Showing posts with label PBO. Show all posts
Showing posts with label PBO. Show all posts

Wednesday, December 17, 2014

Isipin niyong blogger pa kayo...


My 4th year in Christmas blogging although I have missed a lot doing the bloggers stuff. You know the picture greetings, exchange of comments because hey it’s vacation, right?! Just as when you received your greeting from your fellow bloggers, you’re too excited to create a blog post entry saying your way of “thank you’s!” OH! I totally missed that! Where are you all anyway!? Hahaha assuming naman ako eh ano? Kakabalik ko nga lang eh. Chos!

I do understand the “sabaw” moments, tinatamad, busy and simpleng pagod lang magblog. No excuses, nangyari na sa akin lahat ang yan but I am still trying so hard now to be consistent sa pagbablog, (huh!) we’ll see it through.

There are new faces in blogging, even those new members sa PBO, ang dami! I can’t catch up anymore. I’m sorry. Hihihi Anyareh?! Achus! Hihihi Sana ang PBO matuloy ang sinimulan, sayang kasi eh, andyan na yan, konting kembot nalang oh! Wooott. I never heard any activity kasi or sadyang nganga lang ako dahil hindi ko nakita ang update ng PBO hahaha pasensya! Pigilan niyo ako muna for a while? Ples?! Hahaha honestly, ang dami ko ng hindi kilala sa PBO, I may not be one of the founders neither the first batch of members but I’ve seen PBO from the start, it really grew and OH MY! Geed!! Ang laki ng potential! My future! Wwwooott! I’m very sure naman ang mga bagong batch of members now sa PBO, also have the heart to extend their passion beyond blogging or writing. I welcome you all, hindi ko man kayo kilala for now, pasensya, I’ll give enough time to wander around. Hahaha  I just missed a lot of events sa PBO and half ng buhay ko, I regret that! Hahahaha bakit ba kasi ang layo ko sa Luzon!! Hahaha kaloka naman kasi!

I am not yet ready to close my 2014, eh! Kasi I’m still thinking! Hahaha I’m thinking ano bang nabigay ni 2014 sa akin. Hehehe as far as I could remember, it’s all worth it naman, even if sa simula ng taong 2014, saktong January, hindi ganon kaganda pero hindi naman naubos ni 2014 ang bad na nangyari, mas madami pa rin ang good things na nangyari, syempre! Wwoot! Kailangan! Dapat positive tayo no matter what! Hahaha kahit nadapa ka man siguro, isipin mo nalang na yes! Nadapa ako, at may dahilan yan at hindi dahil sa katangahan lang yon! Hahaha

Oh again! I am hitting you sa blog na ito, bumalik na kayo! Utang na loob naman! Ang tahimik sa blogsphere! Hahaha 

Hindi ba kayo gagawa ng bago nito? hahaha  mas masaya na ngayon kasi ang dami na natin pala hahaha buhis buhay ang paghahanap ko sa picture na ito! hahaha 

This is think was 2012 if im not mistaken. wwwooottt.
 payat pa ako kasi! charot! hahahaha




Tuesday, November 25, 2014

Yccos "Meow" visits "Telelalahbells"

I need to debrief myself immediately. Chos!!! Haha

The 100k painting -
mas malaki pa kai
teacher kat lol

One of the PBO’s (Pinoy Bloggers Outreach) attractive (and active) member especially by means of smallness & prettiness ( LOL ) came to Cagayan de Oro City unexpectedly. All the way from Quezon City transferred to Taguig City, Metro Manila accordingly (drum roll please), 2_ (I intentionally not to put a number next to 2! Haha), 5’ FLAT? (wooottt! Alam na!) & proud to be a bekeey! Presenting Ms. Kat a.k.a “meow” slash “yccos” (I’m seryos, pilit na pilit akong maging seryos! Chos! Hahaha)

