Showing posts with label Family. Show all posts
Showing posts with label Family. Show all posts

Sunday, January 11, 2015

Post Year-end breakaway

So this is just so late but I’m still going to make an entry, this year-end breakaway was one of the most annoying & a memorable one.

The first plan was going to “bantayan island” in Cebu City. Due to bagyong “RUBY” nasira daw yong island so like I said hmmm kasi hindi pa naging 26 ang katawan ko kaya hindi kami matutuloy!! A big charot!!! Hahaha so instead, we shifted going to Nasipit, Agusan del Norte where Imyang’s (one of my closest friends) provincial hometown.

The plan was the three of us (ako, bonjing, juan) will leave Cagayan de Oro City 6pm, December 26, 2014 para sure na darating kami ng before bonjing’s birthday (27th of December) but there are a lot of changes, Juan cannot join us, I had personal reasons also before December 26, I decided not to go. Only bonjing was eager to travel and stayed there for at least a night, he said.

Just prior to all of that, I already talked to bonjing that “let’s surprise imyang, what do you think?!” he agreed on that. He lied and he is learning. Hahaha shhh. Imyang knew all along that I was in Bukidnon that day, I was very consistent of my tantrums that I won’t be going anymore. Still we stick to the plan, bonjing left 6pm that day on December 26 and I left earlier (around 3pm I think). Imyang thought that bonjing left 3pm in Cagayan de Oro because yon talaga pinalabas namin. The moment I told bonjing na umalis na  yong bus ko, that message was forwarded to imyang, assuming na he was the one who was on that bus. BUWIS BUHAY pa kasi I have mobile issues pa, yong battery ko ayaw makisama so on and off lang peg ko sa bus. 4 hours pa naman na byahe! Pakshets talaga! Hahaha I survived! Para-paraan lang yan! Hahaha

I arrived sa usapan around 8 na siguro yon, nagpanic ako kasi 2% nalang yong batt ko at hindi ko Makita si imyang yong sundo ko so like “wtf ang bilis ng karma! Hahaha” pagbaba ko kasi, mga 5 mins pa natigil yong bus kasi may umihi, at nakaharang ng bonnga yong bus, so nong umalis yong bus, diretso at agad kong nakita ang sundo ko! Hahaha fuck the magic dragon sa kaba ko that moment! Imyang was sitting on a motor vehicle across pala haaha she’s expecting na yong kuya bonjing niya ang dumating but yon ang surprise, I can still recall her face like “syet! Really?!” mga reaksyon na ganyan lang hahaha she paused for a minute and couldn’t explain how all those things happened like she thought nasa bukidnon na ako. Oh diba, sarap mangsurprise but I don’t like to be surprised! Hahaha

Sumakay na kami sa motor going sa kanila at huwaw ang layo! Hahaha totoo nga sabi niyang isla! Ang saya ng buhay! Malapit sa dagat kasi sila so abah, super rest house! Hahaha literally, nakaharap talaga sila sa dagat at may malaking cottage at yon sa ilalim yon na may tubig dagat na hahaha tuwang tuwang ako kasi hindi ka na makakakita ng ganon sa city kasi, life is so different in the province, one word “PAWIR!” hahaha So bonjing arrived just before his birthday, around 10 siguro, bitbit ang totoong cake I baked for his birthday para real happy birthday din hahaha

Midnight of December 27, 2014, we asked bonjing to pray instead of his wishes. Right after that I and imyang wished for him and we started to feel like a kid “lightning of candle, blowing of candle” hahaha on the other hand, video call ang peg ni juan para sabay-sabay pa rin kami sa birthday, (para-paraan nga yan! Hahaha) si juan sinindihan niya yong sparklers habang magbblow ng candle si bonjing, para lang ewan haha feeling nasa ibang bansa hahaha eh ano pa! right after pagblow syempre slicing of cake na meaning kainan na! hahaha and shhh… sleep mode na kami around 3am lol

We woke up late in the morning of December 27th, the plan of going to the farm para kumuha ng buko at pupunta ng next municipality to visit ada, pumunta ng market para mamili, waley, walang nangyari ni isa. Hahaha kasi Imyang’s father arrived from work and invited us for a coffee sa cottage nila, yes coffee pero red horse yong nakaserve. Seryoso yan. Hahahaha that one was of the best breakfast I ever had sa buhay ko hahaha simpol but elegant nga yong motto non! Syet! Hahaha Prior to that pala, we went to buy some fresh bangus, sa kapitbahay lang nila, walking distance and relatives din. Yon ang nice sa province ano! Lol mas namangha ako nong nalaman kong 100 pesos lang yong kilo ng bangus at fresh na fresh pa, dahil kakaharvest lang. Doon din ako nakakakita ng perfect na inihaw na bangus – galling umihaw ng tatay ni imyang, super perfect, hindi sunog, golden brown talaga at super luto yong loob. The best din yong kinilaw, super tamis ng fish. If given the chance, babalik ako don hindi lang 2 days pero 1 week na talaga hahaha

The whole day of bonjing’s birthday, nasa cottage lang kami, kwentohan sa papang ni imyang at mamang niya. (ang tanda na namin ni bonjing pakinggan sa bagay na ito hahahaha) Bagets na bagets lang parents ni imyang! haha  may isang case ng red horse at masarap pala walang ice or sadyang masarap lang uminom don kasi super mahangin at presko pa, may bangus, may teka hindi ko alam if talaba ba yong kinain nila (di ako pede don, allergy galore!) buong araw all we did was to eat and drink, perfect na perfect ang birthday ni bonjing hahaha hanggang nakatulog na tatay ni imyang, kami ni bonjing parang nagkakape lang ng red horse hahaha hindi pa kami tapos, ayaw na kami kausapin ni imyang dahil syempre iba kami kapag nasa city, biglang transform kami don eh lol so the term im gonna used is “shocked!” kebs, she needs to deal with that hahaha


