Sunday, September 29, 2013

4 Nights and 5 Days

Lemeeee begin with a simple twerking dance. Charrooottss hahaha wooootttt… pap-parap-pap-pap!!!
How i started my stay.
YES!!! Yes because I spent 4 nights and 5 days sa isang branch ng center namin na nag-sheshelter ng mga batang survivor ng sexually abuse (we term it survivor dahil strength based tayo this time, that is according to unicef) 

Yes dahil patapos na ang aking practicum and I had the opportunity na pumunta sa Malaybalay, Bukidnon dahil ang 5th case ko is doon sya nashelter kaya I need to stay so I can conduct sessions and study sa bata. Sa 3 months na I spent my days sa main center, talagang na-compressed ko in 5 days doon, kulang na kulang yong oras talaga but yon lang kasi ang oras na pwedi sakin because may subjects pa akong naiwan pero kung wala malamang 4 months magrequest akong don ako titira hahaha

Anyways, nakakastress man dahil yong case ko
This is my 2nd day. Bonding time in the pineapple plantation.
is medyo different from the usual case I had such as yong sibling and incest case. Ito is quite different dahil sabi ng social worker sa center (supervisor ko), kailangan ko i-dig ang kaso ng bata then she said “this is your 5th case, this must be a tough one so it fits for you” naahh!! When I read it, boom!! Yes it’s different talaga kasi the incident happened 2 years ago, that is according to the child but there’s more than that when I discovered it nong nagpapamedico legal na kami. Isipin mong 3 hours kami sa women’s desk. Iyak dito, iyak doon, hawak sa upuan sabay pasok ung ulo don sa ilalim ng upuan. Ayaw niya magpapamedico legal. We respect that of course but if walang medico legal kasi walang case na mafifile so maiwang Malaya yong taong nag-aabuse nong bata. 

School visit. We fetched them also after our appointment.
The child is responsive sa mga tanong ng doctor pero once magsstart na yong papahiga na sya biglang nalulugmok na naman sya and started to cry out loud and telling us that “ayoko, ayoko because ang dami ng nakakakita nakakahiya na” okay, again we respect that and everybody decided to leave the room pero wala pa ren its almost 5:30 in the afternoon and we failed na mapamedico legal yong bata.

kids loves picture taking. sorry i covered their face bawal kasi.
Pero after 3 days I think, na convince rin namin siya for medico legal and this time we’re hoping na it’s real na talaga. Tinupad naman niya pero half lang ang nakita kasi yong other half eh hindi pwedi mahawakan or ma-open lalo kasi daw super sakit. Sabi ng doctor, hindi nalang ipilit total kahit incomplete daw eh positive naman daw yong bata na na-abuse at pwedi na daw magfile ng case. But then, yong discovery ko about the kid mas lumalim ng lumalim kaya sabi ko talaga sa social worker naming sa center na puntahan ko sya sa bukidnon so I can spend time with her and maintindihan ko yong running case niya. Pero nalaman ko din na hindi na-file yong case dahil minor yong lalaki (CICL) naakkk!! Naman!! Pwedi bang ibalik ang death penalty!? So ano ito? Aantayin yong lalaki na darating sa tamang edad saka i-aarrest? But the minor (abuser) will go to a diversion program ata something basta ang alam ko now, walang case na na-file, so ibig sabihin non pagala-gala pa rin yong lalaki. 

This what i do after our appointment in the city. Stress reliever.
Staying sa center for 4 nights and 5 days, ang dami kong natutunan sa mga bata. I was also amazed doon sa time we spent na nag-gather kami ng mga woods at twigs, we all have our small talks, sabi nila they used to gather woods and sell it as well as they know pano mapa-amo yong cow at carabao pero natuwa talaga ako don sa part na pauwi na kami at yong isang bata kumuha ng itak with all the feelings na tinadtad yong katawan ng gemilina tree and sabi nong isang bata “HOY! Bakit mo yan tinadtad!” ang sagot ng bata “kasi sinugatan niya yong paa ko!” hahaha yong kasama kong intern napaupo kakatawa kasi naisip pa yon ng bata lol well it was really fun to be with them kaso kulang talaga sa time, we’re just looking forward to see them all here sa cdo sa upcoming family day ng mga bata where their family and social workers will come to visit and spend time with them. 

So back with my case again, ibang iba siya sa center sa panahon na magkasama kami sa hospital dahil mas nakita ko yong pagiging makulit niya at maingay sa lahat ng bagay, magaling din siyang kumanta at sumayaw. Sabi ko nga sa kanya na sa last night naming sumayaw siya, sinagot niya ako “wala akong damit, wala akong bracelets at hanky” part kasi siya ng indigenous group kaya ganon nalang, specific siya. Hahaha 

A time to gather woods and twigs for bone fire.
So much for that, madami man paperworks sa center, dami ko man iniisip, all the pictures na makikita niyo is yon ang time we tried to compressed it maspend sa mga bata. We also went to their school para Makita kung ano ba sila kapag nasa skwelahan, they are really proud and sikat na sikat sila sa school nila dahil at that time we brought a camera with us so we took pictures and everybody is looking at them. Doon naman sa pinya plantation, marunong na marunong silang mag-identify ng matamis na pinya they also taught me how to get a pinya, yong kailangan mo pang ikotin yong buong pinya para makuha mo sya don sa crown niya. At ang best part sa stay namin is yong family night namin na gumawa ako ng “bannock” na i-wwrap sa hotdog. They’re only seven sa center ng bukidnon kaya na-afford namin ng co-intern kong sagotin ang hotdog at bannock hahahaha hindi kasi naming carry sa main center dahil there are 20 of them. So yon ang adventure ko sa Malaybalay Bukidnon sa 4 nights and 5 days. And oo nga pala, paguwi ko, lagnat inabot ko dahil sa weather doon, isipin mo nalang yong cold water na iniinom natin galing ng fridge natin yon lang ang normal na lamig ng tubig kapag naliligo ka. Hahaha halos hindi nga ako nakakainom ng water don most of the time I had 4 cups of coffee a day. wooott!! Hahahaha 
This the finale. Last night in the center.

So ito lang muna, I will be very busy in the next 2 to 3 weeks kasi I have deadline ng october 12 at family day ng october 11 so still we’re looking for benefactors to help us build a study area for the girls in the center so they will start to build their dreams too and believe that there will always a dream waiting for them. You and I can be a part of the child’s dream. God bless everyone!! Happy blogging. Woootttt!!! Pakkk-parak-pak!! Hehehehe 


3 comments:

  1. Woot!? ang saya saya naman ehehehe!

    Wala man lang akong natanggap na kahit isang slice na pinya from you hmph!!!

    ReplyDelete
  2. productive ang 4nights 5 days mo :)

    ReplyDelete
  3. Nice work again Lalah. Such a touching and wonderful experience. Good luck with the project:)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...