I’m very happy indeed! Yeyy!! In such short notice & time, we still manage to make our weekend a worth to remember. That is not also possible without the help of my friends – Peps (wag ng alamin ang totoong pangalan ng taong ito dahil babalik tayo sa panahon ng spanyol haha) , Imee “Imyang” (dahil mas matanda pa sa akin ito kumilos, madalas may dalang panghilod ito kahit san magpunta) and Juan in tagalog John in English (pinaghandaan niya ang BANAT statement na yan para kay “Kat” dahil sa Filipino subject lang nagsasalita ng tagalog mga tao dito samin! so OA lang ang sinabi ko! Hahaha) siniraan ko talaga mga kaibigan ko eh! Nyahahahaha soreh! Soreh!


Syempre selfie - nakiuso
Our day started with sumakay kami ng “motorela” (only in cdo yan! Rooowww!!) & had a pambansang breakfast at “jabebey!” hahaha ohh yes! Of course we then visited first the Cagayan de Oro City Cathedral to pray & went to Xavier University after – hindi kami nakapasok kasi nakapekpek shorts si “kat” hahahaha akalain mo yon?! Conservative masyado kami dito eh!! Charot lang! hahaha something came up may konting emergency so pumunta kami sa lugar nila peps then went straight after to Provincial Capitol where I used to work for 7 years & may malaking sculpture kung saan masayang tingnan si kat na pilit niya itong yakapin ng buo! (hahaha) dahil sa sobrang init – sa isang mall pa din ending namin at we had our coffee sa starbucks. (mainit na kape inorder namin, parang hindi din kami nakaligtas sa init ng panahon! Haha). Our lunch was at Bucher’s Best (dito may 14 php pa na bbq).

Earthquake

I love this pic! EcoVillage!
Just as exactly 1 pm we decided to go to Capitol University Museum (kung san andon ang history ng Cdo), touristang tourista lang kami eh kasi first time ko rin pumunta don ano! (bahahaha) sa next destination namin of course not just once but ohh yes! 2nd time kong pumunta don! (feeling proud hahaha) 15 mins away from the City, sumakay kami ng jeep at “habal-habal” papuntang “ECO VILLAGE” nakuh! Lakas maka-earthquake ang lugar na ito! Masarap kasi magjumpshot dito! Haha it’s all pure nature! Sarap! Masarap yong pababa pero nong pabalik na, yong butas ng ilong ko kasing laki ng kamao ni pacman na! one of the best thing happened nong pauwi na kami – hinamon nila akong mag limbo rock nong palabas na kami (naka-inclined na ito) gustohin ko man pero feeling ko maging bola ako na pagulong-gulong pag nagkamali ako ohhh dibah! Nasa isip ko pa lang, may nangyari na kay “Juan in English John” tumambling lang naman siya oh see kumusta naman kung ako yon! Susmaryusep!! Maawa ako sa daan! Hahahaha after “Eco Village” went straight to “limketkai mall” (kapag cdo – LKK Mall ang trademark! Only in cdo lang yan talaga) & back to Imee’s “Imyang’s” dorm to get kat’s bag & stayed Jollibee nearby for a while at pumunta na kami straight sa 2nd home ko para don magstay overnight – sa bahay nila peps. Hahaha
Boystown Outreach

Saturday night we prepared the hygiene kits for the outreach kinabukasan. Thanks to PEPS sa lahat dahil he allowed us to be part of his Org for a day! (I can’t thank u enough really, wwooott!) the following day pumunta kami sa “Boystown” ng Cdo located away from the city, mga 1 hour din yong binyahe namin with all the rough road along & free natural powder! Oh diba bongga! Hahaha I am very happy dahil may malaking part si Kat during our outreach dahil we let her interact with the kids as well as nagconduct din siya ng activity sa mga bata. Fulfilling! kaso bitin lang! Right after our outreach, dahil maaga natapos I called a friend who is just nearby para kumain ng French fries at beefsteak! Hahaha she’s a friend for almost 15 years din kaya at home na rin ako sa bahay nila! Chos! Ang layo din naman ng nilakad namin ano (super init pa!), tunaw na tunaw yong taba ko don! Effortless!


