Wednesday, February 27, 2013

Special Connection between the two

It’s been ten years since the last time sinipag akong magblog lol

Hindi ko rin alam now kung sipag ba ito or sadyang kinarir ko lang ang pinagdadaanan ko

May utang pa ako kay zai, empi at steph, nasa file ko pa yong draft ng kwento ko sa kanila, nasa kalagitnaan na ako at biglang madaming sagaball sa blogging career ko kaya natambak ko ang draft nila zai, empi at steph. uunahin ko sana gawin  yon kaso ito na naman ang pakiramdam kong ayaw ko na talaga sana pero bakit ba! Naiinis na ako ha!! Super! Mga moment na hindi na dapat mag-appear, super bitter pa rin kasi appear ng appear hindi ko naman kailangan. (bigti mode)

Hindi ko rin naman masabi dahil sa super pagod ko lately sa event at nagkakaganito ang pakiramdam ko. Totoo nga ang sabi nila when ang dalawang tao may special connection kasi kung ano ang nararamdaman mo, yon din ang nararamdaman ng isa. Isang halimbawa na naisip ko ngayon yong nag-iisip ka na itext or tawagan mo yong taong mahal mo tapos siya rin the moment you think about her/him pala,  yon din nasa isip niya. That is a very special connection kasi feelings niyo na ang nagsasabi gawin ang mga bagay2x (wag grin yang utak mo, nakikita ko lol) na sabay.

Yan ang pakiramdam ko ngayon, ang bigat, mas mabigat pa sa kuyukot na dinadala ko at pinipilit pa itong palakihin na parang napaka-imposeble naman yata pero I will still try. You know. =)

Hindi na muna ako magjoke kasi seryos kasi tong post ko na ‘ito. Rots.

Nahihirapan ako? Siguro kasi ayoko tanggapin yong closure. What I mean is OO there is a closure pero ang iniwan ko yong mga magagandang alaala dahil I want to live there, I want to live it that way kasi kahit anong galit naman gawin ko, wala eh, wala naman, feeling ko in the end of it, nasa akin pa rin ang mali, ang kulang but God knows how I tried to save it pero wala na talaga. There are things we need to accept na kung hindi daw talaga para sa atin, wag na natin itong ipilit.

Sa mga pagkakataong ito, gusto kong lumayo. Malayo sa maiingay na ciudad, at manatili muna sa may bundok, yong pagkagising ko puro kahoy lang ang nakikita ko, may dagat at may mga ibon na nagiingay sa paligid.

Wala namang tao or situation na nagpush sa akin na maramdaman tong bigat sa dibdib ko, ito na talaga ang sinasabi kong special connection between us kahit malayo na siya, wala na siya pero dahil may pinagsamahan kayo, meron pa ring natitira kaya alam kong sa oras na ito abot tenga ang ngiti niya, natagpuan na niya ang happiness na hinahanap niya, may kayakap na siya hindi lang sa isang araw or dalawa pero pwedi na ring habang buhay na. I remember that pain, tagos sa laman, sobra!

Napagod ako, parang gusto ko lang matulog ngayon, pinipilit wag umiyak diba kasi wala naman rason, ok naman ako ayoko lang sa naramdaman ko ngayon kasi sobrang bigat. Ito at ito lang yong pakiramdam ng malaman kong ang pagiwan mo sa panahong yon ay natuto ka ng hindi na bumalik.

Sana pwedi kagad sumakay ng eroplano para lumayo at mag-isip ulit. Gusto kong pumara ng airplane at magpunta ng hongkong Disneyland para isiping bata ulit, walang problema, innocente ang pagiisip at hindi nagiisip pa sa kinabukasan.

I’m just really sad.

Bear with me my blog. =)

Wanna escape for a while. 


Sunday, February 10, 2013

Ang unang pagkikita, pagbuo ng bagong panimula at pagkakaibigan - PBOers

Nagbabablog na yong utak ko habang pauwi na, may comments pa nga eh! Lol sa dami ng gusto kong sabihin ito nganga na ako dahil hindi ko alam saan ako magsimula diba? Hahaha

Pero sige simulan ko nga.