That night of 27th, we went to Carmen, Agusan del Norte, Municipality before Nasipit, don yong famous municipal hall na puro may lights, I think na-featured na rin yon sa national news. Kahit ulan, go! Pagbalik namin hindi pa kami natapos, tinuloy namin yong natira na red horse. Syet ano! Hahaha mas masarap kasi super lamig dahil parating na rin si “seniang” non. Just until imyang fell asleep, gising pa rin kami ni bonjing, inom ng inom pa rin sabay coffee so ginawa lang ang kape na chaser at pulutan na chocolate cake! Hahaha taeh! Then we decided to sleep so late again.




Kinabukasan, again and again, we woke up late. Hahaha bonjing reminded me of a promised na ipagluluto ko siya ng “lauya” or pork stew/soup sa english kapag nasa Nasipit kami, all I though he forgot that, so naremember niya eh so napilitan! Charot! Hahaha so kind of mamang (mother of imyang) na she offered to go to the market instead of us para mamili. Ng makabalik si mamang, we prepared the ingredients, tadtad here and there, here’s bonjing again, naglabas ulit ng natira na red horse. So alam na! hahaha so bilis ng karma ko sa surprise-surprise dahil habang nagluluto na kami, I accidentally open the pressure cookerna akala ko pede na kasi hindi na cia maingay I even turned off the stove para mabilis yong pagbaba ng tubig sa loob, so?! Boom! Natapon sa kamay ko, so mukhang karne lang! hahaha thanks to the sensodyne toothpaste for the first aid and yong nakababad kamay ko sa basin na may ice. Honglamig na masakit di ko maintindihan! Syet! Hahaha (ang dami talaga mamamatay sa akala na yan! Hahaha)


Year 2014, I can’t remember any travel I had dahil super busy ang taon na yan for me, final requirements sa school, graduation by march, review by summer and board exam. Even though isa lang ang naging travel ko that year, parang I had more than enough because the most exciting and memorable sa year end break away ko was I have come to know a family na hindi ko na masyado nakikita, I admit it, even my own family was never the same since mom left so like sobrang na-appreciate ko yong nakilala ko ang family ni imyang with her siblings. Traditional family who live with modernity, kasi iba na mga teenagers ngayon and the family deals it rightly, ang maganda kasi din is the communication within. Mas na-aappreciate ko ang isang travel kapag may nakikilala akong tao who will give me an opportunity na Makita ang kagandahan ng buhay hindi lang yong lugar just like my travel nong sa isang kaibigan ko sa Santiago, Agusan del Norte pa rin year 2013 na nakilala ko rin yong family nila and it feels so different knowing a family during your travel.

I sincerely would like to thank you Sollano Family from Talisay, Nasipit, Agusan del Norte, to mamang and papang with the siblings, thank you for your hospitality, for allowing us to stay for couple of days in your rest house. Hehehe I enjoyed it so much! It is indeed a memorable one for me! The next lauya, dili na jud mubuto ang pressure cooker mang hahaha nakulang diay to ug saging ug mais mao tong feeling nako something nay kulang hehehe limot ko gyud haha Hope we will have more days in the next months to come. Imyang, Thank you too! You just made my year 2014 a great & memorable one!


  

Tuesday, January 7, 2014

Birthday arousal

I MISS THIS!!!!

ang mababasa niyo ay rated s.p.g striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. maaring may maseselang tema, lenggwahe, karanasan, karahasan, o sekswal. hahaha

Nabubuhay ang aking mga alindog!! (napaisip pa rin ako kung meron ba ako nyan! Hahaha)

Woooooppp!!! Woooppsss!!! Kerrriii!! Keerrriii! My booobbss!! Keriboobs!! biglang talon, pagkalapak sa putik, split all the way agad-agad, biglang tayo at dampot ng pagkain! (kapagod kaya noh! Hahaha)

My moment…

It’s been 3 months since my last post. Hahaha i was very busy indeed doing nothing only that eating is an exemption to this matter! Rooow! Hahaha oh well, well! hindi lang sa kakakain ang pinagkakaabalahan ko alam niyo namang busy ako sa career ko rin! Feeling ko lang this year mas maging busy ako! (feeling lang yan, walang assurance pa yan! Hahaha)

On a serious note, hopefully matatapos na ako this march and will have my 2 months review and by June, yon na! board exam na! (hhmmm…) so much for that, busy din ako sa long term plan ko after graduation, will tell it soon kapag mahahawakan ko na ang upo, I mean maging totoo na ang UPOrtunety! TOOOTTTooooRRROOOOTTTTooooTTT!!! (trumpong trumpo)

Ayoko na ng moment, naantok ako! Hahaha charing! 

Woooppss!! Keerriii keerrriii my boobss!!! Woooott!!! Hahahaha

Siguro hindi pa alam ng lahat kung bakit bigla akong nabuhay, bigla akong gumawa ng entry! Matagal ko ng plano talaga I am just looking for the perfect and right time kaso hindi na ata nakapagantay simula nong pinukaw ang aking alindog (iniisip ko pa rin until now if meron ba ako nyan hahaha) ng isang hari na itatago ko sa pangalang “archie” OO! Siyang siya nga from a far far away land! SUPER asim i mean tamis ng HARI dahil gumawa siya ng isang laglagan entry talaga para sakin! hahaha at lalong nagkaron ako ng awaken emotions (in other words – arousal of feelings daw hahahaha) nong may picture greeting ako galing sa one and only pusa ko na matagal nagtatago na kala ng lahat ay isang cat drawing lang to! (automatic tadyak sa buntot ng pusa kapag ito ay magrereact! Hahah) Thank you sa inyong dalawa, ang sweat sweet ninyo pati ako pinagpapawisan sa inyo! i lab da two op U!