After Outreach -
Yccos with the Big Four
Exactly 12 noon kami umalis sa bahay ng friend ko and dumating kami downtown mga 1 na siguro yon, kumain ng sundae all from Mcdonalds dahil SUNdaey! Haha just waited for Pep’s sister for a while naiwan yong tablet ni kat sa bahay nila Peps. Parang ayokong tapusin tong entry nato kasi alam ng uwian na eh! Hahaha charowt! Hinatid namin si Kat sa LKK Mall kung saan don siya sasakay ng Van going to the airport, that’s around 2:30 na siguro, had few group pictures and ayon na ba-bye na talaga! Haaaiiizzz! Lol There’s no goodbye but see you again soon!! That is!!! Yeey!!

GRACE - Our fries & beef steak
For a day & a half na kasama ko si Teacher Kat “yccos” ito lang masabi ko – may katapat ako!!!! Hahaha she’s bubbly & a positive thinker! What I admired the most yong pagiging flexible niya (knowing I also have my friends with me during her visit) AT ito pa – ang talino ha in fairness hindi ko carry yong history ng pinas, wala nga akong matanong don eh! (tulog ako nong kinuha ko ang subject na yan! Hahaha) I hate being so big sa mga pictures namin kasi ang liit niya!! Literal! Hahahahaha the best I could describe KAT - “NO PRETENTIONS!!!” what you see, what you’ve read is what you get!!! Yes!! It is!!

MecMec - Pep's Home
It was a worth weekend!!! Thank you teacher kat for the visit & next time ulet!! Wooott!!! I can’t thank enough also to Pep’s Family – Tita slash Mama Merelyn & ang pangarap kong katawan sa hilaw kong kapatid na si MecMec, na always ready and on the GO!!! Of course si Juan in English it’s JOHN – official icebreaker!!! Imee slash Imyang as well as our official photographer all throughout!!! Hahaha I LOVE YOU Guys!! (wid feelings, CAPSLOCK para intense!! Hahaha)



Tuesday, January 7, 2014

Birthday arousal

I MISS THIS!!!!

ang mababasa niyo ay rated s.p.g striktong patnubay at gabay ng magulang ang kailangan. maaring may maseselang tema, lenggwahe, karanasan, karahasan, o sekswal. hahaha

Nabubuhay ang aking mga alindog!! (napaisip pa rin ako kung meron ba ako nyan! Hahaha)

Woooooppp!!! Woooppsss!!! Kerrriii!! Keerrriii! My booobbss!! Keriboobs!! biglang talon, pagkalapak sa putik, split all the way agad-agad, biglang tayo at dampot ng pagkain! (kapagod kaya noh! Hahaha)

My moment…

It’s been 3 months since my last post. Hahaha i was very busy indeed doing nothing only that eating is an exemption to this matter! Rooow! Hahaha oh well, well! hindi lang sa kakakain ang pinagkakaabalahan ko alam niyo namang busy ako sa career ko rin! Feeling ko lang this year mas maging busy ako! (feeling lang yan, walang assurance pa yan! Hahaha)

On a serious note, hopefully matatapos na ako this march and will have my 2 months review and by June, yon na! board exam na! (hhmmm…) so much for that, busy din ako sa long term plan ko after graduation, will tell it soon kapag mahahawakan ko na ang upo, I mean maging totoo na ang UPOrtunety! TOOOTTTooooRRROOOOTTTTooooTTT!!! (trumpong trumpo)

Ayoko na ng moment, naantok ako! Hahaha charing! 

