Showing posts with label Love. Show all posts
Showing posts with label Love. Show all posts

Monday, January 26, 2015

Beauty & Madness

Kailangan iplay tong kanta habang nagbabasa 
para mas ramdam ang blog entry! hahaha chos! 

Last night I couldn’t sleep and it’s 3 am in the morning approximately. I browse my computer files and one folder gave me so much confusion so I opened it, to my surprise, halos lumabas yong mata ko – im thinking at that moment “the fuck! Na-save ko ito?!” then the next thing happened was ang bilis ng tibok ng puso ko, sumasakit ang tiyan ko, that’s the feeling na ayaw ko ng maramdaman chos! So, I read the files.

It was an email and some blog entry. Right now, how long it has been already? This is one of those I haven’t talked it about for years, I kept it. So like because I saw it, now I felt like it’s about time for me to talk about him. Maybe. He is one of us. Yes. I remember my jokes to some blogger friends na “uy! Masarap kaya na blogger yong bf mo!” deep inside of me, super yes but I just couldn’t say it, I don’t know, I tried to but I just don’t have enough guts to say it.

Two of us lasted for almost a year & it was all worth it. Why? We spent our days as if it’s our last. Distance was never an issue, hello technology it is. Until the day he came through that door of an airport. I was stunned & I couldn’t hold my breath & I got so afraid. That kind of fear I couldn’t explain, I just don’t know where to put all those feelings. I had a dream to reach at that time; my thoughts are running so fast, I couldn’t grasp it for a second either.  He simply hugged me like he is just hugging a big panda or a bear, we’ve been so best of friends, partners in all kinds but I broke down. I ran away from him for almost an hour, I came back where I left him and told him “parang I can’t go on! I don’t know, I couldn’t think, baka sobrang na-stunned ako, happy or I don’t know!” we talked and talked na parang walang mapupuntahan kasi that moment, sobrang na-block yong utak ko, na-blanko din ako, everything was so different coz nakikita ko siya, I can even hold him, different from what we used to have. With all his galit, dahil sa sobrang gulo ng utak ko, the following day, he decided to leave.

I thought that was an end of us. Again, we tried but I could still feel his pain through his blog entries. I know he was hurt that I couldn’t decide coz all he thought I am brave enough to stand and fight for what we had. I failed him. Days passed, when we had our fights, it’s painful already because may mura na, sisihan, kwentahan, sobrang abusive na at hindi ko na kinaya. I was studying & I tried to hold everything I could at that time, it was tough, a super hell ride. I kept it all by myself, all alone, I journeyed it. It was a failure of me that’s why hindi ko sinasabi.

One day, an old blogger friend asked me “are you still two okay?!” and I told him, I don’t know, why did you asked. He simply told me, I think you better check his blog & fb account. So I did. I found out that, he is busy preparing for their wedding sa babaeng nabuntis niya and his old friend. I paused & said to myself “ayy ganon?!” sa kagagahan ko I message him and said “congrats, finally, yong inasam asam mo!” I thought he will just say thank you pero epic failed dahil madaming mura ang inabot ko, sisi, sumabog ulit siya sa galit. So like ako, ok. I went offline for long.

I focused myself sa school, family & friends. I kept myself so busy na halos paguuwi ako biglang matutulog sa pagod. I have been happy with my friends that time too so kering keri. Until I received an email from him, telling everything behind sa pagpapakasal niya, sa buhay niya, sa galit niya. I didn’t have the courage to reply anymore or to say something (bumalik ang long time loved one at this time chos!) dahil I don’t want to feel na ginagago ko ang sarili ko or itong isang tao na bumalik, never na akong nagcare to reply pa. Yong ending din naman that year, double dead ako!

I know he’s just around in this corner sa blog na ito. If you able to read this, I just wanted to say sorry for all the pain I have caused you, for the promises I made and for the time and your dream to be wasted. The love I had for you was real & true. I never cheated you either like you always assume & claim it. Defense mo na kasi yon dahil alam mo na sa sarili mo na you are just pushing me away dahil you already had a new commitment. Years passed already & like you said “if it’s meant to be, kahit saan pa at ano pa, mangyayari!” I always remember that. I never replied to your email because I have no more reason to do that, this time, I held everything, as much as I could share everything I had inside, pinigilan ko na. You’ve made me a better person as well as I valued myself even more. Yes, I felt so betrayed but even so, I learned to trust. Whatever it is, I am happy for you & I am sincere with that. Thank you for everything, it was worth it, walang nasayang, coz we journeyed our life together.


 

Saturday, January 11, 2014

sa E.R ang totoong drama ng buhay

Dahil malamig ang panahon, ayokong magpainit ng post hahaha

I just wanted to say something bago ako mag-acrobat sa blog kong ito and even sa buhay ko!

After 2 weeks’ vacation, (December 21, 2013 to January 5, 2014) yong vacation na finally nasabi kong, I spent it to myself, my family and GOD! Yes, I brought back my life to him. I have my faith of course, I believe in him, I really do but those were the times I came to realize that life is too short to waste in pity things. I am not a person who is prayerful, goes to church every Sunday but with that 2 weeks’ vacation, I am happy with the change!

This is one of the few conversations I had with my sister after she had her night duty. Having a coffee in the morning and talk random things ay isa sa pinaka magandang moment masabi kong I have time with my family, finally! (been feeling so busy kasi ang buhay ko for the past years! Charot lang yon! hahaha)

So much for that, ito kasi ang sabi niya na nakapagisip ako ng bongga talaga! “kapag namatay ang tao, kahit piso wala kang madadala…” my sister was assigned in the emergency room sa isang tertiary hospital dito sa amin. I just can’t believe sinasabi niya sa amin na siya yong nagpipikit ng mata nong patiente na namamatay sa E.R kapag ito ay nakadilat, dagdagan pa yong magtatanggal ng IV’s sa katawan nong pasyente. And doon ako mas natinag when she told us na kahit patay na yong tao, she make it sure na maayos yong pagtanngal ng mga IV’s at kahit patay na she still take care of it like buhay pa so the immediate family or relatives would feel na inasikaso naman yong pasyente kahit public hospital man.

