Ang tao nga naman talaga ay tao lang! kung ano ang nakikita, yon na kagad ang nakatatak sa isip. Hindi ko personality ang magpretend dahil yon ang gusto ng ibang tao or majority reasons eh dahil kailangan dahil isang image ng babae ako. It is been an issue sa ibang tao kung ano ako, they will always have that judgment na “tomboy” or a “bisexual’ and the like, whatever it is, IT’S NOT!! I am straight yon ang alam ko sa pagkatao ko!!
Almost all of the people who will look at me will directly judge me kung ano ako at sino ako (putah dibah!!) dahil sa kilos ko na boyish then hinuhusgaan ka na kagad!! I grew up with my dad because my mom was so busy sa career niya, my childhood was with my dad, kung ano ang laro ng panlalaki yon din ang nilalaro ko syempre alangan naman maglalaro ng barbie yong tatay ko diba? Definitely, marbles, kite, sipa bola and yong laro ng mga batang lalaki yon ang nagagawa ko noon.
Ngayon na super grown up na ako, I am labeled and judged na “tomboy” dahil lang sa kilos ko. It is not my fault naman siguro na ganito ako gumalaw, magsalita na parang lagi akong galit (LOL). Ang masasabi ko lang wala naman akong any relationship ever with the same sex, at hindi rin naman ako nagkakagusto sa same sex so how can that be? Diba?! hindi ko rin naman masabi na confused ako kasi alam ko naman ano ang gusto ko (hmmm...) at ano/saan ako maging masaya (LOL)
I have been into relationships pero hindi lang talaga nagwowork dahil mas dominant ako at ayoko kasi sa lalaki na ako pa ang magtuturo kung ano ang dapat gawin at I don’t want that he is learning from me but gusto ko I am learning something from him. Kaya malamang walang tumagal!! (hahaha)
Mas kilala ko ang sarili ko higit kanino pa man and this is the time I am confident enough to bring up issues like this kasi isa lang ang masabi ko “handa na akong isiwalat ang buhay ko dito!!” (hahaha may ganong balak talaga!!) I just really don’t understand people, madami akong kilala nga nagdadamit sobrang sexy pero kasama nila sa bahay eh isang “bisexual” tapos ako na nagdadamit lang ng t-shirt, pants at sneakers napagkakamalan ng tomboy!! Ano ba namang buhay to diba!! Ang tao nga naman!!!
Hindi naman porket 2012 na ngayon eh magdamit ako ayon sa gusto ng ibang tao para lang hindi ako mahusgahan!! I don’t think I need to please everybody, medyo tumanda na ako ng konti ata sa pagtatanggol sa sarili ko sa ibang tao dahil lang sa kilos ko kaya this time gaya ng dati, keber!!! Mamatay nalang sa inggit kung ako ay may future pang makapag-asawa!! (hahaha)
Medyo hindi ako sa women’s department, hindi rin naman sa men’s siguro pwede na sa akin ang unisex department kung meron man!! Dahil katawan babae ako pero ang mga damit ko ay simply lang, tshirt, pants at sneakers!! Basta ang alam ko straight ako kahit ano pang sabihin ng ibang tao, nagkataon lang talaga na yong kilos ko eh mas macho pa sa ibang nagmamacho-machohan!! (hahaha)
Ay naku, relate!
ReplyDeleteLumaki rin ako na napapalibutan ng pamilya at kamag-anak na halos puro lalaki. Lumaki na medyo boyish yung kilos..
Yaen mo na.. ganun talaga ang mga tao. Ganun din ako minsan, mabilis magpass ng judgement. Tao din ako eh. LOL..
GV lang.. Smile. You can never please anybody. Kaya yaen mo na. :)
You don't have to explain yourself to anyone. Just be yourself. Yung mga tao na nanghuhusga sa iyo, mga walang kwenta. Di dapat pinagkakaabalahan. Although siyempre di mo maaalis na affected ka kung ano ang maririnig mo. Just be confident of who you are.
ReplyDeleteI know severa women who are close to me, na para sa akin ay parang lalaki kung mag-isip pero babaeng-babae sila.
Yung pinakamalambing at pinakamalapit sa akin na inaanak ko ay kapareho mo magdamit. Minsan nga naka-fatigue pa siya. Pero babae siya sa puso. Strong lang.
Kaya wag ka mag-alala. Di ka nag-iisa.
magpakatotoo ka kung ano ka man.....wala silang pakialam kasi buhay mo iyan.....hindi naman sila ang nagpapakain sa iyo,hehe...
ReplyDeleteMeron akong isang line na nabasa noon sa internet na natawa ako. Isang bakla ang nagsabi nito "They would tell me to be myself, after that they will judge me." Nakakalungkot nga naman.. hayaan mo lang ang mga mapanghusga.. Ang importante di ka nang aapak ng kapwa mo.. Happy new year po.
ReplyDelete