Woooppss!! Keerriii keerrriii my boobss!!! Woooott!!! Hahahaha

Siguro hindi pa alam ng lahat kung bakit bigla akong nabuhay, bigla akong gumawa ng entry! Matagal ko ng plano talaga I am just looking for the perfect and right time kaso hindi na ata nakapagantay simula nong pinukaw ang aking alindog (iniisip ko pa rin until now if meron ba ako nyan hahaha) ng isang hari na itatago ko sa pangalang “archie” OO! Siyang siya nga from a far far away land! SUPER asim i mean tamis ng HARI dahil gumawa siya ng isang laglagan entry talaga para sakin! hahaha at lalong nagkaron ako ng awaken emotions (in other words – arousal of feelings daw hahahaha) nong may picture greeting ako galing sa one and only pusa ko na matagal nagtatago na kala ng lahat ay isang cat drawing lang to! (automatic tadyak sa buntot ng pusa kapag ito ay magrereact! Hahah) Thank you sa inyong dalawa, ang sweat sweet ninyo pati ako pinagpapawisan sa inyo! i lab da two op U!

Thank you also sa isang special na kaibigan na si jonDmur, ang lover ng blogsphere dahil sa hilig nito magsulat ng romance books hahaha (ito ibebenta ko na sa inyo! chos! hahaha) special kasi hindi niya nilagay ang pic greeting kasi sa timeline ko at private talaga. Hihihi at nakaka-arouse i mean nakaka bring up din ng excitement naman tong si josh na idol ko sa pagV-vlog nong sinabi niyang “iblow na yan!” sabayan pa ng gwapitong paokun sa blogsphere na “I blow na nga yan!” ibang iba ang aking pakiramdam! Parang pag na-iblow eh hindi ko alam kung may sasabog ba or mamatay! Hindi ko talaga alam! Pero ang nasa isip ko nito, ang hari pa rin! (I feel so crazy!! Landi2x pag may time) hahahaha

Mas nagsstimulate ito sexually I mean emotionally pala ang pagbabalik ko sa blogsphere nong nakita ko ang mga unexpected birthday greetings from the PBOers, its been a year na nga since nong nagsimulang mabuo ang groupo. I appreciate sa lahat ng bumati, you made me so special and gay! (OMG! Hahaha) I so love that! promise! I truly found a home in you all guys! Thank you! and Thank you for the friendship!!!

Hindi ako mapakali, hindi dahil Makati yong pwet ko or yong silicon ko eh lumalabas na sa bra ko! hindi ganon! At hindi yon! hahahaha charing! Ang dami kong gustong sabihin! Alam ni feyel yan, alam ng mga PBOers din yan, sa daldal ko ba naman kahit ako hindi ako kontento sa pagbblog lang! hindi talaga! I hate this! Char lang, arte-arte lang para may masabi! Hahaha

OH YES! I do plan of making once again a vlog, sabi nga ni haring archie, makapal ang mukha ko! yes! Sa mga bago sa blogsphere! Kayo na ang mahiya sakin dahil kung may mas makapal pa sa rubber pwes yon na ang mukha ko! Walang kokontra! Hahahaha (assuming lang!) hindi ko nga alam anong sumapi sakin sa araw na yon at totoo hindi ako humarap sa camera hanggat hindi ako nag-ahit ng kilay! Bwahahahaha

Oh well naman noh in fairness!!! Gustohin ko man magVlog ngayon, hindi ako ready! Wag niyo akong pilitin! Please! Hahaha promise hindi ako ready! Dahil hindi pa ako nakapunta ng david salon para magpagupit, ahit ng kilay at bigote, isali mo na ang buhok sa kili-kili! Ang pechay?! Kasama?! Wag na! sa brazil ko na gagawin yon! Brazilian style! (hindi ko maimagine sarili ko! bwahahahaha) anyways, totoo! This time kailangan ko ng magmake up tulad ng nakikita niyong profile pic ko sa facebook at blogspot! Kasi kung hindi ko gagawin yon hindi ako yon! hahaha kailangan panindigan ang gandang di inakala! hahahaha