That conversation made me realize a lot of things in life. I looked back and ponder what have I done in the past years of my life, tama rin ba kaya yong mga nagawa ko nong nasa work pa ako, may natulongan ba ako talaga or baka nasaktan ko lang yong iba. I learned to be humble enough now and mas naging mahaba ang patience ko this time dahil kailangan kong hindi na patulan ang mga taong makitid ang utak na walang ginawa kundi pagusapan ang ibang tao to the point na lulunorin mo na yong tao at tatanggalan ng ulo. NOW, I just love praying over them and show my success along.

Mas narealize ko now na ang dami kong sinayang na oras, pero I still have hope na may mga about 30 years pa ako kung hindi ako mahihigh blood sa sobrang pigil sa galit minsan! Hahaha kaya I am proud and happy I turn myself back to God, as in having a relationship with him made me feel that I can do all things that are impossible because with him, alam natin everything is possible!

oh  yes, glad at nakasama pala din ako sa Black Nazarene na prosisyon, i felt so loved. Really. it was also my first time to join. 

Take note, it doesn’t mean na feeling banal ako sa post kong ‘to eh hindi na ako magiingay sa mga bahay niyo. This is just the spiritual side of me lang naman, meron pang social, emotional, physical aspect pa naman! Hahahaha

Sa next post ulit. Totoo na ito for this year! Hahaha




Tuesday, January 7, 2014

Birthday arousal

I MISS THIS!!!!

ang mababasa niyo ay rated s.p.g striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. maaring may maseselang tema, lenggwahe, karanasan, karahasan, o sekswal. hahaha

Nabubuhay ang aking mga alindog!! (napaisip pa rin ako kung meron ba ako nyan! Hahaha)

Woooooppp!!! Woooppsss!!! Kerrriii!! Keerrriii! My booobbss!! Keriboobs!! biglang talon, pagkalapak sa putik, split all the way agad-agad, biglang tayo at dampot ng pagkain! (kapagod kaya noh! Hahaha)

My moment…

It’s been 3 months since my last post. Hahaha i was very busy indeed doing nothing only that eating is an exemption to this matter! Rooow! Hahaha oh well, well! hindi lang sa kakakain ang pinagkakaabalahan ko alam niyo namang busy ako sa career ko rin! Feeling ko lang this year mas maging busy ako! (feeling lang yan, walang assurance pa yan! Hahaha)

On a serious note, hopefully matatapos na ako this march and will have my 2 months review and by June, yon na! board exam na! (hhmmm…) so much for that, busy din ako sa long term plan ko after graduation, will tell it soon kapag mahahawakan ko na ang upo, I mean maging totoo na ang UPOrtunety! TOOOTTTooooRRROOOOTTTTooooTTT!!! (trumpong trumpo)

Ayoko na ng moment, naantok ako! Hahaha charing! 

Woooppss!! Keerriii keerrriii my boobss!!! Woooott!!! Hahahaha

Siguro hindi pa alam ng lahat kung bakit bigla akong nabuhay, bigla akong gumawa ng entry! Matagal ko ng plano talaga I am just looking for the perfect and right time kaso hindi na ata nakapagantay simula nong pinukaw ang aking alindog (iniisip ko pa rin until now if meron ba ako nyan hahaha) ng isang hari na itatago ko sa pangalang “archie” OO! Siyang siya nga from a far far away land! SUPER asim i mean tamis ng HARI dahil gumawa siya ng isang laglagan entry talaga para sakin! hahaha at lalong nagkaron ako ng awaken emotions (in other words – arousal of feelings daw hahahaha) nong may picture greeting ako galing sa one and only pusa ko na matagal nagtatago na kala ng lahat ay isang cat drawing lang to! (automatic tadyak sa buntot ng pusa kapag ito ay magrereact! Hahah) Thank you sa inyong dalawa, ang sweat sweet ninyo pati ako pinagpapawisan sa inyo! i lab da two op U!

Thank you also sa isang special na kaibigan na si jonDmur, ang lover ng blogsphere dahil sa hilig nito magsulat ng romance books hahaha (ito ibebenta ko na sa inyo! chos! hahaha) special kasi hindi niya nilagay ang pic greeting kasi sa timeline ko at private talaga. Hihihi at nakaka-arouse i mean nakaka bring up din ng excitement naman tong si josh na idol ko sa pagV-vlog nong sinabi niyang “iblow na yan!” sabayan pa ng gwapitong paokun sa blogsphere na “I blow na nga yan!” ibang iba ang aking pakiramdam! Parang pag na-iblow eh hindi ko alam kung may sasabog ba or mamatay! Hindi ko talaga alam! Pero ang nasa isip ko nito, ang hari pa rin! (I feel so crazy!! Landi2x pag may time) hahahaha

Mas nagsstimulate ito sexually I mean emotionally pala ang pagbabalik ko sa blogsphere nong nakita ko ang mga unexpected birthday greetings from the PBOers, its been a year na nga since nong nagsimulang mabuo ang groupo. I appreciate sa lahat ng bumati, you made me so special and gay! (OMG! Hahaha) I so love that! promise! I truly found a home in you all guys! Thank you! and Thank you for the friendship!!!