Hindi ko alam bakit instant decision na kagad na pumunta ako ng surigao city para Makita sila sis arline, joan, zai at sila archie at empi. Siguro dahil sa frustration ko nong Monday (February 4, 2013) at  nilagnat pa talaga ako sa stress na iyon dahil hindi ako makapunta ng manila nga sa February 15 para sa pbo na yan. Nalungkot ako promise hahaha huwaw affected ako non? Lels!!

Anyway byahe to the max ang drama ko ng Thursday night hahaha left Cagayan de oro city around 10:30 at dumating kami ng butuan city ng 3 am exacto. Sumakay ulit papunta muna ng Santiago, Agusan del Norte – 1 hour and 30 mins ang byahe. I stayed for a while sa bahay ng classmate ko na taga don para maligo lang hahaha then alis ulit but dahil galing sa kanila 1 hour and 30 mins lang din, nagpaumaga ako ng slight para chumika chika.

Naligo ako ng walang tulog mahigit 24 hours na ata. Sarap ng tubig pero bampirang bampira ako sa oras na iyon.

Moving on.

Ito na talaga, dahil sa sobrang excited ako naiwan ko ang pasalubong na pastel sa bahay ng kaklase ko! Haha

But anyways…

Dumating ako ng surigao city ng 8:50 am ata exacto kasi sa meeting place na pinagusapan namin yong gaisano mall eh bukas na nong dumating ako, feeling ko binuksan lang yon para sakin! Hahaha jowwk!

Ngayon ito na… magkikita-kita na rin kami for the first time sa wakas. haha

Late sila! Haha jowk.

Sakto lang actually yong oras na pinagusapan namin. Iba na talaga mga matured galing tumupad sa oras ng usapan haha char lang!

Ngayon ang una kong nakita na nakangiti ng bongga at nawala ang mata ay itong si haring archie. Si arline naman abah dilat na dilat lang ang mata na deadma sa una! Hahaha ng palapit na ako sa Jollibee (doon kami ng breakfast at nagkita) itong si zai naman nagulat ako na bigla lang sumulpot sa gilid ko at ang tangkad nga!!! Nyetah wagas ang height!! At  natotomboy ako kagad dahil nga naman! Kung ano ang nakikita nio sa picture nia yon talaga talaga siya!! At parang hindi totoo ang iba ano? Hahaha jowk. Ng sabihin ni zai na “hi lala” wow na wow nga kasi naman heller mas malambing pa ang boses niya sakin in fairness ha!! Hahaha si sis joan hindi ko naman kagad nakilala kasi kala ko may kasama lang silang bata promise naman totoo naman kasi ang sinasabi ko! Hahaha ang cute nga ni sis joan kasi parang pwedi mo nga lang siyang bitbitan na parang bag lang eh sa sobrang kacutan niya! Hahaha si empi nawala sa paningin ko that moment dahil naman hindi ko siya nakita jowk. Ang mala Derek na katawan ni empi kagad ang bumulagta saking mga mata hahaha charos! Nong magsalita si empi wow naman part 2 na malambing pa sa boses ko! Hahahaha at si steph naman huli na kasing dumating, late ang peg hahaha pagdating niya o diba akala ng lahat na magkakakilala na kami before that meet up kasi parang si senyor lang talaga si stef! Swear!! Hahaha walang kasing layo nilang dalawa sa chikahan! hahaha

Isa isahin ko nalang para hindi masyadong mahaba tingnan ano? Hehe


Simulan ko kay ARCHIE. Sabay lahat naman kami nagbreakfast at sumama din ako papunta sa butuan airport, madaming daldal ang nangyari naman so nakikilala ko sila personally may pagkakaiba nga slight sa twitter, sa fb pero sila pa rin. Rots!!

In short nagbreakfast lang ako sa surigao for one hour at umalis kagad. Hahaha at 3 hours mahigit kaming magkasama sa van papuntang butuan airport.

So si ARCHIE nga…

Best in photography, at twitter haha


Kung anong kulit niya sa twitter at fb, kabaliktaran nga! Pero dumaldal naman siya ng bongga nong sa van na kami.