Thank you also sa isang special na kaibigan na si jonDmur, ang lover ng blogsphere dahil sa hilig nito magsulat ng romance books hahaha (ito ibebenta ko na sa inyo! chos! hahaha) special kasi hindi niya nilagay ang pic greeting kasi sa timeline ko at private talaga. Hihihi at nakaka-arouse i mean nakaka bring up din ng excitement naman tong si josh na idol ko sa pagV-vlog nong sinabi niyang “iblow na yan!” sabayan pa ng gwapitong paokun sa blogsphere na “I blow na nga yan!” ibang iba ang aking pakiramdam! Parang pag na-iblow eh hindi ko alam kung may sasabog ba or mamatay! Hindi ko talaga alam! Pero ang nasa isip ko nito, ang hari pa rin! (I feel so crazy!! Landi2x pag may time) hahahaha

Mas nagsstimulate ito sexually I mean emotionally pala ang pagbabalik ko sa blogsphere nong nakita ko ang mga unexpected birthday greetings from the PBOers, its been a year na nga since nong nagsimulang mabuo ang groupo. I appreciate sa lahat ng bumati, you made me so special and gay! (OMG! Hahaha) I so love that! promise! I truly found a home in you all guys! Thank you! and Thank you for the friendship!!!

Hindi ako mapakali, hindi dahil Makati yong pwet ko or yong silicon ko eh lumalabas na sa bra ko! hindi ganon! At hindi yon! hahahaha charing! Ang dami kong gustong sabihin! Alam ni feyel yan, alam ng mga PBOers din yan, sa daldal ko ba naman kahit ako hindi ako kontento sa pagbblog lang! hindi talaga! I hate this! Char lang, arte-arte lang para may masabi! Hahaha

OH YES! I do plan of making once again a vlog, sabi nga ni haring archie, makapal ang mukha ko! yes! Sa mga bago sa blogsphere! Kayo na ang mahiya sakin dahil kung may mas makapal pa sa rubber pwes yon na ang mukha ko! Walang kokontra! Hahahaha (assuming lang!) hindi ko nga alam anong sumapi sakin sa araw na yon at totoo hindi ako humarap sa camera hanggat hindi ako nag-ahit ng kilay! Bwahahahaha

Oh well naman noh in fairness!!! Gustohin ko man magVlog ngayon, hindi ako ready! Wag niyo akong pilitin! Please! Hahaha promise hindi ako ready! Dahil hindi pa ako nakapunta ng david salon para magpagupit, ahit ng kilay at bigote, isali mo na ang buhok sa kili-kili! Ang pechay?! Kasama?! Wag na! sa brazil ko na gagawin yon! Brazilian style! (hindi ko maimagine sarili ko! bwahahahaha) anyways, totoo! This time kailangan ko ng magmake up tulad ng nakikita niyong profile pic ko sa facebook at blogspot! Kasi kung hindi ko gagawin yon hindi ako yon! hahaha kailangan panindigan ang gandang di inakala! hahahaha

Now tell me, ang gastos diba?! Kalokah! Kailangan kong gumastos ng libo-libo para iharap ko ang sarili ko sa hari! Dahil kung hindi ko gagawin yon, hindi ako makaka-ani ng upo, baka puro sili at okra lang makukuha ko, mas masaklap kapag ampalayang kulobot! Hay naman! Walang pag-asa! Walang isasarap sa bitter na bitter na ampalaya! Alam mo yon!? its driving me so crazy! Uggh!! (feeling maarte lang ako! Hahahaha)

ITO SERYOS TALAGA…

Salamat sa lahat ng bumati, salamat dahil kala ko nakalimutan na ninyo ako dahil sobra ang pananahimik ko, I feel so special dahil kahit tagal naging sabaw ang utak ko sa pagbablog, hindi niyo ako nakalimutan especially to ate “balut ng manila” (na hanggang ngayon hindi ako makaget over sa edad niya kasi feeling ko mas matanda pa ako sa kanya! ang bata niyang tingnan kaya! Hahaha) I feel so blessed to have you guys around! For this year, let’s aim to be a blessing to other people!!!

FEELING KO LANG, may multiple personality disorder ako, bigla bigla ang pag-sshift ko ng thoughts! hahahaha sige rix sagotin mo ako dito! hahaha 


Wednesday, March 27, 2013

Tele-isip-isip-sa-holy-week


Baamm! Baaanng! Boom boom ohhlalalala telelelalala baaanngg!!

Im shaking my booty to the right (paaakkzz –spank the big butt lol) Im shaking my booty to the left (baamm) ohh lalala…

Ayyy… shhhh.. dapat tahimik pala at seryos ang usapan… (psstt holy week oh)

I was at FIEL’s blog (read as FEYEL, he said) last night and he talks about the holy week thing and (insert may sound - pumutok ang cork ng isang champagne) slight parang nakonsensya naman ako na ang ingay-ingay ko samantalang itong pinaka-good-friend ko sa blogsphere ay ang seryos sa semana santa na ito.

