Para akong tanga while listening to my deviance class kasi sa totoo lang hindi naman natin malalaman na deviant na tayo if mismong word na yan hindi nag-eexists sa daily life natin. Shet! Haha yon ang stand ko lagi to myself that since now ko lang nalaman ang term ng deviant or deviance (meaning nito eh beyond norms, beyond normal na action sa isang tao) nakikita ko na ang pagiging deviant ko! Potah! Hahaha this is where I learned to accept my whole being (may genun talaga) kasi sa totoo lang in denial kasi ako sa lahat ng nararamdaman ko kahit sobrang hurt na aki!! Kebs pa rin!! Pero malambot pa ako sa mammon pag di na keri!! Haha
Ito na ang kwento ko at ikarir kong ichismis ang buhay ko sa inyo. Sinabi ko sa last post ko na dumaan ako sa isang depression na hindi ko alam depression na pala yon! Hahaha shet talaga!! Kahapon sa klase ko yon ang pinagusapan at pinag-aralan, ako keep quiet lang kasi tinatamaan ako sa pinagsasabi ng teacher ko about sa depression, kebs lang muna ako, gusto kong tumawa man sa sarili ko kasi wala akong kamalay malay na ang pinagdaanan ko eh sobrang depression na pala yon noon. Good thing because I learned it, I just laughed about it now and I accepted it.
I got depressed kasi I stopped schooling noon for 1 semester and I feel like nadisappoint ko ang parents ko. Hindi naman ako nalulong sa druga no, hindi rin naman sa love life pero yong hiya sa sarili, sa ibang tao at sa pamilya. Wala lang akong gana magaral noon kasi madaming problema na dumating, hindi ko kinaya paano ko harapin, mahina ang loob ko at wala akong laban kahit gusto ko mang lumaban parang helpless na helpless ako. Normal lang nagagalit ang magulang pero sa mga pagkakataong yon hindi ko alam bakit ganon ang naging reaction ko, sa sobrang hiya ko nagkulong ako sa kwarto.
At ito ang naging routine ko sa araw2x na yon.
Sa umaga late akong gumising, I am waiting for my parents to leave for office and my sister to go to school. buong umaga nasa kwarto lang ako, sa hapon nasa garahe lang ako at nagiisip at nakatingin sa langit, wala akong kausap, hindi ako nakikipagusap sa kahit sino, wala akong outlet. Feeling ko wala na akong kinabukasan at wala na akong silbi. Pagdating ng 5pm pasok na naman ako ulit sa kwarto kasi parating na sila galing work, hindi ako kakain buong gabi, kinaumagahan na ako kakain pag wala na naman sila. Yong kwarto ko ayoko ng ilaw, gusto ko madilim lang.
Ngayon ko lang narealize na na-depressed na pala ako noon kasi halos 2 months yon na ganon ang naging buhay ko, wala akong kausap at wala akong mapuntahan, hindi pa uso ang blogging noon kaya hindi ko naisip iladlad ang sarili ko dito. Lels. Natatawa ako ngayon nalang kasi nalagpasan ko ang stage na yon at nagawa kong ibangon ulit ang sarili ko kahit until now alam kong may sayad pa rin ang utak ko paminsan minsan, keri nalang!!
Salamat sa social work na kors dahil sayo naging tao na ako!! Hahaha nakakapagfunction na ako ng mabuti sa ibang tao at para sa sarili ko!! Haha debaterya!!