Hindi ako mapakali, hindi dahil Makati yong pwet ko or yong silicon ko eh lumalabas na sa bra ko! hindi ganon! At hindi yon! hahahaha charing! Ang dami kong gustong sabihin! Alam ni feyel yan, alam ng mga PBOers din yan, sa daldal ko ba naman kahit ako hindi ako kontento sa pagbblog lang! hindi talaga! I hate this! Char lang, arte-arte lang para may masabi! Hahaha

OH YES! I do plan of making once again a vlog, sabi nga ni haring archie, makapal ang mukha ko! yes! Sa mga bago sa blogsphere! Kayo na ang mahiya sakin dahil kung may mas makapal pa sa rubber pwes yon na ang mukha ko! Walang kokontra! Hahahaha (assuming lang!) hindi ko nga alam anong sumapi sakin sa araw na yon at totoo hindi ako humarap sa camera hanggat hindi ako nag-ahit ng kilay! Bwahahahaha

Oh well naman noh in fairness!!! Gustohin ko man magVlog ngayon, hindi ako ready! Wag niyo akong pilitin! Please! Hahaha promise hindi ako ready! Dahil hindi pa ako nakapunta ng david salon para magpagupit, ahit ng kilay at bigote, isali mo na ang buhok sa kili-kili! Ang pechay?! Kasama?! Wag na! sa brazil ko na gagawin yon! Brazilian style! (hindi ko maimagine sarili ko! bwahahahaha) anyways, totoo! This time kailangan ko ng magmake up tulad ng nakikita niyong profile pic ko sa facebook at blogspot! Kasi kung hindi ko gagawin yon hindi ako yon! hahaha kailangan panindigan ang gandang di inakala! hahahaha

Now tell me, ang gastos diba?! Kalokah! Kailangan kong gumastos ng libo-libo para iharap ko ang sarili ko sa hari! Dahil kung hindi ko gagawin yon, hindi ako makaka-ani ng upo, baka puro sili at okra lang makukuha ko, mas masaklap kapag ampalayang kulobot! Hay naman! Walang pag-asa! Walang isasarap sa bitter na bitter na ampalaya! Alam mo yon!? its driving me so crazy! Uggh!! (feeling maarte lang ako! Hahahaha)

ITO SERYOS TALAGA…

Salamat sa lahat ng bumati, salamat dahil kala ko nakalimutan na ninyo ako dahil sobra ang pananahimik ko, I feel so special dahil kahit tagal naging sabaw ang utak ko sa pagbablog, hindi niyo ako nakalimutan especially to ate “balut ng manila” (na hanggang ngayon hindi ako makaget over sa edad niya kasi feeling ko mas matanda pa ako sa kanya! ang bata niyang tingnan kaya! Hahaha) I feel so blessed to have you guys around! For this year, let’s aim to be a blessing to other people!!!

FEELING KO LANG, may multiple personality disorder ako, bigla bigla ang pag-sshift ko ng thoughts! hahahaha sige rix sagotin mo ako dito! hahaha 


Friday, April 5, 2013

Tele-Iyak-mode

Waking up in the middle of the night is one of the things I hate the most. Charot! Totoo.

Sinungaling ako! Or hindi ko lang talaga sinadya na ganon ang maging reaction ko? I am trying to go back to sleep but seems hindi na ako makatulog, para mapagod ako ito, magblog ako, ilabas ang nararamdaman ko.

Unang una, pasensya kana blog, ang aking telelalahbells na hindi naman tugma ang pangalan sa drama ko ngayon, feeling ko ang kulay ng buhay ng pangalan ng blog tapos ang laman, eto ka-artehan, drama sa ngayon. Bear with me, seryos ako. Promise na. lol

Para hindi mailto sa mga drama ko sa buhay. ito brief lang ang kwento ko.

Sa all life natin, ilang tao man ang dumaan at minahal natin, there’s always this one person na masabi natin na naging greatest love daw natin. Ows? Ganyan. sabaw na sabaw na talaga ako! Or baka nasabi ko lang yan kasi ang hapdi ng puso ko ngayon. (may sugat talaga, yon  na haha)

Dahil sa pagiging curious ko nga kay architect nong malaman ko ang pagbabago sa kanyang career, naisipan kong tingnan sa kanyang personal na buhay. Sa fb at twitter. May mga common friends kaya alam ko! (stalker ang peg) ito ang rants ko dati na kelan kaya ang pagkakataon na kaya ko ng tingnan ang buhay niya at dumating nga kagabi.

Pagkabukas ko, viooollaahh..

Magiging tatay na siya, may asawa na siya! Futah lang diba. Pero the worst experience I got nong Makita ko eh, hala natatae ako promise and I get so cold at sure the next thing I know, tumakbo na talaga ako sa cr para tumae. Hindi ata puso ko ang nastress but yong tyan ko ewan ko ano ba koneksyon. Hahaha

Sa mga panahon na nasa cr ako, napaisip ako kung saan ko ba nalagay ang ovary ko nong panahon na yon, plastic ba ang ovary ko, fake, manhid or sadyang kulang lang sa battery kaya hindi gumana. Hindi rin naman ako ready noon, char! It’s true, ang dami ko lang inisip, inasikaso sa personal kong buhay kaya things went bad.

Dahil bonggang iyak na rin ako, nagtext ako kay fiel, kay arline para may makausap ako kasi hindi ko alam pano ko ilabas ang naramdaman ko. Thanked God to King Archie also he was there to talk to me. Ang heart to heart talk nauwi pa rin sa harotan. Its natural! Ganyan! lol Thank you sa inyo, I feel better eventually, sa jokes, sa harot and sa comfort, all I need is someone or somebody na makakausap to divert whats in my mind, this what I called “talking therapy”  I was taught of that nong nagkaron ako ng unfinished professional issues with my mom, they just let me talk and talk until I cried and it helped, I moved on.

It’s just so funny reading his timeline with the hashtags na kami lang ang nakakaalam, na naging code name namin noon, even the dates that are significant to us, may notes pa rin siya. Kaya kahit alam kong may bagong buhay na siya ngayon, I know he can’t still let it go. May special connection pa rin in between kahit wala na kaming communication, I could still feel it but hanggang doon nalang talaga kasi. Sinisi talaga niya ako sa lahat-lahat but I have to stand sa ano mang decision ko noon, I can’t leave my mom at that time who is sick, trying times namin sa pamilya noon and hindi ko kaya na pagsabayin lahat, I need to give up and before I did that, ginawa na niya pala. And months after, ang bilis talaga ng recovery or palit period ng lalaki so I moved on again.