It gave me a thought (seriously lol hindi nga, oo nga eh)

I commented his entry with a question the same na noong ako ay bata pa kaya may boracay-boracay na bang bakasyon ang mga tao kapag semana santa at ang holy week ba ay ginawa na bang araw ng bakasyon ng mga tao? Kasi while growing up, hindi ko nakita yan until now lang with all these media popping on tv.

Nong bata pa ako, aga kaming magising, maglalakad ng malayo, nagsstation of the cross, ramdam na ramdam ko ang holy week noon, tapos meron pa itong bawal maligo after 3pm ng byernes santo at bawal ang mag-ingay kundi pipingotin ka at sasabihing “magagalit si god sayo” at ang kakainin lang namin ay “tabirac” (ginataan ata sa tagalog) tapos walang kamatayang  biko at puto maya tapos ang buong pamilya ay nagkakaisa sa pagkahinan. Masaya ang kabataan ko, na-enjoy ko ang bawat okasyon sa pamilya.

Ngayon, nawala na ang tradition sa aming pamilya lalo nong nawala na ang lola at lolo ko tapos ang mama ko. pero madami silang naiwan na values at kaugalian sa amin na sinusunod pa rin namin.

Nag-iba na ang takbo ng buhay at ang ating mundo ngayon…

I am nothing against sa pagbabakasyon ng mga tao kapag semana santa, this is also the time naman for the family to be together syempre pamilya ang pinakauna sa lahat naman. Pero yong tanong ko lang talaga na noong bata pa kaya ako, ganito na kaya ang semana santa on the other side? Or sadyang dahil bata pa ako at hindi pa ganon kalaki ang media kaya hindi ko maramdaman yong vacay mode ng mga tao sa iba’t ibang lugar ng bansa.

Whatever it is, para sakin ang holy week is the time to reflect, time to know ano ba talaga ang purpose natin dito sa mundo, pano if one day we will know we will die sooner, then what? Ano ang nagawa natin sa mundo, at sa ibang tao? Kasi ang alam ko, when we die, wala tayong madadala. When we were born hubo’t hubad tayo and we will die the same.  When we were born it is not us who take care for our self but others (referring to midwife, nurse, doctor etc) and the same when we die it’s not us or our family will take care of us but the same ang ibang tao pa rin (referring to sa mag-eembalsama satin). Kaya now pa lang gusto ko ng mag-isip ano ba ang pwedi at dapat kong gawin para maging handa at hindi ako mahihiyang harapin si God at the end of my life kasi kahit anong gawin natin, may ibang buhay maliban dito sa mundo. (at nag-end talaga ang post ko sa kamatayan pa rin lol)

Sana nagkaroon ng meaning ang post na ito about sa ano ang meron at mawala soon.  =)



 



Saturday, January 26, 2013

Reality 9: Pagkakaroon ng lakas ng loob

Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang paligid.

Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact date and last year pa ito.

Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.

Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.

Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem) iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.

Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na araw.

This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach program sa kanilang lugar (zamboanga city).

Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.

So nasa labas kami ng classroom…

Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.

Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko yon eh, alam ko rin that  moment when my sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)

That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.

I left the school and I called my cousin, war na war talaga sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that, whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually  nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami nagmeet.

Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma  na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama ko.

Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako, hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong puno talaga ako sa araw na yon.

Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan, ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang confrontation sa tamang paraan.

Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.

P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time. Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit pagod na pagod.



 

Tuesday, January 15, 2013

Reality 7: I'll be there one day.

I accepted the fact that you are not here with me anymore, you can’t rant over the things I badly made, and I truly missed it. you let me go, and I did too, this is because I don’t want you to suffer more, so you won’t be in pain anymore. You let me decide on my own now, you cut my wings, and you cut me all. I didn't know how to live after you left, after you decided to let go of the things you used to have here with me. I know that there are situations we can’t even control. I also know I have been stubborn all the time but I learned. It wasn't all easy moving on knowing that you are the greatest strength that I have all my life, what I am now it is all because of you.

I feel that pain every day, the more they say how good you were, it breaks me, I always remember how we have suffered, how we fought our lives together and I left all alone now standing, moving forward and hoping for a new tomorrow. Whatever battle I have now, I am doing this for you, I am bringing back what we've lost. I will be there one day. I silently want to be more than what they think I can.

I know you’re still here with me, you’re still guiding me and you want to give me the life I deserve. You are still the reason I lived up to my dreams and survived up with some expectations. It may never be the same again but I am trying to live on what has been left in me. I am still pushing this dream.


One day, I will fly for free as you always told me, “the more you travel, the more you get smarter.” Someday, I will wake up in a hurry to catch up some flight for work, wearing my best corporate attire, when I arrived at my destination, somebody will open my car, a car that has a Philippine flag in front, shaking hands to dignitaries, talking to my own secretary for schedules, I will be standing in front to many, making a difference to individual, promoting new programs and services to improve the lives of the people.  Travelling abroad as well to give honor to our OFW's, attend to certain needs and problems, I will be a motivator in my own circle, family, friends and relatives. I will speak for our country someday. From the law of attraction, these are possible if I keep on thinking about this, if I attract this to happen, this will happen and I will make this to happen. 5 years from now I will go back and read this again.

All these dreams have been made because of my late mother who is pushing me even I was still a kid that I can do more than what she did. I miss you mommy! And you will always be an inspiration in getting these dreams. I’ll be there one day! I promise. =)



Monday, January 14, 2013

Reality 6: Heaven and Purgatory

I just remembered this story again from my office mates about dead people. (aga ng November ko lol)

Is there really heaven? May purgatory rin ba?

