Wednesday, March 27, 2013

Tele-isip-isip-sa-holy-week


Baamm! Baaanng! Boom boom ohhlalalala telelelalala baaanngg!!

Im shaking my booty to the right (paaakkzz –spank the big butt lol) Im shaking my booty to the left (baamm) ohh lalala…

Ayyy… shhhh.. dapat tahimik pala at seryos ang usapan… (psstt holy week oh)

I was at FIEL’s blog (read as FEYEL, he said) last night and he talks about the holy week thing and (insert may sound - pumutok ang cork ng isang champagne) slight parang nakonsensya naman ako na ang ingay-ingay ko samantalang itong pinaka-good-friend ko sa blogsphere ay ang seryos sa semana santa na ito.

It gave me a thought (seriously lol hindi nga, oo nga eh)

I commented his entry with a question the same na noong ako ay bata pa kaya may boracay-boracay na bang bakasyon ang mga tao kapag semana santa at ang holy week ba ay ginawa na bang araw ng bakasyon ng mga tao? Kasi while growing up, hindi ko nakita yan until now lang with all these media popping on tv.

Nong bata pa ako, aga kaming magising, maglalakad ng malayo, nagsstation of the cross, ramdam na ramdam ko ang holy week noon, tapos meron pa itong bawal maligo after 3pm ng byernes santo at bawal ang mag-ingay kundi pipingotin ka at sasabihing “magagalit si god sayo” at ang kakainin lang namin ay “tabirac” (ginataan ata sa tagalog) tapos walang kamatayang  biko at puto maya tapos ang buong pamilya ay nagkakaisa sa pagkahinan. Masaya ang kabataan ko, na-enjoy ko ang bawat okasyon sa pamilya.

Ngayon, nawala na ang tradition sa aming pamilya lalo nong nawala na ang lola at lolo ko tapos ang mama ko. pero madami silang naiwan na values at kaugalian sa amin na sinusunod pa rin namin.

Nag-iba na ang takbo ng buhay at ang ating mundo ngayon…

I am nothing against sa pagbabakasyon ng mga tao kapag semana santa, this is also the time naman for the family to be together syempre pamilya ang pinakauna sa lahat naman. Pero yong tanong ko lang talaga na noong bata pa kaya ako, ganito na kaya ang semana santa on the other side? Or sadyang dahil bata pa ako at hindi pa ganon kalaki ang media kaya hindi ko maramdaman yong vacay mode ng mga tao sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Whatever it is, para sakin ang holy week is the time to reflect, time to know ano ba talaga ang purpose natin dito sa mundo, pano if one day we will know we will die sooner, then what? Ano ang nagawa natin sa mundo, at sa ibang tao? Kasi ang alam ko, when we die, wala tayong madadala. When we were born hubo’t hubad tayo and we will die the same.  When we were born it is not us who take care for our self but others (referring to midwife, nurse, doctor etc) and the same when we die it’s not us or our family will take care of us but the same ang ibang tao pa rin (referring to sa mag-eembalsama satin). Kaya now pa lang gusto ko ng mag-isip ano ba ang pwedi at dapat kong gawin para maging handa at hindi ako mahihiyang harapin si God at the end of my life kasi kahit anong gawin natin, may ibang buhay maliban dito sa mundo. (at nag-end talaga ang post ko sa kamatayan pa rin lol)

Sana nagkaroon ng meaning ang post na ito about sa ano ang meron at mawala soon.  =)



 



16 comments:

  1. Awww... serious mode ha? (◠‿◠)

    Naku tama ka jan. Ganyan din ang na-experience ko nung bata pa ako. Ang daming bawal lalo na pagsapit ng Biyernes Santo. Bawal na daw maligo after 3 PM kasi magiging kulay dugo daw ang tubig. Then bawal din daw magkasugat kasi matagal daw gagaling. Tahimik lang din ang pagunita namin sa Semana Santa. Nung bata pa ako, madalas din kaming sumama sa mga prusisyon. Saka Holy Monday pa lang noon ay maririnig mo na sa buong baranggay namin ang "pabasa" ngayon tila naglahao na rin yun kasabay ng makabagong panahon. How I missed those days.

