Friday, January 13, 2012

i understand yet i'm confused



If I wasn’t able to take up the course of social work now, probably hindi ganito kabangag ang utak ko ngayon!! I have been so confused in my career and life now after studying the theories. Nauna kasi ang field practice ko bago ko nalaman ang theories, meaning nakapagtrabaho ako sa social welfare office before I decided to take up social work course. But one of the biggest reason why I took up the course because I wanted to follow my mom’s legacy and on the other side as I have mentioned in the previous post I had, there are personal and professional issues I wanted to finish.

If I was too assertive noon sa work ko, ngayon parang I got bored already. Kung noon kaya ko makipagusap sa tao kahit higit sampu sa isang araw and puro problema ang pinaguusapan niyo ngayon parang ewan hindi ko alam I am really confused yon talaga ang nafefeel ko!! I took a break already, walang trabaho and walang school lessons kasi nagkasakit ako pero when I got back to the world I used to have, ganon at ganon pa rin ang feeling ko. (kailangan ko na atang magpacounseling nito lol)

Knowing the deeper thought of social work, I have realized that it is not just a matter of helping people but a better understanding in every situation that we have in our life. Hindi naman ako pagod sa work ko, ito ang passion ko at I know ito ang gusto ko pero there’s something behind this, hindi ko lang siguro na-eexpress kung ano or hindi ko lang talaga alam kung ano nga ba talaga, noon I found my contentment in life ngayon hindi ko na nararamdaman yon, even satisfaction in work, wala na rin ako, I felt like I already grew up and I still want more of what I am doing now.

Isumpa ko na kaya ang social work na course ano?! Hahaha punyets talaga!! Lumubo utak ko ng malaman ko ang mga katotohanan sa paligid natin!! I understand yet I am confused, pano ko ijujustify yan? =(

5 comments:

  1. i hope you find that elusive enlightenment soon ;)

    ps.: oist, salamat sa pag bisita sa blogs ko kahit parang lagi kang ni-re-remind na mag lose ng weight :D dedmahin mo lang yun, masyado lang akong happy dahil medyo nawalan na ako ng hope noon, yun naman pala, totoo na habang may buhay may pag-asa ^^ sige dito na lang muna at alam ko korni na ako masyado :D

    hanggang sa muli!

    ReplyDelete
  2. sali ka na lang sa pakulo ko, malay mo isa ka sa 5 winners :) atlis don kain at kwentuhang masaya ang magiging agenda natin!

    ReplyDelete
  3. how exactly are you feeling? social work is not enough? or it is time for you to bow out?

    wv: porspa (parang forced pa. :-)

    ReplyDelete
  4. nakakarelate ako. Medyo malapit kasi yung field of work natin, ikaw sa social ako naman sa mga customer.clients. Hindi rin ako pagod sa trabaho ko although most of the time complaint ang kaharap ko. I love it in a sense na after mo magawa yung responsibility/job mo fulfilled ka. Anjan yung thank you at appreciation nila sayo. Kahit medyo malayo yung coarse na natappos ko sa work ko ngayon masaya ako and i dont regret it. Watch this video mare http://www.youtube.com/watch?v=kxM-EatIKQM, na-inspire ako dito, makakarelate ka :) Why she took nursing and dont regret it :)

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...