Thursday, January 19, 2012

Hindi forever tanga ang isang tao


Para akong tanga while listening to my deviance class kasi sa totoo lang hindi naman natin malalaman na deviant na tayo if mismong word na yan hindi nag-eexists sa daily life natin. Shet! Haha yon ang stand ko lagi to myself that since now ko lang nalaman ang term ng deviant or deviance (meaning nito eh beyond norms, beyond normal na action sa isang tao) nakikita ko na ang pagiging deviant ko! Potah! Hahaha this is where I learned to accept my whole being (may genun talaga) kasi sa totoo lang in denial kasi ako sa lahat ng nararamdaman ko kahit sobrang hurt na aki!! Kebs pa rin!! Pero  malambot pa ako sa mammon pag di na keri!! Haha

Ito na ang kwento ko at ikarir kong ichismis ang buhay ko sa inyo. Sinabi ko sa last post ko na dumaan ako sa isang depression na hindi ko alam depression na pala yon! Hahaha shet talaga!! Kahapon sa klase ko yon ang pinagusapan at pinag-aralan, ako keep quiet lang kasi tinatamaan ako sa pinagsasabi ng teacher ko about sa depression, kebs lang muna ako, gusto kong tumawa man sa sarili ko kasi wala akong kamalay malay na ang pinagdaanan ko eh sobrang depression na pala yon noon. Good thing because I learned it, I just laughed about it now and I accepted it.

I got depressed kasi I stopped schooling noon for 1 semester and I feel like nadisappoint ko ang parents ko. Hindi naman ako nalulong sa druga no, hindi rin naman sa love life pero yong hiya sa sarili, sa ibang tao at sa pamilya. Wala lang akong gana magaral noon kasi madaming problema na dumating, hindi ko kinaya paano ko harapin, mahina ang loob ko at wala akong laban kahit gusto ko mang lumaban parang helpless na helpless ako. Normal lang nagagalit ang magulang pero sa mga pagkakataong yon hindi ko alam bakit ganon ang naging reaction ko, sa sobrang hiya ko nagkulong ako sa kwarto.

At ito ang naging routine ko sa araw2x na yon.

Sa umaga late akong gumising, I am waiting for my parents to leave for office and my sister to go to school. buong umaga nasa kwarto lang ako, sa hapon nasa garahe lang ako at nagiisip at nakatingin sa langit, wala akong kausap, hindi ako nakikipagusap sa kahit sino, wala akong outlet. Feeling ko wala na akong kinabukasan at wala na akong silbi. Pagdating ng 5pm pasok na naman ako ulit sa kwarto kasi parating na sila galing work, hindi ako kakain buong gabi, kinaumagahan na ako kakain pag wala na naman sila. Yong kwarto ko ayoko ng ilaw, gusto ko madilim lang.

Ngayon ko lang narealize na na-depressed na pala ako noon kasi halos 2 months yon na ganon ang naging buhay ko, wala akong kausap at wala akong mapuntahan, hindi pa uso ang blogging noon kaya hindi ko naisip iladlad ang sarili ko dito. Lels. Natatawa ako ngayon nalang kasi nalagpasan ko ang stage na yon at nagawa kong ibangon ulit ang sarili ko kahit until now alam kong may sayad pa rin ang utak ko paminsan minsan, keri nalang!!

Salamat sa social work na kors dahil sayo naging tao na ako!! Hahaha nakakapagfunction na ako ng mabuti sa ibang tao at para sa sarili ko!! Haha debaterya!!


16 comments:

  1. ganyan din ako noon. iwas sa mga kasambahay. ayaw ng kausap

    ReplyDelete
  2. huh?! Depression pala tawag don? tsk tsk.. naging tao ah, salamat sa social work na kors may taong quin na s blogsphere.. hehe!

    ReplyDelete
  3. clap clap clap. mabuti naman na get over mo yun. there are people kasi na nag-oover na ang depression at nagbibigti o nagpapasagasa ng bus. nagkaka depression din naman ako pero di gan'to. haha.


    clap clap clap ulit at salamat sa pag follow back. ^^ tootles!

    ReplyDelete
  4. im glad you are now back to the real world. Its all in the past now and all you have to do is to forgive yourself and move on with life, we all go through such stage in our lives, sometimes we need some rest and while we rest we are recharged and wait on the Lord, in a still small voice He has comforted us and guided us to chose the right path.....

    God bless...