Isa lang to sa kwento ng mama ko rin, yong experience niyang kausapin ang kanyang client na humihingi ng tulong sa kanyang opisina…

She was dead na daw, in fact dinala na siya sa morgue dahil na-declare ng patay siya. Ang kwento may isang tao na pumasok sa morgue para buksan ang ilaw, may gumalaw daw at ang taong ito hindi naman natakot na puntahan at tinanggal ang nakatakip sa patay na tao, biglang sabi ng babae na “TUBIG!” uhaw na uhaw ako.

Ang sabi nitong babae, naglakad daw siya ng malayo, paikot-ikot. May nakita siyang liwanag na halos daw hindi niya matingnan dahil sa sobrang liwanag.

The only thing my mom asked her was “have you seen GOD?”


She said daw na “no, but I just heard him saying go back, you still have a mission”

itong pangalawang alam kong storya din galing sa ka-officemate ko…

yong nanay ng ka-officemate ko dati, namatay daw ng ilang oras…

sabi nong nanay, nakikita daw niya ang katawan niya na nakahiga, nasa hospital at kahit yong mga anak, umiiyak nakikita niya rin. Paikot-ikot lang daw siya sa hospital na hindi mapalagay. Tapos may tao daw na sumalubong sa kanya at ang sabi “handa ka na ba?”

tulad ng isang kwento, naglakad sila ng malayo, may hinahanap silang daan kung saan daw yon ang parang point of entry papunta sa kabilang buhay. Parang hindi pa rin daw siya mapalagay, biglang may liwanag at may nagsabi na “bumalik ka na, may kailangan ka pang ayosin”

bumalik siya at pagkagising niya, ang sabi “tubig! Tubig!”

ang layo siguro ng kanilang nilakbay dahil bawat pag-gising ng isang tao, tubig ang unang hinahanap.

Ito ang nagpatotoo sa lahat dahil patay na talaga siya. Yong asawa niya hindi pumayag na eembalsama dahil iba siguro ang kanilang paniniwala.

Dinala ang lalaking ito sa next city para dalawin ang simbahan ni st. Michael, dahil hindi kasya ang kabaong sa isang multicab (yong pinakamaliit) ang ginawa ni misis, pinahiga si mister sa upuan ng sasakyan at niyakap ito. Pagdating sa simbahan, nagdasal lang si misis kasama si mister at ang kanyang mga anak tapos umuwi na sila sa kanilang bahay (same city). Pinahiga si mister sa sala, may kandila sa gilid tapos mga ilang oras, biglang nagising si mister at ang sabi “penge ako ng tubig, ilang oras na ba ako nakatulog!” ganyan! kumusta naman kaya yon kung sakin nangyari yan, aatakihin ako sa puso!

Sa kompanya saan nagttrabaho si mister, alam ng lahat na patay na talaga siya at nong biglang bumalik sa trabaho si mister, lahat gulat na gulat kasi dumalaw pa sila sa burol tapos biglang nag-appear! Heller!

Si mister parang instant healer kagad dahil patay na biglang nabuhay, umaasa ang lahat na may powers na kagad si mister. Nakoh!

Para sakin, totoo na may purgatory at kahit heaven, sa paniniwala lang natin yan.

Minsan din kasi ang close friend ng mama ko, napanaginipan niya si mommy, ang tanong ng kanyang close friend “may pagkain ba kayo dyan? Ano ang buhay na meron dyan?” ang sagot ng aking mommy sa kanyang panaginip ay “oo, madaming pagkain dito, isang tree maraming fruits at peaceful din dito” ng malaman ko iyon isa lang ang nasa isip ko, yong sinasabi sa bible na “TREE OF LIFE!”

God exists in many ways…




Sunday, January 6, 2013

Pasasalamat: Birthday Molo Special

Gusto ko pang matulog ng matagal! (sabi ng utak ko yan) sarap ng tulog ko kanina at biglang sumigaw ang tatay ko “LArrraaaahhh!!” nagulat ako! At grrrr… nakahiga pa rin ako haha umulit pa kaya sabi ko “bakit?!” akala ko babatiin niya ako, ang sabi “andyan na yong labandera, saan na mga damit mo!” lol ganda ng gising ko teh! nabitin ako sa tulog lol

Like I said magluluto ako ng molo ni rix, hep! Hep! Yahoo! Yehey! Kung kalian ko naman bday, saka pa ako sinipag maglinis haha kaya umalis ako ng bahay mga 1pm na para bumili ng ingredients sa molo na yan at iba pang lutoin. Hindi ko na dinamihan ang handa kasi tatlo lang kami, wala akong inexpect na bisita naman kasi alam ng lahat yong nanay ko lang ang mahilig sa handaan at sa mga lutong pang-party, since wala na si mader ang nasa isip lang nila baka nagdinner kami sa labas.

Pero mas natuwa ako sa birthday ko today dahil sa inyong lahat, dahil sa inyong mga greetings, lalo akong tumataba lol este ang puso ko. I’m happy seeing the comment box ko na ang dami, kahit flood pa  yan natutuwa ako, habolan na yan sa top commentators ha! Hahaha maganda ang ibibigay kong award, magagamit pa. hehe

Sa lahat ng bumati, maraming salamat talaga, ang saya ko sa birthday ko dahil sa inyo.

Segway slight…

Wag magtaka rin sa mga kaibigan ko sa fb ko kung ang dami kong pangalan lol

Ang LALA talaga ay nickname ko yan pero hindi ko na ginamit nong nag-hs na ako. Relatives lang ang tumatawag sa akin ng lala but dahil gusto ko ng for a change, ito ang ginamit ko sa blogspero dahil at home ako dito. Lol

Nagulat ako dahil for how many years akong buhay dito sa earth natin, paiba-iba na pala ang pangalan ko at hindi ko na namalayan yon, sa pagdadalaga ko pinangalanan akong “BOINKY, BOINKS” dahil nga mataba ako sa paningin nila ( sa paningin ko naman, normal lang ako! Lol)

Ng magtrabaho nako, ayon na! wala na akong choice but kailangan gamitin na ang totoong pangalan! Ganyan!