Like I said, just bear with me, just let me do the ranting, things will be over. Maybe I just need this to finally close that book. I opened it pa kasi dahil para maghanap ng dahilan para sunogin. Roots. Ang daming magandang memories that I can’t throw it away noon dahil siguro I’m still holding on to that “kind” of love I have with him once. Naiyak ko na eh, kaya ok na ako don. Swerte lang ngayon kasi no beer, no hard liquor na malamang sa 2nd time hahalikan ko ang sarili kong suka, face to face pa sabay simot amoy ng pulutan malas pa kung boy bawang.

Lahat dadaan tayo sa ganitong pagkakataon na masaktan, madaya, at madapa para matuto, magkaron ng leksyon at makapagingat sa susunod. I am thinking this positively kasi if I dwell on it, ako rin ang lugi, ako rin ang hind imaging masaya. Siguro sa ngayon lang naman ito, eventually mawawala din lahat ng  to, once I cried it out, soon enough maging ok na ako. Focus sa career which I know successful ako don but palpak sa buhay pag-ibig, its nature na hindi talaga nabibigay sayo lahat ni God. Accepted.

I Still thanked God for this even though its painful, I experienced it, I learn to live with it and I will learn to understand and listen more sa mga kaibigan ko kung sakali mararanasan nilang masaktan din. Sana wag naman. Kailangan kong panindigan ang mga advices ko sa kaibigan ko dahil i will never be an effective counselor (someday) kung hindi ko i-aapply rin sa sarili ko ang natutonan ko. Nga-ngang nga-nga lang ako niyan! 

pero sayang na sayang lang ang sinigang na bangus na niluto ko last night, pinaghuhugutan ko talaga yon kaso nawalan ng tubig dahil sa pagbutingting ko nga sa twitter. hindi na rin ako nakapagdinner dahil wala pa akong nakain, natae ako sa stress. syet. hahaha 


Telelalalamorning!! 
as of 3:24am
ako ay nagugutom


Tuesday, April 2, 2013

Tele-tahimik-muna

Ayoko muna mag-ingay, walang intro, walang drums, kampana at ano pang anek-anek.

Natatawa rin ako kapag iniisip kong mag-eemote ako, ganyan hahaha but no, no, I hope it’s a big no. lol

It’s in my thoughts now I want “telelalahbells” will remain as a happy person, may happy thoughts and will definitely just laugh with problems and I think that’s what I am doing now kahit sobrang bigat na ng kuyukot ko esteh yong puso ko charing lang hahaha

Kayo, kayo lang eh! Hihihi pero honestly, since I came back sa mundo ng blogging, I started to open my thoughts, lahat na ata kulang nalang maghubad ako pero wag na masara pa tong blogspot dahil sakin. 

Hahaha roootts. And u became all my inspiration kaya tuloy ang ingay-ingay mode ko. char!

Una, I just want to say thank you to all sa walang sawang pagbisita sa blog ko, may sense man o wala ang post ko you never failed to drop and left your footprints, you made a difference sa life ko and alam mo yan. Salamat kaibigan, mga sis, ateh, koyah at mga ka-animals.

It has been months since dito ko nilagay lahat ng rants ko sa buhay and I am grateful that dahil sa blogging at sa inyo, I come to discover a lot of things sa buhay ko, nakaya kong i-separate ang sarili ko, (dual personality ang peg? Hahaha) kung trying hard to be formal kami kasi nga tinitingnan ng maraming tao ang profession namin sa realidad na parang bawal magkamali, dapat lahat ng bagay ay tama, iniiwasang magkamali dahil panget sa mata ng ibang tao, but dito sa mundo ng blogsphere, abah super split na split ang personality ko dito hahaha wala yon, hindi kasama yon dahil mas gugustohin ko yong simpleng ako lang talaga, free to express my thoughts without any judgment, without any doubts and we are all free to share what’s in our mind (facebook lang ba may alam? Lol)  lahat equal, yon ang importante sakin, walang mayaman, walang mahirap lahat ay pantay tayo dito sa mundo ng blogsphere.

Now I am saying that I already have a life here.. chars!! Haha

Sa totoo lang, gutom lang ako now hahaha jowk. There’s just this feeling lang na I once felt this, nakakainis, nakakalito at nagugulohan (charoots) pero hindi ako na-tatae ha. Promise. Hahaha

I am trying now  na maging seryos na. hahaha syet.

Natuwa lang me, a year after I learned to listen again those “love songs” bwahahahahaha natatawa ako pero totoo nga, bakit ba wag ng makialam blog ko to hahaha jowk naiiba na rin ang mood ko, hihihi ohhh well thanked God for the life and love I knew it once na naging matatag ako lalo at nagbigay ng daan para maintindihan ko rin ang ibang tao who have been an alipin ng pag-ibig. Charooks!!

But anyways, tumae lang ako dito sa blog ko este naglabas ng hindi naman sama ng loob but saloobin lang ata. I just want to take this out, yong happiness na hindi mo alam where galing at ano ang pinaghuhugotan char char many char hahaha basta yon na yon talaga, be it, whatever is in your mind, basta yon na talaga! Hahaha

[insert puso na may butas]

P.S.
Like I said, I’m glad and happy na naabot mo yan. You got it. Finally, the license, the firm and the life, it is really for you. Basta i am just happy for you, hanggang doon lang siguro.  Your dreams became your reality now, congratulations!  I can't be part of that, anymore. Until then, architect. =)




Friday, March 29, 2013

Tele-GoodByernes-Emote

Telelalalalala gandang hapon

Tele-good-Friday

No claps, no dance and split for the intro of this post since it’s good Friday. (bait ako now, this moment hehe)

Dami ko pang sinabi eh mag-eemote lang din ako naman jowk

Nooooo… I am trying not to. Char!!

