ang aking nakikita habang lumalaki ako. Ako ang nakikita at nakitaan niyang
posibleng susunod sa yapak niya, magsasalita sa harap ng madaming tao, tutulong
sa mga nangangailangan, magbabyahe sa ibang lugar para dumalo sa mga
conference. Tumatak sa aking diwa ang bawat salita ng aking ina, ang pagbahagi
ng kanyang pangarap hindi lang din sa akin kundi sa ibang tao din.
Minsan
ako naging bata, minsan nangarap na sumakay ng eroplano na binigyan pag-asa ng
kanyang ina at nagbigay ng matamis na ngiti sa pag-asang matutupad ito balang
araw. Isa sa mga naging pangarap ko noon na sana kahit may trabaho na ako, may
pagkakataon pa rin akong mag-aral at ito ay natupad din dahil ginusto kong
gawin ito. Ano mang pangarap meron ako ngayon sa buhay hindi pa rin nawawala
ang pangarap ng aking ina para sakin, ito ay pinagpapatuloy ko at pinagbubutihang
makamtan ko balang araw. Walang imposible sa mga pangarap ko kagaya ng isang
eroplanong naglalakbay papunta sa kanyang destinasyon.
Nakaka pressure naman yung WAG MAG SKIP READ! nyahahaha
ReplyDeleteAnyways, ang lungkoy ng theme Lala ha.
Ang hirap isipin na pag nakamit mo na yung pinapangarap mo e wala na yung isang tao na gusto mong handogan ng tagumpay.
I know exactly how it feels.
Iniyak ko na lang sya dati.
It was my Dad.
hahaha poot ang pressure na yan lol
Deleteoo at parang habang buhay na ata ndi mawala yon. ang nararamdaman mo isang empathy na kasi parehas taung nawalan at alam natin ang pakiramdam na yon. hindi madali ano? =(
requirement kasi to sa naiwan kong minor, ipapasa ko pa ito maya hahahaha
Requirement ang??
DeleteOo nga eh.. the thought of it.. grabe. Minsan biglang masakit sa puso e..iba yung atake pag naalala mo sya.
final requirement kasi tong story nato sa isang naiwan ko na minor subject kaya ayon napilitan akong gumawa ng tagalog lahat pahamak dagdag sa sakit sa ulo eh hahaha
ReplyDeletesuper pilit kong hindi maiyak habang ginagawa ko ito dahil sa opisina ko kasi to ginawa hahaha keri lang! pinost ko lang para may silbi naman at mabalikan ko ito balang araw hihihihi
how long na pala nawala dad mo? yong mom ko kasi mag 2 years pa this april.
tiyak ang batang iyon ay magtatagumpay sa kanyang mithiin....hindi lahat ng pangarap natin ay natutupad....hindi lahat ng gusto ay nakakamit....sadyang sa mundo iba iba ang buhay.....dahil kung lahat ng tao ay professional, lahat ay may pera....walang magiging katulong sa mga tindahan o bahay....walang mauutusan....hindi exciting ang buhay.......
ReplyDeletePano ba yan ang skip read ako?
ReplyDeleteReason...
Nabasa ko na toh kagabi pa hehehe. Diba sinend mo toh sakin sa FB? :D
Dapat may background music toh na Patuloy ang Pangarap by Angeline Quinto. Ganyan!
*huggies* nung una naguluhan ako kasi naman makapagkwento ka akala ko ang tanda mi na masyado na sa oagkakaalam ko hindi naman. Haha yun pala ikaw to, anyway..tama ipagpatuloy ang paghabol sa pangarap. Baata may pangarap ka habulin mo ng habulu gang sa makamtam mo. Walang mas sasarap pa sa tagumpay na pinaghirapan.
ReplyDeletehays nalungkot naman ako dito mama's boy kasi ako
ReplyDeleteat ramdam ko ung lungkot nun character ng mawala ung taong dapat sanay ay ang pagaalayan nya ng tagumpay!
Patalastas muna, akala ko nawala na naman ang blog mo, bigla na lang nagsabi ng tinanggal na raw ito, nascreenshot ko pa at tinweet ko sayo. Hahahaha! KaHB!
ReplyDeleteAnyways, siguradong masaya na si Nanay mo ngayon lalo na sa pagpupursige mong matupad ang mga pangarap. Naalala ko noong nasa van tayo, nabanggit ko ang social work at UN. Yon pala susun od ka sa yapak ng Nanay mo. Kahit wala na sya, alam kong magiging masaya siya kung sa mga ginagawa mo.
*hugs*
Natakot akong maisumpa kung magSKIP ako sa pagbasa. :) Salamat sa pagdalaw sa Gusto Mayaman kanina.
ReplyDeleteSalamat sa pagdalaw sa Gusot Mayaman!
ReplyDeleteNatawa ako sa babalang 'bawal mag-skip!'