Now tell me, ang gastos diba?! Kalokah! Kailangan kong gumastos ng libo-libo para iharap ko ang sarili ko sa hari! Dahil kung hindi ko gagawin yon, hindi ako makaka-ani ng upo, baka puro sili at okra lang makukuha ko, mas masaklap kapag ampalayang kulobot! Hay naman! Walang pag-asa! Walang isasarap sa bitter na bitter na ampalaya! Alam mo yon!? its driving me so crazy! Uggh!! (feeling maarte lang ako! Hahahaha)

ITO SERYOS TALAGA…

Salamat sa lahat ng bumati, salamat dahil kala ko nakalimutan na ninyo ako dahil sobra ang pananahimik ko, I feel so special dahil kahit tagal naging sabaw ang utak ko sa pagbablog, hindi niyo ako nakalimutan especially to ate “balut ng manila” (na hanggang ngayon hindi ako makaget over sa edad niya kasi feeling ko mas matanda pa ako sa kanya! ang bata niyang tingnan kaya! Hahaha) I feel so blessed to have you guys around! For this year, let’s aim to be a blessing to other people!!!

FEELING KO LANG, may multiple personality disorder ako, bigla bigla ang pag-sshift ko ng thoughts! hahahaha sige rix sagotin mo ako dito! hahaha 


Sunday, February 10, 2013

Ang unang pagkikita, pagbuo ng bagong panimula at pagkakaibigan - PBOers

Nagbabablog na yong utak ko habang pauwi na, may comments pa nga eh! Lol sa dami ng gusto kong sabihin ito nganga na ako dahil hindi ko alam saan ako magsimula diba? Hahaha

Pero sige simulan ko nga.

Hindi ko alam bakit instant decision na kagad na pumunta ako ng surigao city para Makita sila sis arline, joan, zai at sila archie at empi. Siguro dahil sa frustration ko nong Monday (February 4, 2013) at  nilagnat pa talaga ako sa stress na iyon dahil hindi ako makapunta ng manila nga sa February 15 para sa pbo na yan. Nalungkot ako promise hahaha huwaw affected ako non? Lels!!

Anyway byahe to the max ang drama ko ng Thursday night hahaha left Cagayan de oro city around 10:30 at dumating kami ng butuan city ng 3 am exacto. Sumakay ulit papunta muna ng Santiago, Agusan del Norte – 1 hour and 30 mins ang byahe. I stayed for a while sa bahay ng classmate ko na taga don para maligo lang hahaha then alis ulit but dahil galing sa kanila 1 hour and 30 mins lang din, nagpaumaga ako ng slight para chumika chika.

Naligo ako ng walang tulog mahigit 24 hours na ata. Sarap ng tubig pero bampirang bampira ako sa oras na iyon.

Moving on.

Ito na talaga, dahil sa sobrang excited ako naiwan ko ang pasalubong na pastel sa bahay ng kaklase ko! Haha

But anyways…

Dumating ako ng surigao city ng 8:50 am ata exacto kasi sa meeting place na pinagusapan namin yong gaisano mall eh bukas na nong dumating ako, feeling ko binuksan lang yon para sakin! Hahaha jowwk!

Ngayon ito na… magkikita-kita na rin kami for the first time sa wakas. haha

Late sila! Haha jowk.

Sakto lang actually yong oras na pinagusapan namin. Iba na talaga mga matured galing tumupad sa oras ng usapan haha char lang!