Dahil lang ito sa MUSIC ROOM ng mga bloggero authored by RIX

Ito ang resulta ng good Friday afternoon ko…

Dahil sa mga kanta na nasa music room, naisip ko ulit yong kanta na matagal ko ng iniwasan dahil sa pagbubuwis ko ng buhay non charing! Hindi ako tinatablan ng blade lang, kahit kutsilyo walang sinabi. CHAIN SAW malamang walang ligtas aking kamay doon lels.

Seryos na ako…

Itong kanta na ito…




If u read between lines you will know what message I am telling you…

Hands up ako, wala akong alam. (seryos yan)

For all you know, ngayon ko lang ito i-reveal roottss. Behind all those smiles and laughter na meron ako, ito ay dahil sumugal ako sa buhay minsan, nadapa ako, at natuto, naging tanga at nabulag (dilat na ang aking mata ngayon promise lol) and that helped me to be a happy person now. This is what i always tell to those people na nalulungkot "sadness will lead you to new happiness" yan lang ang nangyari sakin. lel.

That song, yan ang kwento ng buhay pag-ibig ko minsan (malaking charing!) oo may pag-ibig din ako naman! (i'm counting joke!) Hahaha pero like I said HANDS UP AKO, I’m innocent. (pls I’m so innocent don’t kill me hahaha)

Want to know? Now na? later nalang kaya? Hahaha

Sige na nga. You may judge me or not but it’s up to you. I just want to disclose this to let go of those things behind my smiles and laughter. I don’t want to pretend anymore that I have a great life once in love. I want you to learn too what I have learned in life the same. I am aware with what’s right or wrong yet i never get a word from myself. But it was one of the best decision I made to let it go of that suicidal love (may suicidal love talagang term hahaha), honestly, I fought my feelings, I fought myself, my heart and my brain. It was hard, very hard that I almost lost myself in the process of healing (roootttss  may ganyang drama hahaha) and I won after all.

Maniwala kayo or hindi, he was once a blogger and never a single moment I thought of seeing him personally after all knowing the situation. He tried to reach me, he tried to stand in the airport for how many hours but I was tough enough with my decision not to, though I am really dying inside, its killing me seeing him far away from me (kantang kanta lang ang linya ko hahaha) but I need to hold on what is really right for me, my future and his. Kinaya ko though i broke down. (luhod at sinabing kailangan ko ng himala haha)

This is just one of the reason why i left blogging for a while. hihihi 

Separately, may real love life talaga ako bago ko siya nakilala and even after him (just same person lang naman). hahaha lol 

Love isn’t love after all…

Thanks paparix (papa-usohin para maging official side kick ni papa jack haha) of music room, this gave me a room to open a small box in my life. I felt so free and happy now. so, pwedi na akong mag-artista? hahahaha 






Wednesday, February 27, 2013

Special Connection between the two

It’s been ten years since the last time sinipag akong magblog lol

Hindi ko rin alam now kung sipag ba ito or sadyang kinarir ko lang ang pinagdadaanan ko

May utang pa ako kay zai, empi at steph, nasa file ko pa yong draft ng kwento ko sa kanila, nasa kalagitnaan na ako at biglang madaming sagaball sa blogging career ko kaya natambak ko ang draft nila zai, empi at steph. uunahin ko sana gawin  yon kaso ito na naman ang pakiramdam kong ayaw ko na talaga sana pero bakit ba! Naiinis na ako ha!! Super! Mga moment na hindi na dapat mag-appear, super bitter pa rin kasi appear ng appear hindi ko naman kailangan. (bigti mode)

Hindi ko rin naman masabi dahil sa super pagod ko lately sa event at nagkakaganito ang pakiramdam ko. Totoo nga ang sabi nila when ang dalawang tao may special connection kasi kung ano ang nararamdaman mo, yon din ang nararamdaman ng isa. Isang halimbawa na naisip ko ngayon yong nag-iisip ka na itext or tawagan mo yong taong mahal mo tapos siya rin the moment you think about her/him pala,  yon din nasa isip niya. That is a very special connection kasi feelings niyo na ang nagsasabi gawin ang mga bagay2x (wag grin yang utak mo, nakikita ko lol) na sabay.

Yan ang pakiramdam ko ngayon, ang bigat, mas mabigat pa sa kuyukot na dinadala ko at pinipilit pa itong palakihin na parang napaka-imposeble naman yata pero I will still try. You know. =)

Hindi na muna ako magjoke kasi seryos kasi tong post ko na ‘ito. Rots.

Nahihirapan ako? Siguro kasi ayoko tanggapin yong closure. What I mean is OO there is a closure pero ang iniwan ko yong mga magagandang alaala dahil I want to live there, I want to live it that way kasi kahit anong galit naman gawin ko, wala eh, wala naman, feeling ko in the end of it, nasa akin pa rin ang mali, ang kulang but God knows how I tried to save it pero wala na talaga. There are things we need to accept na kung hindi daw talaga para sa atin, wag na natin itong ipilit.

Sa mga pagkakataong ito, gusto kong lumayo. Malayo sa maiingay na ciudad, at manatili muna sa may bundok, yong pagkagising ko puro kahoy lang ang nakikita ko, may dagat at may mga ibon na nagiingay sa paligid.

Wala namang tao or situation na nagpush sa akin na maramdaman tong bigat sa dibdib ko, ito na talaga ang sinasabi kong special connection between us kahit malayo na siya, wala na siya pero dahil may pinagsamahan kayo, meron pa ring natitira kaya alam kong sa oras na ito abot tenga ang ngiti niya, natagpuan na niya ang happiness na hinahanap niya, may kayakap na siya hindi lang sa isang araw or dalawa pero pwedi na ring habang buhay na. I remember that pain, tagos sa laman, sobra!

