
It’s January 2 and yeah it’s still January 2, unang pasok sa trabaho sa taong 2013. Habang nagbabasa ako ng blog sa mga kaibigan, bang! Beng! Feeng! It reminds me of something that like I always said na dapat hindi na maremember at isipin! Hahaha kahit anong tawa ko promise, the pain is still inside me. Charos! Totoo. Walang biro, seryos na ako! Hihihi akalain mo, sometimes you see yourself sa ibang tao, there are emotions you cannot express dahil kailangan itago pero others helped you to take that out. So ito na nga! Kakayanin ko ito! Hehehe nadala ako sa aking emosyon! hahaha simpleng inggitera ang emosyon ko!
Gaya ng sabi ko, matapang ako, I have a strong personality pero tambling din ako sa taong ito, lahat alam, lahat pwedi and walang keme, pati amoy ng utot alam! Pwedi akong sumigaw na hindi ako babarahin, aawayin siya at susuyoin ako, pweding saktan physically kapag gusto ko lol (wag berdeh isip haha) lahat may katapusan, even if I wanted it still, hindi na talaga pwedi. There are moments now I am tempted to check his status, kung ano na nangyari sa buhay niya pero natatakot ako, hindi ko alam anong takot ito, takot masaktan? Mainggit dahil he is happy? Or he finally found someone kung saan mas nakita niyang mas happy siya doon? Wala, basta malalim na hininga lang ang kaya kong gawin kapag ito ay napapagusapan. Gusto kong tumawa ngayon pero naiiyak na ako! Charos!! Kailangan tulongan ang sarili! As in now na talaga!
sabi nga ni tonio sa kanyang entry, may 3 month rule moving period, ako heller! Kumusta naman! Anong oras at petsa na! sa stages of grieving nasa acceptance na ako pero takot pa rin akong malaman ano na ang nangyari sa kanya. hindi ko na ito babalakin pa siguro. roowtts!! ang iba’t ibang teknik naman sa sex life ang sabi ni jonDmur, at sinabit ko siya dito dahil lahat ng sinabi niya doon ay totoo at dahil doon, naaalala ko ang mga kalokohan namin kapag napagusapan ang mga illegal na bagay! Hahaha peteks! Kumusta naman ako ngayon! Hindi ako bitter, totoo yan pero I just simply missed him! Nakakamatay na ha! Hahaha
basta iibahin ko ang taong 2013, bagong perspective sa buhay at aabotin ang mga pangarap! Ganyan! Kahit sinasabi ng lahat na kung may nawala, may darating na mas higit pa sa kanya, asan na?! hahana I’m too busy sa buhay ko ngayon para isipin ang mga ganito, pero dahil hindi pa pasukan sa school, kaya ito emote ng emote! Haha cyber attack batok at tadyak kay Antonio at jonDmur!