Ngayon ang una kong nakita na nakangiti ng bongga at nawala ang mata ay itong si haring archie. Si arline naman abah dilat na dilat lang ang mata na deadma sa una! Hahaha ng palapit na ako sa Jollibee (doon kami ng breakfast at nagkita) itong si zai naman nagulat ako na bigla lang sumulpot sa gilid ko at ang tangkad nga!!! Nyetah wagas ang height!! At  natotomboy ako kagad dahil nga naman! Kung ano ang nakikita nio sa picture nia yon talaga talaga siya!! At parang hindi totoo ang iba ano? Hahaha jowk. Ng sabihin ni zai na “hi lala” wow na wow nga kasi naman heller mas malambing pa ang boses niya sakin in fairness ha!! Hahaha si sis joan hindi ko naman kagad nakilala kasi kala ko may kasama lang silang bata promise naman totoo naman kasi ang sinasabi ko! Hahaha ang cute nga ni sis joan kasi parang pwedi mo nga lang siyang bitbitan na parang bag lang eh sa sobrang kacutan niya! Hahaha si empi nawala sa paningin ko that moment dahil naman hindi ko siya nakita jowk. Ang mala Derek na katawan ni empi kagad ang bumulagta saking mga mata hahaha charos! Nong magsalita si empi wow naman part 2 na malambing pa sa boses ko! Hahahaha at si steph naman huli na kasing dumating, late ang peg hahaha pagdating niya o diba akala ng lahat na magkakakilala na kami before that meet up kasi parang si senyor lang talaga si stef! Swear!! Hahaha walang kasing layo nilang dalawa sa chikahan! hahaha

Isa isahin ko nalang para hindi masyadong mahaba tingnan ano? Hehe


Simulan ko kay ARCHIE. Sabay lahat naman kami nagbreakfast at sumama din ako papunta sa butuan airport, madaming daldal ang nangyari naman so nakikilala ko sila personally may pagkakaiba nga slight sa twitter, sa fb pero sila pa rin. Rots!!

In short nagbreakfast lang ako sa surigao for one hour at umalis kagad. Hahaha at 3 hours mahigit kaming magkasama sa van papuntang butuan airport.

So si ARCHIE nga…

Best in photography, at twitter haha


Kung anong kulit niya sa twitter at fb, kabaliktaran nga! Pero dumaldal naman siya ng bongga nong sa van na kami.

Isang mapusok na hari hahaha dahil ang alam niyang laitin sakin ay ang aking kuyokot, ito ay hinahanap at tinatanong. Hindi ko na nga naalala ng magkita na kami haha siya talaga ang nagpapaalala. Hahaha

Isang malaswa rin hahaha dahil kahit papano sobrang daring niya! Nyahahaha

Best in audience din siya sa tawanan hahaha

Sweet ni archie in fairness to him ha. Haha kaw ba naman magbuhat ng maleta ni arline all the way aba ang hari pinagbuhat ng diyosa sa biyak na kawayan abah bihira na yan! Go archie!! Ipush na yan! Hahaha

Isang simpleng hari, matipono ang katawan? Weehh?? Hahaha walang weeh kung sasabihin kong may cute na tiyan nga si archie! Bwahahahaha

Ang paborito pagusapan ni archie yong kuyokot talaga, sobra kung makapagencourage ilabas ang kuyukot na yan! Malapit na nga akong maconvince eh nahiya lang ako! Hahaha charot!!

Ang bait ni archie ha, walang keme at arteh sa buhay kuya na kuya lang ang peg niya lol

Nahihiya lang ata si archie matulog nong nasa van kami kaya pinipilit labanan ang antok or baka nahiya lang siya dahil magkatabi sila ni arline. Eeyyttt. Rots.

at tuwang tuwa si archie sa usapang pisil-pisil at pisilan na iyan! (winks) hahahaha

sarap makipagbiroan ni archie game na game sa mga malalaswang usapan! hahahaha gusto ko yan!! hahaha

Sumatotal yong personality ni archie strikto nga siyang tingnan pero bungisngis at the best talaga ay kanyang mapusok na isipan at kalaswaan hahahaha yon talaga eh ang nahighlight ko ano? Bwahahaha jowk!! namiss kita kagad archie talaga charots! hahaha sarap pisilin ang mukha mo! bwahahaha 

Si ARLINE

Weh? Lol

Tuwang tuwa ako sa kanya sa kainan! Hahaha kung makakain parang wala ng bukas oh diba kaw na ang kakain ng breakfast with macaroni soup pa yan (carbs din yon diba? Haha) plus may order pa syang pancake, oh diba wala sa katawan yan nasa gutom ng tao lang yan! Hahaha hindi ko pa ramdam ang gutom ni arline sa oras na iyon! Haha