Napagod ako, parang gusto ko lang matulog ngayon, pinipilit wag umiyak diba kasi wala naman rason, ok naman ako ayoko lang sa naramdaman ko ngayon kasi sobrang bigat. Ito at ito lang yong pakiramdam ng malaman kong ang pagiwan mo sa panahong yon ay natuto ka ng hindi na bumalik.

Sana pwedi kagad sumakay ng eroplano para lumayo at mag-isip ulit. Gusto kong pumara ng airplane at magpunta ng hongkong Disneyland para isiping bata ulit, walang problema, innocente ang pagiisip at hindi nagiisip pa sa kinabukasan.

I’m just really sad.

Bear with me my blog. =)

Wanna escape for a while. 


Tuesday, January 29, 2013

Reality 10: That love of mine once...

I hate that feeling, really.

I can’t stop thinking of you, deym!!! Hearing back the song once again, it melted me. i just don’t know if sinasadya ng panahon na marinig ko yong kantang yon! Hammmp! Kaya ayoko sumakay ng taxi as much as possible dahil malamig ang mga kanta, walang rock bakit bah! Naman! Kapag sa jeep naman ako, all I have is my dreams, all I could think of is the life I want after I pass the board exam. Mga pangarap na minsan alam kong impossible pero gusto kong abotin at nakakalimutan kita sa pagkakataong yan.

Not to deny it, everyday kahit a second, oo I still thought of you. I am different with my feelings sa’yo dahil siguro naging ako nong tayo, I am not the person na ako ngayon yong madaming gusto sa buhay, madaming pangarap dahil when I was with you, simply lang ang lahat. Alam  ng diyos how I tried to forget you, not to love you anymore, not to miss you even more. So many times now I wanted to see you back again to know hanggang saan ba kaya ng puso ko tumayo na mag-isa pero hindi ko kaya. I am okay na ganito, wala akong narinig, wala akong alam, parang ok na ako na ang alam ko puro magandang alaala ang natira sakin. I tried not to cry this thing out again pero my geeedd!! I can’t help it, my heart is going to explode.

Confused na naman ako dahil alam kong pinandigan ko ang decision ko, pero malapit na rin mag-isang taon at ganito pa rin ang nararamdaman ko, OO handa na akong magmahal ulit, magcommit, magpakatanga once again lol pero paano nga ba kung may natitirang ganitong feeling pa? puchek! I had the best years with you and I am afraid hindi kayanin ng darating na malagpasan ang ano man ang meron between us. laging sinasabi ng lahat na mas higit pa ang darating sa nawala sayo. Ang nasa utak ko “talaga? Paano nga ba?”

I hate the feeling when I remember you, when I miss you…

I am not hoping anymore, I am not thinking anymore of being together once again, I just maybe need to live my life the way it is now, I maybe live some of those memories but we can’t turn back everything. This is my now and I have to live with that.

hooo! maygeewwdd!! i wanted to cry out loud again!!!! =(

Saturday, January 26, 2013

Reality 9: Pagkakaroon ng lakas ng loob

Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang paligid.

Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact date and last year pa ito.

Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.

Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.

Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem) iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.

Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na araw.

This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach program sa kanilang lugar (zamboanga city).

Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.

So nasa labas kami ng classroom…

Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.

Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko yon eh, alam ko rin that  moment when my sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)

That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.

I left the school and I called my cousin, war na war talaga sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that, whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually  nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami nagmeet.

Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma  na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama ko.

Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako, hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong puno talaga ako sa araw na yon.

Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan, ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang confrontation sa tamang paraan.

Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.

P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time. Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit pagod na pagod.



 

Tuesday, January 15, 2013

Reality 7: I'll be there one day.

I accepted the fact that you are not here with me anymore, you can’t rant over the things I badly made, and I truly missed it. you let me go, and I did too, this is because I don’t want you to suffer more, so you won’t be in pain anymore. You let me decide on my own now, you cut my wings, and you cut me all. I didn't know how to live after you left, after you decided to let go of the things you used to have here with me. I know that there are situations we can’t even control. I also know I have been stubborn all the time but I learned. It wasn't all easy moving on knowing that you are the greatest strength that I have all my life, what I am now it is all because of you.

I feel that pain every day, the more they say how good you were, it breaks me, I always remember how we have suffered, how we fought our lives together and I left all alone now standing, moving forward and hoping for a new tomorrow. Whatever battle I have now, I am doing this for you, I am bringing back what we've lost. I will be there one day. I silently want to be more than what they think I can.

I know you’re still here with me, you’re still guiding me and you want to give me the life I deserve. You are still the reason I lived up to my dreams and survived up with some expectations. It may never be the same again but I am trying to live on what has been left in me. I am still pushing this dream.


One day, I will fly for free as you always told me, “the more you travel, the more you get smarter.” Someday, I will wake up in a hurry to catch up some flight for work, wearing my best corporate attire, when I arrived at my destination, somebody will open my car, a car that has a Philippine flag in front, shaking hands to dignitaries, talking to my own secretary for schedules, I will be standing in front to many, making a difference to individual, promoting new programs and services to improve the lives of the people.  Travelling abroad as well to give honor to our OFW's, attend to certain needs and problems, I will be a motivator in my own circle, family, friends and relatives. I will speak for our country someday. From the law of attraction, these are possible if I keep on thinking about this, if I attract this to happen, this will happen and I will make this to happen. 5 years from now I will go back and read this again.

All these dreams have been made because of my late mother who is pushing me even I was still a kid that I can do more than what she did. I miss you mommy! And you will always be an inspiration in getting these dreams. I’ll be there one day! I promise. =)



Wednesday, January 2, 2013

Wag magbasa kasi.

