Tuesday, May 14, 2013

I am not strong as i look

Deep breathe! Inhale and exhale! Woooootttt! Pppooooootttt!!! Pampam-parampam!!!

I am trying to comfort myself, hahaha syet, paking tape!

Nanahimik ako sa twitter, sa blog at kahit sa fb dahil may pinagdadaanan akong nakakaloka lang. it happened after nong interview at deliberation ko with my practicum. I think, during and on-going na interview na yan nagbreak down ako. 

I thought kaya ko, oo I know matapang ako, physically yes but emotionally I’m so weak. lol wala sa hitsura at aura ng isang tao ang pagiging matapang niya dahil people who have the most disguise sa sarili is yong nagtapang-tapangan, strong at palaging tumatawa.

I just can’t believe that nagbreak down ako sa araw ng interview na  yon, hindi ko mapigilan umiyak (Im so artista that moment hahaha) pero seriously, pigil na pigil nong una ang iyak kasi nakakahiya sa panel, may kalidad at op kors, they’re also my professors.

I cried because I don’t want to lose this chance and hope na I can make it ng march 2014. I was given an option na summer 2014 ako ggraduate kasi according sa policy ng school hindi pwedi magload ng subjects dahil practicum days ko na, nangyari yan dahil sa mga religious studies na naiwan at ibang minors ko na hindi nacredit dahil sa descriptive title. Hindi ko kayang tanggapin yon kasi feeling ko that moment, I am going to lose what I hope. I told them na, I can’t promise what I can give if they are going to push that option dahil ayoko ng dumaan ulet sa pinagdadaanan ko non, minsan na rin kasi akong nadepressed ng almost a year, nagbreak down ako sa buhay, I wasted it ng ilang taon din dahil hindi ko kinaya ang expectations ng mga magulang ko, hindi ako naka-live sa mga expectations nila and I lost my way (don’t worry hindi ako tumira ng drugs! Hahaha)

I learn to dream again para sa sarili ko nong nag-aral ako ulet dahil alam kong ito ang gusto ng nanay ko, ito ang iniwan niya bago sya namatay. Minsan na ring tinapon ko ang pangarap ko dahil like I said, hindi ko kinaya ang expectations nila, hindi ako nakabangon ng ilang taon hanggang umabot sa turning point na kailangan kong labanan ang lahat ng takot ko sa buhay. that moment I was talking to my professors, ang tanging alam kong nasabi ko was “don’t make me lose this chance and hope to believe and continue the dream that I learned to live it now” sabay ang bonggang iyak na effortless tumulo yong luha ko pati sipon ko, sirang sira ang eye liner, make up at feeling ko para akong batang umiiyak sa sobrang gutom hahahaha

Currently, hindi ko pa alam kung kaya ko na bumalik sa school para sa enrolment na yan, hahaha kasi I am weighing things out, ang nasa utak ko lang ngayon is, patuloy ng patuloy lang, taking all the risk, if kailangan ng short cuts then I will do that, by pass sa usual enrolment process then gagawin na, medyo desperate na ako talaga. Hahaha kebs na ako! Medyo natatawa ako na hindi ko pa natatanggap na nagbreak down ako sa araw ng interview! Hahaha syet.

Pasensya na at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, in time, magiingay ulet ako at darating na rin sa point na gusto niyo akong palayasin sa mga blog niyo. Hahaha charreettt lang!! basta I know everything may rason, isep-isep positive nalang  para magaan ang buhay. kaya kung ano man ang inyong mga pinagdadaanan din, it will help if you see it positively. kaya yan! we will just laugh nalang after we surpass those trials. 




Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...