Isang mapusok na hari hahaha dahil ang alam niyang laitin sakin ay ang aking kuyokot, ito ay hinahanap at tinatanong. Hindi ko na nga naalala ng magkita na kami haha siya talaga ang nagpapaalala. Hahaha

Isang malaswa rin hahaha dahil kahit papano sobrang daring niya! Nyahahaha

Best in audience din siya sa tawanan hahaha

Sweet ni archie in fairness to him ha. Haha kaw ba naman magbuhat ng maleta ni arline all the way aba ang hari pinagbuhat ng diyosa sa biyak na kawayan abah bihira na yan! Go archie!! Ipush na yan! Hahaha

Isang simpleng hari, matipono ang katawan? Weehh?? Hahaha walang weeh kung sasabihin kong may cute na tiyan nga si archie! Bwahahahaha

Ang paborito pagusapan ni archie yong kuyokot talaga, sobra kung makapagencourage ilabas ang kuyukot na yan! Malapit na nga akong maconvince eh nahiya lang ako! Hahaha charot!!

Ang bait ni archie ha, walang keme at arteh sa buhay kuya na kuya lang ang peg niya lol

Nahihiya lang ata si archie matulog nong nasa van kami kaya pinipilit labanan ang antok or baka nahiya lang siya dahil magkatabi sila ni arline. Eeyyttt. Rots.

at tuwang tuwa si archie sa usapang pisil-pisil at pisilan na iyan! (winks) hahahaha

sarap makipagbiroan ni archie game na game sa mga malalaswang usapan! hahahaha gusto ko yan!! hahaha

Sumatotal yong personality ni archie strikto nga siyang tingnan pero bungisngis at the best talaga ay kanyang mapusok na isipan at kalaswaan hahahaha yon talaga eh ang nahighlight ko ano? Bwahahaha jowk!! namiss kita kagad archie talaga charots! hahaha sarap pisilin ang mukha mo! bwahahaha 

Si ARLINE

Weh? Lol

Tuwang tuwa ako sa kanya sa kainan! Hahaha kung makakain parang wala ng bukas oh diba kaw na ang kakain ng breakfast with macaroni soup pa yan (carbs din yon diba? Haha) plus may order pa syang pancake, oh diba wala sa katawan yan nasa gutom ng tao lang yan! Hahaha hindi ko pa ramdam ang gutom ni arline sa oras na iyon! Haha

Malambing in nature si sis arline, pink na pink nga lang talaga parang pusa lang hahaha

Naiintriga ako sa kwento nilang may talent si arline kapag naiihe or umihe na ba yon hahaha

Kung anong kulit ni arline sa twitter at fb, sa blog ganon din talaga naman in person at ito sasabihin ko na ang favourite tag line ko lagi “what u see is what u get” sa kanya hahaha

Simple nga lang si arline din, kung makastretch kasi ng paa sa van parang nasa bahay lang, diba? Haha kung makalagay kasi ng paa sa driver’s seat parang nasa sala nga lang. yan talaga ang dapat hahaha

Siya na ang bonggang nakapagbreakfast siya pa ang unang nagugutom sa byahe hahahaha jowk hindi ka pala kumain nong cookies na inoffer mo samin hehehe

Wild and free kung makatawa si arline, wagas na wagas! haha

walang dull moment kapag nakausap mo si arline, lahat connect eh! hahahaha lovelife to blogging to fb to twitter to wagas pose na pictures niya, everything under the sun

siya din ang sarap lait-laitin at asarin hahahahaha kasi lumalaban ayaw magpatalo i love that sis! haha

click na click kagad ang peg namin, ewan ko rin magaan lang sa loob kausap si arline siguro dahil isa siya sa lagi kong nakakausap sa twitter at ramdam na ramdam mo sa kanya ang isang hello welcome new friendship (sumeseryoso na ako bwahahaha jowk) basta nakakatuwa kasi isa siya sa sarap laging asarin! hahahaha sarap andami nating tawa! namiss kita kagad sis!