It’s January 2 and yeah it’s still January 2, unang pasok sa trabaho sa taong 2013. Habang nagbabasa ako ng blog sa mga kaibigan, bang! Beng! Feeng! It reminds me of something that like I always said na dapat hindi na maremember at isipin! Hahaha kahit anong tawa ko promise, the pain is still inside me. Charos! Totoo. Walang biro, seryos na ako! Hihihi akalain mo, sometimes you see yourself sa ibang tao, there are emotions you cannot express dahil kailangan itago pero others helped you to take that out. So ito na nga! Kakayanin ko ito! Hehehe nadala ako sa aking emosyon! hahaha simpleng inggitera ang emosyon ko! 

Si Antonio ang dahilan at ang alindog ni jonDmur

Gaya ng sabi ko, matapang ako, I have a strong personality pero tambling din ako sa taong ito, lahat alam, lahat pwedi and walang keme, pati amoy ng utot alam! Pwedi akong sumigaw na hindi ako babarahin, aawayin siya at susuyoin ako, pweding saktan physically kapag gusto ko lol (wag berdeh isip haha) lahat may katapusan, even if I wanted it still, hindi na talaga pwedi. There are moments now I am tempted to check his status, kung ano na nangyari sa buhay niya pero natatakot ako, hindi ko alam anong takot ito, takot masaktan? Mainggit dahil he is happy? Or he finally found someone kung  saan mas nakita niyang mas happy siya doon? Wala, basta malalim na hininga lang ang kaya kong gawin kapag ito ay napapagusapan. Gusto kong tumawa ngayon pero naiiyak na ako! Charos!! Kailangan tulongan ang sarili! As in now na talaga!

sabi nga ni tonio sa kanyang entry, may 3 month rule moving period, ako heller! Kumusta naman! Anong oras at petsa na! sa stages of grieving nasa acceptance na ako pero takot pa rin akong malaman ano na ang nangyari sa kanya. hindi ko na ito babalakin pa siguro. roowtts!! ang iba’t ibang teknik naman sa sex life ang sabi ni jonDmur, at sinabit ko siya dito dahil lahat ng sinabi niya doon ay totoo at dahil doon, naaalala ko ang mga kalokohan namin kapag napagusapan ang mga illegal na bagay! Hahaha peteks! Kumusta naman ako ngayon! Hindi ako bitter, totoo yan pero I just simply missed him! Nakakamatay na ha! Hahaha

basta iibahin ko ang taong 2013, bagong perspective sa buhay at aabotin ang mga pangarap! Ganyan! Kahit sinasabi ng lahat na kung may nawala, may darating na mas higit pa sa kanya, asan na?! hahana I’m too busy sa buhay ko ngayon para isipin ang mga ganito, pero dahil hindi pa pasukan sa school, kaya ito emote ng emote! Haha cyber attack batok at tadyak kay Antonio at jonDmur!




Sunday, December 30, 2012

Tambling ang mataba na puso

Dahil sa bagong discovery ko na pagiging inggiterah sa mga post ng year end, kinarer ko na teh! I scanned my fb again and again kung ano ang nangyari sa buhay ko for 2012 and beng! Beng! Bang! May nakita akong dapat hindi na Makita and bigla akong nalungkot! (ang napapala sa pagiging inggeterah! Haha) momove on na ako teh! haha

People always dream to have a lasting relationship but this people have ever ask kayah ba nila? (anak ni pokwang! Parang lasing lang ako sa English! Eemo na kasunod nito! Haha) natanong ko na kasi yan minsan dahil yong personality ko ang problema, syadong strong at nakaka-intimidate ako sa marami lalo naman sa mga lalaki! (ganyan! Echos panakot!) kaya ko naman magtagal but ang tanong kaya ban g tao magtagal sa personality ko! (ober da bakod haha) I know kasi God won’t give you everything in this world. Malakas ang kutob ko successful ako sa career ko, sa pangarap ko, yong dream ko na magsasalita sa harap ng buong tao, hindi lang isang bansa nasa likod ko pero marami (to clear, hindi yan politician! Haha) makapagtravel ng libre sa buong mundo pero failed ako sa relationship! Hahaha tan-enah! Yon pa naman ang pinakamasaya! Charos! 

dalawang tao lang ang alam kong kinaya niyang patamblingin ang ugali ko at hindi na nagwork din for some reasons na madali lang maintindihan ng iba. (ganyan! Char haha) oo, simply ang reason pero mahirap tanggapin. Nahihirapan ako those moment sa life ko but dahil na rin sa pagiging busy ko, nakakalimutan ko na pero may mga pagkakataon pa rin that reminds me of him pero echos lang yon! Haha honestly, meron talaga pero its not like before na hindi talaga ako nakakatulog (may ganyang arteh!), nasobrahan lang ako sa kapeh siguro sa mga panahong iyon!

People say na ang babae ang hinahanap nila ay yong tulad ng tatay nila, ang lalaki tulad ng nanay nila. Impossible isipin pero totoo yon, ang nag-aatract sa babae at lalaki ay mga qualities na nakikita nila sa magulang nila dahil ito ang kinalakihan nila. Charing! Para sa akin it happened, sa kapatid ko ganon din. May pressure slight kapag ang nakikita mong magulang ay buong nagmamahalan, no lies and even my mom died already, ayaw ng mag-asawa ni pader! (good kasi pasok sa banga ang babaeng yon! Uunahan pa kami ng kapatid ko! Haha)

Sa 2013, ayoko ng maghope, but nakakahawa minsan sila sis arline at ang mga pugi na si jon, archie, rix, tonio, cyron, bagotilyo, empi, pao, at bino na hopeful talaga sila sa 2013. Parang ngayon ko lang narealize na come what may nalang ako! Hahaha madami pang mangyayari sa buhay ko basta hindi pa end of the world, baka sa susunod hindi lang tambling ang kaya gawin ng taong darating baka pwedi na rin siyang umakyat sa coconut tree para kumuha ng buko at coconut para sa aking buhok pang hot oil. Haha

Iba ang nagagawa kapag may sakit kung ano-ano ang naiisip. Lels!