    Blessed Holy Wednesday Lalah!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wag ng makialam hahaha nakakahawa ka kasi amff bukas wala ng worrk telelebabad na ako wwoohhh

      hindi ko kayang manahimik jowk. hahaha

      Delete
  2. Ano ang meron sa TELE sa start ng every post? hahahaha

    ANyways, I also had a worth to remember holy week during my childhood days.

    One thing is for sure..WALANG PALABAS SA TEBEEE.. pero now! may MMK, Anak, Magnifico at kung anu ano pa

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha oo bago ang theme ng buhay ko chaarrootts hahaha

      may palabas din sa cable haha

      wala na, wala na talagang tulad nong bata pa tayo hahaha lol

      Delete
  3. wow! seryoso mode. nahawa ky fiel? hehehe. lala as in lala ng teletabies. me copyright infringement ka. wala kang pahintulot sa mga kasamahan mong teletabies sa picture ni lala. hahaha picture mo kasi gamiton mo sa ulo ni lala.

    anyways. im really glad na this week ang holyweek. basta lang. para naman makapag reflect ako at makapagbakasyon sa birthday ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha nagulat ako sa mga copyright infringement ako lol eh ako naman ang original na lala at sa likod ni lala din hahaha

      kaya nga minsan lang sa isang taon lang naman ito but it doesnt mean ndi na natin gawin to sa araw2x dapat gawin kahit hindi semana santa ang mga tao kasi nakikisabay lang sa okasyon minsan hahaha

      Delete
    2. Agree ako dito na dapat picture mo lala ang ilagay sa ulo ni teletabies. lol

      Delete
    3. haha parang nagsawa na ako sa mukha ko eh hahahaa lols

      eh so mag-eedit pa ako ganyan? hahaha

      Delete
  4. Ok na sana.... ang serious. Kaya lang natawa ako dun sa lalah na signature mo na teletubby? lol Magbago kana iyun ang dapat mong gawin. dyuk!

    Ang naalala ko nga twing semana santa ay yung kalbong buko nga ni lola e. Kami din pala nun nagbibiko. Tsaka naalala ko bawal daw maligo bago or after yata mag 3pm. Mga ganun....

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha nagbagong buhay na kaya ako ano haha bago na ang theme dito, bago na din ang name ko anong pagbabago pa ba ang hanap mo? hahahaha

      tawang tawa nga ako sa bukong yan ng lola mo hahaha kailangan humantong talaga sa ganon? hahaha

      Delete
  5. sa lugar namin, ang tahimik kapag hwubes at byernes...madaming bawal.

    ReplyDelete
  6. Iba na nga ang panahon ngayon.. pero kahit iba na ang galaw ng mundo.. faith natin ang wag magbago.. pwede naman tayong magreflect ng tahimik sa ating puso and at the same time enjoy yung free time para mag bonding with families and friend. Isang bagay ang sobra kung na miss twing semana santa yung maglalakad at nag rorosaryo from Cainta to Antipolo... di mo ramdam ang pagod.. at pagkatapos nung misa.. sa labas ng simbahan may mga nag titinda ng sotanghon, aroz caldo at suman.. miss ko yun sobra.

    ReplyDelete
  7. Pauso ka sa tele lala chorva mo noh/ Magbago na tayo ngayong holyweek!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahaha yaan mo na yan ang malaking pinagbabago ko ngayon charing! kaw na may sabi tama na ang ka emohan so this is it ito na talaga ako hahahaha sana nga kaya pa nating magbago this week hahahaha chos!

      Delete
  8. oo nga ate, bakit kaya tuwing semana santa puro happiness nangyayari like pagbabakasyon, gimik mga ganun... eh diba it's time for CHRIST naman. wala lang, naisip ko lang din po.

    ReplyDelete
  9. haha ako nang guilty! hihih yang pagtitika(?) eh dati ko lang din ginagawa, ngaong tumanda na ko eh, hindi na mesyedo.pero ayoko pang isipin yang naiisip mong kamatayan! heheh wag muna! :P

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...