Malambing in nature si sis arline, pink na pink nga lang talaga parang pusa lang hahaha

Naiintriga ako sa kwento nilang may talent si arline kapag naiihe or umihe na ba yon hahaha

Kung anong kulit ni arline sa twitter at fb, sa blog ganon din talaga naman in person at ito sasabihin ko na ang favourite tag line ko lagi “what u see is what u get” sa kanya hahaha

Simple nga lang si arline din, kung makastretch kasi ng paa sa van parang nasa bahay lang, diba? Haha kung makalagay kasi ng paa sa driver’s seat parang nasa sala nga lang. yan talaga ang dapat hahaha

Siya na ang bonggang nakapagbreakfast siya pa ang unang nagugutom sa byahe hahahaha jowk hindi ka pala kumain nong cookies na inoffer mo samin hehehe

Wild and free kung makatawa si arline, wagas na wagas! haha

walang dull moment kapag nakausap mo si arline, lahat connect eh! hahahaha lovelife to blogging to fb to twitter to wagas pose na pictures niya, everything under the sun

siya din ang sarap lait-laitin at asarin hahahahaha kasi lumalaban ayaw magpatalo i love that sis! haha

click na click kagad ang peg namin, ewan ko rin magaan lang sa loob kausap si arline siguro dahil isa siya sa lagi kong nakakausap sa twitter at ramdam na ramdam mo sa kanya ang isang hello welcome new friendship (sumeseryoso na ako bwahahaha jowk) basta nakakatuwa kasi isa siya sa sarap laging asarin! hahahaha sarap andami nating tawa! namiss kita kagad sis!

si JOAN  naman...
tuwang tuwa ako dito sa pic promise anong
meron kay joan diyan
isep2x kau hahaha


walang jowk para talaga siyang bata hahahaha

siya ang nagsisimula ng gulo at usapang nauuwi sa tawanan hahaha tama nga pala si june dahil sabi niya "wag kang mag-alala dahil andun si joan" parang sinasabi ni june na ang ingay nga niya! hahaha

ay at salamat pala sis sa libreng breakfast hahaha ikaw pa may galit kung hindi ko tatanggapin ano haha naliliitan ka nga sakin hahaha

siya ang babaeng walang pahinga sa byahe. according to her hindi siya nakakatulog kapag nasa byahe, oh diba simpleh lang sabi ko naman "bakit takot ka bang hindi ka na magising at pagkagising mo nasa kabilang buhay ka na pala" hahahaha

maging comportable ka na kagad kay sis joan dahil nga sa kanyang kadaldalan

sarap din asarin ni joan at kasi kalmang kalma lang gumanti ng banat hahaha

wow nga din pala siya ang mahilig magreklamo dahil malaki daw ang tiyan niya, dapat talaga siyang magreklamo kasi wala siya sa tiyan ko!! natural na natural lang ang laki ng tiyan ko compara sa kanya dibah! kailangan talaga niyang mahiya don sa akin hahahaha

sarap nilang panoorin ni zai kapag nagaasaran hahaha

kala mo lang na mala anghel ang mukha ni joan pero debil yan kapag bumanat ng usapan at kwentohan hahaha jowk!
masayang kasama si sis joan dahil maramdaman mo rin sa kanya yong parang matagal na kayong magkasama at kaibigan. oh diba seryoso na yan! hahaha namiss lang kita sis, one second every one second hahaha

kung tingnan mo si joan sa outfit na yan masasabi mong ma-arteh sa unang tingin pero yon lang yon pero hindi mo lubos maisip na sa ganda ng outfit niya na yan marunong din pala siyang umupo na nakabukaka na parang wala lang, ganyan! hahaha jowk. hindi ko lang kasi lubos maisip naman na pwede pa lang umupo sa harap ng airport at chumika chika ng slight with matching eating nilagang peanut at lanzones diba. 