si JOAN  naman...
tuwang tuwa ako dito sa pic promise anong
meron kay joan diyan
isep2x kau hahaha


walang jowk para talaga siyang bata hahahaha

siya ang nagsisimula ng gulo at usapang nauuwi sa tawanan hahaha tama nga pala si june dahil sabi niya "wag kang mag-alala dahil andun si joan" parang sinasabi ni june na ang ingay nga niya! hahaha

ay at salamat pala sis sa libreng breakfast hahaha ikaw pa may galit kung hindi ko tatanggapin ano haha naliliitan ka nga sakin hahaha

siya ang babaeng walang pahinga sa byahe. according to her hindi siya nakakatulog kapag nasa byahe, oh diba simpleh lang sabi ko naman "bakit takot ka bang hindi ka na magising at pagkagising mo nasa kabilang buhay ka na pala" hahahaha

maging comportable ka na kagad kay sis joan dahil nga sa kanyang kadaldalan

sarap din asarin ni joan at kasi kalmang kalma lang gumanti ng banat hahaha

wow nga din pala siya ang mahilig magreklamo dahil malaki daw ang tiyan niya, dapat talaga siyang magreklamo kasi wala siya sa tiyan ko!! natural na natural lang ang laki ng tiyan ko compara sa kanya dibah! kailangan talaga niyang mahiya don sa akin hahahaha

sarap nilang panoorin ni zai kapag nagaasaran hahaha

kala mo lang na mala anghel ang mukha ni joan pero debil yan kapag bumanat ng usapan at kwentohan hahaha jowk!
masayang kasama si sis joan dahil maramdaman mo rin sa kanya yong parang matagal na kayong magkasama at kaibigan. oh diba seryoso na yan! hahaha namiss lang kita sis, one second every one second hahaha

kung tingnan mo si joan sa outfit na yan masasabi mong ma-arteh sa unang tingin pero yon lang yon pero hindi mo lubos maisip na sa ganda ng outfit niya na yan marunong din pala siyang umupo na nakabukaka na parang wala lang, ganyan! hahaha jowk. hindi ko lang kasi lubos maisip naman na pwede pa lang umupo sa harap ng airport at chumika chika ng slight with matching eating nilagang peanut at lanzones diba. 

ito muna ang teaser sa pagkikita namin sa surigao city, ako ay naglakbay ng halos 9 hours para makita lang sila oh diba dorang dora lang ang peg ko!! walang tulog pero nakaligo naman ako! nasa inyong konsensya na yan! hahahaha 



part 1 muna kasi hiningal ako sa kwento ko hahaha isusunod ko ang kay zai, empi at stef. 

itutuloy ito dahil super haba na. hahaha 

wait lang kayo zai, empi at stef kau naman mahighlight ko after nito hahaha



 

Monday, February 4, 2013

Reality 12: Masaya ang PBO

Dumating na nga si amang hari at ang anak ng hari sa republika ng pilipinas, yong saya ko hindi maitatago, naging maingay ako sa twitter dahil gusto kong abangan ang kanilang pagtouch down sa pilipinas. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam na ito galing naman sa mga kaibigan sa blogspero, huli kong naramdaman ang excitement noong isang taon pa mula naman iyon sa taong minamahal ko. Rawwrr.

What you see is what you get in me, mula nong nabago ang buhay ko naging totoo ako sa sarili ko, naging open sa ano ang meron ako at wala man. Hindi maitago ang sayang iyon na dumating na sila dahil nasa isip ko finally makikita ko na sila ng personal hindi yong nasa likod ng isang blog or computer lang sila, mapipisil ko na, mabiro ng totoo, mabigyan ng squeeze hug bawat blogger na Makita ko sa meet up kaso hindi ko rin maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil just earlier naconfirm ko na hindi na pala ako makakapunta sa manila ngayon February 15, 2013 sa meet up ng mga pboers. Ang last hope ko kasing eroplano na airphil, tumaas na rin ang pamasahe, hindi na kinaya ng aking bulsa dulot sa midterm exams ngayong week na ito at wala akong mahugot na pera sa ngayon dahilan na rin sa dami ng babayarin.

Lagpas langit ang kagustohan kong pumunta para Makita ko sila isa’t isa at gumawa ng memories na pwedi kong balikan kahit saan man ako mapunta sa buhay ko. Naiiyak ako na hindi ko rin maexplain ang pakiramdam na ito dahil nabigo naman ako sa aking expectation, lagi ko pa naman sinasabing kapag iniisip ko na makakapunta ako at maabot ko yan, nangyayari dahil sa law of attraction na yan pero ngayon sinusubukan ako ng panahon at pagkakataon. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan ng mga bloggers na sa wakas magkikitakita na sila after ilang buwan na nakikipagkulitan sa mga comment sa blog at sa twitter.