Monday, December 17, 2012

Napaisip ka rin ba nito?

I was reading the breaking news about the Connecticut shooting and it squeezed my heart. I am trying to hold up my tears while hearing the stories of the victims’ family. Innocent kids I remembered to be described by my late mother as “angels” for they were the ones, who light up the room, gave joy and happiness to parents. The world I believed is already in extreme confusion.

The news said that the gunman was troubled, he has a personality disorder and I know the mom did not denied it, in fact the mother was willing to help her child if needed. Kahit mahirap ang pilipinas, mayaman naman tayo sa values, pagmamahal ng pamilya. Pero minsan, hindi ko rin nakikita yan dahil madami pa ring mga bata nasa daan, napabayaan. Sa America, instant na ang lahat, completo pa, at advance sa mga technolohiya.

I believed in family is the basic unit in the society, it is the basic sa lahat ng bagay, ang pamilya din ang isa sa factor na bumuo ng pagkatao natin, kung ano ang values ng mga magulang natin ito ay nakukuha natin. Malamang, maraming tao sa mundo ngayon, hindi nakikita ang bagay na yan, but, I can say this kapag buo ang pamilya, maayos, wala ng masyadong social problems – wala ng prostitution, nakaw, street kids etc. kung sama-sama ang pamilya, magtutulongan walang imposible na maging maayos din ang anak nila.

Bakit ang isang doctor na tatay, may doctor na anak. Isang lawyer na tatay or nanay, may lawyer din na anak? Dahil ang anak ay laging tinitingala ang kanilang magulang. Isa na rin ako doon, ang mama ko ay isang social worker, at ako ngayon ay inaabot ang profession na yan. Madami akong tanong noon at hanggang ngayon hindi ko pa rin nasasagot ang iba! Hahaha tan-enah! Unending question na talaga!

Sa America, kapag ang anak is in troubled, the state would see and blame it sa mga magulang kagad, sensitive sila na nasa magulang ang problema, kaya madalas ang mga ganyang case, napupunta sa counselling center para ma-iayos ang kailangan ayosin bago magkaron ng another problem. Dito sa pilipinas, walang ganyan. Kapag problematic ang anak, pinapagalitan! Ang anak pa ang sinisisi minsan dahil sadyang gagu or ugali na talaga! Hahaha that reality naman oo! Pero hindi sensitive ang mga magulang na ganyan ang kanilang anak dahil na rin sa kanila, kung ano ang nakikita ng anak while he is growing up, yan din ang gagawin kahit ang iba sasabihin na hindi ako tutulad sa mga magulang ko pero subconsciously speaking, nangyayari. One example I can share is yong tatay na nanapak ng anak at babae, pustahan tayo, nong bata pa yang tatay na yan, nakikita niya na ang nanay at tatay niya ay nagsasapakan kaya he used to it, he thinks that tama and okay lang. kaya like I have said, the world now is in extreme confusion and values is fading.



Wednesday, November 7, 2012

Head inside the plastic bag

Those people who knows me personally,  I know they won’t believe me if I’ll tell that i have cried over the things that is not supposed to be. I just find it funny now after what happened that night. Kahit ako I won’t believe na I can do that because it doesn’t show sa personality ko, everybody knows I am strong enough to handle everything that comes my way, pero this time I need to express what I really feel, i need to cry this para gagaan ang pakiramdam dahil super over sakal na ako and may butas na yong puso!! Bohahaha

So ito na nga…

Barkada ko.. siyam kami..

It happened na nagkaron kami ng time to gather lahat and I was teasing red kung saan na ang promise niya na “fundador” as I have requested before he went home a week before that night. Dahil wala daw siyang enough money at mahal ang fundador we end up sa “gilbeys” I don’t drink gilbeys sa totoo lang pero dahil matapang ako that night, sumugal ako plus the boy bawang pulutan!! Hahaha

I was on the hot seat, kebs lang! ayoko magsalita at first about my feelings. Usap ng usap lang hanggang nagkaron ako ng courage to drink more sa tan-ena na gilbeys na yon!! Hahaha toma! Toma! Ng toma lang! hanggang I can’t hold firmly with the glass, so that means lasing na “ata” ako that moment, dinagdagan ng red horse! nilasing nila ako ng pabiro!! Bohahaha  Pakss!! Wala na akong pakialam! Inom ng inom pa rin!! They talked and I was really crying to the max, that no one would expect I cried that hard. I was really drunk I think! Hahaha I went to sleep dahil hindi na kinaya!

Before ako natulog hindi ako sure if sumuka ba ako hahaha kebs na kaibigan ko sila and they don’t have a choice but to take care of me!! Hahahaha nakatulog ako! Ginising nila ako around 2, umupo, bumalik sa table at hilong hilo ako, sumuka ulit ako! Hahaha natulog na naman! Ginising ulit ng 4 am, medyo nahimasmasan ng slight, and again sumuka ulit ako at mind you nakapasok daw ang ulo ko sa isang plastic saan doon din yong unang nailabas kong suka!! Hahaha sobrang gross!! Yucky!! Now ko lang narealize! hahaha

After sa sukang yon, we decided to go home around 4 am. Nakatulog na ako sa bahay, nakapagpahinga, medyo gumaan na ang feeling ko.

The next day, sabi ni dona (sa bahay nila kami nag-inoman) pinuntahan daw sila ng tanod nagtanong kung ok lang ba daw at sino daw yong umiyak na parang baka!! Boohahahahahaha tawa ako ng tawa, I am not sure if she is telling me the truth or nagjojoke lang. seeing back my friends, doon na ang madaming “kanchaw” (tease) I was a crying lady, sumuka at amoy boy bawang, mga kapitbahay daw asking sino ang umiyak ang lakas daw! And slowly naramdaman ko na ang hiya!! Hahaha

Nakakahiya pero nakakatawa, and I told myself, that will be the first and last!! Hahaha


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...