    ReplyDelete
  5. pero you know what, its a great time for self-reflection rin. :)

    naranasan ko na rin yan dati. Right after I graduated from college and alang patutunguhan sa buhay. grrrr.. parang di pa rin ako nakaka.recover. naging anti social ako. pag.balik ko sa real world, anti.social na ako. and i think anti social pa rin ako til now.

    ReplyDelete
  6. buti naman po nakasurvive ka na sa stage na yun eventhough di mo pala alam na depress ka ng panahon yun. God bless po

    ReplyDelete
  7. congrats mare at least na-realize mo at tinatawanan mo na lang ang bagay na yun. sabi nga nila to be wise and old you have to be young and stupid. hehehe... best lessons came from our own experiences. kaya keri lang teh! uso din ang fb add mo ko :) hehe

    ReplyDelete
  8. Magkukwento ako, una kong naencounter ang word na deviant, college na rin. Sa subject na family planning shiz ata, di ko na matandaan. Pero mas nakilala ko ang salitang deviant, sa deviantart.com na. wala lang. may maikwento lang.

    congrats sa mga bagay na narealize mo. :D

    ReplyDelete
  9. gaya mo, na-depressed din ako. at gaya mo din, gumraduate ako sa phase na yun... sa awa ng Diyos at sa tulong ng mga kaibigan. ngayon happiness monster na ulit ako :D

    ReplyDelete
  10. thank you for visiting and commenting my site.. You have a wonderful posts.. KEep posting.

    ReplyDelete
  11. Hi Quin, thanks sa pag visit and sa comment mo sa aking blog.Dahil sa comment mo, maghahanap ako ng herbal medicine. Thanks!

    Naaliw ako sa mga petals na nalalaglag. Hehehe.

    Buti na-surpass mo ang stage na yun. Mahirap talaga labanan ang depression and I think lahat naman tayo in some point in our lives, makakaranas ng depression. Normal siguro sa buhay natin yun na puno ng stress pero ang mahalaga kaya nating labanan yung feeling na yun at after that happy na ulit.

    ReplyDelete
  12. @RENCE: hindi na ako depressed sa pagkaalam ko ngayon pero ayaw ko pa rin ng kausap minsan hahaha

    @MOMMY RAZZ: yes mommy it falls into depression category hahaha ngayon ko lang nalaman nga yon sa social work hehe

    @ORANGE PULPS: naisip ko na rin yong magsuicide pero parang masakit naman hahaha

    @ZELMARQ: siguro nga napatawad ko na sarili ko kaya i learned to accept those things hehehe

    @ILE: today i consider it na pag gising sa umaga is a chance na magreflect ng paulit ulit. minsan anti social ako minsan naman game ako depende sa mood, may sayad na ako talaga maybe in nature haha

    ReplyDelete
  13. @JAID: yep di ko nga din alam na nakasurvive ako non eh hahaha

    @JHENGPOT: na-add na kita sa fb. hehehe kailangan ilad2x na ang buhay natin kasi temporary lang tayo dito sa mundo hahaha parteh parteh parteh hehehe

    @GOYO: matingnan nga yang deviantart.com hehehe

    @KM: dadaan talaga tayo sa kung ano anong churbabels sa buhay natin for us to learn and become stronger.

    @JOCY: thanks for visiting back here.

    @SEY: minsan pag sobrang happy din may kapalit na lungkot ano? hehe pero im happy that i learn to accept the things na nangyari sa buhay ko noon at nilagay ko sa ilalim ng utak ko na iba ang noon at iba na ang ngayon. hehe

    ReplyDelete
  14. ok lang yun nag stop ka muna, kesa pinilit mong pumasok tapos wala ka sa mood, ending baka mag fail ka, mas disappointing! tama lang desisyon mo nun :) good vibes! :)

    ReplyDelete
  15. sorry na bother lang talaga ako.. deviant ka? are you sure?

    deviance in sociology : actions or behaviors that violate cultural norms including formally-enacted rules (e.g., crime)

    well anyway, buti naman at nalampasan mo yang "so called" depression mo..

    be positive na lang. let this be a lesson for you :)

    ReplyDelete
  16. naranasan ko na rin yan minsan... un bang di mo na rin alam ang gagawin mo... o parang depress ka na ....

    Ang mahalaga okay ka na ngayon... at nalalampasan mo lahat ^_^

    Thanks for vising my blog.... follower mo ako ^_^

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...