ito muna ang teaser sa pagkikita namin sa surigao city, ako ay naglakbay ng halos 9 hours para makita lang sila oh diba dorang dora lang ang peg ko!! walang tulog pero nakaligo naman ako! nasa inyong konsensya na yan! hahahaha 



part 1 muna kasi hiningal ako sa kwento ko hahaha isusunod ko ang kay zai, empi at stef. 

itutuloy ito dahil super haba na. hahaha 

wait lang kayo zai, empi at stef kau naman mahighlight ko after nito hahaha



 

Monday, February 4, 2013

Reality 12: Masaya ang PBO

Dumating na nga si amang hari at ang anak ng hari sa republika ng pilipinas, yong saya ko hindi maitatago, naging maingay ako sa twitter dahil gusto kong abangan ang kanilang pagtouch down sa pilipinas. Ngayon ko lang ulit naramdaman ang pakiramdam na ito galing naman sa mga kaibigan sa blogspero, huli kong naramdaman ang excitement noong isang taon pa mula naman iyon sa taong minamahal ko. Rawwrr.

What you see is what you get in me, mula nong nabago ang buhay ko naging totoo ako sa sarili ko, naging open sa ano ang meron ako at wala man. Hindi maitago ang sayang iyon na dumating na sila dahil nasa isip ko finally makikita ko na sila ng personal hindi yong nasa likod ng isang blog or computer lang sila, mapipisil ko na, mabiro ng totoo, mabigyan ng squeeze hug bawat blogger na Makita ko sa meet up kaso hindi ko rin maitago ang lungkot na nararamdaman ko ngayon dahil just earlier naconfirm ko na hindi na pala ako makakapunta sa manila ngayon February 15, 2013 sa meet up ng mga pboers. Ang last hope ko kasing eroplano na airphil, tumaas na rin ang pamasahe, hindi na kinaya ng aking bulsa dulot sa midterm exams ngayong week na ito at wala akong mahugot na pera sa ngayon dahilan na rin sa dami ng babayarin.

Lagpas langit ang kagustohan kong pumunta para Makita ko sila isa’t isa at gumawa ng memories na pwedi kong balikan kahit saan man ako mapunta sa buhay ko. Naiiyak ako na hindi ko rin maexplain ang pakiramdam na ito dahil nabigo naman ako sa aking expectation, lagi ko pa naman sinasabing kapag iniisip ko na makakapunta ako at maabot ko yan, nangyayari dahil sa law of attraction na yan pero ngayon sinusubukan ako ng panahon at pagkakataon. Ramdam na ramdam ko ang kasiyahan ng mga bloggers na sa wakas magkikitakita na sila after ilang buwan na nakikipagkulitan sa mga comment sa blog at sa twitter.

Oo bothered talaga ako ngayon dahil nalungkot ako hindi ko naman maitatago ang pakiramdam na iyan, ayokong magpretend sa emotion ko ngayon, ayoko rin magpretend na meron ako na wala naman dyan. Parang hanggang pangarap lang na makasama ko ang mga bloggers at pboers sa araw ng kanilang meet up sa February 15. Una ko sanang pagkakataon na makasama ang mga taong nagbigay saya sa akin for the past months na sobrang down ako sa buhay ko, yong mga kakulitan ko na hindi matapos tapos hanggang hindi napapagod kakadaldal. Natagpuan ko ang isang kaligayan sa pagbblog na nakita ko na may mga tao pa lang totoo kahit nasa social network site kayo nagkakakilala kaysa nasa harap mo araw-araw, dito ko naramdaman na bawat problema ay may solution may mga tao na nagpapangiti sayo despite of what you’ve been going through personally sa buhay mo.

Hanggang dito nalang muna, malungkot man ako ngayon pero makakarecover din ako. Sana maging masaya at makabulohan ang mga meet ups ninyo aking mga kaibigan sa blogspero.

hangsarap mag hiatus lol pasok nako sa banga! =(

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...