Gusto ko rin magthank you sa kanila, sobrang lakas ng tibok ng aking puso sa inyong ginawa, lalong sumaya ang aking birthday... 


nasurprise ako sa ginawa ni tonio, he message me sa twitter at fb, late ko ng nabasa kasi nag-gegems pa ako! lol ito pala iyon.. at ito na nga ang ginawa niya, may pa-blink2x pa yan hindi ko lang alam paano yan gawin dito kasi noob na noob lang ako haha salamat sayo TONIO the HE-MAN. lol ang sweet mo talaga kahit palihim hehehe 


at hindi ko rin inasahan ito kay mecoy, alam ko sweet itong si mecoy sa mga comments niya sa blog, sa daldal niya hindi ko akalain magkaron pa siyang ng oras gawin ito. o dibah! ang pugi lang niya! kung ako kasing edad niya, payat, sexy at malandi, rerapin ko na talaga to si mecoy!! hahaha jowk!! natuwa lang talaga ako ng bongga, sa ngiti niya at halah ang ma-sel oh! lol pero salamat mecoy!! bawal na akong tawaging ate ha! hahahaha 


bago ang aking birthday, ito ang kinagulat kong pinadala ni JonDmur, eksayted siya kaya nauna ng nagpaputok, naunang magpaputok ng wine! o diba ang bonggang ni penguin! seryoso lang sa akala niyo pero ang sweet niyan, hindi lang sa babae pati na rin sa mga lalaki. aminin! hahaha jowk!! pero salamat JON! 


JonDmur PART 2: mas ikinagulat ko naman ito!! nawindang ako ng slight! hindi halatang eksayted si jon sa bday ko! hahaha pero tawang tawa ako dito dahil ubod ng init naman ang picture na nasa likod ng mukha kong bilog! (hindi na yan bilog in 3 months! haha) nagpakipot pa si john, hinubaran nalang sana niya itong lalaki to, para magkaalaman nah! hahaha sayang! pwedi na sanang ikaw yan! lol pero gaya ng sabi ko, ayaw ko ng lalaking may ma-sel kasi hindi na lalaki yon! hahaha jowk!! ok na ako sa chubby! lol 


hindi ko rin ito inasahan galing kay mami joy dahil bilang bagohan dito sa blogsphero at ang dami ng friends ni mami joy, hindi niya ako nakalimutan gawan ng card, natuwa pa ako sa language na ginamit niya, may natutunan na ako! hehe dagdag sa kaalaman. maraming salamat dito mami joy, pinataba mo ang aking puso. 


last but not the least naman itong aking kaibigang si senyor! ginawang kontrobersyal ang aking bday dahil alam ng lahat hindi na ako katorse! hahaha sa mukha kong yan mag-dedebut pa ako! debut sa isip! haha pero natawa at natuwa ako dahil sinabi niya sa akin na nag-alarm pa siya para batiin ako! hahaha ganyan, kumusta naman yon!? kailangan talagang sabihin para makonsensya ako! hahaha pero salamat senyor, napasaya mo ako sa aking bday!! muah!! see u sa march! hehe 

dagdag ko pa ito kay senyor iskwater, diniin na naman niyang 12 hours niyang ginawa para makonsensya ulit ako! hahaha thank you ng marami teh at naipost mo ba sa blog mo, tuwang tuwa ako sa nagawa mong tula, saktong sakto sa akin! hahaha sobrang na-tats talaga ako! 



(sa nakalig-taan ko, please raise your hand lang para maidagdag ko, ang gulo kasi ng mga files ko sa laptop ngayon pasenya na hehehe)

at sa lahat ng bumati sa akin sa comment box, maraming salamat, kapag ako ay nagka-oras, gagawa ako ng AVP ng inyong mga greetings! 

dahil kay rix, ako ay na-inspired magluto ng molo sa aking bday, salamat at napaka-inpluwensyal mo! kapag magtutulak ka ng druga malamang bibili ako sayo! hahaha jowk!! 

salamat din kay archie na talagang idinikdik niya sa akin na siya ang pinakaunang bumati sa lahat dahil 4 hours ahead sila sa oras ng pilipinas! natameme naman ako doon dahil oo nga, bday ko na sa NC nong binati niya ako ng happy birthday. ang sweet talaga ang kamahalan namin! 

at si pao na hindi niya nakakalimutang pakainin ang alagang baboy ko sa blog, salamat hahaha tuwang tuwa ka talaga doon. dahil kay pao kaya ako nag-alaga ng baboy. lol 

at si sis arline, 12:13 niya akong binati sa twitter, salamat kapatid. mamaya siya naman ang aking babatiin dahil magkasunod kami ng bday pala hehehe 

so ito na talaga ang molo...para matapos na itong post ko na to, feeling ko ang haba na! hahaha 

Ito na nga ang molo… sinimulan ko na.


ito na nga! tadeeenn!! hindi ko makita ang pangalang PANCIT MOLO sa grocery kaya iba nalang ang binili ko, sotanghon! lol nganga na nganga lang ako! hehehe may apoy sa likod, dyan ang dirty kitchen namin, dyan ako nagluto dahil mas mabilis at masarap kasi kahoy ang ginagamit at mas TIPID na rin! hahaha 


hindi ko maintindihan ang hitsura! haha pero wala naman sa hitsura yan, nasa lasa yan! kaya lang hindi niyo naman ito matitikman, sa susunod mag-imbento tayo ng online tasting para masaya ang lahat! 


