Tuesday, January 10, 2012

The very first morning of SENDONG


7:00 am – I woke up and prepare myself to go to school for a party for the children of Cala-cala, macasandig (totally wash out area) and Singapore, balulang. My mind was already set that we will have a party that Saturday morning.

I wasn’t able to sleep well that night because walang kuryente.

Around 8:00 am – I am on my way to school, as I pass along the Capistrano st. I have seen people walking na puro putik, ang iba naman nakaupo sa corner ng daan, magkasama ang buong pamilya. A part of the street going down (isla delta) makikita mo yong putik na hanggang tuhod, so I said to myself that moment na normal lang yon since lagi ko naman naririnig na nagkakaron ng baha in the area.

Pagkadating ko sa school mga 8:30 na ata yon, nakiramdam ako at lahat ng tao wala kang Makita na nakasmile, lahat parang nagpapanic. So I went to our department at ayon doon ko nalaman na may masamang nangyari sa city.

Mga 1 am pala non – I received a text from a classmate ang sabi niya “grabeh yong baha sa bridge” dahil hindi ako comfortable that night kasi nga walang kuryente, I just ignore his text.

Busy lahat ng tao sa school, syempre yong party definitely wala na dahil nga na-wash out yong area, ang party sana naming that morning eh yong mga bata na nakatira sa cala-cala. Dahil nasa social work program ako (I am studying social work currently) nagging busy kami with the immediate needs of the victims.

Mga 10:00 in the morning na siguro yon when I and my friends/classmates decided to look for a food kasi wala pa kaming kain (nag-expect kasi kami sa party), lahat tindahan around the school premises WALANG RICE, even Jollibee at that time near our school SARADO. Ikot kami ng ikot, nagtanong kami sa mga tindahan bakit naubosan ng rice, sabi nila most of the people ONLY BUY RICE at that time. I felt the scarcity of food and water din that morning at lahat ng tindahan laging may nakapila, unusual yong ganon sa ordinary days lang.

Mafefeel mo talaga yong gutom ng mga tao, uhaw sa tubig at yong grief nila over to their loved ones na nawala at missing pa yong iba. Yong oras parang ang bilis-bilis at that time, lahat naghahanap saan na yong mga kapamilya nila, kamag-anak, sa piling daan may Makita kang patay na tinakpan lang ng kumot nag-aantay ng kamag-anak para kunin. It was the worst, sad morning I felt in my whole life.
i don't own this pic. i just got this from google.

I don’t know how to react, how I can help the victims, how can I comfort them either. In the afternoon, ng magbukas na ang Jollibee, we hurried and charged our cellphones for communication. Kahit Jollibee naubusan din ng pagkain, basta ang natandaan ko lang na natira sa kanila that time is yong spaghetti at kahit water ubos na ren.

Late in the afternoon, almost mag-gabi na we went to west city central to delivered food for the victims (yong luto na talaga ready to eat na) and after sumama kami sa cosmopolitan funeral homes kasi yong kasama namin (isang madre) may dinalaw sa funeral home at doon nakita ko ang mga pamilya na naka-abang dahil nawawala yong kamag-anak nila at nagbabakasakali na Makita man lang nila yong bangkay.

It was a long day for me. Actually in between madami pa akong hindi naikwento, isusunod ko nalang. The whole night, hindi ako nakatulog. Sa totoo lang, I was really bothered kahit sino naman siguro. Wala man akong kamag-anak na nagging victim sa sendong pero as a citizen, I couldn’t imagine how they survived that catastrophe. Paulit-ulit nasa utak ko “what if sa akin or sa amin nangyari yon” ano kaya ang gagawin ko, mabubuhay pa kaya ako? (sad)

3 comments:

  1. I know how you feel. Taga.san ka ba? Iligan o Cagayan?

    Nasa Iligan ako at maski na di tlga maxado mataas ang baha sa boarding house, ang hirap mag.hanap ng pagkain sa morning.

    ReplyDelete
  2. sa cagayan de oro ako. until now mabaho pa rin yong mga area na totally washed out.

    ReplyDelete
  3. I can't get over until now of what happened during the flood. :( Even if I'm not one of those victims, I can feel the sadness here in Iligan. I hope I can visit also CDO. :(

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...