Warning: wag basahin sa gabi or masyadong tahimik ang paligid.
Kailang nangyari: basta Wednesday I can’t recall the exact date and last year pa ito.
Bakit ko na-ipost ito: naalala ko lang naman.
Isa ito sa kwentong totoo ng buhay ko na kahit sino hindi maniniwala pero nangyayari, kahit ako kala ko joke lang si Ma’am P.
Bagong instructor si Ma’am P last sem (1st sem) iba ang aura niya, parang laging mabigat ang kanyang dinadala. Simpleh lang naman si ma’am, hindi nga mahilig mag-make up. Nasa 50’s pa siguro si ma’am.
Kwento ng kwento lang sa mga buhay-buhay sa mga dumating na araw.
This Wednesday I’ve been telling, hindi ako under sa class niya but pumasok ako kasi nag-sit in lang ako naman ako para matuto at may kailangan din kasi akong iconfirm sa kanya na sasama ako sa isang outreach program sa kanilang lugar (zamboanga city).
Napasarap ang kwento namin ni ma’am about sa buhay-buhay, sa school, ano ang meron sa school na pinasukan ko, mga review ganyan lang naman. Dahil napasarap ang kwento she said na sa labas lang kami magusap dahil maingay sa classroom, nagdidiscuss ang mga students about sa outreach na yon.
So nasa labas kami ng classroom…
Mga 30 mins after kaming nagkwentohan biglang nagring ang celphone ko, my sister was calling me pala. So sinagot ko naman sa harap ni ma’am p. Biglang narinig ko ang kapatid ko na (umiiyak ng bongga) “ATEH, TULONG KASI SOBRA NA SILA!!! Hinahanap nila ang benefits ni mommy!!!” At biglang nagstop talaga ang world ko dahil nasa school ako at wala akong magawa to rescue my sister, alam kong may naririnig na naman syang hindi maganda galing sa mga pinsan namin. Nanginginig ako that moment dahil gusto ko sapakin isa-isa yong mga pinsan ko.
Pagkatapos ng call na yon, Ma’am P. said, “may problema kayo!” and I told her “yes I think so ma’am, that’s my sister!” and ang sabi ni ma’am P. “there’s a woman behind you, kanina pa yan nakatayo at nakinig sa ating usapan! Lumingon ako and dagdag ni ma’am P. na “she looks like you” and sabi ko “ma’am wag magjoke! Kasi patay na ang mama ko at siya lang ang kamukha ko!” she said seriously na “nasa likod siya kanina pa, nakangiti naman siya binabantayan ka niya!” and biglang tumulo luha ko talaga kasi alam ko mama ko yon eh, alam ko rin that moment when my sister called me, kailangan talaga ng kapatid ko na ipagtanggol ko siya. sa oras na iyon ang sabi ko sa sarili ko "TANG INA SI MA'AM TOTOO PALA ANG KANYANG 3rd EYE!!!!" (may usapan na kasing may 3rd eye si ma'am at hindi naman alam ni ma'am p. na patay na ang mama ko)
That moment, I was in hurry to leave. Ma’am p. offered that she will pray for me, we prayed together and I gained that confidence na matagal ko na sanang ginawa sa mga pinsan ko. Ang moment na yon, na sinabi ni ma’am p. na nasa likod ang mama ko, at she prayed for me, I left na malakas ang loob ko harapin ang pinsan kong malakas makapanlait at manghusga.
I left the school and I called my cousin, war na war talaga sa celpon kasi sumisigaw na ako sa galit ko, simpleh lang naman ang sinabi ko “bakit kayo ang naghahanap ng benefits ng mama ko, we don’t even care for that anymore because we have a situation pa and hindi naman kayo anak to look for that, whatever obligation we have sa hospital, amin na iyon, responsibility na namin yon! Ang hirap sa inyo kasi mga swapang kayo!” mura to the max at nanginginig talaga yong kamay ko, boses ko at paa ko sa galit that time. Hindi pa ako actually nacontento talaga. Tinawag ko ang pinsan ko para harapin ako. Ayaw niyang pumunta sa bahay instead nagpunta sa isang kapatid ng mama ko, doon kami nagmeet.
Boom! Bang!!! Sumabog talaga ako sa galit!!! The best I know na sinabi ko sa kanya was “kung sinasabi mong nakarma kami dahil kami ang pamilyang tinitingala niyo at nalugmok kami, have you heard of yourself? Kami ba talaga ang nakarma o kayo? Hindi ka pa pinanganak, may karma na ang pamilya niyo dahil tatlo ang kabit ng tatay mo at hindi naitago yan sa inyo!! Wag niyo kaming idamay sa pagiging ampalaya niyo sa buhay niyo dahil may buhay din kami na amin lang!!!” ang dami kong sinabi na matagal ko na sanang ginawa talaga!!! I swear pero nagtimpi ako dahil ayaw ko magkagulo ang mga uncle at auntie ko lalo na magworry yong mama ko.