iseserve na, ayan na! masarap siya dahil madaming pepper at onion leaves! yon ang nakakadagdag ng lasa plus syempre the chicken broth! yon ang supporting artista sa pancit molo na yan! 




ito patapos na ang aking birthday, salamat sa inyong lahat, nasa isip at puso ko kayo kahit magkalayo man tayo! echos!! sa dami ng sinabi ko, ang ending pancit molo special! hahahaha 

at ang chika ko pala, ayon may bumati sa aking fb ng hindi ko inaasahan, kala ko may maramdaman ako, pero wala na! yohoo to me! ye!! i'm free!! lol 



 

Saturday, January 5, 2013

Pre - Birthday thoughts

Matagal-tagal na rin pala akong nabubuhay sa mundo natin. Lol ay, hindi naman ako lola pa, nasa midlle age pa ako. Haha bukas magsimula na ako ulit maglakbay sa panibagong chapter sa buhay ko. I still have no plans para bukas, pero sure ako na magluluto ako ng molo ni rix, (binigyan niya ako ng recipe, ako pala humingi haha, nainggit kasi ako na nagluto siya.) ako, si erpats at sissy nalang ang natira kaya malamang will invite my tita and tito, pinsan wag na ang kapitbahay muna, walang handa! Hahaha ilang oras nalang at wala na, dagdag na naman sa edad ko ang 2013 na taon. Hehehe

Akala ko noon joke lang sinabi ng mommy ko na year of the pig ako, akala ko talaga kasi dahil bilog ako, mataba kaya nagjojoke si mader. Lels! Iba kasi magbiro yong nanay ko serious tingnan, strict pero nagtthrow na ng sariling joke niya. So, tama, year of the pig ako! Ka-bday ko pa nga si shawie! Tan-inay! Naalala ko pa noon nong first time kong pumunta ng manila, 6 yrs old ata ako, wala pang dyalibi sa amin nga noon, kahit dunkin donut or mcdo, probinsyang probinsya lang talaga. Kaya nong dumating kami sa manila, pasyal-pasyal, ganyan, at nakita nila ang poster ni shawie na nagendorse pa siya ng LUX na sabon noon, walang hiya, pinatayo talaga ako doon at pinicturan kasi daw magkabday kami, ang tita (hindi namin relative) ko ang nagencourage sa akin kasi artista din si shawie! Hahaha parang ako naman ang nahiya ngayon! Hahaha at dahil wala ngang resto pa sa ciudad namin, lahat ng statwa nila dyalibi, mcdo may picture din ako! Nakakaloka! Dahil bata kapa, wala kang choice but sumunod! Heeeee!! Talaga!!!

Hindi ko rin alam kung maniniwala ako sa mga sinasabi ng iba na kapag Capricorn eh they stick to decision, talagang panindigan, selfless – laging iniisip ang ibang tao kaysa sa sarili, career oriented – talaga lang? depende siguro yon, ayaw ng mediocre na trabaho – oo naninwala ako dito dahil ganyan ako lol, may ambition at commitment sa lahat ng ginagawa niya – ay soh true, achiever din daw – baka, saka ko na sabihin kung achieve na achieve na ang aking mga goals. Hehehe kung sasabihin ni sis arline na totoo ang mga ito dahil magkasunod lang kami ng bday, maniniwala na ako! Hahaha nandamay pa ako.

May handa or wala, para sa akin, kulang pa rin dahil wala na si mommy, this is my 2nd birthday na wala na si mader, gaya ng sabi ko lagi, I have to live my life kung ano ang meron, dyan pa ang papa at kapatid ko siguro ito muna, yan muna kasi ayoko na magreklamo sa mga bagay na wala diyan dahil lahat ng nangyayari may dahilan. Hindi ko rin alam ano ang naghihintay sa birthday ko bukas, wala akong expectations dahil ayoko madisappoint. Wala na rin akong inisip sa love na dumating bukas kasi wala na nga. Echos! Bitterbitteran ang beauty! Lol

ay, salamat pala kay cyron, unang bumati talaga sa akin sa FB ng happy birthday. hehehe excited? lol thanks gwapong cy! 




Friday, January 4, 2013

Reality 3: ito na ang aking daan…pinagdadaanan


Lumiko ako minsan sa buhay ko, no worries hindi naman ako nag-drugs or nagbenta ng katawan. Lol umabot lang sa ponto na nagugulohan ako sa buhay ko, hindi ko alam ano ang gusto ko, sumabay pa ako sa problema ng mama ko at that time, I know I was selfish, immature and stupid.

Yong mama ko, was once a head sa isang government agency, my mom has also a strong personality, kung ano ako ngayon, yon talaga siya no more no less. Dahil sa strong personality na yan at sa pagiging committed sa trabaho, nakita niya ang kanyang mga staff na may corruption ng nagaganap, pinatawag, inayos. Tuloy ang buhay pero hindi na mauulit ang mga bagay na yong mga staff used to do, malaking pera yon, alam ko na ngayon kung bakit dahil gaya ng sabi ko tinahak ko rin ang profession niya.