Oo bothered talaga ako ngayon dahil nalungkot ako hindi ko naman maitatago ang pakiramdam na iyan, ayokong magpretend sa emotion ko ngayon, ayoko rin magpretend na meron ako na wala naman dyan. Parang hanggang pangarap lang na makasama ko ang mga bloggers at pboers sa araw ng kanilang meet up sa February 15. Una ko sanang pagkakataon na makasama ang mga taong nagbigay saya sa akin for the past months na sobrang down ako sa buhay ko, yong mga kakulitan ko na hindi matapos tapos hanggang hindi napapagod kakadaldal. Natagpuan ko ang isang kaligayan sa pagbblog na nakita ko na may mga tao pa lang totoo kahit nasa social network site kayo nagkakakilala kaysa nasa harap mo araw-araw, dito ko naramdaman na bawat problema ay may solution may mga tao na nagpapangiti sayo despite of what you’ve been going through personally sa buhay mo.

Hanggang dito nalang muna, malungkot man ako ngayon pero makakarecover din ako. Sana maging masaya at makabulohan ang mga meet ups ninyo aking mga kaibigan sa blogspero.

hangsarap mag hiatus lol pasok nako sa banga! =(

Friday, February 1, 2013

Reality 11: Look inside

A change of thoughts now?

Maybe… I don’t know.

After my mom and grandma appeared in my dream the other night, I come to wonder what was that for, so I ponder a lot the whole day yesterday kaya naisipan kong panoorin ito kagabi.

Last night I happened to watch FINALLY this “the encounter” movie. (if it’s not with our RS subject in school, I wouldn’t know it after all. Requirement din naming panoorin ‘to para gawan ng reaction paper but I got more than that)

I just would like to share it, maybe through this movie may mabago din ang pananaw, thoughts nila or makapagreflect din.

This is biblical ika nga, it will touch the spiritual aspect sa life natin, alam naman ng lahat na I am not a church person but I really believed in God, his divine intervention, no doubt.

Ito lang siguro ulit ang bumalik sa isip ko na lagi kong tinatanong sa kanya na…

“where do you really want me to go?”

After I watched the movie, oo I asked him again pero iba na ang kasunod its “please guide me wherever you want me to go…”

Iba lang ang naging mood ko last night, after nanood, natulog at bagsak talaga ang katawan ko, I wasn’t able to wake up nga ng maaga to go to the gym, parang may bigat lang akong naramdaman sa puso ko kagabi.
I was really touched doon sa part na sinabihan ni God yong mga tao isa-isa ng “I LOVE YOU” wala lang ramdam na ramdam ko lang kasi from the start of his conversation to them, ang lalim na kasi lahat. naisip ko nga habang nanonood ako, totoo nga, totoo siya like nasa harap ko lang.

Kung nakita mo na ang movie na ito? Saan sa lima na character na masabi mong marelate mo ang iyong sarili? I am referring sa attitude na pinapakita niya towards kay God. Kasi ako, siguro yong babaeng in love sa kanyang boyfriend, ang ugali kasi niya was yong pinipilit niya ang bagay na tingin niya tama pero sa mata at desire ni God ay hindi. It happened din kasi minsan yan sa buhay ko until finally natanggap ko na may mga bagay na hindi talaga para sa atin. Kaya ito ako ngayon, shifting my dreams.

Sana maging inspired kayo sa movie na ito, subukan niyo lang tingnan, maybe it will moved you in the end. I am not asking na maniwala kayo sa mga pinagsasabi ko kasi kahit ako alam naman ng lahat na wala sa personality ko ang mga pinagsasabi ko dito pero isa lang ang sasabihin ko, matapang man akong tingnan pero pusong mamon talaga ako. =p wala sa looks ang peg talaga!! Hehehe

Gandang gabi sa lahat.

Naging busy lang talaga ako, pasensya na. makakagala din ako sa inyong mga bahay.

Dahil LOVE MONTH I will share this quote:

LOVE CHANGES EVERYTHING…

and please don't forget to share your heart and love to everyone... hindi lang pasko ang kailangan para magshare hehehe i am inviting you po to support the "PBO - BAZAAR FOR A CAUSE" Thanks...

God will provide you more when you share your blessings. =)






Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...