Sa lahat ng mga usapan na kasali ang emosyon, umiiyak ako, hindi ako makapagsalita pero sa moment na nagkaron ng confrontation, WALA, WALA AKONG LUHA!!! Ang tapang ko!!! Sabi nga ng kapatid ko, para akong nanay ko dahil kung magsalita, direct to the point at nakaka samurai yong dila ko! Punong puno talaga ako sa araw na yon.
Siguro kung hindi dahil kay ma’am p. hindi ko magawa ang pagkakataong yon! Siguro yon ang naghudyat sa akin na gawin ko na ang confrontation na yon dahil yon na ang tamang pagkakataon kong sumabog! Mula sa araw na iyon, nareconcile ang relationship namin magpipinsan, at dahil doon hindi na nila kami minamaliit at natapos din ang bayangan ng mga magpipinsan, ang relationship din ng mga tita at tito ko naayos rin. MINSAN ok ang confrontation sa tamang paraan.
Pero para sa’yo ma’am P. hindi ko talaga makalimutan ang moment na binigyan mo ako ng Goosebumps.
P.S.
Pasensya muna kayo hindi ako nakapagreply sa mga comments at hindi ako nakadalaw sa inyong mga bahay, busy lang talaga dahil sa mga requirements at malapit na rin ang midterm. Babawi ako pagnagkaron ako ng time. Salamat sa walang pagod at sawa na dalawin ako dito, napapasaya niyo ako kahit pagod na pagod.
well di ko alam kung matatkot ako ee
ReplyDeletekasi mom mo yun at tuwa pa ko kasi nakabantay siya sayo!
grabe naman mga pinsan mo!
buti na lang atapang mo lala!
pang teleserye ang linya mo! haha
Talagang ganon. MInsan may hangananang pag pasensiya. There is time to be silent and there is time to fight for one's right. Hapy na ok na kayo mag pipinsan.
ReplyDeleteAnyway, ako naman no matter how I love my father, it is enough na napapanaginipan ko sya. Pag nag pakita, it is another story. Baka i rebuke ko in Jesus name. He he.
Good luck sa yong pagaaral and have a peaceful week end.
bookmarked.. balik ako bukas (lol) ^_^
ReplyDeleteGanun daw talaga minsan hanggang kaya mong magtimpi para sa pamilya mo magtitimpi ka pero dadating pa rin yung oras na mapapatid yung pisi ng pasensya mo.
ReplyDeleteLala, sobra pa lang intense ang nangyaring confrontation scene between you and your cousins. Pero at least nailabas mo na lahat ng kinikimkim mong sama ng loob sa kanila and the best pa eh nagka-ayos ayos na rin kayo.
ReplyDeleteGrabe, alam mo love na love ka talaga ni Mama mo. Lagi syang nanjan eh, nakabantay parati :)
God Bless!
go gabriela silang of CDO!!! sorry ka hindi ako madaling matakot... your mom is always around to guide you...
ReplyDeleteAng tapang ah! Pero minsan nangyayari talaga yan. Bigla na lang sumasabog. Kailangan mo kasing ma-express ang sarili mo at maunawaan ka nila....
ReplyDeleteAhh, katakot si Ma'am P. may third eye. May ganyan din akong experience. Yung pinsan ko nakikita sa kabilang kalsada yung lalaking nakatingin sa amin (isang gabi) samantalang di ko makita. Pa-simple na lang daw ako, sabi ng pinsan ko dahil nanlilisik ang mga mata nung maligno. hehe Pero di ko talaga makita. kadiliman lang ang nakita ko that time.
Natakot ako dito T.T
DeleteMuntik ko na di ituloy pagbabasa, kala ko nakakatakot talaga, keri pa nman pala. Ang tapang mo gurl, pero at least ok na kayo ng mga pinsan mo. :)
ReplyDeleteHello po... nakaka mangha nga yung ganyang klaseng intervention ba ang tawag don...
ReplyDeletehehehe... pero yung courage na binigay sayo pambihira..siguro ayaw din ng mom mo na nhihirapan at inaapi kayo..
Gusto ko tuloy ma meet si Maam P hehehehe
Gabi ko binasa eto at natakot ako kahit mama mo yun. Pero sa bandang huli drama pala eto. Tapang mo sis :)
ReplyDeleteThanks for dropping by in my blog <-parang firstime e no? Antagal mo kasing nawala.
ReplyDeleteHindi ko pa nararanasan yung nangyari sayo, I mean yung sinabi ni Maam P. At kung nagkataon, hindi ko alam kung matatakot ako o ewan. Basta.
And ang tapang mo. :) Well ikaw naman yung nasa tama so tama lang na panindigan mo yun. Mejo nagalala lang talaga ako sa malasamurai mong mga wika. ;)
busy nga kasi siya pao kasi she is studying...
Deletehmmm sorry scary naman si maam P anoh ;-S
ReplyDeleteme pagka weird siguro sya. pero anyway, glad to know me lakas loob na nabigay si maam P sau ;-)