Dahil sa galit at hiya nong mga staff na yon, nagkaron ng gulo, yong mga corrupt gumawa ng isang groupo para alisin ang mama ko sa position, may isang tao rin kasing gusto kunin ang position kaya gumawa ng mga eksena, naghanap ng butas. Ayaw ng mama ko ng gulo, nagresign kagad si mader, mga high school pa ako noon, mahirap kasi provided kami mula pagkabata hanggang lumaki until dumating ang problemang yan. Sumakay ang aming lawyer, binenta niya ang case namin sa kabila, umabot na nga kami ng supreme court eh. Alam niyo anong hirap dinaanan ko non, yong trauma na bawat mailman na dumarating sa bahay na nagdadala ng sulat galing sa mga court, nanginginig ako sa takot. That was ten years higit pa… walang kaluluwa ang mga taong gumawa non sa amin, kala mo sila lang ang kumakain.

Naging swerte si mommy right after that kasi tinanggap siya sa isang agency ulit where in yong mga pesteng corrupt na mga tao, dadaan sa kanyang mga kamay kasi hihingi ng tulong, nasa regional agency naman siya that time. Nakita ko ang hirap ng mama ko, yong iyak araw-araw, yong sakripisyo namin, yong adjustment lahat na. sa araw-araw ng buhay ko that time sabi ko hanggang kelan matatapos to, pano ako makakaganti. Hindi nacontento ang mga taong yon, naghanap ulit ng butas, nangyari na nga kinakatakotan namin. She left the service without nothing sa kamay niya after almost 36 years of service sa government. mga panahong yon, wala akong magawa, hindi ako makagalaw kasi kahit ako may issue rin sa sarili ko, gulong gulo ako. Napasok ako sa isang government agency at believe it or not, it’s the same agency  saan ang mama ko nagttrabaho pero hindi sa city, sa isang province naman but kapag may regional meetings, nagaabot ang mga tao sa municipality, city at province.

dito nagsimula ang lahat, i was so bitter din kahit noon pa man. hindi ko alam kung dahan-dahan ba akong nakamove-on sa pinagdaanan ko kasi looking back, i was really angry until slowly huminahon ako... 


Si mommy noon pa man gusto niya akong mag-aral na ng social work, pero hindi ako handa sa mga panahong yon, hindi ko pa alam ano ang para sa akin at gulong gulo pa rin ako. Araw-araw, lagi niya sinasabi “alam ko  nasa isip mo, hinding hindi mo magawa ang gusto mo kapag hindi ka mag-aral ng social work” tahimik ako palagi kapag ang mama ko na nagsasalita. The painful there was before she died, siguro months, she said “be a social worker para isang araw, you will tell those people right in front of their face na anak ako ni… and what now?!” lagi na niya yon sinasabi even before then pero that year, months before she died I already decided na mag-aaral na ako ng social work, magsstart na ako ng summer.  

It was really painful when the last memory na lagi kong maalala is yong sinabi niyang balikan ko yong mga taong umapi sa kanya, sa amin. Paulit ulit nasa utak ko yan hanggang ngayon.

Gusto ng mama ko na Makita ako ng mga taong umapi sa amin na may natira pa rin sa pamilya namin, na ako daw ang tatayo para sa kanya, ako ang tatapos sa laban na binitiwan niya minsan. Sobrang bigat yan at pilit ko mang burahin sa utak ko, napapaniginipan ko ang mama ko, alam ko hindi pa siya tahimik until I will get that license. (may board exam kasi ang social work)

Kaya habang nag-aaral ako ngayon, lagi kong dinidream at hinihingi na sana mag-top ako sa board exam (ambisyosa ako ano pero kailangan kong gawin to) kasi ito lang ang alam kong pwedi masabi ng lahat na ang anak ni… sumunod din sa yapak ng mama niya. May legacy na naiwan ang mama ko dito at yan ang pressure sakin ngayon. Todo kayod ako sa pag-aaral na hindi ko naman ginagawa noon, ayoko nga magbasa ng libro noon, maganda pa ang books noon kasi hard bound, may pictures, glossy pa pero  ngayon kahit photocopy lang kasi wala kaming libro sa social work talaga, pinagttyagaan kong basahin para isang araw pagdating ng board exam, maabot ko ang gusto ko at mabandera ang mukha ko sa harap ng opisina nong mga taong pesteh! (oo, paglabas kasi nila sa opisina eh paaralan ko na, kapag may pumasa sa course namin, ang laki ng tarp nakalagay kasi kami lang din ang nag-offer ng social work dito sa city namin.)

At ang masakit pa, isa sa mga anak nong taong umapi sa amin, eh classmate ko. Araw-araw lagi ko naalala yong iyak ng mama ko, hirap at lahat. hindi ko man masabi sa kanya ng diretso kasi bangayan ng magulang yon eh wala siyang alam pero ang pinapakain ng magulang niya sa kanya ay yong pera nakaw sa gobyerno. Kaya slight nalang ang ginagawa ko, kapag nagrereport siya, bonggang bombah na questions ang tinitira ko yong the whole period hindi siya makaupo lol

Ang buhay ay iikot talaga parang earth nga lang kasi isipin niyo kapag makuha ko yong license, isang araw malaking chance na magkakaharap kami dahil parehas na kami ng profession. Siguro sa panahong yan, matatahimik na rin ang mama ko, kasi hanggang ngayon alam ko, hindi pa niya natapos ang mission niya dito sa mundo. In fact when she died, nagparamdam siya sa close friend nya, nagusap sila sa panaginip, umiiyak ang mama ko, ang sabi niya ayoko pang mamatay kasi may gagawin pa ako pero ang katawan ko bumigay na. it crashed me kasi alam ko ano pa ang kulang at hanggang ngayon dala-dala ko yan, tawa lang ako ng tawa sa araw-araw sa mga comment na nakikita niyo pero deep inside me, ito ang reality ko sa buhay ko.



Itutuloy…





Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...